Text
Maynila sa mga Kuko ng Liwanag
Maynila sa mga Kuko ng Liwanag
Film Analysis
Ang “Maynila sa mga Kuko ng Liwanag” sa direksyon ni Lino Brocka ay isang drama o mystery na pelikula na ipininalabas noong 1975. Ito ay ukol sa isang probinsyanong lalake na si Julio Madiaga na lumakbay ng maynila upang hanapin ang sinisinta niyang si Ligaya. Ipinakita dito ang mga karanasan ni Julio Madiaga sa Maynila bago mahanap si Ligaya. Ang pelikulang ito ay tagapamahagi ng Cinema Artists Philippines. Ang maaaring kahulugan ng titulo nito ay ang kuko ang nagrerepresenta sa mga pagsubok na nararanasan ng tao at ang liwanag ang nagrerepresenta sa pagasa na makamit ang ninanais tulad ng pag nais ni Julio na makasama muli si Ligaya. Ito ay nakabase sa isang nobela na nag ngangalang “In the Claws of Brightness” na inihandog ni Edgardo M. Reyes.
Si Julio ay isang mangingisda sa kanilang probinsya at dumayo sa maynila upang hanapin si Ligaya. Siya ay walang konkretong plano sa kung anong papasukin niyang trabaho sa Maynila, nais niya lang mag hanapbuhay para hanapin doon si Ligaya. Namasukan siya bilang isang construction worker at walang muwang sa mga nagyayari na hanapbuhay sa Maynila. Nakilala niya si Atong sa trabaho niya bilang construction worker. Siya ay naging mabuting kaibigan ni Julio. Nakilala din ni Julio si Bobby na isang call boy. Ipinakilala ni Bobby ang mundo ng mga lalaking prostitute kay Julio. Sinubukan niya ito kahit na naninibago siya sa kulturang pumapaloob dito. Hangga’t siya ay kikita ng pera ay kanyang susubukan ang kahit na anong trabaho. Ipinakita sa pelikulang ito ang realidad ng ibang mga taga probinsya na dumadayo ng Maynila upang makakuha ng hanap buhay. Karamihan sa mga taga probinsya ay kulang sa trabaho o hindi sapat ang kinikita nila doon. Hindi madaling maghanap buhay din para sa kanila pag dating sa Maynila. Isa na dito ang kanilang moralidad sa probinsya ay iba pag dating sa Maynila. Tulad ng pag pasok ni Julio sa trabaho ng mga prostitute. Si Julio ay nabibigla sa kulturang mayroon sila na hindi niya nakasanayan. Normal ito sa ibang nag tatrabaho doon ngunit hindi dito masyado komportable si Julio.
Habang si Julio ay patuloy na nag hahanap buhay sa Maynila, namukaan niya ang isang babae na kamuka ni Mrs. Cruz na nag dala kay Ligaya sa Maynila. Sinundan ito ni Julio ngunit wala ding isinambit dito. Bumalik na lamang siya sa marketplace kasama si atong. Nagkaroon din ng pangalawang pagkakataon na makita si Mrs. Cruz. Nahanap niya din muli si Ligaya, napagtanto ni Julio na dinala pala si Ligaya sa lugar ng mga prostitute. Ikinuwento ni Ligaya ang kanyang karanasan kay Julio. Nagkaroon si Ligaya ng anak ngunit hindi siya sinuportahan ng ama ng kanyang anak. Ninanais ni Julio na siya’y makasama muli sa Marinduque kaya ang sabi niya kay Ligaya na siya’y tumakas na at hihintayin siya ni Julio sa sunod na araw na pagkikita nila. Mahigpit ang taga bantay ni Ligaya kaya’t hindi din ganun kadali na siya’y magiging ligtas sa pagtakas na kanyang gagawin. Lumipas din ang araw na pagkikita nila ngunit hindi nagpakita si Ligaya. Napagtanto ni Julio na nahulog si Ligaya mula sa hagdanan at pinatay siya ni Ah-Tek ang lalaking bumili kay Ligaya sa lugar ng mga prostitute. Nawasak ang pagasa ni Julio na makasama muli si Ligaya kaya’t pinatay niya si Ah-Tek sa pamamagitan ng pagsaksak sakanya. Tumakbo siya palayo sa lugar ni Ah-Tek at hinabol siya ng mga taong pumaligid sa kanilang lugar. Ang pinaka huling pangyayari sa pelikulang ito ay nawalan na ng madadaanan si Julio na pwedeng pag taguan. Siya ay luhaan sa galit nang siya’y napahinto. Nilusob na siya ng taong bayan at doon na nag wakas ang pelikula.
Ang pangalan ng mga tauhan sa pelikula ay maaaring may simbolismo. Si Ligaya ang nagbibigay ligaya kay Julio ngunit sa huli ay kinuha ang Ligaya sakanya. Si Julio naman ay nangangahulugan na siya ay may pagka bata ang personalidad na walang muwang sa kulturang nakapalibot sa Maynila. Siya ay madaling madala sa madaming bagay lalo na’t wala siyang konkretong plano sa kanyang buhay. Ang nianais niya lamang ay makasama muli ang kanyang sinisinta. Nagawa ng direktor na maging drama ang kanyang pelikula. Binigyan niya ng matinding pagsubok si Julio at sinaktan niya ang damdamin nito dahil sa trahedyang nangyari kay Ligaya. Naging misteryo din ito sa pamamagitan ng paghahanap niya kung saan naroon si Ligaya at sa dulo ng pelikua ay hindi ipinakita kung ano ang sunod na nagyari kay Julio. Nagampanan ng mga aktor ang pagbuhat sa kanilang role. Madaling makilala ang karakter nila dahil sa personalidad na meron sila.
Ang paggamit naman sa musika para sa pelikulang ito ay nasasakto lamang sa tema na makaluma, nakaayon sa panahon ng 90s. Nauso sa panahong iyon ang pag tugtog din ng mga chinese na kanta. Naipapahiwatig ng direktor ang realidad noong 90s pa lamang. Pati na rin ang kanilang kasuotan na nababagay sa panahon na iyon. Pag dating naman sa audio, iilang parte ng pelikula ay tila nahuhuli ang kanilang boses sa napapanood. Magkahiwalay nila itong kinuhaan ng audio. Kaya’t di nagkakatugma-tugma ang boses nila.
Maganda ang kabuoan ng pelikula. Naipahiwatig dito ang emosyon, realidad na pagyayari sa Maynila at ang kabuoang tema ng pelikula. Inirerekomenda ko ang palamas na ito kung ninanais niyo rin mapanood ang karanasan ng iilang Pilipino at makita ang pagsubok na kanilang pinagdaanan.
0 notes
Photo





Rides. Coming up with a new personal project soon! #fantasy #conceptart
25 notes
·
View notes
Text
Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay - Film Analysis
Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay
Ang “Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay” sa direksyon ni Antoinette H. Jadaone ay isang mokumentary na pelikula na ipinalabas noong 2011. Isinagawa ito sa dokumentaryong paraan at ginamit din ang tunay na pangalan ng bida na si Lilia Cuntapay. Ito ay ukol sa pagsisikap sa buhay ni Lilia bilang isang supporting actress sa mga pelikulang kanyang ginampanan tulad ng pelikulang “Shake, Rattle and Roll”. Ipinakita dito kung gaano na hindi pinahahalagahan o pagkilala bilang isang supporting actress. Ang pelikulang ito ay isang independent film production mula sa Cinema One Originals.
Si Lilia Cuntapay ay isang aktres na sikat sa mga Horror films sa Pilipinas bilang aswang, mangkukulam, katulong o matandang babae. Kinilala siya ng mga tao na “Queen of Horror”. Sa unang bahagi ng pelikula, inakala kong aswang talaga siya dahil sa sinambit ni Direk Peque sa isang panayam at ginamit itong pelikula upang malaman ang buhay ng aswang. Hindi ko din gaanong kilala si Lilia Cuntapay kaya’t inakala ko na siya ay mangkukulam o aswang talaga. Inakala kong totoong buhay ni Lilia Cuntapay ang naganap na documentaryo. Ngunit si Lilia pala ay isang guro sa totoong buhay at hindi siya nakatira sa lugar kung saan naganap ang pelikulang ito.
Ipinakita dito ang buhay niya sa labas ng pelikula sa pamamagitan ng pag kwento kay direk Antoinette H. Jadaone. May eksena ng pag antay ng tawag sa bahay Lilia upang ipaalam sakanya na may papel siyang gagampanan at ang ipinakita ang buhay niya sa set. Kasama niya doon si Geraldine Villamil na gumanap bilang anak niya na nagaasikaso sakanya sa set. Naipakita doon ang pagiging maasikaso, determinado, maligalig, responsable, masayahin, at makikita sa kanyang pagkatao na ninanais niya talagang seryosohin ang kanyang papel na gagampanan kahit maging extra lamang siya. Pumupunta siya ng maaga pa sa call time nila at naghahanda na. Ngunit nakalipas din ang araw bago siya makapag makapag shoot. Dito nabasag ang expektasyon na siya ay gaganap ng isang role ngunit nang siya’y makita ng direktor, sinabing pamiliar na ang muka niya sa horror baka hindi bumagay ang itsura niya para sa role kaya’t hindi na ito isinali sa pelikula at ginawa na lamang na extrang passer by sa likod. Katulad din ng nangyari kay Lilia sa interview, mayroong mataas na pag-asa si Lilia na siya’y muling maipapabalas sa TV Patrol dahil siya ay na interview. Inimbita niya ang buong barangay niya upang mapanood siya muli sa TV. Nasasabik siyang madami ang dumalo sa screening niya. Nakikita sa kanyang mga mata na galak na galak siyang makilala muli ng mga tao bilang “best supporting actress”. Nunit dito nabasak ang inaasahan ng manonood. Hindi naipalabas si Lilia Cuntapay sa TV Patrol. Nabagabag ang manood sa hindi inaasahang pangyayari dito. Ang pakay ng direktor dito ay tinatawag na “Cheated expectation” kung saan ninanais niyang basagin ang expektasyon ng manonood. Naging matagumpay ang pakay ng direktor na maging malabo ang pananaw ng manonood pag dating sa pantasya at realidad. Ang naganap na panayam ni direk Peque Gallaga at Lore Reyes dito ay totoo at ang istorya ng buhay ni Lilia dito ay maaari ding maging realidad ngunit hindi ito ang realidad na buhay ni Lilia.
Nagawa ng direktor na ipaghalo ang realidad at pantasya, sa pamamagitan ng paggamit ng raw footage na pagkuha ng pelikula na nagpapamukang silay nag do-dokumentaryo ng totoong buhay. Hindi nila ito nilagyan ng color grading o magandang pag angulo ng kamera na tulad sa napapalabas sa mga teyatro. Nanalo ang pelikulang ito sa “Best Editing” dahil sa nakuha nila ang conseptong nais nilang iparating. Ang mag mukang mockumentary. Pag dating sa musika ng pelikula, isa lamang ang kanilang ginamit. Masaya ang musika na kanilang ginamit sa pagpapaliwanag ng buhay ni Lilia. Ito’y marahil sa masayahin niyang pagkatao. Hindi na nilagyan ng malulungkot na kanta sa mga eksenang nagpabasag ng expektasyon sa manonood tulad ng hindi pag litaw niya sa TV nung siya’y na-interview. Ang kadahilanan ay maaaring nabuhat na nang istorya ang ninanais na maging emosyon sa eksena. Sa huling salita niya sa pelikula, “Ako po si Lilia Cuntapay” at tugtog na lumabas ay masaya kahit nakakalungkot ding malaman na siya’y hindi nanalo sa Awarding. Ang tugtog na iyon ay nagpaalala ng personalidad ni Lilia Cuntapay at kung gaano niya na nais makamit ang pagkilala sakanya bilang magaling na aktress dahil ito nga din naman ang kaniyang pinag hirapan. Naging epektibo din ang kanilang pag arte dahil sa natural na pananalita na iginagamit din sa realidad. Pag dating naman sa visual elements, Ang eksena ni Lilia na siya’y nag salita ukol sa pasasalamat bilang “best supporting actress” ay nag sisimbulo ng kanyang imahenasyon. Makikita na siya lamang ang nandoon at tahimik ang paligid. Siya din ang nag kunwaring nag host at binoses din ang sound effect ng kanyang pag akyat sa podium. Ang mga materyales na makikita doon ay maaaring kasama sa mga proyektong ginampanan niya sa iba’t ibang pelikula. Sa ibang eksena naman ay makikita na nagiiba ang mga gamit na pumapaloob sa kanyang imahenayson. Tulad ng poster na nag sasabi “Lilia Cuntapay in TV Patrol” at biglang nag iba ito nang hindi siya maisali. Nakasulat sa poster ay “ Lilia Cuntapay IS NOT in TV Patrol”. Naging kulay Asul ang eksenang iyon na nag sisimbulo ng kalungkutan dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Doon lamang ang scene na may color grading at tila may pagkadilim ang paligid na nakuha ang ideya na iyon lamang ay imahenasyon na labis na ninanais ni Lilia na magyayari pag dating ng “Awarding”.
Ang puno't dulo ng peikulang ito ay kahit hindi nanalo ng Best Supporting Actress si Lilia Cuntapay binigyan ng pagkakataon ni Rio Locsin na siya’y makilala sa Awarding at doon nag pasalamat din si Lilia Cuntapay sa pagkilala sakanya. Ini-rerekomenda ko ang pelikulang ito na panoorin dahil sa ganda ng konteksto na nakapaloob dito.
1 note
·
View note