Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
“Bakasyon Pamilya at Kaibigan”

“Bakasyon pamilya at kaibigan” Noong 2017 sinama kami ng aming magulang patungo sa isang beach resort sa batangas. Nag punta kami doon dahil doon ang lugar na napag planuhang pag outing-an ng mga katrabaho ni mama. Pag punta namin doon ay agad kaming dinala sa aming kwarto para mag baba ng mga gamit at mga pagkaing dala. Kami ay nagtagal lamang ng isang gabi o dalawa base sa aking naalala. Sa unang araw na andun kami, kami ay nag swimming at mag pipinsan dahil kami ay humilay ng siyahan sa mga matatanda na aming kasama. Pag tapos namin mag swimming kami ay bumalik na sa aming tinutuluyan at kumain na ng hapunan. Kinagabihan pag tapos ng hapunan kami ay nag laro ng aming mga telepono at nagsiyahan. Sa susunod na araw kami ay nagswimming ulet at nagkaroon ng boodle fight. Sa aming huling araw kami ay nagkaron ng boodle fight ulit at nakapag swimming sa huling pagkakatoon. Pagka tapos noon kami ay nag impake na ulit at umuwi.
Pangalan: Nora Aiza Albawardy
0 notes
Text
Kasiyahan sa Tagaytay

Isa sa madalas na binibisita ng mga turista o dayuhan sa pagdalaw dito sa Pilipinas ay ang Tagaytay. Ang lugar na ito ay puno ng mga kaakit-akit na tanawin na perpekto para sa mga masining na larawan para sa inyong social media. Isa sa pinakakilalang binibisita ay ang Bulkang Taal, o ang tinaguriang Pulong Bulkan. Kilala ito dahil sa kanyang itinatawag na “picture perfect” na tanawin na umaakit sa malaking bilang ng mga turista. Resulta ito ng kanyang likas na kagandahan; mula sa asul na kalangitan na pinalamutian ng mahimulmol na ulap, hanggang sa kanyang kumikislap na lawa na nakalulugod sa mga mata ng nakakikita, ito ay nagbubunga ng isang pagtitipon ng kagandahan. Kabilang sa kanyang nakamamanghang tanawin, ang Bulkang Taal ay kilala rin sa kanyang mayamang kasaysayan at kultura. Matatagpuan din dito sa Tagaytay ay ang malawak na magpipiliang kainan na naglalaman ng mga masasarap na lutong Pilipino na siguradong masisiyahan ng inyong tiyan. Isa sa mga natatagpuang nakakaganang kainan sa lugar na ito ay ang Bag of Beans, isa sa pinakakilalang kainan sa Tagaytay. Ang kanilang menu ay binubuo ng parehong local at banyagang pagkain, upang masiyahan ang pagnanasa ng mga bisita. Ang kainan na ito ay hindi lamang kilala para sa kanilang tatak na timpla ng kape, kilala rin ito para sa kanilang kaayaaya at komportableng kapaligiran. Hindi ka lamang mabubusog sa masarap na pagkain, pati ang inyong mata ay mapupuno na din salamat sa lokasyon ng kainan na ito na nagbibigay ng masining na tanawin ng Bulkang Taal, at ang kanyang Lawa. Matapos matamasa ang nakamamanghang pagkain at tanawin ng Tagaytay, maaring bisitahin ang Sky Ranch, isang Amusement Park kung saan ikaw ay maaring makisalo sa iba’t ibang aktibidad na libangan. Ang isa sa mga kapansin-pansin na atraksyon sa parkeng ito ay ang Sky Eye, na may taas na animnapu’t tatlong metro. Sa attraksyong ito, maaaring mong maranasan ang nakamamanghang tanawin ng kabuuan ng Tagaytay. Ang Tagaytay ay may iba’t ibang magagandang lugar na tiyak na perpekto para sa mga larawan, kasama ang kamanghamanghang mga kainan na siguradong mapupuno ang inyong tiyan. Ang lugar na ito ay maaaring malayo para dalawin ng iba, ngunit kung ikaw ay bumisita dito, tiyak na sulit ang inyong oras.
Pangalan: Miguel M. Acaylar
0 notes
Photo

"Balik sa Kabataan"
Ang Nuvali Park ay isa sa mga lugar kung saan naghahalo ang kalikasan at relaksasyon. At isa ito sa mga prominenteng ala-ala ko bago tumama ang pandemya.
Sa sarili kong karanasan, isa itong lugar kung saan mararamdaman mong makaka hiwalay ka sa mga lungsod kahit katabi lang sya. Mayroong river boat ride para maiba naman ang mararanasang paglakbay. Pwede rin magpakain ng mga koi fish. Nakakatuwa rin minsan makita ang mga isda na gumugrupo. Nandyan rin and Camp N kung saan may mga ibat-ibang mga aktibidad tulad ng archery. Masarap rin mag hiking o kaya't mag-bisikleta sa mga dirt trail roon. Pwede naman rin mag leisure biking sa mga gusto lang maramdaman ang hangin tumama sa kanilang mukha. Sa mga may gusto ng mas malamig at mas basang aktibidad, nandyan rin ang wakeboarding. Maraming magagawa rito sa Nuvali Park at di ka magsisiseng pumunta rito.
Sa mga naranasan ko rito, magandang break ang mga restaurant at movie night pagkatapos ang buong araw sa labas. Ang isa sa mga aktibidad na gusto ko sanang maranasan pagtapos ng pandemya ay ang pagbisita sa bird sanctuary roon.
Pangalan: Dominique Huey Aranzanso
0 notes
Text
Tila Pilon Hills

Isang taon mula nung unang dineklara ang lockdown sa buong bansa, nagkaroon kami ng pagkakataong lumabas para makalanghap ng sariwang hangin sa labas ng syudad at mapuntahan ang magandang tanawin ng Tila Pilon Hills.
Kasama ng aking pamilya at mga pinsan, inakyat namin ang burol ng Tila Pilon sa Dona RemediosTrinidad sa Bulacan ng dalawang oras. Isang mahaba at nakakapagod na lakad ang aming dinanas. Di maiiwasang magreklamo at magiyakan na ang mga bata na kasama namin dahil sa sobrang pagod. Pero pagdating sa taas, lahat ng pagod ay nawala dahil sa sobrang ganda ng tanawin.
Kami ay nagtayo ng tent at doon kami nagpalipas ng gabi. Masaya kaming nagkwentuhan kasama ng mga aking mga pinsan. Ito ay isang magandang pagkakataon para kami ay magkasama sama pagkatapos ng isang taon.
Kinabukasan kami ay bumaba na ng burol. Masasabi kong mas madali na ang aming pagbaba. Kami ay nag almusal sa Kape Provincia at umuwi ng masaya at puno ng pag asa na sana makabalik ulit kami sa lugar na ito.
Pangalan: Gian Paolo O. Babera
0 notes
Photo

'Ang Magandang Parke"
Pagkatapos namin dumalo ng kasalanan ng aking pinsan sa pangasinan noong december 2018. Napagplanuhan ng aking magulang na magbakasyon sa Baguio upang masilayn ang mga magagandang atraksyon na kanilang pinagmamalaki.
Pumunta kami sa 'Mines View" kung saan makikita ang ang "Northestern Outskirst of Baguio" at sumakay din kami ng aking kapatid sa kabayo upang pagpakuha ng litrato at ang mga malalaking aso na malalapit sa mga tao. Pinasyalan din namin ang "The Mansion" kung saan nanunuluyan ang dating mga presidente. pinuntahan din namin ang kanilang palengeke kung saan meron silang iba't-ibang mga "souvenir" o mga produkto na kanilang pinagmamalaki at hindi rin kami nagpahuli na matikman ang kanilang iba't-ibang flavor na kanilang "Taho" at hindi magpapahuli ang "STRAWBERRY TAHO" na hindi magpapahuli sa lasa na sobrang sarap.Ang pinaka-paborito kong lugar na aming napuntahan ay ang "Burnham Lake" na hindi kami nag atubili na subukan ang kanilang iba't-ibang aktibidad na paniguradong mag-eenjoy ka at nagkaroon din kami ng quality time kasama ang aking buong pamilya na isa mga importante na bigyan ng oras ang bawat isa.
Pangalan: John Christopher S. Cantes
0 notes
Photo

Ang Kagandahan ng Mountain Quest sa Rizal
Mabuhay Pilipinas! Isa na namang panibagong pagsasama-sama na kung saan ay mas lalong “pinas-saya”, mas lalong “pinas-sabik” at kaabang –abang na mga impormasyong matutunghayan dito. Halina’t samahan niyo kaming maglakbay at panatilihin ang good vibes.
Una sa ating mga itatampok na lugar ay ang Mountain Quest na matatagpuan sa Antipolo, Rizal. Isa ito sa mga pinuntahan ng buong pamilya namin na hinding hindi namin makakalimutan. Unang dahilan ay ang naturang ganda ng lugar at pangalawa ay ang kakaibang good vibes na mararamdaman dito. Ilan sa mga aktibidad dito ay ang paggamit ng ATV upang malibot ang magagandang kabundukan ng Sierra Madre.
Ang kakaibang sayang dala ng Mountain Quest at magagandang tanawin na maaaring makita ay siyang bubuo sa araw mo. Kasabay ng kasabikan at takot na dala ng ATV, UTV at Dirtbike, nariyan din ang pagkamangha sa ganda ng tanawin at maging sa mga taong maaari mong makilala sa lugar na ito. Mararamdaman mo ang pag-iingat at importansya na ibinibigay ng Mountain Quest sa mga dumadayo rito. Bakas din ang saya na dulot nito na makikita mo sa mga ngiti at mata ng mga dumarayo dito.
Ang pinaghalo-halong saya, takot at pagkamangha ay siyang mag-uudyok sa iyo na bumalik sa lugar na ito gaya na lamang ng nararamdaman ko habang ibinabahagi ko ito. Kung bibigyan ako ulit ng pagkakataon na bumalik dito, paulit-ulit ko pa ring mararamdaman ang kakaibang saya na dulot ng lugar na ito.
Kung nais niyo ring maranasan ang ganitong kakaibang pakiramdam, maaari niyong bisitahin ang kanilang page na www.mountainquestph.com. Tara na at dayuhin ang Mountain Quest ng Antipolo, Rizal!
Pangalan: Jedrek Reuel M. Zulueta
0 notes
Photo

Ang Tahanan ng Isang Pambansang Bayani
Marahil ito ang huling paglalakbay na naranasan ko bago sumiklab ang pandemya. Ang aking biyahe sa Calamba, Laguna ay hindi lamang isa sa aking kasiya-siyang paglalakbay sa ating bansa, ngunit isang makasaysayang din ito. Makasaysayang ito dahil nabisita ko ang replika ng bahay ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Nagpunta ako doon kasama ang aking pamilya upang tingnan kung ano ang hitsura ng tirahan ni Rizal. Pakiramdam ko ay bumabalik ako sa oras upang malaman ang tunay na buhay ni Rizal at suriin ang magandang Espanyol-Kolonyal na bahay kung saan siya ipinanganak.
Kung nais mong malaman ang maagang buhay at edukasyon ni Rizal, bisitahin ang lugar na ito. Kung nais mong suriin ang kanyang mga paglalakbay sa buong mundo, bisitahin ang lugar na ito. Lahat ng kailangan mong malaman tungkol kay Rizal ay nakaimbak sa lugar na ito. At bukod dito, ang museo ay mayroong anim na galerya, na mayroong mga larawan, replika, at artifact na may kaugnayan kay Rizal. Sinasalamin din ng museo ang mga huling oras ni Rizal nang siya ay ipinatapon ng firing squad sa Bagumbayan noong 1896. Maaari mo ring suriin ang iba't ibang mga silid sa ikalawang palapag ng bahay niya. Mayroon silang sariling mga silid-tulugan, silid kainan, sala, kusina, at isang balkonahe. Mayroon ding magandang hardin sa labas ng bahay, kung saan inilibing ang mga magulang ni Rizal na sina Francisco Mercado at Teodora Alonso. Ito ay lubos na kasiya-siya upang bisitahin ang makasaysayang lugar na ito, at ito ay maaaring maging isang tanyag na patutunguhan para sa mga lokal at turista. Kahit na ito ay isang replika, dapat bisitahin ang bawat Pilipino dahil maaari mong pag-aralan ang buhay at mga nakamit ni Rizal, at kahit bisitahin ang kanyang bahay doon.
Pangalan: Co, Matthew Benedict M.
0 notes
Photo

Isang Isla sa Kanluran
Ang pagpunta rito sa Coron, Palawan ay isang masayang karanasan. Magaganda ang mga tanawain dito ay mga tanawin na hindi mo madalas na makikita. Mga magagandang puno, nagtataastaasang mga bundok, hilehilerang mga gubat, kumikinang na mga alitaptap sa gabi, malinis na tubig, at ang mga mababait na lokal. 40 minuto ka lamang nakaupo sa iyong upuan, kapag ikaw ay nakaeroplano. Bilang lamang ang mga magagandang hotel sa Coron, dahil hindi naman mga hotel o mga malls ang iyong pinuntahan doon, kundi ang mga magagandang mga dalampasigan, tubig, at tanawin. Uso sumakay ng traysikel, upang makapunta ka sa iyong pinaroroonan. May layo din ang sibilisasyon at hindi kakayanin na maglakad. Maraming lokal na kainan, na nagbibigay na magandang serbisyo, at ang kanilang mga pagkain ay masarap, lalo na ang kanilang Palawan Rice.
Mayroon din silang palengke, kung saan mamimili ka ng mga sangkap at iluluto ng iyong nirentahan na bangkero. Kasama sa serbisyo nila ang pagluluto at pagdadala sayo sa kabilang isla. Masaya pumunta rito kasama ang iyong pamilya, o kabarkada. Ang pagpunta ko rit.o kasama ang aking pamiya ay isang magandang alaala. Malayo man sa mga nagtataasang mga gusali at sibilisasyon, maraming mga aral at mga tanawin na siguradong dadalhin mo habang buhay.
Name: Ralph Angelo L. Palmario
0 notes
Photo

Masayang Bakasayon at Alaala
Taong 2013, napagplanuhan ng aming pamilya na magbakasyon sa isang dalampasigan na mapuputi ang buhangin at napakaganda ang tanawin. Ang naisip na puntahan ng aking pamilya ay ang Puerto Galera sa Oriental Mindoro. Bumyahe kami ng alas-kwarto ng umaga at nakarating kami sa Puerto Galera ng alas-diyes ng umaga. Pagkadating namin sa Puerto Galera, nakita ko agad na madaming tao at napakadaming tindahan kung san makakabili ka ng iba't ibang mga "souvenir". Ako ay natuwa dahil mahilig ako lumangoy at nagbakasyon kami dun ng tatlong araw. Una namin pinuntahan ang aming mga kwarto kung saan kami matutulog at iiwan ang aming mga gamit.
Pagkadating sa kwarto ay naghanda at nagluto na kami ng aming tanghalian. Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna kami ng ilang minuto at nagpunta na sa dagat upang lumangoy. Pagpunta ko ng dagat ay napakalamig ng tubig at napakainit din dahil sa araw. Halos lahat ng aking pamilya ay nalangoy sa dagat at ang iba naman ay naglalaro sa buhangin. Nakakita kami ng mga isda sa dagat at may malaking barko kung saan maraming tao napunta dun at natalon sa barko.
Nung gabi na, naglibot kami sa Puerto Galera at may nakita kaming mga nagpeperform na tao. Nakita namin na sila ay nasayaw ng "fire dance" kung saan may dalawa silang hawak na bolang apoy at ipinapaikot ito. Natuwa ako sa aming bakasyon at gusto ko ulit itong balikan. Naipapakita na may magagandang lugar sa Pilipinas na dapat puntahan ng mga tao at mag-enjoy pag sila ay bumisita at nagbakasyon dito. Tulad ng Puerto Galera ay marami pang mga lugar na magaganda at dahil dito ang Pilipinas ay nagiging atraksyon ng mga turista at dito sila ay nagkaroon ng magandang bakasyon at magagandang alaala.
Name: Justin Rey A. Cabantac
1 note
·
View note