Text
ANG DATING IKAW AT AKO
Saya, tuwa, lungkot, galit, inis ewan
Hindi ko alam at hindi ko malaman-laman
Hindi ko maintindihan kung anong emosyon ang nararamdaman ko ngayon
Para akong binabalot ng iba’t ibang katauhan na nagnanais lamang na makawala sa bangungot ng kahapon
Ngunit kahit anong pilit kong pagkawala sa mga ito
Kahit anong pilit kongpagtanggal sa mga alaala mo
Palagi pa rin itong bumabalik sa isipan ko
Binibisita ako at pilit itinatatak sa puso’t isip ko ang dating ikaw at ako
Oo dati, ang dating ikaw at ako
Kung gugustuhin ko, malapit na magkaroon ng tayo
Muntik-muntikan na tayong bumuo ng ikaw at ako
Ngunit ang lahat ng ito ay matagal ng huminto – ang dating ikaw, ang dating ako, ang dating tayo
Lahat ng ito’y nag-umpisang huminto noong araw na binalewala mo ako
Noong biglang umiba ang iyong paraan ng pakikitungo
Ewan ko ba kung bakit basta agad-agad na lumabo
Ang dating namumuo ay tila unti-unti ng gumuguho
Katulad ng mga bula na habang giliw na giliw mong pinagmamasdan
Habang inaaninag mo ang taglay nitong kagandahan
Ay siya ring unti-unti nitong paglabo
Hanggang sa isang iglap ay tuluyan ng naglaho
Siguro magaling ka lang talaga magpanggap, ang husay mong gumanap
Napaniwala mo kasi ako na may magaganap
Teka muna bago ko makalimutan, ito na ang tropeyo mo
Dakilang mapagpanggap, maraming salamat sa pagbabalat-kayo
Oo na ako na ang talo, nakalimutan ko kasi na ang pag-ibig ay laro
Tulad ng tagu-taguan na minsan ay kailangan mong magtago imbes na tumakbo
Masyado kasi akong nawili sa paglalaro at hindi ko alam kung sino na ang taya sa pagkakataong ito
Inakala ko na sasagipin mo ako ngunit kagaya ng ibang manlalaro isa ka din pala sa mga taong paglalaruan lang ako
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nais ko pa ring magpasalamat sa’yo
Sa mga alaalang nagdaan na magkasama pa ang ikaw at ako, ang dating tayo
Maraming salamat sa paglaan ng oras at panahon mo
Sa pagiging dahilan sa mga munting ngiti sa likod ng mga labi ko
Kahit na binalot ako ng mga nakababangungot na emosyon
Ayos lang, sapagkat dinala naman ako nito sa tamang direksyon
Hindi ko man maipapangako na tuluyan kitang maibabaon
Pero tandaan mo, nandito pa rin ako, umaasa sa pangalawang pagkakataon, na sana may ikaw at ako sa tamang panahon
-xacin
0 notes
Quote
Kailanman hindi mo malalaman kung gaano katagal kang tumatakbo sa aking isipan, kung gaano katagal nanatili ang iyong mga salitang binitiwan. Kailanman hindi, kailanman. Tanggap ko na man dahil alam kong wala kang pakialam.
0 notes
Text
“Sulitin mo habang siya’y nandiyan,
Dahil hindi mo malalaman hanggang kailan yan.
Hanggang sa mawala na parang bula,
At iiwan kang nakatulala.”
0 notes
Quote
We’re all monsters, my darling. What matters is who we show our claws to and why we do it.
CBL (via the-empty-quill)
5K notes
·
View notes