mapagmahal1a19-blog
mapagmahal1a19-blog
Lotto sa Pilipinas
13 posts
Pagsugal sa Lotto Bilang Kabuhayan
Don't wanna be here? Send us removal request.
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Taong 1995 noong panahon ng pamumuno ni Chairman Manuel L Morato, inilunsad ng PCSO ang unang unang Lotto sa Pilipinas. Naging patok ito sa kabila ng malakas na pagsalungat mula sa ilang mga panig. Ang legalidad nito ay kinwestiyon ngunit ang Korte Suprema ay nagpasiya na ang bagong lotto ay gawing legal. Mula noon, higit pang mga dagdag na uri ng lotto tulad ng tatlong digit (3D), apat na digit (4D), anim na digit (6D), Mega Lotto 6/45 at Super Lotto 6/49 draw .
Litrato mula sa: https://goo.gl/images/PsF5LE                           https://goo.gl/images/CYdZ7b
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Laganap na laganap ang ganitong uri ng sugal sa bansa. Kung titignan ang konteksto sa likod ng ganitong kaugalian ng mga Pilipino, maraming salik ang makikita sa pagkalulong ng mga Pinoy sa sugal na ito. Ito ay marahil bunga ng kadahilanang marami sa mga Pilipino ang naaakit sa malaking halaga ng papremyong kanilang matatanggap kapalit ng tingi-tinging halagang kanilang itinataya na nag-ugat sa kakulangan sa financial literacy ng mga Pilipino o ang kaalaman sa epektibong paghawak ng pera. Bukod pa rito, kailangan nating tignan na isang sanhi rin ang legalidad ng lotto sa bansa kung kaya’t mas maraming tumataya sa ganitong uri ng sugal kung ikukumpara sa iba.
Litrato sa taas ay kuha ng aming kagrupo Litrato sa baba ay mula sa: https://goo.gl/images/Udv7Bb
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Text
Iba’t Ibang Uri ng Lotto
Tumblr media
UltraLotto 6/58- Ito ang pinakamalaking laro ng lotto na inihahandog ng PCSO na may 1 hanggang 58 na numero na maaring pagpilian upang manalo ng malaking premyo.
GrandLotto 6/55- Mapapanalunan ang jackpot kapag napagpares ang lahat ng anim (6) na lumabas na numero sa anumang pagkasunod-sunod. Mapapanalunan ang papremyo kapag nakakuha ang manlalaro ng 3, 4 o 5 na numero ng panalong 6-number kumbinasyon, sa anumang pagkasunod-sunod.
4 Digits (4D) Game-Upang laruin ang 4D, dapat markahan ng manlalaro ang napili niyang apat (4) na numero mula 0-9 sa 4D play slip. Mapapanalunan ng manlalaro ang unang premyo kapag nakuha lahat ng apat (4) na nabolang numero sa tamang pagakasunod-sunod.
EZ2 Lotto-dapat pumili ang manlalaro ng dalawang (2) numero mula 1 – 31, at kapag ang napiling numero ng manlalaro ay tumugma sa nabolang panalong kumbinasyon sa tamang pagkasunod-sunod, siya’y mananalo ng Php4,000.00 bawat ten-peso-play.
ScratchIt- nangaingailangan kaskasin ang ‘play area’ sa tiket upang makita ang panalong simbolo o pattern katumbas ng premyong pera na ibabayad sa manlalaro agad-agad.
Litrato mula sa: https://goo.gl/images/hrNh4K
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Text
Halimbawa ng Scratch It!
Tumblr media Tumblr media
(Litrato mula sa PCSO website)
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
May iba’t ibang kadahilanan ang bawat Pilipino kung bakit sila tumataya sa lotto. Kung inyong mapapansin marami-rami na rin talaga ang umuusbong na lotto outlet sa ating mga kanya-kanyang lugar. Sumilip ka nga lang sa mga kanto-kanto ng inyong pinagtitirhan ay makakakita ka na ng mga taong pumipila at nagnanais na pagbigyan ng tyansang manalo. Sa halagang 24 pesos ba nga naman ay pupuwede ka ng manalo ng milyon-milyon at tiyak na kahit na sino ay mawiwindang at maeengganyong maglaro dahil sa papremyong puwedeng makuha sa pagkapanalo sa lotto. Kaya naman patuloy na naniniwala ang ibang Pilipino na masasagot ng isang lotto tiket ang kanilang kahirapan sa buhay.
Litrato mula sa: https://goo.gl/images/Qo1tNV
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Kahit na maliit ang pagkakataong manalo, marami parin ang naeengganyong tumaya sa lotto lalo na kapag ang numero na tinaya nila ay malapit sa winning combination. Maari rin kasi manalo ng balik-taya kapag ika’y nakakuha ng tatlong numero mula sa winning combination. Dahil dito tumataas ang paniniwala na mananalo rin ang kanilang mga numerong tinaya. Isa pang dahilan ng ating labis na pagkakaroon ng interes sa lotto ay ang paniniwala natin sa swerte. Sinasabi ng isang artikulo na ang mga asian countries lalo na ang mga nasa south-east ay tinatangkilik o malakas ang paniniwala sa konsepto ng suwerte at malas. Ika nga nila, hindi naman masamang maniwala at sumubok. Higit pa dito, lubos na naniniwala ang mga Pilipino na kapag sila ay nanalo sa lotto ay tiyak na hindi na nila kailangang maghirap at magtrabaho sa tanan ng kanilang buhay. Nasa kanilang isipan na ang perang mapapanalunan ay sapat upang masustentuhan ang kanilang pangangailangan sa buhay at kung maari rin ay pati na rin ang kanilang mga luho. (Guia, 2012).
Litrato mula sa: https://goo.gl/images/j3K2BB                           https://goo.gl/images/CMfZ9x
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Text
Tumblr media
Mahirap man umasa sa tyansa na manalo sa pagtaya ng lotto, patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga Pilipino hindi lamang dahil sa kahirapan kung hindi rin sa kadahilanang nakaugalian na ito ng marami at naging parte na ng kanilang buhay. Sabi nga nila na ang buhay ay weather weather lang at hindi mo masasabi kung anong sunod na mangyayari. Kaya’t kung kaya, go lang nang go.
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Ayon sa isang artikulo mula sa varsitarian, sinabi ni Arsobispo Emeritus Oscar Cruz na ang taong nanalo sa lotto ay may posibilidad na maging tulunan rin sa bandang huli dahil sa mga kalakip na responsibilidad nito tulad na lamang ng pagiisip kung paano ito gagastusin ng wasto at kung paano mo ilalayo sa panganib ang buhay mo pati ang buhay ng iyong pamilya dahil sa laki ng perang napalanunan mo. Binigyang diin din ng Arsobispo na talunan pa rin ang mga nanalo sa lotto sapagka’t nagmula ang napalalunang pera sa mga bulsa ng mamamayang Pilipino. Sa aming pananaw, wala namang masama kung tayo ay tataya sa lotto subalit huwag naman umabot sa punto na doon na lamang tayo aasa at hindi na maghahanap pa ng trabaho o iba pang pagkakakitaan. Maaari ring imbis na itaya ang lahat ng natirang pera sa lotto,pwede itong  hatiin sa dalawa at itabi ang isa para sa ipon o biglaang pangangailangan upang hindi agad mawalan ng pera nang dahil lamang sa kakataya ng lotto.
Ang isa pang isyu tungkol sa lotto ay ang maling paniniwala ng mga batang Pilipino mula sa edad na pito hanggang labindalawa na  ang lotto ay isang paraan upang mapalago ang pera. Ayon sa isang pagsisiyasat dalawampu’t tatlong porsyento ng mga batang Pilipino ay tingin na ang lotto ay isang uri ng pagpapalago ng pera. Marahil nagkaroon ng ganitiong kaisipan dahil maaring naririnig nila sa mga nakakatanda ang pahayag na “ pag nanalo tayo sa lotto”. Dahil sa isyung ito, napagdesisyunan ng Pru Life UK, kaakibat ng DEPED na turuan ang mga bata kung paano ang tamang pag iipon, pag gastos, at pagpapalago ng pera upang maiwasan ang maling paniniwala tungkol sa pagpapalago ng pera lalo na pagdating sa lotto. Nagkaroon ng kasunduan ang DEPED at Pru Like UK na isama ang financial literacy sa curriculum ng mga bata na nasa elementarya at naipatupad na ito sa dalawang pampublikong paaralan at tatlong pribadong paaralan.
Litrato mula sa: https://goo.gl/images/6rg73o                           https://goo.gl/images/kxL33e
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Ayon sa artikulo patungkol sa pagpirma at pagpapatupad ng batas ukol sa Republic Act RA 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion o ang mas kilala sa tawag na TRAIN Law ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-19 ng Disyembre na siyang magpapataw ng dagdag buwis sa mga produkto at ilang serbisyo, kasama dito ang mga premyong makukuha sa Lotto. Noong Enero ay sinimulan ng ipatupad ito kung kaya ang mga mananalo sa lotto ng sampung libo pataas ay mababawasan ng dalawampung porsiyento ang kanilang makukuhang premyo. Kung susuriing mabuti ang nasabing batas, malaki ang maaaring maging epekto nito sa pananaw ng mga tumataya. Maaaring dahil sa bawas sa kanilang magiging premyo ay makaapekto ito sa kanilang pagdedesisyong tumaya at mabawasan ang labis nilang pagkalulong sa pagtaya sa lotto. May ilang artikulo din na nagsasabi na kung ating aanalisahin ang pagtaya sa mga lotto, makikita na ang mga “baryang” kanilang itinataya ay maaaring magbigay sa kanila ng milyong pera kung sila ay mananalo dito. Ayon dito, ipinalalabas lamang na ang perang itinataya sa lotto ay katumbas lamang ng baryang inilalaan natin bilang “entertainment fee” sa tuwing pumupunta tayo sa mga lugar gaya ng perya o museo upang magliwaliw. Kaya naman may ilan ding naglahad ng ideya ng isang sugarol na aakalain nito na ‘tinalaga’ siyang manalo ngunit binigyang diin ng artikulo na ang totoo ay ang mga nagsusugal ang tunay na talunan. Sinasabi rito na may posibilidad na manalo, subalit ang halagang napanalunan ay hindi maaaring makabawi sa halagang nagugol sa pagtaya rito.
Litrato mula sa: https://goo.gl/images/RsQARF                           https://goo.gl/images/cfSgA3
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Bilang konklusyon, tulad ng mga nabanggit sa teksto, panahon pa lamang ng mga Kastila ay mayroon na tayong konsepto ng ‘lotto’. Isa nga bang malaking kaisipan ang pagkahumaling at malaking interes ng Pilipino sa pagtataya sa sugal? O babalik lamang tayo sa realidad na dahil ito sa kahirapan na umuusbong sa ating bansa. Kung papansinin natin, karamihan sa mga lotto outletsna ating makikita ay tiyak may Pilipinong nakapila at nagbabakasali na ang mga numerong kanilang itataya ay ang mga numerong mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Ngunit sa sugal na ito, sino nga ba ang tunay na nagwawagi? Tunay ngang hindi mali ang sumubok at magbakasali ngunit mas mainam kung ating iisipin ang mas marapat na gawin. Isa na rito ay ang pag-iipon at pag-iinvest ng ating salapi imbis na ilaan ito sa pagtaya sa lotto. Kung pagsusumain, ang pagbabakasali na maging milyonaryo ay pupuwede hindi sa pagtaya sa lotto kung hindi sa maingat na paggamit sa ating salapi. Tulad na lamang ng pinapalaganap ng ating gobyerno, tayo na’t maging edukado sa literasiyang pangpinansiya.
Litrato mula sa: https://goo.gl/images/1keVgp                           https://goo.gl/images/fgRopX
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Text
Panayam kay Arturo Facunla
Tumblr media
Noong ika-5 ng Oktubre taon 2018. Ang aming grupo ay nagtulungang maghanap ng maaring ma-interbyu sa tapat ng lotto outlet sa may bandang Dapitan Street, Sampaloc, Manila. Nakilala namin si Arturo Facunla, limampu’t anim na taong gulang, ay nakapagtapos ng highschool sa pampublikong paaralan sa kanilang lugar. Sa kasalukuyan siya ay nagtra-trabaho bilang foreman sa isang kumpanya sa Maynila. Siya rin ay isang mapagmahal na asawa at ama sakanyang pamilya.
(Litrato ay kuha ng aming kagrupo)
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Napagalaman ng aming grupo na si Mang Arturo ay matagal ng hindi tumataya ng lotto ngunit siya’y nag baka sakali muli dahil sa laki ng papremyo. Sa isang linggo ay tatlong beses siya tumataya sa 6/45 Ultra Lotto sapagkat ito ang laro na may pinakamalaking premyo. Ginagawa niyang basehan ang araw ng kapanganakan ng kanyang mga anak at asawa ang mga numerong kanyang itinataya. Naikwento rin samin ni Mang Arturo na siya’y nanalo dati sa lotto ng 12,000 pesos pero lima silang naghati sa premyo. Napagtanto niya na mas malaki pa ang kanyang nagagstos sa pagtaya ng lotto kesa sa kanyang napanalunan at ito ay isa sa rason kung bakit siya nahinto sa pagtaya ng lotto. 
Kung sakali man manalo siya ng isang bilyon sa lotto, ipangiinvest daw ni Mang Arturo ang perang napanalunan at kanyang pangpaaral sa mga anak. Naitanong din ng aming grupo kung naniniwala ba siya sa suwerte sa pagtaya sa lotto, sagot niya’y “Meron din pero marami namang sabi-sabi na kapag ganyan na kalaki (tapos) iisa lang ang mananalo, parang sabi nila hindi raw totoo.” Kung siya ang tatanungin kung mas mainam bang tumaya sa lotto o ipunin yung perang pangtaya, ang sabi ni Mang Arturo ay, “Mas okay pa rin ‘yung ipunin ‘yung perang pinangtaya mo diyan (sa lotto). Ganun din ang advice sakin ng misis ko kaya lang parang naengganyo nga ako ngayon. Kasi ang laki nung papremyo pero pag ano, titigil ko na rin.”
(Litrato ay kuha ng aming kagrupo)
0 notes
mapagmahal1a19-blog · 7 years ago
Text
Sanggunian
·     R. (n.d.). History. Retrieved from http://www.pcso.gov.ph/About/History.aspx
·     "Lottery." Bowling, Beatniks, and Bell-Bottoms: Pop Culture of 20th-Century America. . Retrieved September 22, 2018 from Encyclopedia.com: http://www.encyclopedia.com/history/culture-magazines/lottery
·     Lotteries. (n.d.). Retrieved from https://govinfo.library.unt.edu/ngisc/research/lotteries.html
·     Nishimori, A. N. (2017, July 20). Gaano kalaki ang tiyansang manalo sa lotto? Retrieved from https://news.abs-cbn.com/life/07/20/17/gaano-kalaki-ang-tiyansang-manalo-sa-lotto
·      What is Gambling?. Retrieved from https://www.begambleaware.org/understanding-gambling/
·      Pagpapanibago ng mga kahalagahan. (n.d.). Retrieved from https://www.philstar.com/opinyon/2005/05/27/279348/pagpapanibago-ng-mga-kahalagahan
·      Sigay Iv Tm' 2005 Ed. (2005). Retrieved September 22, 2018, from https://books.google.com.ph/books?id=hID-C-_TVVwC&lpg=PA35&ots=vuH0jciJcb&dq=sugal kahulugan&pg=PA35#v=onepage&q=sugal kahulugan&f=false
·      What is a livelihood?. Retrieved from https://www.ifrc.org/en/what-we-do/disaster-management/from-crisis-to-recovery/what-is-a-livelihood/
·      Mactal, R. B. (2008). Kapaligiran, Kalinisan, at Kalusugan: Ang Impluwensya ng Heograpiya sa Paghubog ng Patakarang Pangkalusugan ng mga Amerikano sa Kolonyal na Maynila, 1898-1918. Malay,19(2). doi:10.3860/malay.v19i2.77
·      Kabuhayan-Program. (2007). Retreived September 22, 2018, from http://www.bwsc.dole.gov.ph/images/InfoMaterials/Kabuhayan-Program.pdf
·      Philippine Charity Sweepstakes Office. Ultra Lotto 6/58. http://www.pcso.gov.ph/Games/Lotto/UltraLotto658.aspx
·      Philippine Charity Sweepstakes Office. Grand Lotto 6/55. http://www.pcso.gov.ph/Games/Lotto/GrandLotto655.aspx
·      Philippine Charity Sweepstakes Office. 4 Digits (4D) Game. http://www.pcso.gov.ph/Games/Lotto/4D.aspx
·      Philippine Charity Sweepstakes Office. EZ2 Lotto. http://www.pcso.gov.ph/Games/Lotto/EZ2.aspx
·      Philippine Charity Sweepstakes Office. ScratchIt! KaskaSwerte. http://www.pcso.gov.ph/Games/ScratchIt.aspx
·      Guia, J. (2012, October 04). The Lotto Phenomenon in the Philippines. Retrieved from https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/The-Lotto-Phenomenon-in-the-Philippines
·      Liza. (2017, April 24). 4 Reasons Why Filipinos Love Games of Chance (Lottery). Retrieved from http://parasapinoy.com/filipinos-love-games-chance-lottery/
·      Kapit sa Lotto (2009, March 22). Philippine Star. Retrieved from https://www.philstar.com/opinyon/2009/03/22/450405/kapit-sa-lotto
·      Andal, K. M. J. (2015, September 15). 24 bagong ambulansya, dala ng PCSO Batangas. Pahayagang Balikas. Retrieved from https://balikasonline.wordpress.com/2015/09/15/24-bagong-ambulansya-dala-ng-pcso-sa-batangas/
·      Carmona, M. (n.d.). The PCSO Lotto is for real! Retrieved from https://www.philstar.com/lifestyle/modern-living/2009/07/04/483160/pcso-lotto-real
·      Mydans, S. (1987, December 20). Filipinos Bet On Dreams, But Illegally. The New York Times. Retrieved from https://www.nytimes.com/1987/12/20/world/filipinos-bet-on-dreams-but-illegally.html
·     Santos, T. U. (2010, December 19). Pagtaya sa kapalaran. Retrieved from http://varsitarian.net/news/20101214/pagtaya_sa_kapalaran
·     Pagsusugal-Mayroon bang Nagwawagi? - Watchtower ONLINE LIBRARY. (n.d.). Retrieved from https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/101987644
·     Times, T. M. (2018, March 27). Lotto winnings tax-free no more-BIR. Retrieved from https://www.manilatimes.net/lotto-winnings-tax-free-no-more-bir/388916/
·     Karcher, A. J. (1989). Lotteries. New Brunswick u.a.: Transaction Publ.
·     Garcia, C. R. (2012, November 07). Some Pinoy kids think 'lotto' is a form of investing - survey. Retrieved from https://news.abs-cbn.com/business/11/07/12/some-pinoy-kids-think-lotto-form-investing-survey
0 notes