micahrimando
micahrimando
MICAH RIMANDO
10 posts
Filipino artist and designer advocating social-realist and progressive works
Don't wanna be here? Send us removal request.
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
#WarOnDrugs. Digital photography. August 22, 2017.
Dinagsa ang burol ni Kian ng daan-daang kababayang nakikiramay sa mga kaibigan at pamilya ng yumaong 17 taon gulang na mag-aaral. Namatay si Kian bunga ng #WarOnDrugs ng kapulisan at pamahalaan. Nagkaroon ng ilang programa, padasal, at pagsindi ng mga kandila sa mga eskenita malapit sa kanilang bahay at tindahan upang iparating ang kanilang mga hiling at hinaing ukol kay Kian at sa iba pang biktima.
Noong Agosto 16, pinaslang si Kian delos Santos sa isang kontra-drograng raid sa Caloocan. Isa lamang siya sa sandamakmak na napatay dulot ng mga operasyon ng pulis sa nagdaang mga araw at linggo. Pumutok ang kontrobersya nang 'di umanong maraming pagtatakip at pananamantala na pilit na itinatapal sa totoong nangyari sa kaniyang katawan at sa kaganapan ng gabing namatay siya. 
This is a photo series published in Matanglawin Ateneo’s facebook page that sheds light on Kian, only one of the thousands of police operation killing victims brought by police operations killings in line with President Duterte's campaign on the War on Drugs.
These photos were taken in one of the streets near Kian Delos Santos’ home and near the street where he was gunned down. One could only imagine the conditions the children of their neighborhood are living and experiencing then and now.
The third photo, Tingi(n)-Tingi(n) Lang, was also published in Heights’ First Regular Folio for 2017-2018.
0 notes
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
#WarOnDrugs Website Idea and Prototype. April 2017. Web Design and Development.
0 notes
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Inspired by Renaissance Art and Humanism, this features Bongbong Marcos, who ran for Vice President in the Philippines. As he lead election surveys before, many discouraged voters from choosing him. He was involved in his parents corruption and other crimes, he denies his parents’ atrocities, and he distorts history.
Bongbong’s head is attached to the manipulated photo of Michelangelo’s David sculpture— his face proud, as if showing the naked truth. He stands comfortably holding the Philippine flag, acting like a hero. Under his feet lies the rancid reality — the missing truths that are trampled on, forgotten, and disregarded.
This was made for a course requirement, for FA-AM 101 Introduction to Visual Arts. This was published in Matanglawin, Ateneo’s official publication in Filipino, in its second issue of SY 2015-2016, to remind and warn Filipinos of historical revisionism, during the election period: https://issuu.com/matanglawin-ateneo/docs/ateneo_matanglawinmay2016_edited_op
A year later, it was submitted to Heights, and was released in a published folio of the official literary and art publication of Ateneo de Manila University:https://issuu.com/heights-ateneo/docs/_2017__heights_vol._64__no._2
Hubad na “Katotohanan” (Naked “Truth”). Digital and Photomanipulation. 2016 by Micah Rimando.
0 notes
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pasko at Pagbibilang. Digital Photography. December 2016 by Micah Rimando. 
This photo series was published in Matanglawin Ateneo's facebook page as part of a countdown, a few hours before Christmas, with this caption:
"_ na oras na lang ang natitira bago ang Pasko! Ngayong Pasko, huwag magbulag-bulagan sa kabila ng nakakasilaw at kumukutikutitap na mga pampailaw at parol. Dinggin ang pagtawag ng mga kapatid nating Pilipino."
The first photo in this series garnered me the 17th Raul Locsin Awards for Student Journalism - Photojournalism Category
The Raul L. Locsin Awards for Student Journalism honor the outstanding contributions of Ateneo campus journalists to keep alive the tradition of fearless, compelling writing that has been the hallmark of journalism in the Ateneo. By citing their work, the awards also hope to encourage future careers in journalism.
0 notes
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Hubad na “Katotohanan”
Narito si Imee Marcos, ipinangangalandakan ang pagkapanalo sa posisyon sa senado at ang patuloy na paghawak ng angkan ng mga Marcos sa probinsya ng Ilocos.
Sa kabila ng lahat nito, umaalingasaw ang kinatatayuan ni Imee Marcos, isinisiwalat ang patung-patong na katotohanan ng mga nawala, tinapakan, at nilapastanganang buhay. Sa panahong tigmak ang katotohanan at katarungan, nararapat lang na magkaisa’t labanan ang pambubusabos sa ating kasaysayan. Huwag nating kalimutan na bukod sa pagtanggi sa ginawang paglabag sa karapatang-pantao ng kaniyang mga magulang at mga kasabwat nito, mayroon din siyang kinalaman sa pagpatay at pagtortyur kay Archimedes Trajano— at tikom ang kaniyang bibig sa mga kasalanan ng kaniyang mga kadugo.
Noong Agosto 31, taong 1977, dumalo sa isang open forum ang 21-anyos na aktibistang-mag-aaral na si Trajano, at kasama rito si Imee Marcos. Inilagay si Imee sa puwesto ng kaniyang ama, at itinalagang National Chairman ng Kabataang Baranggay, isang organisasyon ng mga kabataan. Nang kinuwestiyon ni Trajano ang kaniyang pagkakaupo, nagulantang at nairita si Imee. Dinakip si Trajano ng mga militar na bodyguards ni Imee at kinaladkad papalayo. Makalipas ang ilang oras, nadatnan ang labi ni Trajano na bugbog-sarado at puno ng bakas ng tortyur. Malabong mahatulan ang anak ng diktador noong panahon ng Batas Militar, sapagkat nasa ilalim ng matinding takot at karahasan ang mga tao.
Samakatuwid, inabot ng siyam na taon bago nakapagsampa ng kaso ang nanay ni Trajano laban kay Imee Marcos at General Fabian Ver. Nahatulan ang mga Marcos para sa apat na kaso sa korte: ang kaso sa Switzerland na mayroong kinalaman sa kanilang ilegal na foundations at mga Swiss accounts na nagpapatunay ng pandarambong; ang pangunahing kaso sa Manila na pabor sa gobyerno ng Pilipinas at nagpapawalang-bisa sa kanilang Swiss money at iba pang assets na ninakaw; ang class action suit sa Hawaii na inihain ng mga biktima bilang pagdemanda sa mga Marcos para sa pagkitil ng mga karapatang-pantao; at ang hiwalay na tort case na isinampa ni Agapito Trajano laban sa pagdakip, pagtortyur, at pagpatay kay Archimedes, na isa lamang sa libo-libong pinatay ng mga Marcos.
Huwag nating kalimutan na hanggang ngayon, hindi pa rin napagbabayaran ng mga Marcos ang sandamakmak na pera at yamang kinulimbat sa kaban ng bayan. Huwag nating kalimutan na hanggang ngayon, hindi pa rin nakukulong si Imelda Marcos at ang mga kasapakat nito para sa pandarahas sa bansa. Huwag nating kalimutan na patuloy na kinokonsinte ng pamahalaan at bulok na sistemang kinabibilangan nito ang mga kriminal na kagaya nina Marcos at Revilla. Huwag nating kalimutan na hanggang ngayon, patuloy ang pagnanakaw ng mga Marcos, kagaya na lang ng napatunayan na Tobacco Excise Funds Scandal ni Imee noong 2017.
Huwag nating kalimutan na patuloy ang Batas Militar sa Mindanao, patuloy ang extrajudicial killings, at patuloy ang patayan buhat ng War on Drugs ni Duterte. Huwag nating kalimutan na pinapaboran ng mga resulta ng eleksyon ang interes nina Duterte at ng mga naghaharing-uri upang isulong ang Cha-Cha at Pederalismo, ang pagpapatuloy ng Batas Militar sa Mindanao, at ang pagpapakatuta sa mga banyaga. Huwag nating kalimutan na mayroong de facto Martial Law at awtoritaryanismo. Higit sa lahat, huwag nating kalimutan na katulad ng napagpunyagi ng mga bayaning lumaban noong panahon ng Batas Militar ni Marcos, mayroong patutunguhan ang lahat ng ating pakikibaka at mayroong pag-asa. 
Hubad na “Katotohanan”. 2nd Version. Photo Manipulation at Digital Painting. Hango sa eskultura ni Perucchetti (babaeng salin ng likhang David ni Michelangelo). May 18, 2019.
Sanggunian:
Cepeda, M. (2019, January 16). WATCH: Imee Marcos silent on 'benefiting' from illegal foundations. Retrieved from https://www.rappler.com/…/221112-video-imee-marcos-silent-f…
Mendoza, Meynardo. "Is Closure Still Possible for the Marcos Human Rights Victims?" Social Transformations: Journal of the Global South 1, no. 1 (2013): 127. doi:10.13185/st2013.01106.
Patag, K. (2019, May 14). Marcoses retain grip on Ilocos Norte bailiwick. Retrieved from https://www.philstar.com/…/marcoses-retain-grip-ilocos-nort…
Robles, R. E., & Robles, A. (2016). Marcos martial law: Never again. Quezon City: Published and exclusively distributed by Filipinos for A Better Philippines.
Robles, R. (2016, November 16). OPINION: Imee Marcos told US court – yes, Archimedes Trajano was tortured and killed but it's none of your business. Retrieved from https://news.abs-cbn.com/…/opinion-imee-marcos-told-us-cour…
0 notes
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Ang pinapangarap ng mga batang katutubo: Libro, hindi bala! Edukasyon, hindi giyera! Ngayong pandaigdigang araw ng paggunita sa karapatan ng kabataan, nararapat lang na patuloy na ipanawagan ang pagpapaigting sa mga karapatang pantaong dapat tinatamasa ng mga bata. Ang pambansang minorya, isa sa mga pinakamarhinalisadong grupo sa bansa, ay patunay ng masidhing karahasan at kahirapan sa bansa, sa kabila ng nag-uumapaw na mga likas na yaman. Bagaman isinabatas ang Indigenous People's Right Act (IPRA) of 1997, at kahit kasama ang Pilipinas sa United Nations Declaration on the Rights of Indigenous peoples (UNDRIP), patuloy pa rin ang pagsasamantala sa kanila, kasama ang kakulangan sa mga batayang serbisyong-panlipunan, katulad ng mga karapatan sa maayos na kalusugan at edukasyon. Ayon sa Minority Rights Group, karamihan sa mga hindi nag-aaral na kabataan ang mga katutubo. Pahirapan ang pag-abot ng edukasyon para sa mga katutubo, dahil kinakailangan nilang bagtasin ang kilo-kilometrong mga ilog, at mapanganib na mga bundok. Bukod dito, nakakatanggap pa sila ng diskriminasyon sa sistema ng edukasyon na hindi naka-akma sa kanilang mga kultural na pangangailangan bilang mga katutubo. Sa kabutihang palad, nariyan ang mga organisasyon katulad ng Alcadev at Save Our Schools Network na nagtutulungan sa pagbibigay-daan sa alternatibong sistema ng edukasyon na nagsusulong ng makabayan, siyentipiko, at makamasang tipo ng pag-aaral. Gayunpaman, patuloy na napapasubo ang kabatang mag-aaral dahil sa mga atake ng mga militar at paramilitar na grupong nanghihimasok sa mga komunidad ng Lumad. Talamak ang pangreredtag, ang pagparatang sa mga kabataang kasapi o may kinalaman sa NPA, na nagdudulot ng pagkawala at pagkamatay ng marami sa mga katutubo, at nagdudulot ng trauma o pagkatakot sa mamamayan. Nariyan din ang pambobomba, pananakot at panghaharas, paninira ng mga paaralang-Lumad, at paggamit ng mga pasilidad ng kanilang mga paaralan para sa pangmilitar na mga operasyon . Mayroon ding pagbabantang isasara ang kanilang mga paaralan. Sa kabila ng lahat nito, hindi dapat magpadaig, at patuloy na nangangarap at aktibong kumikilos ang kabataang-Pilipino para sa mas makatarungan at mapayapang lipunan. -- As we celebrate international children's day to recognize the rights of children, it is just right to continue the call for the strengthening of human rights that the Filipino children deserve. The national minorities, one of the most marginalized group in the country, is proof of the worsening violence and poverty in the Philippines, in spite of the fact that we have overflowing natural resources. Although we have the Indigenous People's Right Act (IPRA) of 1997 and although we are part of the United Nations Declaration on the Rights of Indigenous peoples (UNDRIP), the exploitation and killings continue, along with the lack of basic social services such as rights for proper health and education. According to the Minority Rights Group, most of the out-of-school children belong to the indigenous people. It is extremely hard to finish education as an IP, as they have to endure crossing kilometers of rivers and dangerous mountains. Aside from this, they often receive discrimination in an educational system not tailored to their cultural needs and sensitivities. Fortunately, there are organizations like Alcadev and Save Our Schools Network that help each other to make way for an alternative education that strives for a national, scientific and mass-oriented education. However, the students continue to suffer because of the continuing attacks of military and paramilitary groups that forcibly enters their communities. Red-tagging and the accusation of Lumad children as members of the NPA causes enforced disappearances and killings of IPs, also causing trauma and fear among the communities. There are also aerial bombings, intimidation and harassment, destruction of school facilities, and use of school facilities for military operations. There is also a threat of closure for their schools. Despite all these, the Filipino children must remain firm, and continue to dream and actively partake in the fight for a more just and peaceful society. 
Digital Painting. November 21, 2018. Sanggunian:
La Viña, T., & Mercado, N. G. (2018, October 20). [OPINION] Coffee and the blood of indigenous peoples. Retrieved from https://www.rappler.com/thought-leaders/214549-coffee-blood-of-indigenous-peoples?   
Rappler.com. (2017, August 9). INFOGRAPHIC: Who are the Lumad? Retrieved from https://www.rappler.com/move-ph/178181-infographic-lumad-indigenous-peoples
Republic Act No. 8371 | GOVPH. (1997, October 29). Retrieved from http://www.officialgazette.gov.ph/1997/10/29/republic-act-no-8371/?fbclid=IwAR0vzVKJGH4F1CXdDM25emm8kDCBreWRDmO420PzAVsa6rypalVsg3ODUrM
0 notes
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Naglalaho. Nauubos. Nawawala. Itigil ang patuloy na pagpaslang sa mga katutubong Pilipino at pagkitil sa kanilang mga karapatang-pantao! Hanggang ngayon, nananawagan ang mga katutubo na pakinggan at bigyang-tugon ang kanilang mga hinaing. Sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet, patuloy na nagdurusa ang mga katutubong Kankanaeys dahil sa panghihimasok ng mga nagmiminang korporasyon. Sa Surigao, patuloy ang pag-atake sa mga Lumad, ang pagpatay sa kanilang mga pinuno, at ang pagbantang isasara ang kanilang mga paaralan. Mismong ang pangulo pang si Duterte ang nagbantang bobombahan ang kanilang mga komunidad. Nariyan din ang pagpatay kay Datu Victor Danyan sampung buwan ang nakaraan dahil sa pakikibaka sa lupa at laban sa panghihimasok ng DMCI sa South Cotabato, Mindanao.
Samu't saring pang-aapi at pandarahas ang natatanggap ng mga katutubo: panghihimasok at pagsasamantala sa mga lupain ng mga katutubo at mga likas na yaman na nagreresulta sa patayan; landgrabbing na nagdudulot ng displacement at patayan; diskriminasyon at pagyurak sa karapatang pantao katulad ng name-calling, red-tagging, atbp.; at pagrekruta ng mga puwersang-gobyerno at iba pang armadong grupo sa nakababatang katutubo at paggamit sa mga katutubo ayon sa interes nila at ng mga naghaharing-uri —na nagdudulot ng patayan sa pagitan ng mga katutubo. End the continuous killings of Filipino indigenous people, and the violation of their human rights. Until now, the indigenous people still call to be heard, and their pleas to be answered. In Barangay Ucab, Itogon, Benguet, their suffering continues with the entry of mining corporations. In Surigao, the attacks on Lumads continue, along with the killing of their leaders, and the warning for closure of their schools. President Duterte even warned their communities would be bombed. There's also the killing of Datu Victor Danyan, 10 months ago, because of ancestral land dispute and the entry of DMCI in South Cotabato, Mindanao. Various offenses and violence are received by the indegenous people: forced entry and exploitation of natural resources that results to killings, landgrabbing that causes displacement and bloodshed, discrimination and violation of human rights such as name-calling, red-tagging, etc.; and the recruitment by government forces and other armed forces of young indigenous people for their own interests, along with the interests of the ruling classes— causing killings between the natives.
Babaeng Lumad. Digital painting. October 30, 2018.
Sanggunian:
La Viña, T., & Mercado, N. G. (2018, October 20). [OPINION] Coffee and the blood of indigenous peoples. Retrieved from https://www.rappler.com/thought-leaders/214549-coffee-blood-of-indigenous-peoples?  
Statement for the Celebration of the Indigenous Peoples Month, October 2016. (2016, October 13). Retrieved from http://www.napc.gov.ph/articles/statement-celebration-indigenous-peoples-month-october-2016?throbber=1 
Watts, J. (2018, July 21). 'I tended to the bodies': Attacked by the Philippine army. Retrieved from https://www.theguardian.com/environment/2018/jul/21/philippines-lives-land-lost-coffee-empire-militarised-politics
0 notes
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media
STOP KILLING FARMERS!
Habang ginugunita ang buwan ng mga magsasaka, nararapat lang na ipahatid natin ang kanilang patuloy na pakikibaka, at pagsikaping hikayatin ang bawat isa na kumilos laban sa kawalang-hustisya, kasama ang mga magsasaka.
Ang siyang nagpapakain sa bayan, nahihirapang pakainin ang kanilang mga pamilya, at nagdurusa sa pagsasamantala ng mga naghaharing-uri. Hanggang ngayon, daan-daang magsasaka ang pinapatay sa buong bansa. Bukod dito, sila ang pinaka-nagdurusa mula sa mapang-aping mga polisiya at gawain ng rehimen ni Duterte, katulad ng TRAIN law at inflation.
Nagpapatuloy ang panawagan ng mga magsasaka ukol sa hindi makataong pamamahagi ng lupa. Nananawagan din sila na wakasan ang patayan at pananamantala sa mga magsasaka at mga aktibista.
Panghuli, nagpapatuloy ang kanilang panawagan na bigyang tugon ang deka-dekadang mga lehislasyong ipinangako sa kanila, at na itigil ang karahasan at pang-aabuso sa uring manggagawa.
As we celebrate Peasants’ month, we should bring forth the continued struggle of the farmers, and persuade everyone to act against injustices, in unity with the farmers.
The ones who feed the nation, are struggling to feed their own families, and suffer from exploitation by the ruling classes. Until now, hundreds of farmers are being killed across the country. Furthermore, they suffer the most from the anti-poor policies and unjust doings of the Duterte regime, such as TRAIN law and inflation.
The farmers’ call to end the inhumane distribution of land continues. They also call to end the political killings, not just of farmers, but to all activists and countrymen who try to voice out their demands for a more peaceful society.
Lastly, the farmers call the government to act on the decades-long legislation promised to them, and stop the abuses imposed on them.
Sagay Farmers Massacre. Digital painting. October 20, 2018.
0 notes
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Bilang mga alagad ng sining, tinatawag tayong makiisa sa pakikibaka ng mamamayan — sa pamamagitan ng pag-alay ng ating sining upang pandayin ang isipan at puso ng mamamayang Pilipino. Hindi tanging susi ang sining at hindi nito kailanman mapapantayan ang kabuuang pakikibaka. Gayunman, habang patuloy ang pagdurusa ng sambayanan, nararapat lang na iwasang magbulag-bulagan at gamitin ang lahat ng kakayahan upang magsilbing tanglaw at magbalikwas.
As disciples of art, we are called to stand in unity with the masses, and struggle through art — to strengthen the minds and hearts of our countrymen. Art is not the key and will never be enough as the entire struggle. However, as the nation continues to suffer, it is just right to not turn a blind eye, and use all that we have to serve as light and resist.
Artists of the world, unite!
Taas-Kamao. Digital Painting. October 20, 2018.
1 note · View note
micahrimando · 6 years ago
Photo
Tumblr media
MICAHBAKA
ma•ki•bá•ka pnd [maki+baka]: lumahok o sumama sa pagbabáka o labanán : struggle (UP Diksiyonaryong Filipino)
ma•ki•bá•ka adj [maki+baka]: partake or join the struggle or fight (UP Filipino Dictionary)
Micahbaka. Digital painting. October 20, 2018.
1 note · View note