Photo
Noo’y isang daungan sa pangangalakal, ngayo’y isang panturismong lugar.
Mayaman sa kasaysayan ang Manila Bay. Bilang pangunahing daungang pangkalakal sa Luzon, bago pa man sinakop ang bansa ng mga Kastila, nagsisilbi na agad itong daang naghubog sa pag-unlad ng sosyo-ekonomikong kalagayan ng bansa. Ngayon ay sentro ito ng mga pang-ekonomikong aktibidad katulad ng shipping, pang-industriya, pang-komersyal, pangingisda, aquaculture, at panturismo.
Marahil sa puntong ito’y alam na ng bawat Pilipino ay nangyari sa sikat na pasiyalan sa lungsod ng Maynila, ang Manila Bay. Masasabi pa nga nating alam na ng lahat ang tungkol sa bagong white beach ng Pilipinas, ang dolomite sand beach ng Manila Bay. Maraming Pilipino ang nakiabang sa pagbukas nito matapos ang rehabilitasyon, mayroon pa ngang naki-sunbathing at nag-swimsuit sa daungan para maramdaman ang mala-Boracay na aura dulot ng puting buhangin.
Nobyembre, 2020: inanusiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simula ng rehabilitasyon sa Manila Bay, katulad ng rehabilitasyong naisagawa sa Boracay, Malay, Aklan noong _. Kasalukuyan ay mahigit 389 milyong piso na ang inilaan ng pamahalaan sa ‘rehabilitasyon’ ng Manila Bay. Sa taas ng halaga, mapapatanong talaga ang isa kung saan napupunta ang pera.
Ayon sa ulat ni Ecarma ng Rappler News (2021), galing pa ang buhanging dolomite na ito sa probinsiya ng Cebu, isang dolomite rock reservoir sa gitna ng kagubatan. Dahil dito, kinakailangan pang isakay sa barko ang anim na metric tons ng dolomite pebbles patungong Luzon.
Ngunit isang lingo matapos ang unang pagpapabuhangin ng dolomite sand sa Manila Bay, Nakita agad na sumusunod lamang ang buhangin sa tubig, at nagpakita muli ang naunang maduming buhangin ng Manila Bay. Ito ang kinatatakutan ng mga pangkalikasang experto mula pa sa pag-anunsiyo ni Pangulong Duterte ng operasyong ito. Isang malaking katanungan ang magiging epekto ng dolomite sand sa anyong tubig at ang mga namumuhay na isda at iba pang mga hayop sa dagat.
Ayon sa Department of Environmental and Natural Resources (2020), ang dolomite, o calcium magnesium carbonate, ay isang water neutralizer na hindi makakaapekto sa mga ecosystems sa Manila Bay. Ginagamit din ito sa mga fish aquariums bilang pekeng buhangin o pandekorasyon. Sa kabilang banda naman, wika ng Center for Environmental Concerns Philippines (2020) na hindi tama ng isinagawang ‘rehabilitasyon’ sapagkat tinakpan lamang nila ng artipisyal na buhangin ang maruming buhangin ng Manila Bay. Tangi sa riyan, dagdag nila’y wala ring tamang pagsusuri at pananaliksik ang naganap tungkol sa magiging epekto nito sa ecosystems bago gawin ang proyektong ito.
Kapag ilaan natin ang teoryang pormalismo, maiintindihan natin ang tunay na layunin ng pagsagawa ng rehabilitasyong ito sa gitna ng pandemya. Mula sa pagtataguyod ng community lockdowns at health protocols katulad ng social distancing, libo libong mga Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay at tuluyang naghirap. Ang resulta nito? Lumakas lamang ang panghuhusga ng mga mamamayan sa pamahalaan, lalo na sa kanilang pagreresponsar sa kumakalat na COVID-19 sa bansa. Dahil dito, kinailangan ng pamahalaan na ibalimbing sa ibang sitwasyon ang atensiyon ng mga tao, para bang adhikaing ilagay o isentro muna sa isang bagay ang iniisip ng mga tao.
Masasabing epektibo naman ang nangyari, ngunit mas matinding pagpupuna mula sa mga kritiko, maging Pilipino man o mga banyaga, ang natanggap ng pamahalaan dahil dito. Maliban sa hindi magandang dulot nito sa kalikasan, hindi ba’t walang saysay ang rehabilitasyong ito kumpara sa mas mabisang COVID-19 response? Hindi ba’t mas nangangailangan ng pera ang sektor sa kalusugan dahil nasa isang pangkalusugang krisis ang bansa? Hindi ba’t libo libong mga mamamayan ang nagugutom at walang benepisyo sa kanila ang putting buhangin ng Manila Bay?
Hinarap ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga kritikong ito sa ilang pampublikong address. Wika ni Roque na layunin ng dolomite beach na itong mapabuti ang mental health ng mga Pilipino sapagkat apektado rin ang aspetong ito ng pandemya. Tunay ngang mapatanong ka talaga sa correlation ng dolomite at mental health, ngunit ano pa ba ang magagawa ng mga Pilipino kung naroon na ang dolomite sa Manila Bay.
Nararapat na buksan natin ang ating mga mata, mayroong mas mahalaga kumpara sa pagpapaganda ng daungang ito.
----------
Sulat ni:
Ma. Gabrielle Angelli B. Nadate
UPHSI, Grade 11 - STEM
----------
Mga Pinagmulan
Center for Environmental Concerns Philippines. (2020). The beach that wasn’t. DW.COM. https://www.dw.com/en/philippines-artificial-white-sandy-beach-could-spell-eco-disaster/a-55397340
Department of Environment and Natural Resources. (2020, December 30). 2020: Manila Bay dolomite sand project stirs controversy. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1125931
Ecarma, L. (2021, April 19). Despite standing ban, Garcia gives exemption for Manila Bay dolomite shipment. Rappler. https://www.rappler.com/nation/gwendolyn-garcia-exemption-manila-bay-dolomite-shipment
Gotinga, J. C. (2020, November 6). Pangilinan calls for Senate probe into P389-M Manila Bay white sand project. Rappler. https://www.rappler.com/nation/pangilinan-calls-senate-probe-manila-bay-white-sand-project
Gozum, I. (2021, May 10). DENR allots P265M for second phase of Manila Bay rehabilitation project. Rappler. https://www.rappler.com/nation/denr-allots-millions-second-phase-manila-bay-dolomite-project
Jacinto, G.S., Azanza, R.V., Velasquez, I.B. and Siringan, F.P.(2006)."Manila Bay:Environmental Challenges and Opportunities" in Wolanski, E.(ed.) The Environment in Asia Pacific Harbours. Springer: Dordrecht, Netherlands. p309-328.
Josiah Antonio, ABS-CBN News. (2020, October 1). UP marine scientists explain why dumping dolomite can’t solve Manila Bay problems. ABS-CBN News. https://news.abs-cbn.com/spotlight/10/01/20/up-marine-scientists-explain-why-dumping-dolomite-cant-solve-manila-bay-problems
"Manila cleans up after typhoon 'Pedring'". GMA News Online. September 28, 2011. Retrieved June 23, 2021.
0 notes
Quote
Sayang ang pera, parang pinaanod lang sa dagat.
Philippine Senator Francis Pangilinan
0 notes
Photo




Ang hiningi ng masa ay mabisang pandemic response, ang binigay ay dolomite white sand Manila Bay.
Mga Pinagmulan
CNN Philippines. (n.d.). LOOK: Fresh batch of dolomite dumped along Manila Bay coast. Cnn. Retrieved June 23, 2021, from https://www.cnnphilippines.com/news/2021/4/14/Fresh-dolomite-Manila-Bay.html
Leilani Chavez, Mongabay.com. (2020, September 14). Is Manila’s new white sand coast a threat to marine life? Eco-Business. https://www.eco-business.com/news/is-manilas-new-white-sand-coast-a-threat-to-marine-life/
Moaje, M. (2020, December 30). 2020: Manila Bay dolomite sand project stirs controversy. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1125931
The Filipino Times. (2020, September 20). DENR ensures safety of dolomite sand used for Manila Bay rehabilitation. https://filipinotimes.net/latest-news/2020/09/20/denr-ensures-safety-of-dolomite-sand-used-for-manila-bay-rehabilitation/
0 notes