mga-pelikula-blog
mga-pelikula-blog
Mga Pelikula
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
mga-pelikula-blog · 8 years ago
Text
PELIKULA
Noong ipakilala sa PIlipinas ang “Pelikula” ito ay mayroon nang halong impluwensya galing sa iba’t-ibang dayuhan. Sa paglaya ng mga Pilipino sa mga Kastila, ang mga mundo ng Pilipino ay lumalawak sa panunuod nito ng mga Pelikula. At sa huli dumarami rin ang mga artista na nagsisigawa ng mga proyekto o mga pelikula tungkol sa mga kwentong sumasalamin sa kultura, mga problema at pangarap ng Pilipino.
0 notes
mga-pelikula-blog · 8 years ago
Text
Mga Uri ng Pelikula
AKSYON (Action)
- nakapokus sa mga bakbakang pisikal, maaaring nangyayari o mangyayari sa totoong buhay o kathang-isip 
ANIMASYON (Animation)
- gumagamit ito ng mga larawan o guhit na nagpapakita ng isang kwento at para magkaroon ng buhay ang isang bagay na walang buhay
BOMBA (Rated SPG)
- ang mga pelikula na nagpapakita ng hubad na katawan at gawaing seksual
DOKYU (Documentary)
- ang mga pelikula na nagpapakita ng mga totoong karanasan tungkol sa mga nangyayari sa isang tao, mga balita, o mga bagay na may halaga sa politika, kasaysayan o lipunan
DRAMA
- mga pelikula na nakapokus sa mga personal na karanasan o suliranin, nagtutulak ito sa damdamin para umiyak ang mga manunuod
PANTASYA (Fantasy)
- ang mga pelikula na gawa sa mundo ng imahinasyon o mga kwentong na may kaugnayan sa mga natutuklasan sa siyensya
HISTORIKAL (Historical)
- ang mga pelikula na base sa mga tunay na kaganapan sa kasaysayan
KATAKUTAN (Horror)
- ang mga pelikula na ito ay nagnanais na takutin ang manunuod gamit ang mga multo at mga kakaibang nilala
KOMEDI (Comedy)
- ang mga pelikula na nagpapatawa at ang mga karakter ay inilalagay sa mga hindi maisip na sitwasyon
MUSIKAL (Musical)
- ito ay mayroong kantahan at musika, mga komnedyang may temang pangromansya
0 notes
mga-pelikula-blog · 8 years ago
Text
PELIKULA
Gaya ng iba pang dayuhang uri ng sining, ang pelikula nang natanim sa Pilipinasay may halong impluwensya ng dayuhan ngunit nang maglaon ay nahaluan ng Pilipinoat Asyanong impluwensya. Simula ng paglaya sa mga Kastila, lumaki at lumawak angmga manunuod ng pelikula sa Pilipinas, dahil na rin sa pagdami ng mga artista at mgakwentong sumasalamin sa kultura, problema at mga pangarap ng Pilipino.Noong 1895 nagawa ang unang pagpapalabas ng pelikula sa bansa sa tulong ngdalawang negosyanteng Swiss, gamit ang Lumierechronophonograph.Inasahan naang gulat sa mga Espanyol nang nakita nila ang bagong imbensyon. Ngunti dahil sagiyera, natigil ang pag-usbong ng teknolohiya sa bansa.Nagsimula lamang na umunlad ang mga pelikula sa bansa noong 1909 kungsaan pinapalabas ito sa simula ng mga bodabil o mga karnabal. Sa taong din iyonnagsimulang lumabas ang mga sinehan tulad ngEmpireat Anda. Ang mga direktor ngpelikula ay dumadayo na sa bansa upang kumuha at ipakita ang kani-kanilang mgagawa, na marami ay mga dokumentaryo. Ang mga unangsilent filmay lumabas noong 1912, kung saan tinalakay angbuhay ng bayani, gaya ni Jose Rizal. Pagkatapos ng World War I, nagsimula nanggumawa ang mga Pilipino ng sarili nilang mga pelikula, tulad ngDalagang Bukid (1919).Makikita sa mga ito ang hangarin ng mga Pilipino na hanapin ang kanilang lokasyon samundo ng pulitika, kultura at lipunan sa mundo. Sina Vicente Dalumpides at JoseNepumuceno ang nakilala bilang mga unang Pilipinong producer.Noong 1930s naman lumabas ang mgatalkiesgaya ng Ang Aswang ,CollegianLoveatKing-Kong.Ngunit sa kawalan ng teknolohiya ay natatalo ng mga dayuhangpelikula ang mga pelikulang Pilipino. Napilitang magsara ang mga original nastudiosatumusbong ang mga bago, tulad ngSampaguita Pictures,Excelsior atLVN dahil na rinsa magandang balik ng puhunan para sa mga negosyante.Sa paglusob ng mga Hapon, napilitang lumipat ang mga produksyongpangpelikula sa teatro dahil na rin sa naubos na mga kagamitan sa pelikula. Sapanahon ng giyera, naisip ng mga mananakop na gamitin ang pelikula bilang uri ng propagandaupang subuking ilayo ang mga Pilipino sa impluwensyang Amerikano, gayana lamang ngThe Dawn of Freedomna ginawa ngEiga Heisuka.Ngunit dahil sa nanatili lamang sila saglit ay bumalik din sa normal ang industriya, ano lamang nanabago ang pokus nito patungo sa mga kwentong realistiko. Sa bandang huli aynagsimulang malugi ang mgastudiospagdating ng 1960s dahil sa pagkamatay ng mgaunang producer at pagbabago sa panlasa ng mga tao.Simula nang nagsara ang mga film studios, napilitang gumawa ng sariling mgapelikula ang mga sikat na artista at direktor, tulad nina Fernando Poe Jr. at ManuelConde. Ang mga ibang artista naman ay napilitang magretiro o lumipat sa radyo attelebisyon. Mapapansin na ang mga pelikula simula sa puntong iyon ay ginawa upangpagkakitaan, at madalas ang mga ito'y ginaya sa mga pelikulang Kanluranin ngunittinipid sa mga kagamitan at aspeto.Sumikat sa mga panahong ito ang mga pelikulang ginaya sa mgagangster movies kung saan tinalakay ang krimen sa mas madugo at mas realistikong paraan. Ang mga melodrama naman ay napuno ng mga kwento ng mga pagtataksil ng mgaasawa o kaya'y mga babaeng iniwan lang sa hangin. Ngunit mas makilala ang mgabombamovies na nagtatampok ng mga maiinit at malalaswang eksena sa gitna ng mgakwento sa magulong lipunan ng dekada '60 hanggang '80.Ngunit nagsimula din namang umusbong ang mga bagong kwento, artista atdirektor, tulad nila Nora Aunor, Vilma Santos at Dolphy. Ang mga batang direktor tuladnina Ishmael Bernal, Lino Brocka at Marilou Diaz-Abaya naman ay nagtampok ng mgapelikulang may halong drama, komedya, komentaryo realismo ng buhay Pilipino. Kahitna ninais ng pamahalaan na lumawak ang kontrol nito sa sining sa pamamagitan ngmga buwis atcensorshipay nanatili ang makulay na pag-unlad at pagbabago ng mgapelikula ng panahong iyon.Sa panahon ngayon ay marami ang nagsasabi na tuluyan nang namatay angpelikulang Pilipino ngunit may mga nagsasabing tahimik lang itong nagbabago.Maraming mga film festivals ang naitayo, tulad ngMetro Manila Film Festival atCinemalaya. Ang mga pelikulangindieay unti-unting nagkakamit ng parangal sa loob atlabas ng bansa at tinatangkilik na ng mga Pilipino gaya ng pagtangkilik nila sa mganormal nangrom-comat pantasya.Nagsimula na rin ang pag-aaral at pagtuturo ngpaggawa ng pelikula sa mga kolehiyo - nauna ang UP nang ipinakilala nito ang kanilangBA Film noong 1981
0 notes