krizzyah-blog
krizzyah-blog
The Enigmatic Light Seeker
16 posts
Drowning in words and can't see the light.
Don't wanna be here? Send us removal request.
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
(Photo credits to Keith Teodoro)
Para tayong sasabak sa giyera.
Totoo naman. Araw-araw, patuloy nating hinaharap ang mga hamon.
patuloy tayong lumalaban sa mga pagsubok.
Patuloy tayong natutumba at bumabangon.
Patuloy tayong humihinga.
May armas tayo laban sa mga banta at hamon ng buhay.
Hindi baril. Hindi bomba. Hindi karahasan.
Ang ating panlaban ay ang bawat isa. Sandigan natin ang ating pagkakaibigan.
Patuloy tayong humihinga at nagiging lakas ng isa’t isa.
Hindi lahat ng laban ay natatapatan ng armas, dahil may mga lkaban na hindi ito kailangan. Kadalasan, pagmamahalan pa lang ay panalo kana.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
(Photo credits to  Cristina Lanzuela Redondo)
Mainit. Siksikan. Maingay.
Ang lahat ng ito ay hindi naging hadlang, maipakita lamang ang tunay na diwa ng pagmamahal sa buhay.
Sabay tayong tumutol sa death penalty. Sabay din tayong sumigaw at nag-ingay para sa buhay.
Magkasama tayong lahat sa halos lahat ng bagay.
Sana sa huli, magkasama pa rin tayo at magka-agapay.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
(Photo credits to Joe Sto. Domingo)
Sa araw na lumapat ang aking mga paa sa paaralang aking pinapangarap, hindi sumagi sa aking isipan na mapapabilang ako sa Honor List. 
Sabi ko sa sarili ko noon, “Kahit makapasa lang ay okay na sa akin. Basta hindi lang mawala ang scholarsjip ko, kontento na ako dun.”
Ya’n ang prinsipyo ko noon.
Nagulat nalang ako nang isang araw, nakita ko ang aking pangalan sa ilalim ng mga salitang Second Honors. Nagulat nalamng ako nang tinawag ang pangalan ko at umakyat ako ng entablado para kunin ang aking sertipiko.
Napagtanto ko na may mga bagay tungkol sa akin na hindi mo napapansin at nakikita. Mababatid ko lamang ito mkapag nakita na ng iba.
Bakit kaya bulag ang tao pagdating sa mga positibong bagay tungkol sa kaniya?
Tinanong ko yan sa sarili ko. Wala akong naisagot sa aking sarili kundi,
“Puro negatibo kasi ang laman ng utak mo. Hindi mo nakikita kung ano ang nakikita ng iba.”
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Simula Junior High School, pinapahaba ko na ang buhok ko. Malimit akong magtiwala sa mga salon na hahawak at gugupit sa buhok ko.
Ngunit isang bigkas lang ni Ela ng salitang gupit, pumayag na kaagad ako.
Dahil sa kanila, natuto akong bitawan ang mga bagay na mabigat para sa akin.
Natuto akong kalimutan ang mga bagay na magpapalungkot sa akin.
Natuto akong pakawalan ang mga bagay na pinipilit kong maging sa’kin.
Natuto akong bumitaw kung hindi na dapat. Natutong humawak kung nararapat.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
(Photo credits to Ma’am Grace Olgina)
Nanonood tayo ng mga dula. Gumagawa rin tayo ng mga dula para sa marka, at para maging masaya.
Ilang kwento na ba ang ating naisulat.
Ilang tula na ba ang ating nabigkas sa harapan ng bawat isa.
Ilang kanta na ba ang inawit natin.
At ilang sayaw na ba ang sinayaw natin nang magkakasama.
COUNTLESS. INTERMINABLE. UNFATHOMABLE.
Hindi ko na mabilang. Alam kong wala itong hangganan. At alam kong hindi ito masusukat at matatawaran.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
(Photo credits to Sam Faye Delos Santos)
Hindi ako makapaniwala sa mga bagay na sinulat nila para sa akin.
Dito ko nalaman na kahit puro pag-aaway at gulo ang dala ko sa aming klase, hindi pa rin nila nakalimutang mapansin ang mga bagay na maganda sa akin.
Hindi nila nakalimutang ipaalala sa akin na may mga katangian akong hindi ko alam ngunit nakikita nila.
Hindi nila nakalimutang ipaalala sa akin kung gaano nila ako kamahal bilang isang kaibigan.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
(Photo credits to  Cristina Lanzuela Redondo)
Christmas Party
Isang panibagong first time sa buhay ko.
Unang beses kong dumalo sa isang kasiyahan na pantulog ang aking suot.
Unang beses kong dumalo sa isang kasiyahan na walang upuan sa gitna. Tanging mga banig at kumot lamang.
Sa kabila nito, napagtanto ko na ang kasiyahang ito na slumber party kung tawagin nila, dito ko unang naramdaman ang tunay na kasiyahang hatid  ng christmas party.
Naaalala ko pa kung paano ako nadulas nang hinabol ko si Kyle.
Kung paano ko pinunasan ng icing ang mukha ni Kobe dahil labing-walong taon na siya.
Kung paano ako naging masaya sa regalong natanggap ko mula kay Kyle.
Kung paano ako nabusog sa mga pagkain.
At kung gaano kalaki ang ngiti ko.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Link
(Video credits to  Cristina Lanzuela Redondo
HUIII Productions)
Uso noon ang mannequin challenge, ngunit kahit kailan hindi ko nasubukan.
Alam niyo ba kung kailan ko ito unang naranasan?
Walang iba kundi sa pangkat na may pangalang HU3.
Dahil sa mga taong katulad nila, naranasan ko ang mga bagay na hindi ko lubusang inisip na magagawa ko.
Natuto akong pakinggan ang saloobin ng iba.
Natuto akong magpakumbaba.
Natuto akong magtiwala.
Natuto kalimutan ang sarili ko at ibahagi ang sarili ko sa iba.
Natuto akong kalimutan ang aking mga takot.
Natuto akong tumalon sa mga hamon, gaano man kahirap.
At higit sa lahat, natuto akong buksam muli ang puso ko para sa kanila, para sa mga taong walang sawang kumakatok sa puso kong sintigas ng bato.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
(Photo credits to  Cristina Lanzuela Redondo)
Ito ang unang beses nating pumunta sa isang lugar na hindi magulang at pamilya natin ang ating kasama.
Sa pangyayaring ito na naganap sa ating buhay, ito ang unang beses na naramdaman ko na masayang kasama ang HU3.
Inaamin ko, hindi pa ako tuluyang naniniwala. Ngunit nagkaroon ng puwang sa aking puso na tanging sa HU3 lamang nakalaan.
Nagkaroon ng puwang sa aking puso na magbukas ng pintuan upang papasukin kayo sa puso kong hindi ko aakalaing maniniwala pa pala sa salitang ‘kaibigan’.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
(Photo credits to  Cristina Lanzuela Redondo)
Ilang beses na ba tayong nanood ng dula na magkasama? Isa? Dalawa?
Ilang beses na ba tayong kumuha ng larawan na tayong lahat ay magkakasama?
Hindi ko na maalala.
Hindi ko na maalala sapagkat napakarami nating mga larawan na kinunan. Maraming kwentong ibinahagi. Maraming tawanan na pinagsaluhan. Mga yakap na kasing init ng ating pagmamahalan. Mga luhang sabay-sabay nating pinunasan. At mga alaalang sabay nating nilikha at pinagyaman.
Ilang beses na ba tayong nanood ng dula na lahat tayo’y magkasama?
Iilan palang.
Ngunit sa dalawang beses na iyon, napagtanto ko na kahit hindi man tayo madalas na magkasama na buo ang bilang na dalawampu, patuloy pa rin tayong matatag sa puso at isip ng bawat isa.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
(photo credits to  Cristina Lanzuela Redondo)
Kahit saang lugar man tayo mapadpad, kahit saang lupalop man tayo ng mundo dalhin ng hangin, bawat sulok ay may mga alaala tayong nabuo. Bawat sulok ay may ngiti, bawat sulok ay may kwento, at bawat sulok ay may tawanan.
Noong kinunan natin ang larawang ito, masayado pang malayo ang loob ko sainyo. Naniniwala ako noon na bibitawan niyo ang aking kamay sa oras na malaman niyo kung anuman ang taong nakakubli sa likod ng aking maskara. Natatakot ako noon na maaari niyo akong kalimutan, bitawan, at ituring na isang alaala na lamang.
Naaalala ko pa ang mga araw kung kailan hindi ako naniniwala sa mga katagang “One family, one HU3″. Naaalala ko pa kung paano ako naging dayuhan sa sarili kong silid-aralan. Naaalala ko pa kung paano ako nanatiling nakatanaw sa malayo at palihim kong sinusulyapan ang inyong tawanan na pinupuno ang apat na sulok ng ating silid.
Akala ko, matatapos ang taong ito na tanging ang mga bagay na iyon lang ang laman ng isip ko at ang pananaw ko sainyo.
Sa hindi mabilang na pagkakataon, nagkamali na naman ako.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Ang saya pala kapag nailalabas mo lahat ng sama ng loob mo sa mga taong matatawag mong ‘kaibigan’.
Noong una, hindi ako naniniwala na may mga tao akong makikila na katulad nila. Akala ko noong una na mahirap nang makahanap ng mga kaibigang laging aagapay sa bawat paghakbang ko ng aking mga paa. Akala ko wala nang sasalo sa akin sa bawat pagtumba ko sa lupa.
Nagkamali ako.
Nagkamali ako sa paghusga sa kanila.
Sa unang pagkakataon na nakita ko silang umiyak, nanlumo ako at nanghina.
Iba pala sa pakiramdam na umiyak dahil masaya ka na nakilala mo sila.
Iba pala ang pakiramdam na hindi ka magsisisi sa mga pagbabagong naganap sa iyong buhay, lalo na kung matatagpuan mo ang mga taong hinanap at nakatagpo sa’yo.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Sabi nga nila, wala sa dami ng taong nagmamahal sayo upang maparamdam na tanggap ka. Nasa paraan ya’n kung paano ka nila mahalin ang kung gaano ka kahalaga sa kanila.
Ilang araw palang ang nakalipas simula nang maging isang klase tayo.
Hindi ko na gaanong maalala ang mga detalye, ngunit alam ko sa aking puso na maraming pagsubok at pagbabago at ating pinagdaanan makarating lamang sa kung ano tayo ngayon.
Naaalala ko pa ang araw na ito. Ang araw na wala tayong guro at wala tayong ibang ginagawa, maliban sa pagkuha ng mga larawan.
Naaalala ko pa ang mga araw kung kailan mahaba pa ang buhok ni Tweety, ang buhok ni Shermaine, ang buhok ni Ezra, at ang buhok ko.
Naaalala ko pa ang mga araw kailan hindi pa nating lubusang kilala ang bawat isa. Batid natin sa bawat isa sa atin na maraming pang patlang ang dapat punan. Marami pang butas ang kailangang takpan. Marami pang puzzle ang kailang buuin. Marami pang kahinaan ang dapat palakasin. At marami pang pagsubok ang dapat harapin.
Isang pangungusap lamang ang huling bibitawan ko sa post na ito:
Kahit gaano kahirap tumayo nang tuwid sa gitna ng nakakalulang mundo, nanatili tayong magkasama at magkahawak-kamay.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
“Kapag may umalis, ibig sabihin may darating.”
Unang araw ng pasukan.
Malinaw pa sa aking alaala ang mga eksena na naganap sa unang araw natin.
Tandang-tanda ko pa kung paano nabuo ang pangkat natin. Hindi pa nabubuo ang HU3 ngayon noong mga araw na yo’n.
Unang araw nang tayo’y sabay-sabay na hinanap ang silid-aralang ating papasukan. Sinuyod natin bawat pahina, bawat papel. Sinuyod ang mahabang listahan ng mga pangalan mahanap lamang ang pangkat kung saan tayo itinadhanang magkita at magkasama.
Naaalala ko pa kung paano tayo nagkasama. Unang flag ceremony natin. Kasama natin sina Raffy, Daboy, Cedric, John. Nababakas sa mukha natin na tayo ay sumobra at nagkulang sa bilang.
Sumobra. Dahil may kaklase tayong hindi nakilala noong ORSEM. Si Lianne at Kei pala.
Nagkulang. Dahil may kaklase tayong nilapat pala sa pangkat HU2.
Naaalala ko pa kung paano kumunot ang mga noo natin noon habang pinapaliwang sa atin kung paano magsasama ang SJ at TAP bilang isang klase--bilang HU3.
Sa kabila ng pagkakawatak-watak ng ating pangkat na kinagisnan noong ORSEM, naging biyaya pa rin ito para sa ating lahat. Naging biyaya sapagkat hindi tayo HU3 ngayon kung hindi dahil doon.
Hindi tayo makilala kung ano tayo ngayon kung hindi dahil sa pagbabagong naganap noon.
At mas lalong hindi natin makikilala ang isa’t isa kung hindi dahil sa mga dumating at lumisan.
0 notes
krizzyah-blog · 8 years ago
Text
HU3
Sa mata ng iba, kami ay mga simpleng mag-aaral lamang.
Mga mag-aaral na binubuo ng strand na Social Journalism at Teacher Assistanship Program.
Isang klase na binubuo lamang ng dalawampung mag-aaral.
Isang klase na kakaiba.
Lingid sa kaalaman ng lahat, may mga bagay tungkol sa amin na hindi lubusang batidf ng nakararami.
May mga bagay na may kinalaman sa amin na tanging kami lang ang nakakaalam. Mula sa bawat kindat ng aming mga mata hanggang sa kilos ng aming mga katawan.
Sino nga ba ang HU3?
0 notes
krizzyah-blog · 9 years ago
Text
Where is the light
My life is like walking an endless tunnel. and I already spent 17 years searching for the light, searching for the opening- i guess there’s no way out. I don’t know why I’m always bothered by my life full of darkness and shit. They say, a life challenge is always a must-have. A must-have? Is this a sort of a life essential? Do we really need to live with challenges? Can’t we just breathe without any pollutants to be inhaled? Hell yeah, ‘cause life challenges determine our strength and how tough we are as persons. I mean, is there no other way to walk our life without bumps and rocks and obstacles? How I wish I can just kick the rock bottom, without laying a maximal effort then poof! the rock disappeared. But all I can do is wish and wait and wait and wait until I lose all the patience. Because there is no such Genie created to grant my wishes. I don’t even think it’s possible.
1 note · View note