jjamerzzz-blog
jjamerzzz-blog
jjam
4 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
jjamerzzz-blog · 7 years ago
Text
Akademikong tulong ng internet o social media sa mga kabataan
Tumblr media
Sa panahon ngayon, madalas na ang paggamit ng internet. Nangunguna rito ang mga kabataan. Ang internet ay nagsisilbing gabay ng mga kabataan hinggil sa kanilang pag aaraal. Dito sila kumukuha ng mga impormasyon na magagamit nila sa paaralan at makadaragdag ng kanilang kaalaman. Isa sa mga website na sikat sa mundo ng internet na higit na nakatutulong sa pagbibigay ng impormasyon ay ang Google. Dito mo maisasaliksik ang lahat ng bagay na hindi mo nalalaman. Base sa aking sariling karanasan, madalas kong ginagamit ang Google o ang internet kapag kami ay may takdang aralin o kaya naman kapag mayroong isang bagay o salita na ibig kong malaman ang kahulugan o nais kong  maintindihan. Higit na nakatutulong ang internet sa aking pag aaral dahil dito ko rin malalaman at makikita ang mga balitang dapat kong malaman lalo na kung hinggil ito sa aming pinag aaralan sa paaralan. Sa kabila ng maraming naitutulong ng internet mayroon pa rin itong negatibong epekto sa mga mag aaral. Maaaring makakita ng hindi kaaya-ayang impormasyon at larawan na makasisira sa pag iisip ng mga estudyante. Maraming ding naaapi at naagrabiyado sa paggamit ng internet, madalas ang mga tao rin sa loob ng internet ang may kagagawan nito. Lingid man sa ating kaalaman o nalalaman na natin na marami ng impormasyon ang nakapaloob sa internet na maaari na lang natin isaliksik ng madalian at mayroon ng makukuhang sagot sa mas mabilis na paraan. Hindi natin alam na kung sa hinaharap ay may mas malawak na tayong kaalaman at mas malawak na impormasyon sa loob ng internet na mas mapapabilis ang buhay ng tao at lalong lalo na ang mga kabataan sa hinaharap hinggil sa kanilang pag aaral. Magkakaroon na tayo ng mas matalinong teknolohiya na isa rin sa makatutulong sa pag unlad ng ating kaalaman, ng internet at ng bansa.
0 notes
jjamerzzz-blog · 7 years ago
Text
“Akademikong tulong ng Social Media sa mga kabataan o estudyante katulad ko”
Tumblr media
             Marami sa sating mga kabataan ang nahihilig gumamit ng social media ngunit ano nga ba ang social media, ano nga ba ang nadudulot na tulong nito sa ating mga estudyante o mga kabataan? Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network at ang edukasyon ay ang pag babahagi ng mga estudyante ng kani kanilang kaalaman.
           Marami ang nag sasabi na ang social media raw ay masama at sagabal sa pag aaral ng bawat estudyante pero hindi nila alam na ang social media ay may malaking tulong sa aming mga estudyante  sa maraming paraan.
 Malaki ang naibibigay na tulong ng Social Media sa mga kabataan o estudyante, napapabilis nito ang bagay bagay. Ang kungkretong halimbawa na lamang ay  mayroon kang hindi naintindihan sa itinuro sa inyo ng inyong guro, makakatulong ang internet sapagkat sa isang pindot mo lamang ay may milyon-milyong impormasyon ka ng makikita at dahil dito madaling manaliksik ng walang sinasayang na oras. Kapag kailangan mo ng tulong para sa iyong takdang aralin, makakatulong rin ang internet dito, makakakuha ang bawat estudyante ng iba’t ibang ideya at kung paano maging malikhain.
Sa paggawa ng proyekto, hindi maiiwasan na kasama ang iba mong kaklase, kailangan ng komunikasyon upang malaman ang mga plano para sa gagawing proyekto, upang makapag usap sa madaling paraan, ginagamit ng mga kabataan o mha estudyante ang social media upang makipag ugnayan at komunikasyon sa bawat ka grupo ang halimbawa na lamang ng ginagamit upang makipag komunikasyon at ang messenger: group chat.
Ang mga nakasulat sa libro ay nasa internet na rin kaya’t para saakin mas mabisa ang paggamit ng internet kung may mga kailangang hanapin dahil dito mas mapapabilis ang lahat ng iyong kailangan. Ang social media ay ang libangan rin ng mga estudyante lalo na kapag pagod sa pag-aaral, ntulad na lamang ng panunuod ng videos sa youtube o kaya’y ang pag gamit ng facebook.
 Ang internet ay mayroong maganda at di magandang nadudulot sa mga kabataan o estudyante ngunit nasa saatin kung paano natin ito gagamitin sa anumang paraan.
0 notes
jjamerzzz-blog · 7 years ago
Text
“AKADEMIKONG TULONG NG SOCIAL MEDIA SA KABATAAN O ESTUDYANTE TULAD NIYO”
Tumblr media
Nakakatulong ito sa mga magaaral upang masagot ang mga tanong nila sa iba't ibang aralin. Bukod dito, hindi lamang ito isang sanggunian, may iba't ibang websites na nakakatulong sa mga magaaral. Ito rin ay nagsisilbing komunikasyon ng mga estudyante sa kapwa estudyante at guro. Maaring magaplitan ng mensahe sa pamamagitan ng internet  or emails. Sa pamamagitan din ng internet,ang magaaral ay hindi nahuhuli sa mga bagong kaalaman.Ang mga anunsyo o bagong kaalaman ay naibabahagi sa iba't ibang panig ng mundo.
0 notes
jjamerzzz-blog · 7 years ago
Text
“AKADEMIKONG TULONG NG SOCIAL MEDIA O INTERNET SA MGA KABATAAN O ESTUDYANTENG KATULAD NINYO”
Tumblr media
 Sa aking palagay, ang akademikong  tulong ng social mediao internet sa isang magaaral na katulad ko ay, makapagbibigay ito ng mga bagong kaalaman at impormasyon na hindi ko pa alam at maaaring makatulong sa akin hindi lamang sa kasalukuyan ngunit pati na rin sa hinaharap marahil ang scial media o internet internet ay isang malaking at makapangyahirang plataporma na biubuo ng mga kaalaman. Ito’y tumutulong sa akin para mkatuklas ng bago, makapagbukas ng mga bagong pintuan tungo sa magandang kinabukasan hindi lamang sa akin ngunit pati na rin sa mga kapwa kong mga mag-aaral rin. Ang social media o internet ay ang pinaka maimpluwensya sa ating henerasyon ngayong dahil bukod sa limilinang ito ng pagkatuto, binubuo rin ito ng mga nakaaaliw o mga kinagigiliwang mga uso gaya na lamang ng mga tianatawag nating mga memes at mga bidyo. Ito’y mabisa rin sa pagbibigay ng daan sa mga tao upang makipag ugnayan sa iba kahit gaano man sila kalayosa isa’t isa. Sa internet o social media rin natin matatagpuan ang mga explanasyon tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang bagay. Bawat araw, bawat oras, bawat scroll ay mayroon na naman tayong bagong natutunan at ginagawa tayong alisto ng social media o internet dahil ito rin ay nagbibigay ng balita tungkol sa mga ganap sa ating mga kapaligiran.  Ilan lamang ang mga ito sa mga tulong na naidudulot ng tinatawag nating social media o internet sa buhay ng isang mag aaral katulad ko at hindi lamag ito para sa akin, para na rin ito sa ibang tao kahit ano man ang kanilang eded o status sa buahy dahil ang social media o internet ay walang pinipili.
0 notes