Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Sa ilalim ng matinding sikat ng araw at masikip na pila, masisilayan ang mga mukhang naglalaman ng pag-asa at sakripisyo, mga taong patuloy na nagsisilbing gabay at lakas para sa kanilang pamilya, nagbabanat ng buto upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, mula sa kanilang edukasyon hanggang sa pang-araw-araw na kabuhayan.





"Pag-asa at Sakripisyo sa Kabila ng Pagsubok: Ang Kwento ng Pagtitiyaga at Pagbangon"
3 notes
·
View notes
Text
"Pagbabalik-Tanaw: Isang Lakbay sa Alaala at Pagpapahalaga"
Ang Nasipit ay isang bayan sa Agusan del Norte, Mindanao, ay isang pangunahing pantalan sa rehiyon ng Caraga. Mahalaga ito sa kalakalan at transportasyon, at kilala sa makulay na kasaysayan at mga tanawin ng kalikasan, tulad ng mga ilog at kagubatan, na nagbibigay kabuhayan sa mga tao.
Nagising ako nang may sumigaw, “Oh, yung mga bababa diyan sa kanto ng Culit.” Culit, Nasipit, Agusan del Norte—isang lugar na laging may bahagi sa aking puso. Bagamat sandali lamang akong nanirahan dito, dito ko naranasan at natutunan ang mga bagay na bitbit ko araw-araw.
Matagal na akong hindi nakapunta rito, dahil matapos ang pandemya, kinuha ako ng aking nanay mula sa lola ko at nanirahan kami sa Dasmariñas, Cavite, kasalukuyang sa Tuy, Batangas. Pagbaba ko ng Philtranco bus, bumungad ang aking lolo at lola na matagal ko nang di nakita. Agad kaming nagtungo sa bahay, at nagpahinga dahil susulitin ko ang mga susunod na araw upang bisitahin ang mga lugar na nais kong balikan.

Kinabukasan, nakita ko muli ang palayan na pag-aari ng aking lola at ang maaliwalas na hangin na dala nito.

Agad kaming pumunta sa aking paaralan noong elementarya, ang Culit Elementary School. Bagamat nag-iba na ang itsura nito, bawat sulok ay puno ng masasayang alaala.

Matapos nito, pumunta kami sa bayan ng Buenavista kung saan nakatira ang aking mga tiyo at tiya. Maganda na rin dito, tampok ang kanilang plaza na mala-Rizal Park.

Kinabukasan, nagising ako sa tawanan mula sa labas. Ang mga pinsan ko pala ay nag-aani ng niyog para ibenta. Naalala ko noong bata pa ako, ako rin ang tumutulong maglagay ng mga niyog sa balsa at nasakay dito habang hila-hila ng kalabaw.

Pagkatapos nito, dinalaw ko ang aking matalik na kaibigan si Jimely, na kaibigan ko mula noong ako'y narito pa at hanggang sa makabalik ako sa Cavite. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang aming muling pagkikita mga kasiyahan na walang katumbas.

Sa huling araw ko rito, nangyari ang pangunahing dahilan ng aking muling pagbalik sa lugar na ito: ang pagpapakasal muli ng aking lola sa bago niyang asawa.

Puno ng galak at lungkot ang aking nadarama dahil pagsapit ng gabi, ihahatid nila ako sa pantalan upang umuwi pabalik sa Batangas.

Ang pagbalik ko sa mga lugar na puno ng alaala ay hindi lang isang paglalakbay, kundi isang pagkakataon upang muling maramdaman ang saya at pagmamahal ng aking lola. Sa bawat hakbang, ang mga simpleng alaala ng kabataan ko ay muling buhay, at sa kabila ng pagod, dala ko ang mga aral at kasiyahan mula sa aking mga mahal sa buhay. Pati ang mga bagong memoryang aking naipon.


3 notes
·
View notes