Text
RP
Dumaan ang mga araw ngunit walang nagbago, tulad pa rin noong simula. Siguro ang bagay lang na nagbago sa atin ay yung intensyon natin sa isa’t isa. Pinili natin ang bagay na magtatagal kaysa sa bagay na walang kasiguraduhan kung anong patutunguhan.
4 notes
·
View notes
Text
Nilikha ang puso upang magmahal at hindi para gawing alipin ng iba.
2 notes
·
View notes
Text
Nais kong magpaka layo-layo ngunit pinipihit ako pabalik sayo.
4 notes
·
View notes
Quote
Ikaw ang lumikha sa akin... maging ang wawasak.
3 notes
·
View notes
Text
Limang utos ng sawi
1. Huwag kang magpapabulag sa nararamdaman mo dahil papatayin ka niyan.
2. Huwag mong hayaang mabingi sa bulong ng katotohanan.
3. Buksan mo ang iyong mga bibig at huwag matakot ihayag ang nilalaman ng puso.
4. Hayaan mong damahin ang kalayaang ibinigay sa iyo mula sa mapait na nakaraan.
5. Huwag kang pagagapi sa lasa ng mga dugong mula sa iyong labi.
9 notes
·
View notes
Text
Nakakatakot na baka sa muling pagkrus ng ating landas ay hindi mo na ako kilala.
1 note
·
View note
Quote
Huwag mong gawing mundo ang dapat estranghero lamang
6 notes
·
View notes
Text
Itutuloy…
Hanggang saan na nga lang ba ang linyang kumokonekta sa atin? Tila isinugal ko na ang lahat upang maitagpi lamang ang umiimpis na lubid na nagbibigkis sa ating dalawa. Hanggang kailan ako kakapit? Nang sa gayo'y maihanda ko ang aking sarili sa pangmatagalang sakit. Hanggan kailan ako hihiling na muling humilom ang mga sugat na ikaw mismo ang gumawa? Hanggang kailan ko hindi papansinin ang mga dugong tumutulo sa aking pagkakakapit sa lubid na pilit hinihila sa akin? Hanggang kailan ang mga lupa ay magsasawa sa mga dugong kanyang nalalasap at manatili na lamang na tigang hanggang matapos ang sirkulasyon ng mundo? Hanggang kailan ko pahihirapan ang aking sarili?
H a n g g a n g…
6 notes
·
View notes
Text
Hayaan mong haplusin ng Diyos ang mga sugat sa iyong puso.
30 notes
·
View notes
Text
Paki-usap lamang, hayaan mo akong gunitain ang aking kasaysayan na ikaw ang kasama.
3 notes
·
View notes
Text
Mananatiling buhay na alaala sa istoryang iba ang lumikha.
3 notes
·
View notes
Text
H
Itutuloy...
Buong lakas na iwinawaksi ang mabigat na damdaming nakabalot sa aking katawan. Hawak-hawak ang mga puting tabletas na unti-unting kumakalat sa kwartong animo'y isang kagubatan. Sari-saring mga boses ang bumubulong sa aking isipan. Tila impyerno ang apat na sulok na kuwartong aking kinalalagakan. Hindi matanaw ang liwanag na nagmumula sa pintuang anomang oras ay maglalaho na lamang. Pilit na sumisigaw ngunit pawang may nakabusal sa aking bibig. Tanging mga luha na lamang ang isinasagot sa mga boses na patuloy na umiikot sa aking isipan.
1 note
·
View note
Text
Imahinasyon
Ako'y hamak lamang na sumusunod sa pag-inog ng mundo. Habang ang silanga'y tinatahak ang liwanag, sa kabilang panig naman nito'y hinaharap ang dilim. Walang pagkakataon na magtatagpo ang silangan sa kanluran, isa lamang itong kaliluhan- ang paniniwalang kailan man ay maihaharap ang sarili sa isang bagay na tila milya milya ang layo. Saksi ang apat na sulok na silid sa pagliwanag at pagtunog ng teleponong nagsasabing kalimutan ang mundo.
Itutuloy...
1 note
·
View note
Text
Itutuloy...
Hanggang saan na nga lang ba ang linyang kumokonekta sa atin? Tila isinugal ko na ang lahat upang maitagpi lamang ang umiimpis na lubid na nagbibigkis sa ating dalawa. Hanggang kailan ako kakapit? Nang sa gayo'y maihanda ko ang aking sarili sa pangmatagalang sakit. Hanggan kailan ako hihiling na muling humilom ang mga sugat na ikaw mismo ang gumawa? Hanggang kailan ko hindi papansinin ang mga dugong tumutulo sa aking pagkakakapit sa lubid na pilit hinihila sa akin? Hanggang kailan ang mga lupa ay magsasawa sa mga dugong kanyang nalalasap at manatili na lamang na tigang hanggang matapos ang pag-ikot ng mundo? Hanggang kailan ko pahihirapan ang aking sarili?
H a n g g a n g...
6 notes
·
View notes