Text
Loving you is not easy, For when I say 'I love you', you'll say 'That's cliche', 'Show, don't tell'. But I'll never get tired of saying those words, Until I'm close enough to you To do the 'showing' part.
-Vener Santos
0 notes
Text
Ilumina: Ang Iyong Larawan (Bb. Jean Yutuc)
'Te quiero...', ang una at huling mga katagang narinig ko, matapos buksan ang bintana ng aking silid—sa panunuyo ng buwan—isang gabing kaulayaw ko ang pag-iisa. 'Luna...', namutawi sa mga labing malaon nang tikom, habang tinatanggap ang iyong liwanag—isang paanyaya mula sa limot na balong dati'y paliguan ng mga diwata. Ngayon nga'y basang-basa ako sa iyong liwanag, at muling nagbukal ang tamis ng mga salitang napiit sa loob ng mahabang panahon.
'Te quiero...', wika ko habang pinagmamasdan ang iyong larawan. Talulot ng pulang rosas sa mga patak ng nieve ang iyong mga labi, mga bahaging nawaglit ng ilang mangingibig sa kanilang pagmamadaling marating ka, at layuan ka. Naroon ako, saksi sa bawat pagsuyong kanilang inilalahad. Inaawitan kita mula sa malayo, at tinutunaw ang mga yapak nilang naiwan sa ibabaw ng nieve—isalba ang nawaglit mong bahagi. Pupulutin ko ang talulot, at hahagkan—ang iyong mga labi, sa aking mga labi.
'Te quiero...', minsan pa'y narinig ko, habang nakatingala at naglulunoy sa iyong liwanag. Sinakop ako ng banyagang sensasyon sa paglagos ng iyong liwanag—mga hiblang humabi ng panibagong tula ng pag-ibig.
'Te quiero...', ikaw ang aking liwanag, ang aking buwan, '...musa de mis versos'.
-Vener Santos
1 note
·
View note
Text
Inside Her Shoes
are polished toenails she worked for hours. For she is a woman of art-- The kind who ventures out Under the cover of simplicity. She walked all her life, On roads, even and uneven, Leaving a mark, Her timeless beauty, Footprints-- That every girl must follow-- Her masterpiece.
-Vener Santos
3 notes
·
View notes
Text
She
(my favorite poem written by him)
She is her own castle-- A majestic view admired by men, Whose walls so thick and high Scaled by fearless warriors; Battered by countless life And love struggles, Still stood firm and beautiful. Each battle won an inch taller; Each battle lost an inch thicker. A manifestation of courage From the rubbles-- Her dignity.
3/3/2016
2 notes
·
View notes
Photo

His first poem for me.
0 notes
Text
RIA
Bihira na kita makita mula noong huling pasko nating magkasama, bigla ka nalang naglaho nang hindi man lang nagpasabi sa akin. Nainis ako sa dahil napakasaya natin noong pasko tapos makalipas ng ilang araw ay nawala ka parang bula. Kaya naman ay hinanap kita at sumadya ako sa bahay ninyo ngunit wala ka roon, nakita ko ang kapitbahay nyo at tinanong ko siya kung nasaan kayo ngunit lumipat na raw kayo.
Lalo akong nainis dahil wala akong nagawa upang magkita tayo muli para bang wala na akong pag-asa.
Wala kang Cellphone dahil ayaw ng nanay mo wala ka ring facebook dahil baka hindi ka makapag-aral ng maayos.
Naalala mo pa ba noong pumunta tayo sa SM Megamall, itinakas pa kita sa inyo dahil kapag nakita ako ng nanay mo. Ang saya nating dalawa noon para bang tayong dalawa lang ang tao sa mundo at habang kumakain tayo nakikita ko sa iyong mga labi ang kasiyahan na makita ako. Ganoon din ang aking pakiramdam dahil ilang buwan din tayo di nagkita. At ipinagyabang mo pang may top ka at ako ay tuwang tuwang dahil lagi kang nasa top.
At noong ihahatid na kita sa inyo ay nagtago ako at nakita ko ang nanay mo na galit na galit dahil sumama ka na naman daw sa akin at sinabi pa niya na wag ka na raw muling lalapit sa akin.
Ngunit hindi nila tayo mapipigilan kahit anong mangyari mahal na mahak kita, kahit marami akong kamalian sa buhay.
Naalala mo pa ba noong binisita ko ang inyong paaralan dahil niyaya mo ako na manuod ng iyong pagtatanghal sa entablado. Habang pinapanood ko ang bawat galaw mo ay siya namang palakpak ng aking kamay dahil sa iyong magiliw na galaw may gusto sana akong isigaw ngunit baka magalit ang iyong nanay na nasa harapan.
Noong tapos na iyong pagsayaw agad akong umalis dahil natatakot akong makita ang iyong nanay at kung ano pa ang gawin sa atin. Naalala ko tuloy ang huling pasko nating dalawa na magkasama, ito ang pinakamasayang sandal n gating buhay. Isinama kita sa Luneta at ipinasyal doon, kahit anong ituro mo ay aking binibili, kahit na yung pinakamahal mong itinuro ay aking ibinili. Masayang-masaya tayong dalawa walang kumukontra sa atin noong mga oras na iyon, lalo pa akong naging masaya noong tinawag mo akong “PAPA” napaiyak ako dahil unang beses mo palang iyon sinambit sa akin. Walang humpay na kasiyahan ang aking nadarama noong oras na iyon, sana ay hindi na tayo magkahiwalay, mahal na mahal kita aking anak at kahit ano pa ang sabihin nila sa akin dahil hindi naging maganda ang pag-iibigan ng iyong nanay.
Tandaan mo lagi aking anak na nandito lang lagi ako sa tabi mo at susuportahan kita sa kahit anong gusto mo, kung pwede nga lang kitang kunin sa iyong nanay ay matagal ko nang ginawa at kung darating man ang pagkakataong iyon ay nakapaghanda na ako ng iyong pagpapaaral hanggang kolehiyo sapat pa ito para sa kahit anong unibersidad na gusto mo.
Mahal na mahal ka ng iyong ama Ria sana naman ay muli tayong magkita.
-Ranel Borja
2 notes
·
View notes