Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
An eyeopener for everyone...
A Reaction Paper to Rule of Law: The Lamp That Illuminates by Elai
“No man is above the law and no man is below it; nor do we ask any man’s permission when we require him to obey it. Obedience to the law is demanded as a right; not asked as a favor.” (Roosevelt, 1903)
Between the lines of the essay, one thing has come to my mind. Does the role that the rule of law which has to play in the development of our nations’ affairs truly serves the nation or the personal interests of the politicians?
According to the book of De Leon, law means “any rule of action or any system of uniformity.” This means that if the purpose of the law is to have uniformity, then it is also next to equity. But in the larger context, it seems that there are loopholes one could find with the way the law plays in our society. Because when it comes to justice, there is a big gap between the ruling class and the oppressed class. In this sense, it seems to me that in the inevitable reality, Art. 3, Civil Code, “Ignorance of the law excuses no one from compliance therewith” does not suffice. It should be together with the knowledgeable. Because, at times, even knowledgeable including the lawmaker, is the number one rule breaker.
“… In order for this nation to move forward, the service of justice to whomever it is due should be the primordial task of any person who claims to be a public administrator.”
In relation to the current situation we are facing due to COVID-19 outbreak, it seems that the elected government officials have failed as a public servant. A good example is the mass testing for coronavirus. As the nation struggles with a severe lack of test kits together with the increasing number of positive cases, it happens that there were officials who requested to have “VIP testing.” Honestly, I was fully aware that there is an anomaly with our society, specifically and most especially, with our government. And what the nation is facing in the present is a strong evidence to prove this. Given the fact, I was dismayed by how the power of the elitists gives a special treatment to people who are less in need and takes the opportunity away from those who are worthy to receive a scanty privilege in a hope to save themselves. Because of this, I was thinking, maybe Lumbera has already stated the fact when he says that wealth and property measures the distinction of men in the society. Because if not, why do Israel Bactol, a doctor, died from coronavirus before he was able to receive his test result while at least two dozen of politicians and public officials together with their relatives were tested despite showing no symptoms of coronavirus? What was even more disappointing was that the Supreme Court justice, who should have been an exemplary when it comes to bringing equality upon the public, belongs to the said list.
“If you are not enraged, then you are not informed.” I strongly agree to this. Because if you are truly aware with what is happening with our country, you will be filled by intense anger. Merely because, there is a big demarcation line between the upper class and the lower class. In these abnormal times, everything is in favor with the rich, including the law. It is true that instances such as these serve as an eye-opener to those who are blind enough to see the inequality that is happening in our society. Inequalities that were set by the ruling class in favor to them similar to how the laws of the Enhanced Community Quarantine applies to only the poor and the powerless.
“Forgiveness in the guise of a political strategy is nothing but hypocrisy.”
As per RA 11332 known as the “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act,” patients who have a positive test result with COVID-19 or persons under investigations (PUI) who declines to be confined and quarantined should be liable for criminal offenses. It penalizes the “non-cooperation of persons and entities that should report and/or respond to notifiable diseases or health events of public concern.” And according to the law, the penalty is one to six months of imprisonment or a fine of P20,000 to P50,000, or both, depending on the court. Moreover, the doctrine en flagrante delicto which means “caught in the act,” under the Rules of Criminal Procedure, applies to RA 11332. This indicates that law enforcers will have a ground to arrest without a warrant. But in accordance with Justice Secretary Menardo Guevarra, the warrantless arrest only applies to those who will try or threaten to hurt the enforcing officer physically. In addition to this, DOJ Spokesperson Undersecretary Mark Perete said, “… In times of a health event of a public concern, an unfounded insistence to act in a way that imperils our collective health can be criminally sanctioned.”
This serves as my grounds against the Aquilino Martin de la Llana Pimentel III, also known as Koko Pimentel, who is incumbent as a senator of our nation as he allegedly had a quarantine breach. March 14, 2020, the senator stated that he began experiencing body pains and other symptoms of coronavirus which in turn, after four days, March 18, he developed a fever and experienced slight sore throat, body pain, and diarrhea. Despite of acquiring such symptoms and a quarantine protocol to stay at home as he was person under investigation (PUI), it happened that the senator accompanied his pregnant wife to Makati Medical Center on March 24 as she was due to give birth. For this reason, he exhibits criminal negligence as many healthcare workers’ lives were jeopardized due to having a contact with a person who is positive to the novel coronavirus. But what is more dismaying is the response of Justice Secretary Menardo Guevarra who uttered that “during abnormal times like these, when people are prone to commit mistakes or violations of the law, the DOJ will temper the rigor of the law with HUMAN COMPASSION.”
Human compassion, is that really a sound answer to that kind of negligence? Because if then, then, how about that 69-year-old homeless who was arrested due to sleeping outside during curfew hours? It seems to me that there is discrimination with the implementation of the rules to our country. Because, how could it be called “law” when they do not have uniformity in enforcing it? Does it mean that the law is selective which applies only to the poor and the follower while there is exception to the so-called “leader”? Well, I feel that we are no longer standing on an equal plane and same playing field. And in my opinion, this would not also reflect to the inequality of this society and to the incompetence of the law enforcers but also to the disrespect and infidelity to the power of the law. Before the eyes of the law, the oath that they have vowed few years ago has failed. Furthermore, this act also indicates that as Pimentel was being considered to receive “human compassion,” the value of the role of the rule of law becomes less powerful and it was rotten. Because if it is of utmost power, then, it would suffice the circumstance and will be executed properly and people who were affected and jeopardized due to the criminal negligence would be given a justice that they deserve. Also, the Department of Justice will not have the temerity to even wait for the filing of a proper complaint by any interested party given the fact that they were already aware that he has violated the protocol.
“To all human beings, the denial of justice is a mortal assault on life itself.” (Justice Teehankee)
With this in mind, my response would be, then, how can we make justice possible? As I was pondering, I remember what I have articulated in an essay, “a dull knife when honed becomes sharp.” In relation to this, what I want to convey is that like a dull knife that becomes sharp after it was honed, the role of the rule of law could also be of utmost power (as supposedly, it should be) when the lawmakers and law enforcers enhance the proper and strict enforcement of the law no matter the stature of men. Because if it continues to be dull, then how can life be possible? For an instance, RA 11332 would be sharper if its language was more specific because the words that were used were vague which might lead to confusion of everyone as it was unclear.
As a student of Law on Obligations and Contracts, I do believe that everyone should know the law to avoid negligence because of ignorance. Ignorance of the law is not a valid reason to excuse one from violation. Conversely, the knowledgeable should not also be complacent because law knows no distinction. But last and not the least, lawmakers should not be the first lawbreakers.
As Iskolar ng Bayan, to be honest, at some point, I find it fascinating to see the outraged public because of the responses that were wise, logical and have a strong basis. It seems to me that the society is moving forward as men are aware and educated enough to see the inevitable reality. They are aflame, illuminated, in a way that they recognize what is wrong (the absence of justice and fairness) and they begin to have an idea on how to change the system and how to free the society despite of a hindrance to a new improved nation, not just for the sake of the people in the present but to those who will live in the future.
2 notes
·
View notes
Text
Samahang Bubuwag ng Problema ng Lipunan
Sa bawat bansa sa mundong ating ginagalawan ay umuunlad, ngunit kalakip nito ang mga problemang umuusbong na nagiging sanhi ng paghihirap ng mga mamamayan. Sa paglipas nang panahon nasaksihan nang mga tao ang mga isyu sa lipunan katulad ng pang-aalipin, pagkakaroon ng mga taong kabilang sa “ruling class” na siyang umuusig sa mga mamamayan, pananakop ng mga mauunlad na bansa sa mga bansang pausbong pa lamang, pagnanakaw ng mga ari-arian, pagiging sakim ng mga opisyal ng gobyerno na kinokorakot ang kaban ng bayan at binubulag ang mga mamamayan na bumubuto sa pamamagitan ng mga pangako at matatamis na salitang pumupukaw ng atensyon. Gumagawa ng mga batas na papabor sa kanila at mga kapwa nila makapangyarihan. Pagbubulag-bulagan ng mga opisyal sa mga problema ng bansa at pagiging uto uto sa mga bansang patuloy tayong sinasakop sa pamamagitan ng kapangyarihan at kultura. Pagiging duwag na ipaglaban ang ating soberanya. Kasama na rin ang mga kapitalistang mayayaman at patuloy na yumayaman dahil sa pananamantala sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng mga benepisyo, bonus, at tamang sweldo. Iniisip lamang kung paano nila mas lalong patatabain ang laman ng kanilang mga bangko at dagdagan ng zero ang kanilang pera. At marami pang ibang isyu na patuloy na nagpapahirap sa mga nakararaming tao na sumusunod lamang sa kung anong nangyayari sa lipunan. Ngunit, mayroon at mayroong uusbong na tao na hindi bulag sa mga isyung ito, na siyang magsusulong na buwagin ang mga isyung ito. Pero ang mga ganitong kalaking kondisyon na matagal nang umiiral at hanggang ngayon ay nagpupunyagi pa rin ay hindi kakayanin ng isang tao lamang. Ang pwede niyang gawin ay magmulat pa ng ibang tao na pwede ring bumuwag ditto o kaya ay makakahanap siya ng mga taong may katulad niyang layunin. Ang mga taong may pare-parehas na ideyolohiya ay gumagawa ng isang grupo na kung saan ang layunin nito ay magamot ang kondisyong panlipunan. Ang tawag dito ay Kilusang Panlipunan.
Ang mga Kilusang Panlipunan ay ipinanganak upang masugpo ang mga kamalian na nakikita ng mga taong bumubuo nito sa isang kondisyong panlipunan na umiiral. May mga nabibigong Manalo sa kanilang kinaharap na pakikibaka, ngunit marami rin naman ang nanalo at naisasakatuparan ang kanilang mga layunin. Kung hindi dahil sa mga kilusang panlipunan ay mananatili na lamang at hindi na mabubuwag ang mga bulok na kondisyong panlipunan na nagpapahirap sa mga tao na tinitiis na lamang ang kanilang nararanasan. Dapat natin suportahan ang mga kilusang panlipunan upang mapagtagumpay nila ang kanilang mga layunin, ngunit busisiin din nating ang kanilang mga pinapaglaban kung talagang ito ay para sa ikabubuti ng mga tao at ng ating bayan.
Bilang mamamayan ng bansang ito, sa mga pagkakataon na makakarinig, makakabasa, o makakabasa ng mga bagay patungkol sa mga isyu na kinakaharap ng bayang ito, nawa ay hindi tayo mabulag bulagan at palaging tumatanggap lamang ng mga impormasyon at solusyon, bagkus maging daan tayo upang ipaalam pa ito sa ibang tao na hindi pa ito naririnig o nalalaman upang ang bawat mamamayan sa bansang ito ay maging mulat sa katotohanan at hindi maalipin ng kamangmangan. Huwag tayong pagagapi sa mga problemang kinahaharap ng ating bayan, patuloy lang natin itong mahalin dahil sa huli tayo at tayo pa ring mga nagkakaisang Pilipino na may layuning gabayan ang bansang ito sa kaunlaran at kaginhawaan ang siya lamang magiging tagapagsulong nito.
0 notes
Text
Nag-aaral Para sa Pangarap at Bayan
Nagbabasa, nagsusulat, sumasagot sa mga tanong araw araw sa paaralan para makuha ang gradong mataas na inaasam. Bawat mag-aaral sa ating bansa mula sa elementarya hanggang mataas na paaralan, ay gumigising nang umaga mula lunes hanggang biyernes yung iba, upang maghanda sa pagpasok sa paaralan. Nagrereview sa gabi ng mga napagaralan sa paaralan upang maghanda sa mga pagsususlit at gumagawa ng mga takdang aralin. Kinabukasan ganito muli ang gagawin, uulit ulitin ang ganitong Gawain hanggang sa magkolehiyo. Sa kolehiyo naman, naiba nang kaunti, mas naging mahirap pero katulad noong nagsimula ng pag-aaral na magsususlat, magbabasa, magrereview ay ganoon pa rin ang ginagawa hanggang sa makapagtapos nang pag-aaral at makuha ang “bachelor’s degree” na inaasam. Ito ang sistema nang edukasyon sa ating bansa, binabase ang tinuturo sa mga mag-aaral sa mga libro na itinakda ng Department of Education. Walang masama sa ganitong sistema, ngunit wala rin namang malaking pasulong na pagbabago ang nadudulot nito sa ating bansa.
Napakahalaga nang edukasyon sa ating bansa, na sa isang punto ito ang nagiging pamana nang mga magulang sa kanilang mga anak. Ito ang magiging daan nang mga mag-aaral upang makawala sa gapos nang kahirapan. Kapag nakapagtapos na nang pag-aaral ay hahanap na nang trabaho na makakapagbigay sa kanila nang sapat na kita upang mabuhay ang sarili at pamilya. Mag-aaral, magtatapos, magtatrabaho upang kumita, ito ang nakalakihan nang depinisyon natin sa ating pagiging edukado na makakahon sa hirap, ngunit hindi ba natin naisip na napakamakasarili nang ganitong kaisipan at pangarap? Bakit hindi natin isama ang ating bansa sa ating mga pag-aaral at pinapangarap?
Ang salitang “transform” ay malaki ang pinagkaiba sa salitang “pagbabago”, kagaya nang sinabi ng aming propesor, ang pagbabago ay pwedeng paurong o pasulong, nakakabuti o nakakasama, samantalang ang “transform” naman ay pagbabagong PASULONG, hindi lang basta basta magbabago bagkus babaguhin ang lahat para sa ikabubuti. “Transformative Education”, isang artikulong isinulat ni Antonio Tujan, Jr. na nagsisiwalat nang mga pagsubok at kabulokan ng edukasyon na mayroon tayo ngayon, nagbibigay din ito ng mga maaaring solusyon upang magkaroon ang bansang ito nang “transformative education”. Isa sa mga maling itinuturo sa atin ng edukasyon ay ang paghubog sa atin upang maging empleyado nang mga malalaking korporasyon. Ginagawa din tayong robot na tumatanggap lamang nang mga impormasyon at inilalabas ang mga ito sa pagdating nang pagsusulit. Mga maling sistema na pwedeng mabago sa pamamagitan nang pagkakaroon ng “transformative education”. Isulong ng paaralan ang pagkakaroon nang “social consciousness” ng mga mag-aaral, maibukas sa kanilang kamalayan ang mga totoong nangyayari at isyu sa ating lipunan at bigyan sila nang pagkakataong gamitin ang kanilang kakayahang mag-isip ng mga solusyun para sa mga isyung kinahaharap ng ating bansa. Hindi rin lamang magtatapos dito ang lahat, bagkus dapat maturuan ang mga mag-aaral na maisakatuparan ang mga natutunan at naisip na mga solusyon sa hinaharap. Ang paaralan ay hindi lamang institusyon na tutulong sa mga bata na matuto at mangarap, ito ay dapat maging isang daluyan nang karunungan at bumubuo nang mga mag-aaral na gagamot sa sakit na matagal nang umaalipin sa ating bansa, sakit nang korapsiyon, kahirapan, at iba pang pagpapahirap sa bawat mamamayang Pilipino.
0 notes
Text
Pinanggagalingan ng Manunulat
Ang pagsusulat ay isang instrumento upang mailabas ng taong sumusulat ang kanyang mga saloobin o kaya naman isa itong daan upang sabihin ang mga mga bagay o isyu na gusto niyang isiwalat sa mga mambabasa. Sa pagsususlat, isa itong napakagandang instrument upang maipalaganap ang ating mga ideya, napakalaki nang potensyal na maitatak sa puso at isipan ng mga mambabasa ang bawat ideyang ating ipinakilala sa kanila. Lumipas ang panahon maraming nang mga ideya at saloobin ng mga manunulat ang nailathala, at kasabay nito ang mga manunulat na umusbong na mayroong iba’t ibang paniniwala at pinaninindigan. Isa sa mga dapat nating kilalanin na uri ng mga manunulat ay ang mga Anakpawis.
Anakpawis, ang ibig sabihin ay mga anak ng nasa “laboring class”, mga manggagawa. Kapag ikaw ay galing sa isang pamilya ng mga manggagawa, ibig sabihin nito nakikita mo araw araw ang iyong mga magulang, mga nakakatandang kapatid, iyong kapitbahay, o komunidad na magtrabaho, ng mga mabibigat na gawain na kikita lamang ng maliit na sweldo, upang may ipangtustos sa mga pangangailangan ng buong pamilya. Sa isang mas kahabag habag na sitwasyon, ikaw mismo na nasa murang edad ay nagbabanat na ng buto upang may maipangkain sa sarili o sa mga taong umaasa sa iyo. Ito ang mga sitwasyon na dinanas ng mga manunulat na Anakpawis. Minulat ang kamalayan sa kahirapang dinudulot ng pagiging manggagawa ng mga kapitalistang negosyanteng nagmamay-ari ng mga naglalakihang korporasyon na mas iniisip kung paano kumite kaysa maging isang responsableng mamamayan. Mahirap ang kinagisnan, ngunit hindi nalilimatahan ng kahirapan ang kakayahan nilang maging magalgaling na manunulat. Bagkus ang mga pinagdaanan nilang hirap sa kanilang paglaki ay ang kanilang ibinabahagi sa mga tao sa pamamagitan nang pagsulat. Naging sandata nila ang pluma at papel upang ipamulat sa lahat ng tao ang mga katotohanang nangyayari sa ating lipunan, na hindi nakikita ng ibang tao dahil nalilibang tayo sa ibang mga bagay na binubulag ang ating kamalayan na pang lipunan. Laman nang kanilang mga gawa ay isang paggising sa ating kakayahang makakita muli nang ibang perspektibo, perspektibo ng isang Anakpawis. Ang kanila ring pagsulat ay isa ring pagkilos ng umaasa. Umaasa sa ating mambabasa na hindi lang tayo basta magiging mulat sa katotohanan, bagkus makakaisip tayo ng mga solusyon at gagawin ang mga ito upang magamot ang problema sa lipunan. Kaya dapat huwag nating sayangin ang kanilang paggising at huwag silang biguin, sumagot dapat tayo sa kanilang ginawa at paghingi ng ating atensyon sa mga isyu ng ating bansa. Isa pang padagdag, dapat natin silang pahalagahan at suportahan sa kanilang mga adbokasiya.
Isa itong aral na anuman ang estado mo sa buhay, mayroon kang karapatang magsulat. Hindi lamang ang mga maykaya sa buhay ang may karapatang magsulat, kahit ang pinakakapos sa buhay at nagmula sa isang mahirap na pinanggalingan ay malayang ilabas ang kanilang ideya at saloobin sa pamamagitan nang pagsulat. May isang napakahalagang paalala sa lahat ng manunulat, sa tuwing ikaw ay magsusulat, dapat mayroon kang gustong sabihin sa iyong mambabasa, hindi lamang sumusulat dahil kailangan bagkus ginusto mo ito at may layunin ka sa iyong pagsulat.
0 notes
Text
Kakayahang Pumili na Hindi Malilimitahan ng Kasarian
Ang mga babae ay tinuturing na mahina kaysa lalaki. Ito na ang kinamulatan ng mga tao sa lipunan. Noong unang panahon, hindi pwedeng humawak ng posisyon sa gobyerno ang mga babae dahil ang mga lalaki lamang ang dapat mamuno. Ipinagbawal din dati na mag-aral ang mga babae dahil sila ay kailangang maging maganda lamang upang makahanap ng mapapangasawang may kaya sa buhay at mananatili sa bahay upang mag-alaga ng mga anak at gumawa ng mga gawaing bahay. May pagkakataon pa na walang Karapatan na bumoto ang mga kababaihan sa mga eleksyon at mga kalalakihan lamang ang may karapatang bumoto. Hindi rin malaya ang mga kababaihan na makuha ang propesyon o “career” na gusto nilang tahakin. Kaya ang mga babaeng gustong sumali sa military ay hindi pinapayagan o kaya nung nabigyan na nang pagkakataong makasali ay nakakatanggap naman ng mga diskriminasyon. Ito ang babae “noon”, itinuturing ma mas mababa sa mga kalalakihan sa anumang aspeto sa ating lipunan, ngunit sa paglipas ng panahon, nagkaroon na nang mga pagbabago na pumapabor sa mga kababaihan. Maaari na tumakbo sa kahit na anong posisyon sa gobyerno, may karapatan na tayong mamili na manatili sa bahay upang mag-alaga ng anak o magkaroon ng sariling trabaho upang makatulong sa pamilya. Kaya na rin nating makamtan ang mga titulo o propesyon na pinapangarap natin nang walang tulong mula sa lalaki. Naging “indepent” na nga tayong mga kababaihan, nabuksan ang pag-iisip na pwede nating gawin ang ating gusto kahit gaano ito kabigat o kahirap dahil “babae tayo!” at hindi “babae lamang” at kaya nating tumayo sa sariling mga paa.
Sa pagkakaroon nang mga ganitong Karapatan ng mga kababaihan at magiging modern ng panahon, ay mga isyu pa din na umiikot sa lipunan. Isa na dito ang kasuotan ng mga kababaihan. Kapag may mga nakikitang sexy na babaeng maiksi ang shorts ang mga lalaki sa daan ay agad nila itong sinisipulan at binibigyan ng malagkit na titig. Ang mas masama pa, iniisip ng mga kalalakihan na kaya ganito ang suot ng babae ay dahil nagpapasexy sa kanila. Meron ding mga babaeng biktima ng sexual na karahasan ang nabubuntunan pa ng sisi dahil sa kanya yang pananamit na nagiimbita ng pansin sa lalaki upang lapitan siya o may gawing kahalayan. Isang bulok na kaisipan, ang babae ay nagsusuot ng mga damit na ganito para sa sarili nila, upang maging kumportable dahil mainit o kaya dahil gusto lang nila. Hindi dapat tayong gawing laruan ng mga lalaki, pag-aari na basta basta na lang babastusin. Dapat maunawaan ng lahat, lalo na ng mga kalalakihan na ang bawat isa, mapababae o mapalalaki man ay dapat ginagalang at nirerespeto, hindi tinitingnan bilang mas mababa kaysa sa isa.
Lahat tayo ay may kakayahang piliin ang daang gusto nating tahakin, hindi dapat natin limitahan ang mga kakayahan natin dahil lamang sa ating kasarian. Ang mensahe din sa ating lipunan ay huwag nating isiping mahina ang isa sa isa dahil lamang sa “babae” siya o “lalaki” siya dahil lahat dapat ay nabibigyan ng oportunidad na dapat ay para sa kanya sa lipuanang ating ginagalawan.
0 notes
Text
Libangan na Humubog sa Kamalayan
Libangan na ng mga Pilipino ang panunuod ng mga pelikula, naging parte na ng pagbobonding ng pamilyang Pilipino ang pagpunta sa mga sinehan at panuorin ang mga pelikula ng mga sikat na artista na kanilang iniidulo. Marahil sa tagal na nang pagkakaroon ng mga palabas sa pelikula man o sa telebisyon ay naging parte na ito ng ating kultura. Nagsisimula ang araw sa panunuod ng balita pang umaga o kaya mga palabas pambata, pagkapatapos ay nanunuod ng mga dramarama sa hapon at teleserye sa gabi pagkauwi sa paaralan o trabaho. Parte na nan gating buhay ang mga palabas kaya hindi imposible na ito na ang humubog sa ating kamalayan at nagbigay sa atin ng mga sensibilidad patungkol sa mga nangyayari sa ating lipunan. Isa sa mga kamalayan na hinubog sa atin ay ang pagiging sabik sa pagkakaroon ng maputing kutis. Sa bawat pelikulang nakikita natin, ang mga gumaganap na amo ay maputing artista samantalang ang mga gumaganap na mga kasambahay ay mga morenang taga probinsya. Binigyan tayo ng kamalayan na ang pagiging maputi ay pagiging angat, at ang pagiging moreno, ang kulay ng ating pagiging Pilipino, ay pagiging mahirap. Isa pang halimbawa ay ang pagsugpo sa kahirapan. May isang babae na kailangan mahirap na makakahanap ng mayamang lalaki sa mapapaibig sa kanya at sa bandang huli ay kanyang mapapangasawa at ito ang mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Binigyan tayo nito ng mundo na kung saan ang ating mga imahinsyon ay naging totoo. Masarap man itong panuorin at isiping mangyayari ito sa atin, ay isa itong kahibangan.
Unang una, ang pagiging moreno nating mga Pilipino ay ang ating pagkakakilanlan, at ang pagbabago nito ay isang pag-aalis nang kung sino tayo. Iniisip natin na gusto lang naman nating pumuti, pero bakit hindi natin pag-iisipang mabuti kung bakit nga ba nating gustong baguhin ang ating kulay. Dahil ito sa malaking impluwensya ng panunuod natin, sinasabi sa atin sa telebisyon o sa mga pelikula na simbolo ito ng pagiging angat. Wala naman talagang problema sa pagiging moreno, bagkus dapat natin itong ipagmalaki. Isa pa ay ang pagahon sa hirap sa pamamagitan ng pag-aasawa ng mayaman, na muli ay impluwensya ng panunuod ay hindi naman maaaring mangyari sa totoong buhay. Upang umaahon ang isang tao sa kahirapang kinasasadlakan niya ay kailangan niyang magsikap sa buhay at maging matalino sa mga desisyon niya sa buhay. Hindi mo kailangan umasa lamang sa mga pantasya at ibang tao, maaaring mong makamtan ang kaginhawaan sa pamamagitan ng iyong sariling gawa.
Samakatuwid, huwag natin sayangin ang ating oras sa mga bagay na nilikha ng mga taong ayaw umunlad ang ating kaalaman. Ang pelikula ay isa sa mga instrumentong nagamit upang bulagin ang tao sa mga totoong nangyayari sa ating lipunan at gawin tayong abala sa mga bagay na makapagpapalayo sa atin sa ating kakayahang gumawa ng mga ideya na makakapagunlad ng bayang ito. Oo, ang mga palabas ay ginwa upang may mapaglibangan ang mga tao sa panahong kailangan ng pahinga o bonding, ngunit huwag naman natin itong gawing mundo at basehan ng ating pagkatao at kamalayan. Bagkus, maaari itong maging instrument upang magsulong ng mga ideyang makapagpapamulat sa mga tao at makapagpapagising ng ating diwang Pilipino.
0 notes
Text
Potensyal ng Blog
Ang “Internet” ay isa sa mga pinaka magandang naimbento ng tao. Malaki ang naging ambag nito upang dumaloy ang mga impormasyon sa mundo na nagpapabukas ng kamalayan ng tao sa mga nangyayari sa bawat sulok ng daigdig. Nalalaman ng tao ang mga bagay na hindi niya pa nakikita sa tanang buhay niya. Katulad ko, hindi pa ako nakakapuntang Europa, Amerika, o Africa pero naniniwala akong may ganung mga bansa o kontinente dahil sa mga nakikita kong impormasyon sa internet, at mga taong nagpopost ng kanilang karansan nang magpunta sila dito, nagpapatunay na meron talaga nito sa ating mundo. Naging daan din ang internet upang maiugnay ang mga tao sa bawat isa, magkaroon pa muli ng koneksyon ang mga miyembro ng pamilya, isang pagkakataon upang makausap ang kanilang mahal sa buhay na nasa malayong lugar, ibang bansa, o nasa kabilang panig ng mundo. Abot kamay na ng lahat ang bawat impormasyon na kailangan at nagkakaroon pa ng kuneksyon sa ibang tao. Malaya na din ang lahat na ilabas ang kanilang mga karanasan at saloobin sa internet sa pamamagitan ng mga “blogs”. Ang dating mga isinusulat lang nating mga pang-araw araw na karansan sa ating mga mumunting “diary” o talaarawan ay nag-upgrade na sa pamamagitan ng pagpost ng iyong mga pagsasalsal o rant sa internet na malayang nababasa ng ibang tao o iyong mga madla. Ang mga mambabasa nito ay maaaring tanggapin ang iyong mga saloobin, o kaya ay saliwain, o isa sa pinakamagandang epekto ay maimpluwensya mo sila. Napakalaki ng potensyal ng pagkakaroon ng blogs, masasabi mo ang iyong mga ideyolohiya sa buhay o simpleng pang-araw araw na karansan at marami nang makakakita nito at kinalaunan ay gayahin ang mga bagay na iyong isinulat.
Ngunit sa bawat magagandang teknolohiya o mga bagay na naiimbento ng tao ay mayroong kalakip na negatibong epekto na umuusbong kinalaunan. Ang pagsasalsal sa interenet ay isang magandang labasan ng mga ideya ‘kung’ ang mga ideya iyong isinasalsal ay para sa ikabubuti ng madla. Ngunit, sa paglipas ng panahon ang mga dating isinasalsal na mga ideya upang makaimpluwesya ay nagiging mga emosyon na lamang upang magpapansin. Literal na kung ano lamang ang iyong mga nararamdaman ay iyon ang iyong mga pinopost, humihingi ng atensyon nagiging kulang sa atensyon. Hindi na natin pinagiisipang mabuti kung mga pinopost ba natin ay may mabuting idudulot sa ating lipunan o magiging maganda ba ang impluwensya nito sa mga taong makakabasa nito, naging patungkol na lang sa atin at hindi tungkol sa ating mga ideyang nakakapagpabagong pasulong. At ang dating ikinokonekta tayo sa isa’t-isa ay ang siya na ngayong nagpapahiwalay sa atin. Ang internet na nagbigsy sa atin ng daan upang magkaroon ng koneksyon sa ibang tao ang siya na ngayong kumakain ng oras na para sana sa pakikipagugnayan natin nang personal sa mga taong nasa paligid natin.
Huwag nating sayangin ang potensyal ng pagkakaroon ng blog. Ang madla o ang ating mga mambabasa ay maaari nating maimpluwensyahan sa mga bagay na isinasalsal natin. Kung ang mga isinasalsal mo ay patungkol lamang sa pagiging ‘brokenhearted’ mo o iniwan ka ng jowa mo o kaya naman ay pagpapatawa ay iisipin ng madla na ‘ganito pala dapat ang ipinopost natin’ at magiging ganito na ang lahat ng mga nagsasalsal. Naging negatibo ito dahil imbes na ayusin natin ito ng personal at humingi tayo ng payo sa mga taong lubos na nakakakilala sa atin na nasa ating paligid lang upang maresolba ito ay tinatakbuhan natin sa pamamagitan ng pagsasalsal nito sa mga blog at paghahanap ng atensyon ng ibang tao. Samakatwid, gamitin natin nang maigi ang mga blog o kahit ang internet sa pagpapalaganap ng katotohonan na makakapagpabukas sa mga bulag na ideyolohiya, kamalayan, at sensibilidad na merong ang mga mamamayan. Huwag tayong padadaig sa mga taong nagsasalsal lamang upang sa pansariling kapakinabangan, bagkus isasal lang natin nang isalsal ang bawat ideyang nalalaman natin upang kahit sila ay magbago sa ikakabuti ng ating lipunan.
0 notes
Text
“Wikang Pinagmulan ng ating Puri at Dangal”
Ang Wika, para sa karamihan ay isa lamang instrumento upang makipagkomunikasypon ang mga tao sa isa’t isa. Isang daan upang makipagpalitan ng ideya. Ngunit, sa isang mas malalim na pagsasaliksik at pagkaunawa, makikita natin na makapangyarihan ang Wika, hindi lamang ito basta mga salita kundi isang kamalayan o sensibilidad ng taong gumagamit nito. Sa sanaysay ni Conrado de Quiros na “Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan”, ipapakita niya sa atin ang iba pang perspektibo sa Wika na makapagpapalalim pa ng ating pagkaunawa sa kahulugan ng Wika. Pinasinunglingan din niya ang mga Mito patungkol dito.
Bakit tayong mga Pilipino ay gumagamit ng wikang Ingles kapag nasa mga pormal na pagtitipon o kaya kapag ang mga kausap natin ay mga may posisyon o mayayaman sa lipunan? Sinasabi sa atin na ang Wikang Ingles ay isang “international language”, isang lengguwahe na maguugnay sa atin sa iba pang panig ng mundo. Sa pag-aaral pa lang sa mababang paaralan ay meron na tayong asignaturang Ingles, bata pa lang ay tinuturuan na tayo, na para maabot mo ang posisyon na mataas ay kailangan magaling ka dapat magsulat at magsalita ng Ingles. Naalala ko noong grade 9 ako, mababa lagi ang nakukuha kong marka sa mga pagsusulit ko sa Ingles dahil hirap na hirap ako sa paggamit ng tamang “grammar”. Noong nagsenior high school naman ako ay lagi kaming sinasabihan ng aming propesor sa wikang Ingles na kapag hindi ka magaling sa wikang ito ay wala kang mararating sa buhay. Marahil ay hindi lamang ako ang nakakaranas ng ganito, kundi ang kamaramihan sa mga mag-aaral na mga Pilipino na hindi naman lumaki sa mayamang pamilya, na ang mga tinuturo sa mga anak bilang unang wika ay Ingles. Bakit ba pinagpipilitan nating maging magaling sa wikang hindi naman atin? Na dumadating pa sa puntong lumiliit ang tingin natin sa sarili nating Wika? Ang Thailand ay isang bansang mayaman sa kultura at malago ang ekonomiya. Tatlong beses na akong nakapunta dito dahil ang aking tito ay dito naninirahan at nagtatrabaho. Tuwing makikipag-usap ako sa mga tao sa Thailand ay hindi sila marunong magIngles, kahit simpleng pagtanong mo lang kung saan ang “toilet” ay hindi ka nila maiintindihan, ung tita ko nga na marunong magIngles na isang local sa Thailand ay hirap na hirap din akong intindihin kung minsan. Ngunit, nakita ko kung gaano kalinis, kalago, at kaganda ang bansang ito lalo na ang kapital nito na Bangkok. Makikita mo ang mga naglalakihang mga gusali na naglalaman ng mga designer’s brands, hindi rin masyadong uso sa kanila ang mga Toyota o Honda na brand ng kotse, ang lagi mong makikita ay Mercedes Benz, BMW, Volkswagen at iba pang mga brand na mamahalin na hindi ko kilala. Ang pinupunto ko dito, na pinunto rin ng may akda ay, ang Thailand ay maunlad kahit hindi sila marunong magIngles, samantalang tayo na magaling magIngles at ipinagmamalaki sa ibang bansa ang galing natin dito ay isang bansang patuloy hinahangad ang kaunlarang nais natin. Hindi ikauunlad at ikayayaman ng bansang Pilipinas ang pagiging magaling ng mga mamamayang Pilipino sa wikang banyaga na Ingles, bagkus ito ang naging patibong ng mga Amerikano noon upang maging alipin tayo sa sarili nating bansa. Ginamit nilang kapangyarihan ang wikang Ingles upang sumunod tayo sa kanila, tinuruan nila tayo nito. At makikita natin ngayon kung paano tayo pinaghahati ng wikang ito.
“Nalikha ng mga Amerikano sa pamamagitan ng Ingles ang isang naghaharing-uri na sumasawsaw sa kanilang kultura.” Ang pagsasalita ng Ingles ay nagpapakita na isa kang mayaman, may pinag-aralan na kayang mamuno, samantalang ang pagiging ignorante dito ay nagpapakita ng pagiging taong walang mararating sa buhay. Sabi nga ng may akda, “Ang wika ay isang buhay na bagay.” “Ang pag-aral ng Ingles ay pagbabad sa kultura na lumikha nito, kailangan angkinin mo ang kululuwa noon.” Ang mga mayayamang pamilya o kahit mga edukadong tao na nag-aaral ng Ingles ay hindi maiiwasan na angkinin ang kulutura na meron ang mga gumawa noon, kaya nag-aasal din sila na Amerikano na ang tingin na din sa mga taong hindi kayang magsalita ng wikang Ingles ay mas mababa sa kanila.
Ano nga ba ang solusyon upang mapagbuklod-buklod tayo muli at makita ng lahat ng mamamayang Pilipino ang kahalagahan at kapangyarihan ng ating wikang Pambansa? Kailangang palakasin ito, at higit sa lahat matutonan natin, na ang ating wikang Pambansa dapat ang pagmulan ng ating puri at karangalan at wala nang iba pang wika.
0 notes
Text
Mulat sa Katotohanan
Naawa ako sa mga taong “social climber”. Bumibili ng mga bagay na hindi naman nila kailangan ngunit dahil nakita nila ito sa kapwa nila na may kaya sa buhay ay tinatangkilik nila ito. Akala ko ganun lamang ang ibig sabihin ng salitang “social climber.” Namulat ako na ang pinagmulan lamang ng ganitong pag—uugali ay dahil sa inggit. Ngunit mas malalim at masalimuot pala ang pinag-ugatan ng pagkakaroon ng ugaling “social climber”, na ipinakita sa sanaysay ni Bienvenido Lumbera na pinamagatang “Edukasyon Para sa Iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita.”
Ang mga Paaralan ay isang institusyon na binabayaran ng mga magulang upang matuto ang kanilang mga anak. Hinuhubog ang kaisipan ng mga bata ayon sa mga teksto, moral, at idelohiya na meron ang mga paaralan. Ipinapakita rin kung saang paaralan nag-aaral ang isang bata ang katayuan ekonomiko nito sa lipunan, na kapag sa pribadong paaralan ito pumapasok ibig sabihin may kaya siya sa buhay, kapag naman sa pampublikong paaralan ay isa siyang maralita. Sa pribadong paaralan kung saan dito nag-aaral ang mga anak ng mayayaman sa ating bansa ay laganap ang buhay sosyal kung saan mahal ang tuition fee at kasuotan ng mga mag-aaral, gumagala sa mga mamahaling bar, kumakain sa mga mamahaling restawran. Ang pamumuhay na ito ay angkop lamang para sa iilan pero ipinalalaganap sa karamihan, ito ang dahilan kung bakit asal mayaman si Pedrong Maralita-simbolismo ng mga taong may mahirap na pamumuhay.
Saan nga ba ang pinagmulan nito? Utak kolonyal na nagmula sa mga dayuhang nanakop sa atin. Kagaya ng sinabi ko sa nakaraan kong entri, ang mga Amerikano ay sinakop tayo hindi sa pamamagitan ng dahas o pagkait sa atin ng kanilang kulutura bagkus ay ibinahagi at tinuro nila sa atin kung paano sila mag-isip at mamuhay upang maging katulad natin sila at tangkilikin natin kung ano man ang ialok nila sa atin. Upang maging sunod-sunoran tayo sa kung ano man ang gusto nilang ipagawa at sabihin sa atin. Gayon ang ginawa ng mga iilang mayayaman sa bansang Pilipinas, pinanatili nila ang kanilang estado bilang mga “ruling class” sa pamamagitan ng mga natutunan nila sa mga dayuhang mananakop na “hindi dapat natin ipagkait sa mga mahihirap ang mga bagay na meron tayo o itago sa kanila kung paano tayo mamuhay, bagkus ay ipakita natin ito sa kanila at patikimin sila kahit unti upang hindi nila maramdaman na naghihirap sila, samantalang tayo ay patuloy na yumayaman dahil inaabuso natin ang pagiging bulag nila sa katotohanan.” At kapag hindi naramdaman ng mga naghihirap sa buhay na pinagkakaitan sila ng mga mayayaman, ang resulta ay hindi na sila mag-aaklas laban sa mga ito, bagkus magiging utak “ruling class” na din sila, gusto na nilang pumunta sa mataas na antas ng mga tao sa ating lipunan, maging katulad nila na pagsasamantalahan ang mga taong maralita.
Ang maibibigay kong solusyon ayon sa aking natutunan, ay pagiging mulat. Mulat sa mga totoong nangyayari sa ating lipunan at pagkakaroon ng lakas ng loob upang kumilos. Tanggapin natin hindi tayo magiging katulad ng mga “ruling class”, ipakita natin na hindi natin kailangang tangkilikin ang mga bagay na meron sila at mamuhay katulad nila upang maging maginhawa sa buhay. Ang kailangan natin ay pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan, mabuwag ang pagkakaroon ng “ruling class” at “oppressed class.” Mangyayari lamang ito kung si Pedrong Maralita ay hindi na mag-aasal mayaman bagkus mag-aasal na mamamayang gustong baguhin ang bulok na sistema na umiiral sa ating bansa.
0 notes
Text
Malayang Kaisipan
Estados Unidos, isa sa mga bansang sumakop sa bansang Pilipinas. Isang napakatusong paraan ng pananakop ang kanilang ginawa sa ating bansa, sa pamamagitan ng edukasyon. Hindi katulad ng mga Espanyol na nanakop sa pamamagitan ng pag-aalok ng kanilang relihiyon, ang mga Amerikano ay nanakop at nagtayo ng matibay na pundasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbubukas ng edukasyon sa mga Pilipino.
Ang matibay na pundasyon na itinayo ng mga Amerikano sa Pilipinas ang naging sanhi ng mahabang pagkakaalipin natin sa kanila. Ano nga ba ang mga matibay na pundasyon na ito? Isa dito ang pagiging “American-based” ng mga textbooks sa Plipinas na naging sanhi upang matali tayo sa kulturang Amerikano. Ang mga textbooks na ito ay naglalaman ng mga kontekstong nagtuturo sa atin kung paano dapat mamuhay, na kung saan ang pamumuhay na ito ay hindi sa pagiging isang Pilipino kundi sa pagiging isang Amerikano. Hindi natin namamalayan na pinoprogram na nito ang ating isipan na kung anuman ang ialok o nanggaling sa mga Amerikano ay mas nakakaangat sa mga likhang Pilipino, na mas nakakabuti sa atin ang mga ito. At ang isa pang matibay na pundasyon na ito ay ang mga itinatag na mga paaralan ng mga Amerikano. Ang mga paaralang ito ay naging instrumento ng mga Amerikano na ipagpatuloy ang kanilang mga itinanim sa Pilipinas na mga kaisipang Amerikano, na maipapasa pa ang mga ito sa mga susunod na henerasyon kahit wala na sila sa ating bansa.
Ang mga naging bunga nito ay mga taong nakapagtapos ng pag-aaral na nagtutulak na palaganapin pa ang wikang Ingles sa sistema ng ating edukasyon. Itinatanim din nila sa isipan ng mga susunod na henerasyon na makakamtan lamang ang tunay na edukasyon sa pamamagitan ng mga turong Ingles. Ito ang dahilan kung bakit tumagal ng isandaang taon ang kanilang paghahari sa ating bansa. Sa kasalukuyan marami na rin ang nagbago dahil sa mga taong nagising sa ideya na ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang manakop at manatili ang kanilang impluwensya sa Pilipinas, sila ang mga nagturo at patuloy na nagtuturo upang mabuksan ang mga isipan ng mga Pilipino sa katotohanang naalipin ang ating kamalayan. Ngunit sa kasamaang-palad, maraming mamamayang Pilipino pa din ang patutuloy na nag-iisip ng pang-amerikanong kaisipan.
Sa aking palagay, hindi dapat natin ibaling ang sisi sa mga Pilipinong nagpapalaganap na ang tunay na edukasyon ay makakamit sa wikang Ingles, dahil naging biktima din sila ng ganitong kaisipan. Dapat sila ay pangaralan at buhayin ang kamalayan sa katotohanan na ang ating sariling wika ay sapat na upang makamit ang tunay na edukasyon. At sa pagsusulong ng kalayaan ng mga isipan ng mga Plipino sa pang-amerikanong kamalayan ay hindi dapat natin pagsawaan, dahil darating ang panahon na kung saan matututo na tayo sa ating mga maling natutunan galing sa mga banyaga, at mabubuhay ang diwang makabayan sa bawat mamamayang Pilipino. Matatanggap din natin ang tunay na Kalayaan na matagal nang ipinaglalaban at patuloy na ipinalalaganap ng mga Pilipinong lubos nang naunawaan ang mga tunay na tumatanikala sa mga kaisipan ng kapwa natin Pilipino.
0 notes
Text
Pusong Nag-aalab
“Kailangan mong mag-aral para makaahon ka sa kahirapan”, “Edukasyon ang susi para sa iyong ikauunlad”,"Magtapos ka ng pag-aaral, para ikaw ay magkaroon ng magandang kinabukasan.” Ilan ito sa mga naririnig nating dahilan ng ating mga magulang upang tayo ay sikaping pag-aralin. Ngunit sapat na nga ba ang sistema ng ating edukasyon upang matamo ang pag-ahon sa kahirapan, ikauunlad, at magandang kinbukasan?
Isang palabas ang ginawa ng Ibon Foundation Corporation ang pinanuod sa amin sa unibersidad. Ipinakita dito ang kalagayan ng sistema ng edukasyon ilang taon na ang nakakalipas, na sa ilang bahagi nito ay sumasalamin pa rin sa kasalukuyan. Isa sa mga pinakita nito ay ang malaking impluwensiya ng mga Amerikano sa ating edukasyon dahil sa pagsakop at paglagi nila sa ating bansa. Nagtayo sila ng mga paaralan at pinahalagahan ang paglinang sa ating kaisipan at pagtuturo ng wikang ingles. Makalipas ang ilang taon pagkatapos ng kanilang pananakop, isinasaad sa palabas na bagamat naging malaya tayo sa mga Amerikano sa pisikal na aspeto ay nakatali pa din ang sistema ng edukasyon ng ating bansa sa mga itinuro ng mga banyaga. Ang mga naiwang turo ay ang pagtingin sa mga Amerikano bilang mga bayani at hindi mananakop, ang wikang Ingles na isang wika para sa mga mayayaman, mga sulatin na itinuturo sa mga mag-aaral na naglalaman ng mga aralin na nakabase sa mga aralin ng mga Amerikano at kaisipang ang mga produkto ng ating bansa ay nakabababa sa mga produktong Amerikano. Ipinakita din ng palabas na upang makamit ang pinakamataas na kalidad ng edukasiyon ay kailangan mong magbayad ng malaki. Mataas na matrikula na siyang naguudyok na tumigil muna ang mga mag-aaral sa kolehiyo. At sa kadahilanang “ang mataas na kalidad ng pag-aaral ay makakamit lamang sa pamamagitan ng mataas na matrikula” ang mga kumpanya ay kumukuha ng mga empleyado na galing sa mga eskwelahang matataas ang matrikula at kilala sa bansa.
Bulok, Ito ang salitang tumutukoy sa sitwasyon ng sistema ng ating edukasyon. Napakasakit pakinggan at tanggapin pero ito ang pangit na realidad ng edukasyon sa Pilipinas. Naisaad ko ito dahil sa kadahilanang kung nakakaahon sa kahirapan, nakakaunalad at nagbibigay ng magandang kinabukasan ang edukasyon sa ating bansa ay dapat wala nang mga Plipino ang umaalis ng bansa upang hanapin ang mga ito sa banyagang bansa. Naririnig sa mga balita na “Si Joe Dela Cruz na isang half-Filipino na nakatira sa Amerika ay pinarangalan dahil sa kahusayan.”, o kaya ay “Si Juan Dela Cruz na nagtratrabaho sa Europa ay kilala dahil sa ganitong karangalan.” Mga Pilipino pero wala sa kanilang tahanan, dahil hindi sapat ang kanilang natatamo dito kaya hinanap nila ito sa ibang bansa. Patuloy ring itinuturo sa mga paaralan na kailangan mong mag-aral ng mabuti at makukuha ng matataas na grado para kapag nakapagtapos ka na ay makapasok ka sa isang malaki at magandang kumpanya na kung saan ang kumpanyang ito ay pinamamahalaan din ng mga banyaga. Mag-aral upang magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap, napakasimple, napakapraktikal mag-isip, at parang “robot” na sinusuksukan ka ng mga impormasyong nagsasaad ng dapat mong gawin.
Paano na ang mga kaisipang aahon sa kahirapan, uunlad, at magandang kinabukasan kung ganito ang sistema ng edukasyon sa ating Inang Bayan? Sa huling bahagi ng palabas tinalakay ang “Edukasyong nagpapabago ng lipunan” sinasaad nito na dapat hindi lamang matututo ang mga estuyante sa mga paaralan ng mga kasanayan, kundi pusong naglalaman ng pagkahabag at kaisipang makakabuti sa bansang Pilipinas.
Pusong nag-aalab ng pagmamahal para sa ating Inang Bayan, at kaisipang naglalaman ng mga solusyon sa bulok na sistema. Sa aking palagay, dito dapat umiikot ang mga aralin sa ating edukasyon. At saka, ito dapat ang dahilan kung bakit ang edukasyon sa Plipinas ang mag-aahon sa atin sa kahirapan, makakapagpaunlad sa atin at sa ating bansa, at pagkakaroon ng magandang kinabukasan para sa ating lahat.
1 note
·
View note