At ang tula ay ang pag-ibigAt ang pag-ibig ay ang makata...
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo




For this season, always remember seclusion, humility, and sacrifice.
1 note
·
View note
Photo


I'm with your nothingness in every shadow at the beach.
0 notes
Photo

Mahirap umibig ng isang makata Mahirap umibig ng isang makata Dahil gagawin niyang metapora ang iyong mga mata At ikukumpara sa hindi mabilang na mga tala Habang nananalangin at nakatingala Sa kalangitang walang ulap at alitaptap. Isusulat niya ang iyong mga ngiti Sa pamamagitan ng pagguhit sa mga bituin At itatanyag kasama ang mga konstelasyon, Upang kahit lumipas man ang libong buwan at taon Hindi pa rin malilimutan ng nag-aagaw buhay na gabi Ang anyo at kurba ng iyong labi. Mahirap umibig ng isang makata, Dahil gagawin ka niyang walang kamatayan, Mapapagod humimig ang mga kuliglig At mauubos ang luha ng sangkalupaan Pero hindi siya mapapagod isulat ka nang paulit-ulit (Hindi siya mapapagod isulat ka nang paulit-ulit) Para maiparating nang palihim Sa buong sanlibutan Ang kanyang walang hanggang pagmamahal. Mahirap umibig ng isang makata Dahil lulunurin niya ang ilog, dagat at karagatan Sa lalim ng kanyang isinusulat At wala kang magagawa Kapag narinig mo na ang piyesa kundi lumangoy sa bawat letra, Suminghap sa bawat pantig, Magpatangay sa bawat tugma, Magpakalunod sa bawat taludtod magpakalulong sa bawat tula Ang tulang pag-ibig At ang pag-ibig ng makata. Pero pinakamahirap umibig ng isang makata Dahil hindi para sayo ang tula Hindi ikaw ang tula hindi ikaw ang pag-ibig Dahil hindi ikaw ang isinusulat ng makata.
2 notes
·
View notes
Photo



Walong dahilan kung bakit kailangan panoorin ang Janus Silang At Ang Tiyanak ng Tabon (Review ng isang nakapagbasa bago mapanood ang pagtatanghal ng TA): Una, ang TALA ONLINE. Mamangha sa pagsasanib ng modernong teknolohiya at ng mayamang mitolohiya ng Pilipinas. Kung interesado ka sa mitolohiya ng ibang bansa at mahilig sa computer games, lalo kang maeexcite dahil sariling atin 'to. Pangalawa, ADAPTASYON ng Tanghalang Ateneo, hindi ka makukulangan sa adaptasyon(lalo na kung katulad kitang nabasa na ang libro bago nakapanood) ng TA. Sobrang galing ng pacing, build-up at pagsasaayos kung paano mapapakita ang history ng bawat karakter. Pangatlo, makinis ang transisyon ng mga eksena. Hindi mo aakalaing ang isang aktor ay gaganap ng dalawa o higit pang karakter. Pang-apat, lights, music and sounds. Isa ito sa mga dahilan kung bakit epektibo ang pagpapadama ng emosyon sa mga tagapanood. Kikilabutan ka sa pula, gugulatin ka sa puti, ipaparamdam sayo ang pinapakitang emosyon ng mga aktor. Panglima, mga props and costume. Nagamit nang husto ang mga props, tinulungang maging matalino ang mga tagapanood at maging malikhain. Akma rin ang kulay ng mga kasuotan ng bawat karakter upang hindi matabunan ng mga ekstra ang bida. Kaabang-abang din ang mga nilalang ng dilim. 😀 Pang-anim, ang mga aktor. Propesyonal. Isinabuhay ang mga katauhan sa libro na parang naiintindihan nila mismo ang nararamdaman at iniisip ng mga karakter. Lalo na sina, Harold, Nanay at Tayay ni Janus, Juno, Maam Dimalinta, at Bungisngis(kahit wala siyang linya). Saludo rin ako sa mga choreography para sa epektib na naratib. Pangpito, ang mismong plot at twists ng kwento. Basahin ang mga libro at panoorin ang pagtatanghal ng libro para ma-experience ang thrill na naramdaman namin! Pangwalo at huling dahilan, mula libro patungo sa Teatro at TV! Mauunahan mo ang buong Pilipinas na mangilabot, matuwa at mapanood ang kwento ni Janus na ipapalabas na rin sa ABS-CBN. Congrats sa lahat ng bumubuo ng Tanghalang Ateneo at kay sir Edgar Calabia Samar, salamat po sa pabirthday! Sulit ang maulang byahe mula Balanga, Bataan papuntang Katipunan. :D
3 notes
·
View notes
Photo










Did you know that, aside from being an engineer, I also hoped to be a pediatrician. :)
0 notes
Photo










Hinihintay na tayo ng isla Hinihintay na tayo ng isla Na tawirin ang malawak Nguni't mapang-akit na dagat, sasabayan natin ang paghampas ng mga alon At makikipagsayaw sa hangin ng dapithapon Habang pinagmamasdan ko ang buhok mo Na tila isang mahika o hipnotismo- Humahatak patungo sayo... Patungo sa islang hinihintay na tayo. Marahan kong iaapak ang mga paang nasasabik Sa islang hinihintay ang ating paghalik.. Ang ating hubad na talampakan Sa makasaysayang dalampasigan, Ang magkasama nating kahapon Sa islang iniwan ng panahon, At ang paglapat ng labi mo sa labi ko... Doon sa islang hinihintay na tayo. Saksi ang bawat gumuhong gusali Sa mga kaluluwang nagsakripisyo at nasawi, Ibubulong ng mga matatabil na puno Ang salaysay mga naglakbay na puso, At iuukit sa bawat piraso ng bato ang nabuong kwento ng "ikaw at ako" doon sa islang hinihintay na tayo.
#tula#tagalog#poetry#traveller#travel#island#poets on tumblr#prose poetry#sea#philippines#corregidor
4 notes
·
View notes
Photo
HINIHINTAY NA TAYO NG ISLA
1 note
·
View note
Photo

Siguro isa sa pinakasasabikan kong marinig mula sa sarili na alam kong hanggang sa pagkasabik na lamang ay ang, "Nay! *insert achievement here." - 11/01/16
3 notes
·
View notes
Photo










Kung iiwan mo ako, iwan mo ako sa dalampasigan ng Baler kung saan sabay nating tinanaw ang unang sinag ng nangungulilang araw. Nang sa gayo'y kung iiwanan mo ako, may hahalik pa ring init sa'king labi na makalilimot nang ngumiti. Kung iiwan mo ako, iwan mo ako sa dalampasigan ng Baler kung saan hindi napapagod ang mga alon na tangayin ang mga alaalang sabay nating tinahak pero sa bandang huli'y iyong lilimutin. Nang sa gayo'y kung iiwanan mo ako, ang Pasipiko na lamang ang magpapakalunod sa mga alaalang lilisanin mo. Kung iiwan mo ako, iwan mo ako sa dalampasigan ng Baler kung saan isang karagatan ang pagitan ng mundo at sa tinatawag nating “tayo”. Nang sa gayo’y kung iiwan mo ako, Isang karagatan din ang pipigil sa akin na buuin Ang mga salitang “ikaw at ako”. At Kung iiwan mo ako, iwan mo ako sa dalampasigan ng Baler kung saan nilalambing ng buhangin ang mga paa nating pagod na sa paglalakbay at paghiling. Nang sa gayo'y kung iiwan mo ako, hindi na ko muling maghahanap sa mga piraso ng pusong iniwan mo... Kung iiwan mo ako.
17 notes
·
View notes