leonitas4951
leonitas4951
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
leonitas4951 · 11 months ago
Text
Isyung Panilpunan ng Violet's Tale
Tumblr media
Isa sa mga kantang inilabas ni REN, isang artist na dalubhasa sa bone-chilling lyrical rap, ang Violet’s Tale. Kapang hindi pinapansin ang medyo mabigat na implikasyon ng kanta, nagpapakita ang kanta ng mahusay na pagmamanipula ng tono at paglalaro ng salita.  Tungkol itong kanta sa isang batang babae na lumaki sa isang pabaya at mapang-abusong sambahayan, at natagpuan ang kanyang paraan sa mundo na may kaugnayan sa isang lalaki na abusado din. 
Mukhang kakaiba at random ang tono and pacing ng Violet’s Tale, ngunit mayroong isang bagay tungkol sa kanta na mas gusto mong makinig. Lumilipat si REN mula sa humuhuni, tungo sa pagkanta, pagra-rap, o pagsigaw sa Violet’s Tale. Isa sa seksyon ng kanta, ganap na napupunta sa isang pause, at biglang huminto ang paulit-ulit na gitara. Nagsimulang magsalita si REN  - na umaayon pa rin sa beat ng kanta, ngunit tila tunay na nakikipag-usap siya kay Violet sa sandaling iyon.
Sa kantang Violet’s Tale, ikinukuwento ni REN ang paano inaabuso si Violet gabi-gabi ng kanyang ama, at sa labing-anim na taong gulang, lumipat siya sa ibang lungsod. Medyo pamilyar, hindi ba? Paala-ala mga kaibigan, and domestikong abuso ay hindi lamang galing sa iyong asawa o jowa, ngunit, puwede rin itong manggaling sa mga taong pinagkatiwalaan sa iyong paglaki. Puwede ito galing sa ama, sa ina, o kahit man sa kapatid. Ilang beses na kaya natin nasaksihan ang mga ganitong pagkakataon para lang pumikit, dahil pamilya ang biktima at salarin? 
Ano ang kaugnayan nito sa ating kasalukuyang lipunan? Sa Pilipinas, inaabuso ng kanilang kamag-anak o miyembro ng pamily, ang labing pito at limampu’t pitong porsyento (17.55%) na kababaihan. Mayroong limampu’t walo puntos animnapu’t limang milyon (58.65 million) na kababaihan sa Pilipinas, ang labing pito at limampu’t pitong porsyento (17.55%) niyan ay nahuhulugang hindi bababa sa sampong milyon (10,000,000) na babae ay inaabuso. Sa United States, isa sa apat na babae, at isa sa siyam na lalaki ay nakakaranas ng domestikong abuso.
Meron rin mga bansa na itinuring na pang-aabuso ang Pilipinas, o Asia, sa aksyong disciplina sa mga bata, ngunit hind iyoni dapat malito sa kasalukuyang paksa. Bakit itinuring na isyung panilpunan ang pang-aabuso sa tahanan? Ang mga batang nakakaranas ng pang-abuso karaniwang may mahinang pagganap sa paaralan at dinadala iyon sa kanilang kinabukasan. Nakakaapekto ito sa daloy ng pera, pamumuhay, at kung paano nila tinatrato ang ibang tao - o kung paano nila ipinapamalaki ang kanilgang sariling anak.
References:
Bridges Domestic Violence Center. (2022, February 11). What impact does domestic violence have on our communities? Bridges DVC. https://www.bridgesdvc.org/what-impact-does-domestic-violence-have-on-our-communities/#:~:text=Children%20who%20are%20victims%20of,inability%20to%20care%20for%20oneself.
Jade. (2024, October 12). Spotify Song. Pinterest. https://ph.pinterest.com/pin/905856912583313689/
MAPPA, D., PhD. (2022). Age and Sex Distribution in the Philippine Population (2020 Census of Population and Housing). Age And Sex Distribution in the Philippine Population (2020 Census of Population and Housing), 2022–322. https://www.psa.gov.ph/content/age-and-sex-distribution-philippine-population-2020-census-population-and-housing#:~:text=Of%20the%20108.67%20million%20household,of%20age%20(young%20dependents).
What is Domestic Violence? | Women Against Abuse. (n.d.). Women Against Abuse. https://www.womenagainstabuse.org/education-resources/learn-about-abuse/what-is-domestic-violence#:~:text=Prevalence%20and%20Impact,intimate%20partner%20in%20their%20lifetime.&text=1%20in%204%20women%20and,some%20point%20in%20their%20lifetime.&text=Between%20two%20and%20four%20million,of%20the%20injuries%20they%20suffer.&text=Domestic%20violence%20is%20one%20of,cities%20surveyed%20(including%20Philadelphia).&text=Transgender%20women%20are%20three%20times,do%20not%20identify%20as%20transgender.&text=43.8%25%20of%20lesbian%20women%20and,to%2035%25%20of%20heterosexual%20women.&text=Men%20are%20not%20immune%20to,to%2029%25%20of%20heterosexual%20men.
2 notes · View notes