jr-penachos
jr-penachos
Jacq the Penachos
18 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
jr-penachos · 5 years ago
Photo
I like the druid one its cool
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Liana Anatolevich  -  https://kycaka.deviantart.com  -  https://www.facebook.com/kycakasan  -  http://kycaka-san.tumblr.com  -  https://twitter.com/kysakasan  -  https://www.instagram.com/kckart  -  https://vk.com/kckart
2K notes · View notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Tumblr media
Northern medieval Mandalorian Fan art Enjoy
5 notes · View notes
jr-penachos · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Sailor moon challenge XD
3 notes · View notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Travelouge sa Pilipinas(Penachos)
Ika-2 ng Nobyembre 2018.
Noong ika-2 ng Nobyembere 2018, pumunta ako sa Baler, Aurora kasama ang aking tita at aking mga pinsan. Dahil malayo-layo ang Baler, umabot ng limang oras ang biyahe papunta roon. Labis na sumakit ang aking puwet dahil sa sobrang tagal kong nakaupo. Subalit, sulit naman ang haba ng biyahe dahil sa nakakabighaning ganda ng Aurora. Tila’y dinala ako sa mga panahong nakatira pa ako sa aming probinsya dahil sa dami ng mga puno at palayan na aming nadaanan. At dahil nakaramdam na kami ng gutom, napagdesisyuhan naming kumain sa isang karenderya. Nabusog kami at napag-isipan naming magpahinga muna sa isang hotel malapit sa resort na nais naming puntahan. Labis akong nasiyahan nang nalaman kong nag-aalok sila ng surfing lessons doon. Kaya’t hindi na ako nagdalawang-isip at sinubukan kong mag surf. Subalit, hindi ko inasahang napakahirap palang ibalanse ang aking sarili sa surf board. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumagsak sa tubig. Bagama’t nahirapan ako, masaya pa rin naman dahil nakararanas ako mag surfing kahit papaano. Pagkatapos naman ay nagpunta kami sa isang muesyo kung saan nakakita ako ng mga larawan at mga kagamitan mula pa noong unang panahon na labis na kumuha ng aking atensyon. Naisip ko rin na maaari ko itong gamitin bilang inspirasyon upang mas masanay ako sa pagguhit at paglikha.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Travelouge ko sa Japan(Anthony Basas)
Ika-10 ng Nobyembre 2019
Nang bumisita ako sa Japan, hindi ko inasahang napakaiba ng bansang ito kung ikukumpura sa Pilipinas. Mula sa pagkain, pananamit at panahon, hindi mapagkakailang may mga natatanging tradisyon at kultura ang dalawang bansa. Napakalamig rin sa Japan at kahit sanay na ako sa malamig, lagi akong nakasuot ng dyaket. Bagama’t marami rin ang tao roon tulad sa Maynila, kapansin-panisn ang napakalinis na kapaligiran sa Japan. Wala akong nakitang kahit isang basura man lamang sa daan na nagpapatunay na disiplinado talaga ang mga Hapon. Ang problema ko lamang dito ay nahirapan akong maghanap ng mga basurahan sa Japan, kaya’t wala akong nagawa at linagay ko na lamang ang aking basura sa aking bag.
Tumblr media
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Talaan ng Palaginip(Salenga)
Araw ng sabado napanaginipan ko ako ay napadpad sa madilim na lugar tila ba ay ako lang mag-isa sa lugar kabado, panginginig yan ang aking mga nararamdaman.
Takot man ako aking itong nilabanan sa gawing dulo may mga tinig akong naririnig na humihingi ng tulong tila’y parang pinapahirapan sila hannggang sa aking makita na pamilya na walang makain pamilya na walang maayos na tirahan ang bumungad sa akin ng aking sila’y tatanungin bigla nalang namulat ang aking mata at ito ay sa aking panaginip lamang
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Salenga’s Mapua Memoir
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Pakikiusap sa sarili ko (Penachos)
Ika-10 ng Nobyembre
Dumating ang aking mga kapatid!!
Labis akong nasiyahan dahil pagkalipas ng halos isang taon, binista ako ng aking dalawang babaeng kapatid dito sa Maynila. Tiniis kong mawalay sa aking pamilya upang makapag-aral sa Mapua at makapagtapos ng kolehiyo. Kaya’t labis akong nasabik dahil saktong tatlong araw din kaming walang pasok. Naisipan kong dalhin sila sa Star City dahil wala rin kaming mga amusement parks sa Leyte. Sinubukan namin halos lahat ng rides doon. Nakakapagod ngunit nakakagalak naman makitang masaya ang mga kapatid ko. Maliban sa mga rides sinubukan ko rin ang archery. Salungat sa aking inakala, napakahirap pa lang tamaan ang target. Kahit ilang beses ko nang sinubukan, siguro’y inabot ako ng limang beses upang tirahin ito. Pagakatapos ay naglaro ako nga baril-barilan, at tiyak na masasabi kong dito ako magaling. Nagawa kong tirahin ang lahat ng target kaya’t nanalo ako ng dalawang keychain at binigay ko ito sa kapatid ko.  
Tumblr media Tumblr media
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Kwadernong pagpaplano ni Salenga
Tumblr media
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pigsney舒先生
1K notes · View notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Gumagala na kahit saan: Ang kuwento ng buhay(Jacq Robbins Penachos)
Sa murang edad ay nahiligan ko nang manood ng mga kartun tulad ng mga klasik na Tom and Jerry, Loony Tunes, Mickey Mouse at iba pa. At kahit ngayong ako’y nasa kolehiyo na, madalas pa rin akong manood ng mga kartun subalit sinubukan ko rin ang ibang dyanra nito tulad na lamang ng anime. Nang ipinalabas sa Cartoon Network ang Toonami, dito ko nadiskubre ang mga animasyon mula sa Hapon na mas kilala sa tawag na “anime.” Napakalawak ng saklaw ng anime, kaya’t marami akong napagpipilian. Nadiskubre ko rin ang ilan sa mga paborito kong palabas tulad ng Naruto at Dragonball Z. Kung dati ay limitado lamang ang saklaw ng mga dyanrang aking pinapanood, dahil sa anime, nasubukan kong manood ng romance, horror, suspense at slice of life. Subalit, sa dinami-dami na ng napanood kong anime, napansin ko na tila’y may pagkakapareho ang balangkas ng mga kuwento nito. Kadalasan sa simula ng kuwento, ang bida o protagonist ay isang ordinaryong tao lamang na tila’y walang silbi sa mundo at biglang makakaranas ito ng kung tawagin sa Ingles ay isang “life-changing situation.” Ang kadalasang senaryo ay biglang magkakaroon ng superpowers ang bida upang protektahan ang mundo mula sa panganib tulad ng mga halimaw, higante at mga demonyo. Napakaraming balakid ang haharapin ng bida subalit sa kahuli-hulihan ay magtatagumpay ito sa kaniyang misyon.
Tumblr media
Ngunit, kamakailan lamang ay may nadiskubre akong palabas na may nakakaibang balangkas sa mga karaniwang anime. Ang pamagat nito ay “Maji no tabitabi” o tinatawag ding Wandering Witch: The Journey of Elaina sa Ingles. Ngayong buwan pa lamang ito ipinalabas at mayroong itong apat na episodes. Patuloy pa rin ang produksyon nito at tinatantiyang aabot ito hanggang labindalawang episodes dahil iyon ang karaniwang bilang sa isang season ng anime. Upang bigyan kayo ng kakaunting ideya tungkol sa kwento nito, ang “Maji no tabitabi” ay nakatuon sa isang manlalakbay na si Elaina. Dinadala ni Elaina ang mga manonood sa iba’t ibang bahagi ng mundo kung saan pinag-aaralan niya ang kultura at tradisyon ng bawat bansang kaniyang binibisita. Binibigyang diin din nito ang mga mamamayan mula sa isang partikular na komunidad pati na rin ang kanilang mga mahahalagang karanasan sa buhay
Tumblr media
Higit na ipinakita ng palabas na ito ang pagkakaisa ng sangkatauhan dahil sa mga paglalakbay ni Elaina. Sa katunayan, napakasimple lamang ng konsepto nito kumpara sa aking mga napanood, subalit bagama’t ganoon, masisiguro ko sa inyo na babaguhin nito ang inyong pananaw sa buhay. Bukod dito, kadalasan sa isang season ng anime, binubuo ito ng iba’t ibang kuwento at ang isang buong kuwento ay umaabot ng tatlo hanggang apat na episodes. Subalit, sa “Maji no Tatabi,” iba’t iba ang kwento sa bawat episode nito at ito ang kadalasang istilong ginagamit sa mga serye.
Sa kabuuan, labis kong nagustuhan ang palabas na ito dahil napakaraming emosyon ang naramdaman ko habang pinapanood ito—pinasaya, pinatawa at pinaiyak ako ng anime na ito. Napakaraming mahahalagang aral ang mapupulot natin ditong tiyak na magagamit natin sa ating buhay. Maliban dito, hindi ko inaasahang magiging madilim ang pagwawakas ng kwento. Ang kakaibang istilong ginamit sa palabas na ito ang tunay na kumuha ng aking atensyon. Kaya’t kung nais niyong subukang manood ng mga palabas na maituturing kakaiba sa inyong nakasanayan, irinerekomenda ko ang “Maji no tabitabi.”
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Hilig sa Potograpiya (San Luis, Eidref Sean R.)
Ang aking hilig sa potograpiya ay isa sa nagtulak sa akin na magpatuloy sa kursong pelikula dahil marami akong natutunan dito. Kasama sa libangan na ito ang ideya ng paghahanap ng paraan upang mailahad ang mensaheng ninanais iparating. Kailan lamang ako ay nagkaroon ng bagong pakay sa aking libangan nang dahil sa patuloy na pagdiskubre ng makabagong paraan na hindi ko pa nasusubukan. Dati ako ay kumukuha ng mga tanawin na aking napuntahan gamit ang hiram na kamera na matagal ko nang ninanais magkaroon ng sarili. Ngayon ako ay kumukuha ng mga litrato ng taong aking kinakaibigan at bagong nakikilala
Tumblr media
(Art by: Saatchiart https://www.pinterest.ph/pin/140456082118480249/)
Natuto rin akong gumamit ng lumang kamera na gumagamit pa ng seluloid at kinakailangan pang idaan sa tindahan upang makita ang mga litratong nakunan. Dito ko natutunan kung paano maging maingat sa paggamit ng mekanismo ng kamera at pagiging matiyaga sa paghihintay dahil hindi kaagad makikita ang litrato. Palagi akong natututo sa aking walang tigil na pagtangkilik sa libangan na ito, habang maaga pa, gusto ko pang matuto at subukuan ang mga makabagong paraan kahit gaano man sila kahirap dahil sa kaluguran at aral na nakukuha ko dito.
Tumblr media
(Art by: boredpanda https://www.pinterest.ph/pin/229683649735134022/)
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Interes sa Nobela (San Luis, Eidref Sean R.)
Nagkaroon ako ng interes na magbasa ng mga nobela ilan taon bago ako magkolehiyo. Handa na ang susunod na libro pagkatapos basahin ang isa, at bibili ng bago kahit mayroon pang mga hindi pa nabubuksan. Nagkaroon ako ng mga koneksyon sa ibang tao dahil sa aming hilig sa pagbabasa, pagbibibgay ng mga rekomendasyon at paghihiram ng kopya ng nobela. Ako rin ay umunlad sa aking pagsusulat dahil sa aking mga binabasa, bilang estudyante ng pelikula, ang paghasa ng panunulat ay isa sa mga mahahalagang kakayahan ang kinakailangan. Madalas akong pumunta noon sa mga kombensyon ng mga libro kung saan marami ring mga may hilig magbasa ay dumadayo.
Tumblr media
(Art by: Prettybooks https://www.pinterest.ph/pin/227080006200634817/)
Dito nakakakita ng mga librong bagong labas, o kaya mga librong nabibili sa murang halaga. Kasama ko rito ang mga kaibigan na kagaya ko may hilig sa mga nobela, taun-taon naming pinaplano ang magsama sa tuwing paparating na ang kombensyon. Ngunit sa hindi mapigilang gawain na ito, ako ay napahinto dahil sa mga gawain sa kolehiyo. Hindi na naituloy dahil natambakan at nawalan ng oras, kahit ang pagtingin sa mga tindahan ay hindi ko na nagagawa, kahit ang aking mga kaibigan ay hindi na rin mahanapan ng oras ang aming interes. Pero kahit sa mga hadlang na ito, masasabi ko na ang hilig ko sa pagbabasa ay hindi nawawala
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Lakbay ng hilig ko sa pelikula (Canlas, Carlo Mari V.)
Nung tumongtong ako ng kolehiyo malaki ang naging adjustment ko marameng bago para sa akin. Nung ako’y nasa 1st year pa ay nahihirapan nako makipag sabayan sa mga aking mga klasmeyt sa dahil na bago nga lahat sa akin. Ang kurso na aking kinuha ay computer engineering na gusto ko naman simula pa nung ako’y nasa highschool ngunit hindi ko inaasahan na ako’y mahihirapan at mahuhule di tulad ng iba kong klasmeyt pero hindi ako pinaghinaan ng loob nag pursigi ako kasi para din naman sa akin tong ginagawa ko ngunit sa di inaasahan na mga bagay ay nawalan ako ng lakas lumaban pa sa dahilan na din ako’y napagiwanan na nga. 
Nasa 3rd year nako ng aking college life ay napagisip-isip ko na ito ba ang gusto ko talagang gawin?, ito ba ang pangarap ko talaga?, dito ba ako sasaya?  Dumating ang araw na pagisipan ko na magshift kasi hindi ko na talaga kinakaya ang stress na dinudulot sa akin at nung ako’y papasok nong araw na yon nagdasal ako at humingi ng gabay sa itaas at sa pag apak ko mismo sa gate ng Mapua bungad sa akin ay isang bagong course na inooffer ng Mapua ang digital film nung una nagdadalawang isip pa ako lumipat kasi naisip ko din na sayang naman yung mga natapos ko na at onting tiis na lamang pero nung ako’y kinausap ng aking mga magulang don ko napagtanto na mas mahalaga na masaya ka sa ginagawa mo kesa sa pinipilit mo lang sarili mo sa isang bagay. Simula nung highschool ako malaki na ang interes ko sa mga pelikula lalo na sa mga pinoy comedy. Simula nong nakita ko yung kurso na yon dito na nagsimula ang lakbay ko pagiging digital film na estudyante at masasabi ko na ang lakbay ko na ito ay ang pinaka masaya, mahirap, at malungkot na paglalakbay ko sa buhay pero alam ko sa huli nitong paglalakbay ko ay makakamit ko ang aking mga munting pangarap ang maging isang tanyag at magaling na direktor sa ating bansa.
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Ang munting kong koleksiyon (Canlas, Carlo Mari V.)
ArtNaging parte na ng buhay ko ang pagkokolekta ng mga funko pop vinyl. Nagsimula ang aking interes nito nung ako’y ay nasa 2nd year highschool pa ang una kong biniling vinyl ang ay sikat na sikat na pelikula na “Star Wars” galing lang ang pera ko sa aking ipon kaya nakabili lang ako ng apat na figure dahil sa panahon na yon ay medyo may kamahalan na ito para sa isang estudyante na nagsisimula palang sa hobby na iyon. Sa kahiligan ko at sa paglaki ng aking interes sa mga bagay na ito ay natuto ako mag tipid at magipon naalala ko pa nga na minsan ay di ako nakaen para lang mas lumake ang ipon ko at nalaman ito ng aking mga magulang at agad akong napagalitan.
Tumblr media
(Art by: Sasha Haas https://gr.pinterest.com/pin/744008800915618507/)
Simula non ay sinuportahan nako ng aking mga magulang sa pag kokolekta ng Funko pop at nahilig din dito ang aking ina lalo na sa linya ng “Marvel”. Naging happy place ko ang mga ito sa tuwing uuwe ako galing eskwela ay pag nakikita ko sila agad nawawala ang aking pagod at para bang nachacharge ako parang isang cellphone at dahil dito hindi nako tumigil sa pagkokolekta at lumaki na ang aking koleksiyon. Ang laki ng pasasalamat ko sa mga bagay na ito dahil sa sinabe sa akin ng mga magulang ko na buti daw don ako nahilig sa mga bagay na yon at hindi sa mga bagay na bawal o masama kung baga parang na ligtas na din ako ng pagkokolekta.
Tumblr media
(Art by: Paris Alleyne https://www.reddit.com/r/marvelstudios/comments/eo15xv/avengers_endgame_fan_art_by_paris_alleyne/)
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
Ang aking interes sa pagbibiskelta(Canlas, Carlo Mari V.)
Simula pa noon ako’y bata nakahiligan ko na ang pagbibisikleta o pagbibike. Naalala ko pa noon ang aking unang bisikleta na binili sa akin ng aking mga magulang. Ang kwento pa nga nito ay bago ko makuha ang bisikleta ay meron silang isang kondisyon na dapat kong gawin ito ay ang magpagupit ako ng kalbo sa sobrang hilig ko sa bisikleta at gusting gusto ko na magkaroon ng sariling bisikleta ay ako’y nagpagupit para makuha ko ang una kong bisikleta at simula non nahilig na ko ng tuluyan sa pagbibisikleta. Malaki ang naitulong na pagbibisikleta sa akin na paganda nito ang aking kalusugan, ang aking pananaw sa aking paligid at higit sa lahat ay naparami nito ang aking mga kaibigan
Tumblr media
(Art By: Don Mcneil https://www.pinterest.ph/pin/382735668314581751/)
Masnamulat ako sa kagandahan ng ating mundo dahil sa pagbibisikleta nakita ko ang tunay na kagandahan ng ating kapaligiran at dahil dito ay masnatuto ako na alagaan ang ating mundo. Naalala ko pa ang aking unang ride kasama ang aking mga kaibigan nag punta kami sa Nuvali, Laguna. Matutuwa ka sa sobrang linis at ganda ng paligid ngunit sa pagtagal ng panahon ang kagandahan ng lugar na inyo ay nawala dahil hindi na alagaan ng mabuti. Kaya sinabe ko sa sarili ko na pag ako’y magbibisikleta at nakakita ako ng kalat sa daan akin agad tong pupulutin at lilininsin. Sinabe ko din ito sa aking mga kapwa cyclist kasi sa simpleng gawain na ito alam ko na malake na ang impact nito sa ating mundo.
Tumblr media
(Art by: Sam Chivers https://www.pinterest.ph/pin/54535845466518711/)
0 notes
jr-penachos · 5 years ago
Text
When I step in the art of blogging for the first time
Tumblr media
0 notes