ka-chow-kween-blog
ka-chow-kween-blog
"DALOY NG KAMALAYAN"
29 posts
Para sa batang nakatingala pa rin sa mga bituin, sana manatili kang mangarap. ✨
Don't wanna be here? Send us removal request.
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
[1/11]
Matagal na ang produksyong ito ng Disney – ang Winnie the Pooh pero ang isa sa pinakasikat na ipinalabas nila ay ang pelikulang may pamagat na Winnie the Pooh (2011). Ito ay sa pagsulat at direksyon ni Stephen Anderson. Ipinalabas ang pelikulang ito noong ika-15 ng Hulyo 15, 2011. Ang kompanya na gumastos at gumawa nito ay kumita ng $33, 152, 846 nung ipinalabas ito sa ibat-ibang sinehan. Nanalo ito ng “Annie Award for Storyboarding in a Feature Production,” at napili rin na isali sa ibat-ibang kategorya ng parangal sa sining pelikula.
2 notes · View notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Link
0 notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Link
0 notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Text
MGA GUMANAP O ANG TINATAWAG NA “CAST”
[2/11]
Jack Boulter bilang Christopher Robin
Travis Oates bilang Piglet
Bud Luckey bilang Eeyore
Kristen Anderson-Lopez bilang Kanga
Wyatt Hall bilang Roo
Tom Kenny bilang Rabbit
Craig Ferguson bilang Owl
John Cleese bilang The Narrator
Huell Howser bilang The Backson
Tumblr media
0 notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
[4/11]
Naging malaki ang epekto ng pelikulang ito sa mga taong nanood lalo na nung panahong iyon. Nagkaroon ng mga “paintings,“ fan art,” “stuffed toys,” ”memes” at iba pang mga produkto para bigyang pugay ang karakter ni Pooh. Pati ang mga kalye sa Warsaw (Ulica Kubusia Puchatka) at Budapest (Micimackó Utca) ay pinangalanan at sinunod kay Pooh. Ang galing, di ba??!!?
0 notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1K notes · View notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
416 notes · View notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
767 notes · View notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
703 notes · View notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
[5/11]
Noong bata pa ako, pwede lang akong manood ng tv hanggang dalawang oras araw-araw. At natatandaan ko pa na ang pinakaaabangan ko palagi ay ang panonood ng Winnie the Pooh sa Disney “channel.” Hindi ako nagsawa dahil maraming serye ang palabas na ito sa telebisyon at iba-iba ang kuwento araw-araw. Lagi akong nakangiti habang nanonood. Hindi ko na matandaan kung ilang taong ganito ang ginagawa ko. Basta, isang araw, may dalang dvd ang aking mga magulang at ang laman ay ang pelikulang Winnie the Pooh (2011). Sobrang tuwa ko na mapanood ito dahil mas mahaba ito kesa sa ipinalalabas sa telebisyon araw-araw. Lagi kong sinasabi sa nanay ko na sobrang igsi naman ng palabas ng Pooh sa telebisyon at gusto ko na bukas na ulit para mapanood ko ang kasunod.  
Akala ko ay magsasawa ako sa palabas na paborito ko pero hindi pala. Kahit “grade 6” na ako noon, araw-araw ko pa ding pinapanood ang Pooh at bumili din ako ng mga “stuffed toys” ni Pooh at Piglet. Nakasabit pa din sila sa silid ko hanggang ngayon. Habang papunta kami ng daddy ko o mommy ko sa aking paaralan, kumakanta ako ng mga kanta ni Pooh at Christopher Robin, yung kaibigan niya.  Lagi din naming pinag-uusapan ng mga kaklase ko ang napanood namin at pinipili naming yung mga pinakanakakatawa at pinakamalungkot na parte ng kuwento. Ang Winnie the Pooh (2011) ay matagal na naging bahagi ng aking pagkabata at maski hanggang ngayon ay gusto ko pa din ito.  
0 notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Video
tumblr
1K notes · View notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
15K notes · View notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
480 notes · View notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
[6/11]
Noong una, inisip ko na ang pelikulang Winnie the Pooh (2011) ay ginawa para sa mga bata lamang. Nagsisimula at nagwawakas ito na parang isang pambatang libro na binabasa ng mga magulang sa kanilang mga anak bago sila matulog. Ito ay tinatawag na “animated story” na sinusunod ang isang simpleng paksa tungkol sa isang tauhan na nagngangalang Pooh na humahanap ng mas maraming pulot-pukyutan o binansagan nilang “Hunny.” Pero ang sabi ng chief creative officer ng Disney-Pixar, si John Lasseter, "…Everyone always thinks Winnie the Pooh is for little kids but I screened original prints of the two Disney films and what's interesting was how they made a theatre full of adults laugh so hysterically." Pati ang mga mas may edad na, ay naaliw at nagustuhan ang kuwento ni Pooh. Bata o matanda, pwedeng panoorin ang pelikulang ito at mag-saya.
0 notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
[7/11]
Sa unang tingin at pagsusuri, iisipin mo na ginawa ito para parangalan ang tunay na may likha nito, si A.A. Milne. Pero sa pagtakbo ng kuwento at sa patuloy kong paglaki, naisip ko na marahil ay ginawa nila ang pelikulang ito para iparating ang kagandahan ng isang may mabuting puso, magkaroon ng magandang impluwensya sa manonood at gayahin ang ugali ni Pooh na laging masaya kahit ano pa ang problema. Maraming matututunan at mapapagtanto sa panonood nito. Mag-iiba ang paningin sa buhay at parang magkakaroon ng pag-asa sa bagay-bagay. Hindi rin nakakalimutan na mahalaga ang pagtulong sa kapwa kahit ano pa ang pinagdadaanan ng isang tao, kahit gaano karami ang ginagawa. Nagbibigay ng kasiyahan at tunay na kaligayan na matulungan ang isang kaibigan sa pangangailangan, maski sa simpleng paraan lamang. Sa aking palagay, ang simpleng tema ng istorya ang mas madaling nag-iwan ng magandang mensahe sa mga nakapanood nito. Dahil simple, mas madaling natatak sa kanilang pag-iisip kung ano ang mas mahalaga. Pag bata ka, akala mo ay laru-laro lang ang ginagawa ni Pooh pero habang nagkakaisip ka, doon mo makikita ang tunay na mensahe nito sa manonood. Kaya siguro hindi nakakasawa. Kasi, pagkatapos mo itong panoorin, laging may naiiwang ngiti sa labi dahil masaya at magaan ang pakiramdam na binibigay na mensahe nito sa lahat ng henerasyon, mula sa mga bata, teenagers at maging mga matanda. Ika nga, simple pero ang lakas ng dating.  
0 notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Text
[8/11] 
Sa konteksto ng panlipunan, ang pelikulang Winnie the Pooh (2011) ay ginawa noong patapos na ang taong 2009, ang taong naging ika-apatnaput-apat na pangulo ng Estados Unidos si Barack Obama. Siguro, nagtataka kayo bakit biglang napasok dito si Obama!? Posible din kaya na kaya sinimulang gawin ang pelikulang ito ng Disney dahil din sa inspirasyong nakuha sa “slogan” ni Obama na “Yes we can!” Magkapareho ang tema nila, na kahit ano pa ang hirap na pagdadaanan, magagawa at makakamit ang pagbabago at pag-unlad basta tulung-tulong, isipin ang kapakanan ng iba at magsakripisyo. Ang kalalabasan ay isang masaya at mapagmahal na lipunan.
Sa pelikula, ang pinakaultimong mithiin ni Pooh ay makahanap ng mas marami pang “Hunny” subalit sa bawat pagbisita niya sa mga kaibigan, nalaman niya na may mga problema ang mga ito at kailangan ang tulong niya. Nawawala ang buntot ni Eeyore at malungkot ito dahil doon. Tinigil niya muna ang paghanap ng pagkain na gustong-gusto niya at tinulungan ang kaibigan na hanapin ang buntot nito. Tinawag niya ang iba nilang kaibigan at nagtulung-tulong sila na gawan ng paraan ang nawawalang buntot. Sa isa pang tagpo,may nakitang sulat si Owl galing kay Christopher Robin na sinasabing, “Be back soon.” Nagkamali siya ng basa at inisip na ang nakalagay ay “Backson” na inilarawan sa pelikula na isang delikadong halimaw. Hinanap agad nila ang kanilang kaibigan dahil baka kung napapaano na ito hanggang napagod na silang lahat at hindi pa din nila nakita si Christopher Robin. Gusto na nilang tumigil sa paghanap bukod pa sa natatakot din sila pero sinabi ni Pooh sa kanila na hindi sila dapat sumuko maski mahirap at takot sila dahil kailangan sila ng kanilang kaibigan. Sa tagpong ito ipinakita kung gaano kalaki ang puso ni Pooh. Syempre, alam na natin na nakita din nila ang hinahanap na kaibigan. Makikita din sa isang eksena na inaalok ni Owl si Pooh ng “Hunny” at bigla na lang nakita ni Pooh ang nawawalang buntot ni Eeyore. Kailangan niyang mamili – kunin at kainin muna ang paboritong pagkain o ipagpaliban ito at sa halip ay kunin muna ang nawawalang buntot sa may pintuan ng bahay ni Owl. Palagay ko alam na ninyo kung ano ang nangyari. Natuwa si Pooh dahil nakita niyang sumayang muli ang isa niyang kaibigan.
Ang tema ng pelikulang Winnie the Pooh (2011) ay angkop hindi lamang noong panahong ipinalabas ito kundi maging sa panahon ngayon. Kung tutuusin, wala itong pinipiling panahon. Angkop ang mensahe nito kahapon, ngayon at maski bukas. Iba ito sa mga pelikulang nagustuhan din ng maraming manonood gaya ng Harry Potter 8, Fast Five, Gnomeo and Juliet, atbp. Ang pag-unawa sa kasaysayan ng pelikulang ito sa mga taong nagdaan ang nagbibigay liwanag sa kaisipan at kilos ng mga tao. Hinuhulma nito ang kilos ng lipunan sa isang simpleng takbo ng kuwento. Sa mga taong may tamang gulang na o sa mga magulang, binubuksan nito ang kanilang mga mata kung paano nila gustong palakihin ang kanilang mga anak upang magkaroon ng magandang pananaw sa buhay, na puwede silang magtagumpay kahit gaano kahirap basta magsumikap at makipagtulungan sa kapwa. Nakikita din ito ng mga bata sa kanilang panonood ng Winnie the Pooh (2011) dahil gusto nilang maging katulad ni Pooh. Ang pelikulang gaya nito ay hindi lang napakahalaga kundi may malaking impluwensya sa pagbuo ng maganda at kaaya-ayang lipunan.
0 notes
ka-chow-kween-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
322 notes · View notes