Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
What do you Meme?!
Sa makabagong panahon ngayon patuloy na kumakalat ang “memes” sa mga social media sites tulad ng Facebook at Twitter. Tila bang nagiging parte na ito ng ating pang araw-araw na buhay. At sa pag-usbong nang teknolohiya at pop culture, patuloy itong kumakalat na pinakapatok sa mga millienial. Bilang isang grupong mga kabataan mula sa University of Santo Tomas - College of Fine Arts and Design, nais namin ibahagi ang aming researches tungkol sa “memes”. Sa aming papel na nilikha ay makikita at mababasa ang kahulugan, layunin, usapang pop culture, epekto nito sa ating komunidad sa kasalukuyang panahon at marami pang iba.
Ano ba ang memes? Saan nagsimula ito?
Sa pamamagitan ng mga imahen kuha sa internet o kung saan man na binibigyan kahulugan gamit ang pagdagdag ng mga salita, ang memes ay isang komunikasyong nagbunga mula sa social media na nagbibigay daan sa kulturang popular.
Nagsimula ang salitang “meme” sa aklat ni Richard Dawkins na pinamagatang, The Selfish Gene. Ang salitang ito ay binigyang kahulugan ni Dawkins bilang “Mimeme” galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “that which is imitated.” Sinubukan ni Dawkins na alamin kung paano lumalawak ang mga ideya o kaisipan sa paglipas ng henerasyon.
Bago pa magkaroon ng internet, mayroon ng mga memes na may paksang patungkol sa politika at kultura ngunit hindi ito tumatagal hindi tulad ngayon. Sa paglipas ng panahon, sumikat na ang mga 9gag, vines, at iba pa na gumagawa ng mga memes na mayroong libo libong viewers. Dahil dito at sa tulong ng social media ay mas naging kilala ito sa karamihan.
Usaping Pop Culture
Ang kulturang popular o “pop culture” ay isang gawaing panlipunan na laganap sa ispesipikong panahon. Malawak ang saklaw na tinatalakay nito tulad ng sports, fashion, music, at iba pa. Ito ay mas laganap sa mga social media sites tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram dahil sa panahong teknolohiya ngayon na kung saan napakalawak ang sakop ng media. Bilang mamamayan, pati ang araw araw nating pamumuhay ay sakop na rin nito. Makikita ‘di lamang sa mga social media sites kundi pati sa telebisyon at iba pang plataporma ng entertainment.
Sa panahon ngayon, marami na ang nagbibigay daan upang makapaggawa ng mga memes tulad ng memegenerator.com at knowyourmeme.com. At dahil dyan, marami rin ang nakagagawa ng mga memes na maaaring maging tagumpay at maipakalat sa iba’t ibang plataporma na maaaring lumabas sa mundo ng social media at Internet at maging isang ganap na komunikasyong may cultural reference. Ang mga memes naman na hindi nagtagumpay ay mamamatay na lamang sa kakulangan ng pagkakalat nito.
Ano epekto ng memes sa komunidad
Karamihan ng mga memes na ating makikita sa mga social media sites ay maaaring nagmula lamang sa isang simple at inosenteng biro na binuo ng mga malilikhain ang utak. Maaari din na ang mga memes na ating nakikita o nababasa ay nag-ugat mula sa mga negatibong bagay. Ang mga memes tulad ng "Wala na, finish na.", "Obvious ba?" at "Advanced ako mag-isip" ay nabuo mula sa simpleng intensyon na magdala ng katatawanan mula sa mga katagang sinabi ng mga tauhan sa orihinal na bidyo. Ngunit mayroon ding memes na nag-ugat sa mga negatibong bagay, o nagpapakita ng negatibong pananaw sa mga tao na sangkot sa memes na ito.

Isang halimbawa ay ang babaeng karumaldumal na pinaslang sa Lapu Lapu City, kung saan binalatan ang mukha ng babae hanggang sa makita na ang bungo nito. Ang mga litratong inilabas ng pagpaslang sa babae ay kinuha ng mga tao sa social media at kinabitan ng litrato ng character sa isang sikat na pelikula ng Disney na 'Coco'.
Isa pang halimbawa nito ang mga "Paano mo nasabi?" jokes, maaaring katawa tawa ito pakinggan ngunit ang pinanggagalingan nitong meme na ito ay isang lalaki na di umano'y pumatay ng isang waitress matapos itong tanggihan sa isang date. Ang mga memes ay maaaring bagay na nagdadala ng tuwa at kasiyahan sa ating pang-araw araw na buhay, lalo na't kung ito'y bago lamang at hindi natin alam ang konteskto. Ngunit ang kawalan natin ng kaalaman sa mga bagay na ito ay maaaring mag bunga sa peligrosong implikasyon dahil binibigyan natin ng plataporma ang mga taong may masasamang intensyong gawan ng biro ang mga sensitibong mga bagay.
Ayon sa librong How the World Changed Social Media nina Miller et al.(2016), mayroong mga matandang gumagamit ng Facebook na mababa ang lebel ng literacy sa dahilang madali ang pakikipag bahagi ng kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng like and share. At sa dahilang iyon, nagiging isang importanteng moda ng komunikasyon ang memes para sa mga mababa ang karunungan sa pagbasa at may kaunting tiwala sa sarili sa pag bahagi ng mga salita sa mga pampublikong plataporma.
Konklusyon
Sa konklusyon, ang kontekso ng "memes" sa ating modernong buhay ay nakakaapekto sa ating pang-araw araw na pamumuhay lalo na sa ating komunikasyon. Naipapasok natin ito pag dating sa ating mga jokes na nagpapasaya ng buhay natin, at sa pamamagitan ng “memes”, makikita ang pagiging malikhain at pagiging masayahin ng mga tao. Dahil dito ay pwedeng ilahad ang damdamin at magpakatotoo. Sa simpleng bagay na ito, maaaring mag bigay nang positibong at negatibong konsepto sa mga tao. Maaari itong manggaling sa iba't bang social media platfrom kaya sa panahon ngayon pwede ka nang sumikat nang mabilis. Speed lang. Sa kontekso ng pop culture ang memes ay pang saglitan lang na panahon na tinatawag natin na fads and trends. Ang fads ay pangsaglitan lang ngunit ang trends ay tumatagal at umaabot ng isang dekada.
MARAMING SALAMAT!
Talasanggunian
Aldana, I. (2017, July 25). 10 Hilarious Local Memes and Where They Came From. Retrieved from https://www.spot.ph/newsfeatures/humor/70869/10-local-memes-history-a1805-20170725-lfrm.
Haney, M. R. (2015). The Community of Sanity in the Age of the Meme. In Social Media and Living Well (pp. 73–87). Lexington Books.
Jelou.galang. (2019, July 23). Memes are fun, but when is the right time to laugh? Retrieved from https://www.scoutmag.ph/opinion/stories/when-is-the-right-time-to-laugh-on-sharing-dangerous-memes-jeloug-20190401.
MEME: Funny Pinoy Meme: Funny hugot, Memes, Funny memes. (n.d.). Retrieved from https://www.pinterest.ph/pin/471259548484264050/.
Miller, D. (2016). How the World Changed Social Media. London: UCL Press. Retrieved from http://0-search.ebscohost.com.ustlib.ust.edu.ph/login.aspx?direct=true&db=nlebk&AN=1257654&site=ehost-live
WhenInManila.com Team #WIMsquad The WhenInManila.com internship program was carefully designed to be flexible. (2019, February 21). 25 Filipino Memes That Saved Our Lives This 2018. Retrieved from https://www.wheninmanila.com/25-filipino-memes-that-saved-our-lives-this-2018/.
Capacillio, J. (2018, Jun 10). No Joke: These Hilarious Memes and Catchphrases Are Based on Real News. Retrieved from https://www.spot.ph/newsfeatures/humor/74384/funny-news-report-memes-a00258-20180710
Lasin, G. (2018, Nov 18). Pvblic Life ‘Paano mo nasabi’ now has his own mobile game – and it’s messed up. Retrieved from https://wethepvblic.com/paano-mo-nasabi-mobile-game/#.XfmcPLfQHqs
Miyembro:
Dela Torre, Ayn
Quiambao, Jayvee
Raceles, Alessandra
Ramilla, Charles
Sadian, Hayley
Mamiit, Isabella
Viray, Gwen
0 notes