Link
0 notes
Text
KageHina with poor quality lol. 😂
0 notes
Text
My boys in one gc 💖🥺
#edits#fake conversation#haikyuu!!#solo leveling#trash of the count's family#kuroko no basket#ace of diamond#love or hate#love is an illusion#the millionare detective balance: unlimited#yuri on ice#my hero academia
0 notes
Text

Promise, I really tried my best. 🥺🥺
I'm listening to Euphoria by BTS Jungkook while doing this 💜
0 notes
Text
“Si Tadhana”
"Hoy!" Tawag niya sa 'kin.
Pagtingin ko sakanya ay seryoso siyang nakatingin sa 'kin.
Madalang lang maging ganito ang isang ito. Mas madalas pang umulan kesa mag-seryoso ang isang ito sa buhay.
Ano kayang nangyari?
"Ano 'yon?" Bored na tanong ko sakanya.
Huminga ito ng malalim bago nag-salita. "Sa tingin mo, kung tao si tadhana anong itsura niya?"
Natulala ako sa tanong niya. Anong sabi niya? Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sarili ko.
Umaandar na naman ang kabaliwan ng isang ito. Pero mas baliw yata ako dahil mas pinili kong sakyan ang trip niya.
Pero... Ano nga ba'ng itsura ni tadhana?
Tumingin ako sa kalangitan. Ang daming bituin at ang liwanang ng buwan.
Huminga ako ng malalim at nag-salita.
"Siguro, nakasuot siya ng puti at gusot-gusot na t-shirt na may naka-print na 'Tadhana', kupas na maong ang pantalon na niluma na ng panahon. Pudpod na ang suot na rubber shoes dahil sa pabalik-balik niyang pag-takbo upang pagtagpuin ang landas ng mga tao. Gulo at sabog ang buhok dahil sa sobrang stress. May malaki at maiitim na eyebags dahil hindi siya pinapatulog ng sandamakmak na mga reklamo. May ilang galos sa katawan dahil pilit niyang ipinaglalaban ang mga pagod ng lumaban. Nangangayayat na ang katawan dahil wala na siyang panahong kumain dahil sa dami ng problema. May hawak na yosi, kung minsan kape o alak. Pampatanggal ng stress dahil kung hindi niya lilibangin ang sarili niya sa oras ng maikling break time niya ay baka matagal na siyang na baliw at sumuko..."
Matapos ng mahaba kong speech ay tumingin ako sakanya pero hindi siya nakatingin sa 'kin, sa mga bituin... sa mga bituin na madalas niyang titigan.
"Ah... Ganon ba?" Mahinang bulong niya.
Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. Sa hinaba-haba ng sinabi ko 'yon lang ang naging sagot niya.
Ano pa nga ba'ng aasahan ko sa tukmol na ito?
"Bakit? May balak ka ba'ng hunting-in siya?" Natatawang tanong ko pero na tigilan ako sa naging sagot niya.
"Oo. Tapos masinsinan kaming mag-uusap," seryosong sabi niya.
Bigla akong na tahimik. Parang alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito.
"... itatanong ko sakanya kung may problema ba siya sa 'kin o sadyang trip lang niya akong pag-tripan? Itatanong ko kung bakit pati sa 'kin ay ibinubuhos niya ang frustrations niya sa buhay? Tapos bibigyan ko rin siya ng advice. Na usong magpahinga kasi ako? Sa totoo lang... pagod na pagod na. Gusto ko siyang sisihin kung bakit ako nagkakaganito. Gusto ko siyang sumbatan sa lahat ng paghihirap ko. And lastly, gusto kong... gusto kong mag-makaawa sakanya. Na sana... Sana kahit minsan lang ay paburan din niya ako."
Nang matapos siyang magsalita ay kasabay 'non ang pagpatak ng mga luha niya. 'Yong mga luha na madalang ko lang makita, 'yong mga luhang pilit niyang itinatago at mag-isang tinutuyo.
Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit at doon, don siya tulungang bumigay. Humagolgol siya na parang paslit na inaway ng kalaro o inagawan ng kendi.
Gusto kong sabihin na magiging maayos din ang lahat pero... magiging maayos nga ba? Hindi ko alam. Hindi ko na alam..
Hindi rin kasi madali ang pinagdadaanan niya. Nakakapanghina, mababasag at mababasag ka talaga. Kaya hindi ko rin siya masisisi sa inaasta niya.
Kung puwede nga lang ipasa 'yong sakit na nararamdaman niya willing akong tanggapin. Mapa-via Bluetooth man yan o via- SHAREIt. I can't bear seeing this person crying, I felt so useless.
Nanlulumo ko siyang pinagmasdan. Masakit para sa 'kin ang makita siyang ganyan.
Bakit ba wala man lang akong magawa para sakanya?
Nakakatakot na tuloy mag-mahal.
Love is a game. Si tadhana ang organizer at tayo ang players. Nasa sakanya ang magiging takbo ng laro, siya ang mag-mamanipula at tayo 'yong taga sunod.
Matira matibay. Kapag mahina ka talo ka kaagad, kaya kailangan maging manhid ka kasi habang nasa laro ka hindi mo maiiwasang hindi masaktan at masugatan. Kahit anong ingat mo madadapa at madadapa ka at kung gusto mong tumagal dapat maging matapang ka.
Gusto kong sisihin si tadhana, ng dahil sakanya naging ganito siya.
Bakit niya hinahayaang paulit-ulit na masaktan ang taong ito?
Bakit palaging sa maling tao niya ito ipinapareho? Bakit hindi na lang niya ito hayaan maging masaya?
Bakit hindi na lang kasi ako ang ibigay ni tadhana para sakanya?
Gusto kong sisihin si tadhana. Ng dahil sakanya marami ng nasasaktan. Maraming umuuwing wasak at luhaan.
Pero may karapatan ba akong sisihin si tadhana? May karapatan ba tayong magalit sakanya? Paano kung katulad natin may pinagdadaanan din siya?
Paano kung sa dinami-rami ng kailangan niyang gawin at asikasuhin katulad natin ay na papagod na rin siya?
Paano kung dahil sa bigat ng problema niya ay nahihirapan na siya? Natataranta at naguguluhan kaya minsan nagkakamali siya?
'Yong akala niyang para sa isa't isa... ay hindi pala talaga?
'Yong akala niyang dapat paghiwalayin ay 'yon pala talaga ang para sa isa't isa?
Gusto kong isipin na sana ganon nga lang 'yon. Sana nga nagkamali lang siya, at sana gumagawa rin siya ng paraan para maayos 'yon.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang kanyang luha gamit ang aking hinlalaki.
Masakit makitang umiiyak ang taong mahal mo para sa mahal nito.
Masakit na makita siyang nasasaktan pero wala kang magawa, kasi ikaw mismo sa sarili mo hindi mo rin alam kung paano aalisin ang sakit na nararamdaman mo.
Saan ko ba puwedeng makita si tadhana?
Gusto kong sabihin sakanya na idaan na lang namin sa suntukan ang lahat. Saktan na niya ako ng pisikal wag lang emosyonal.
'Yong sugat sa katawan madaling maghilom, na gagamot. Pero 'yong sakit dito sa loob? Sa puso? Aabutin ng buwan o taon bago maghilom. Marami ka munang pag dadaanan bago maghilom 'yong sugat.
Tatawid ka pa sa bundok ng rejection, sa dagat ng heartache. May makakasalubong kang What if's? Dadaan sa gubat ng Muling aasa na kadugtong ng talon ng katangahan. Tapos aantayin mo pang umulan ng realization para matanggap mo ang reality atsaka ka lang makakarating sa destinasyon mo. After that fucking journey, doon ka pa lang siguro makaka move-on. And then you need to jump in the next level. Sa Moving-forward stage at pag na tapos mo 'yon, edi congrats! Nakagraduate ka na sa pagiging brokenhearted.
Bakit kasi may kailangan pa'ng masaktan? Hindi ba puwedeng mahal ka rin ng mahal mo? Gusto ka rin ng gusto mo?
Kung ganon lang sana edi everybody happy sana ang lahat! Wala ng umiiyak, wala ng mawawasak at magpapakamatay para sa pag-ibig.
Tumahan na siya at unti-unting kumalma.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya na siyang ikinagulat niya. Taka niya akong pinagmasdan pero ngiti lang ang isinukli ko.
Sa ngayon hanggang dito lang ang kaya kong gawin. Ang hawakan ang kamay mo at ang manatili sa tabi mo.
"Gusto mo ba'ng hunting-in natin si tadhana? Tapos tanungin natin kung puwedeng pasapak kahit isa lang? Baka kasi nakatulog siya kaya hindi niya magawa 'yong request mo."
Natawa siya at napapailing, "Kahit kailan talaga ang brutal mo!" Nakangiting sabi niya atsaka ginulo ang buhok ko.
Tumayo siya at nag-inat. Inabot niya ang kamay niya upang alalayan akong tumayo.
"Magkasama nating hanapin si tadhana. Marami akong gustong sabihin sakanya," pinagmasdan ko ang kamay niya at ang nakangiti niyang mukha.
Tinanggap ko 'yon at sabay kaming naglakad ng makahawak ang kamay.
"Pag na kita natin si tadhana mag-mamakaawa akong... sa 'kin ka na lang niya ibigay..."
1 note
·
View note