indablabbiedabs-blog
indablabbiedabs-blog
Anthony's Blog
3 posts
Manunugtog
Don't wanna be here? Send us removal request.
indablabbiedabs-blog · 5 years ago
Text
Ang Totoong Buhay
Tumblr media
lahat talaga ay masaya lang sa umpisa, pero pag umabot na tayo sa panahon ng kasawaan dahil sa paulit-ulit na takbo ng araw-araw, hindi na natin namamalayan na nawawalan na pala talaga tayo ng amor sa bagay na dating minamahal at niyayakap-yakap natin. halos lahat na ata ng emosiyon ay naramdaman ko na. saya, lungkot, inis, pati na rin ang ma-inlove. isang bagsakan, walang preno.. dito na pumapasok yung kailangan ko nang mag desisyon kung susundin ko ba yung isip ko o yung nararamdaman ko.. Na kahit mahirap na, pinili ko pa rin yung tama, at yun ay ang ipag-patuloy ang aking pag-aaral. kahit alam kong meron pa rin parte saakin ang musika, kahit alam kong halos kalahati na ng buhay ko ang iginugol ko rito, handa ko itong isakripisyo para sa magandang hinahanarap na nag aabang saakin.
0 notes
indablabbiedabs-blog · 5 years ago
Text
MAMA
Hindi naman sa pag mamayabang, pero isang glee club professor noon ang aking mahal na ina sa immaculate conception cubao. siya ang unang nagturo saakin na mahalin ang musika, hindi niya ako pinilit dahil kusa ko din naman agad itong niyakap. siya ang pinaka iniidolo ko pagdating sa pagtugtog, siya yung taong nandiyan para mahalin ko ang mga bagay na hindi kamahal-mahal saakin.
0 notes
indablabbiedabs-blog · 5 years ago
Text
Buhay Banda
Paano nga ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ano ba ang mga bagay na nag bigay saakin ng inspirasyon? ano ang mga aral na natutunan ko at mga desisyong hinarap ko noong nag babanda pa ako? dito nga ba talaga ako nabibilang? o isa lamang itong karanasan.
1 note · View note