Thanking God you came, sometimes I may be lame, don't blame because making you happy is my aim.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text

Thank you bibuuu sa effort kahit actually di ko alam kung alin diyan yung iyo or sa mga anak ko pero alam ko parin na part ka ng surprise na to.
Sa totoo lang, lately nabawasan yung kilig na nararamdaman ko kasi nasasanay na kong di ka kausap dahil nga pag morning may pasok ka tas pagka-uwi, ako yung walang tulog kaya minsan natutulog ako or umaalis kami tas nakakatulog kana. Siguro nga normal lang to sa medyo matagal na pero ayoko ng ganito, gusto ko parin ma-maintain yung kilig na nararamdaman ko since day 1. Gusto ko transparency kaya gusto ko narin i-bring up to sayo para aware ka. Kumbaga bumabalik yung routine ko nung wala pa akong boyfriend, like sa times na di ako okay, alam kong wala ka at mag isa lang ako, sa times na need ko ng help, alam ko mag isa lang ulet ako, pag need ko ng kausap at presence mo alam ko wala ka, kaya nasasanay akong ganito which is ayoko manatili sa ganito. Gusto ko bumalik ulet yung super grabeng kilig, super grabeng paghahanap ng time at presence mo. Habang nag babasa ako dito sa tumblr ng mga old messages ko/natin, namimiss ko. Ngayon kasi parang kampante na masyado, bawas na efforts at bawas na time.
Napapagod narin ako mag beg ng time mo, napapagod narin ako maghanap ng presence mo na dati di ko kayang di ka makausap or ka-FT bago matulog pero dahil sinanay na ako ulet sa ganito, wala na di ko na masyadong hinahanap which is inuulit ko, AYOKO. Ayoko masanay na wala ka sa routine ko.
Nag chat ako sayo habang nasa tagaytay tayo ng random na "iloveyouu" kasi gusto ko makita reaction mo, nung nabasa mo ngumiti ka ng patago at natuwa ako. Don ko nasabing meron paring kilig I mean di pa nawawala totally at bawas lang. I am trying my best na mabalik tayo sa dati so hoping you'll help me too.
Sa mga times na clingy ako sayo, gusto ko kasi maramdaman ka kahit papaano, lately kasi hindi talaga masyadong ramdam. Nakakaramdam ako ng kulang sakin 😭 unti unti na kasi nawawala sa routine ko, parang nagiging okay nalang sakin na di ka kausap, namimiss ko yung dating di kaya matulog ng isa't isa na di magka-FT.
Sana tulungan mo ko mabalik sa dati. Kung pagmamahal lang di naman nagbabago yon, gusto ko lang mabalik yung excitement ulet, yung kilig na super grabe, yung matinding effort at time.
Habang nagkukwento si Alex na halos siya gumawa sa surprise, nasaktan ako. Expected ko kasi sayo yon 😅 pero thankful parin ako syempre inaabangan ko lang sana na may letter kasi sobrang gusto ko nagbabasa ng letter lalo kung galing sayo dahil alam kong pinag effortan sulatan yon at mabasa kung anong nararamdaman mo kaso wala, sads.
Thank you sa pagdrive kahit puyat kinabukasan dahil papasok pa.
Hoping we'll end the year full of happiness and love, mabalik tayo sa dati bago matapos ang taon. Miss na miss ko na si Bibuuu, miss na miss ko na yung dating tayo. Mahal kita palagi.
0 notes
Text

WOOHOOO YEHEYYY AT LAST!! 🎉 Congrats my legendawwwyyy bibuuuuuu! 🥺❤️ after 7months na paghihintay ito na may work kana ulit bibuuuu 🤍 sobrang worth it ng paghihintay kasi grabe si Lord binigay sayo yung gusto mong position at ito ay HR Officer! 💪❤️ Hindi mo alam kung gaano ako ka proud sayo, sobra sobra proud ko sayo legendawwwwyyy bibuuuuu, meron ako girlfriend na HR Officer naks naman hahahaha 😂 Hindi rin naging madali kasi sa una medyo nagka problema pa dahil sa result mo sa rapid test pero ayun napaka buti naman ni Lord dahil tapat siya sa kanyang pangako at pinakinggan niya ang ating prayers! 🙏❤️ So ayun malapit kana mag start, nakakalungkot na masaya ako para sayo kasi ma mimiss kita bibuuu 🥺 ma mimiss ko yung mga kwentuhan natin pa nag vc tayo, nagkukulitan kahit wala na mapagusapan tawanan lang HAHAHAA 😂 sobrang kulang ng araw ko pag hindi kita nakakausap dahil pag nag start kana hindi na tayo makakapag facetime 😢 nakakaiyak naman habang ginagawa ko ito 😩 pero ayun nga nandito pa rin naman ako palagi para sayo bibuuu susuportahan kita hanggang sa makakaya ko po! Dito lang ako pag may problema ka sa work kung meron ka mga rants hindi ako magsasawa makinig sa mga kwento mo. 🙂 Kaya ayun na lang muna Congrats ulit my HR OFFICER BIBUUUU! Iloveyouuu 😚🤍
0 notes
Text

Hi my legendawwwyyy bibuuuuuu 😍❤️ so ayun hindi ko alam ang aking sasabihin at dahil ni request mo to gagawin ko ang aking best. Simulan ko na lang siguro sa Thankyouu kasi nitong new year hindi ako nakapag message sayo parang simpleng bati lang kasi ayun nga dahil may work ako, pero Thankyouu for everything bibuuu kuu sa buong taon na pinagsamahan natin at itong taon mas nakilala natin ang isa’t isa mapa positive or negative pero ganon pa man hindi tayo sumusuko. Ayun Thankyouu bibuuu for loving me unconditionally, Thankyouu dahil dumating ka sa buhay ko at kung alam mo lang kung ano nararamdaman ko pag kasama kita, ka vc kita at ka chat grabe yung feeling pa rin ng heart ko sobrang sayaaa kung pwede ko nga lang ipahiram sayo to para maramdaman mo. Lalo na syempre pag magkasama tayo dalawa yung tayong dalawa lang grabe sobrang na appreciate kita mayakap lang kita bibuuuu feeling ko nasa heaven na ako 🥺🤍 seeing you smile is the best part of my day sobrang nakaka tunaw makita ko ang pretty bibuuu kuu 😍 Falling in love is great, but being inlove with you is better. I’m so blessed that you came in to my life bibuuu 💕 My partner in life, Thankyouu at hindi ako nagkamali, never akong nagsisi sa mga desisyon ko na ginawa ko for you. I’m always here for you my legendawwwyyy bibuuuuuu 😚🤍 para suportahan ka sa lahat ng mga bagay na gusto mo gawin. Pangakong mamahalin kita sa panahong may pinagdadaanan ka at malungkot ka. Sana diretso na tayo hanggang dulo legendawwwwyyy bibuuuuuu 🥺❤️ Iloveyouuu so much bibuuuu kuuu 😚🤍
0 notes
Text
Swear to God I will not break your heart ❤️ Promise Forever 💕 HAPPY 8th Bibuuu kuuu! Iloveyouuu 😚❤️
0 notes
Text
“SORRY”
SORRY, sobrang hirap na makita ka at alam ko na umiiyak ka, ito nanaman pinaiyak nanaman kita sobrang nagsisi ako sa ginawa ko, baket? Baket? Baket ko ginawa yon? Anong ginawa niyang masama para gawin ko sa kanya yon? Bakit ka ganyan Allen? Lahat ng suporta at pagmamahal binigay niya na sayo, halos lahat binigay niya na pero bakit sinaktan mo pa rin siya? Sa oras na nalulungkot ka makausap mo lang siya sumasaya kana. Sobrang blessed mo Allen na binigyan ka ni Lord ng isang girlfriend na katulad niya wala kana masasabi, sobrang bait, sobrang mapagmahal, sobrang maintindihin, at higit sa lahat Mahal niya si Lord halos lahat ng katangian ng gusto mo sa babae Allen nasa kanya na. Bakit mo siya sinaktan? Mahal na mahal ka niya Allen. Bakit mo ginawa yon?
Bibuuu 😭 I’m sorry 😢 wala ako iba masabi kundi sorry talaga sa ginawa ko 😔 sobrang nagsisisi ako sa lahat. Alam ko sariwa pa sayo lahat nangyari, ngayon nawalan ka na ng tiwala dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung yung feelings mo sa akin ay nandon pa rin? Kasi mahirap talaga pag nawalan ka ng tiwala sa tao 😔💔 ang hirap na ibalik... sana mabalik muli yung tiwala na sinira ko 😭 sana ganon pa rin tayo tulad ng dati masaya, nagmamahalan, yung may tiwala sa isa’t isa, alam ko mahirap paniwalaan sayo ito pero gusto ko malaman mo na MAHAL NA MAHAL KITA. 🥺❤️ handa ko gawin lahat maibalik lang yung tiwala nasira. Handa ko rin tanggapin kung hindi mo na kaya ibigay yung tiwala at pagmamahal na yon, SORRY po talaga 😔 pinag pray ko na lang na mapagaling agad ni Lord yang puso mo. SORRY.
1 note
·
View note
Text
Awww 😍💕 CUTENESS OVERLOAD!! nakaka proud talaga na siya yung girlfriend ko 🥰 Pinasaya mo ako sa mga video mong to. Iloveyouuu beb!! 😘💕
2 notes
·
View notes
Text




Iilan sa mga screenshots nung panahong busy ako hahaha tas yan mga inabot ko
0 notes
Text
Old song but the message of the song itself will never be old but gold 🖤 yan kasi kanta ko sayo maliban sa composed song na ginawa ko para sayo. Well, you know about it naman
0 notes