Don't wanna be here? Send us removal request.
Quote
you cannot force someone to love you, you can only force yourself to keep on loving.
Sasha
0 notes
Text
Ang Aking Travelogue
May kanya-kanya tayong karanasan sa lugar na ating napupuntahan. May mga bagay na hindi mawawala sa pagpunta natin sa isang lugar, katulad ng masasayang ala-ala na patuloy nating inaiipon sa paglipas ng panahon. Kilala man ang lugar nagkakaroon tayo ng ibang impresyon katulad sa Zambales na kay yaman at puno ng kultura at tanawing bubusog at mamangha sa iyong mata.
Ang Olongapo ang nag-iisang lungsod sa probinsya nang Zambales na dating base ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos. Madadaanan mo kapag ikaw ay pupunta sa Olongapo City ang matataas na bundok na nakapaligid dito at matatarik na daanan . Hindi lamang kabundukan ang makikita sa lugar ng Zambales at pati na rin ang kanilang maganda at malinis dalampasigan na matatagpuan sa Subic, Zambales. Sadyang mapapawi ang iyong pagod sa pagpunta sa Zambales. Matitikman mo rin ang kanilang mangga na kay lalaki at kay matamis. Naikwento ng isang tao dito ang kanyang naranasan nila mula noong pumutok ang bulkang pinatubo na nakalokasyon sa Zambales. Hindi ko man nakita ang Bulkang pinatubo nang dalawa kong mata, alam kong maganda ito kapag napuntahan at nasilayan.
Isa man ako sa namangha sa lugar ng Zambales, ganoon din sa mga pupunta dito. Magiging sulit ang pagtungo rito dahil sa kahanga-hanga nilang tanawin. May mga kwento tayong nakuha at natikman na sa isang lugar lang natin matiktikman. Gawin nating masaya ang buhay, subukan nating maglibot at tumuklas ng mga bagay na sa larawan lang natin nakikita. Mas piliin nating mamuhay ng puno ng masayang ala-ala nang lugar na ating napupuntahan na bigay sa ating ng Maykapal.
2 notes
·
View notes