Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Wikang Gamit sa Pag-angat at Pag-unlad
Makalipas ang ilang dekada mula sa pagkakalaya sa mga banyagang sa atin ay umalipin. Ganoon pa rin bang ka-siklab ang damdaming ipaglaban ang sa ati’y matagal na panahong ipinagkait? O kasabay ng pag takbo ng panahon ay kasabay itong lumipas na naging mga ala-ala na lamang at simbolo. Mayroon pa bang natitirang nasyonalismo? Lalo na sa mga kabataang itinuturing na maglalayag sa pag-babahagi ng wika, kultura at sining sa pag lalayong ito ay lalong paunlarin at linangin. Paano nga ba ginagamit ng mga Pilipino ang wika sa larangan ng literasiya, ekonomiya at edukason? Kagaya mo ay marami rin akong mga katanungan at kalituhan ngunit atin itong susubukang linawin at alamin.
Sa pagkakaiba-iba ng mga layunin, lagay ng ekonomiya, mga pamantayan, estado ng lipunan, kamalayan ng mamamayan at antas ng edukasyon ng napakaraming mga bansa at kahalintulad din ng pagkakaiba-iba ng kultura, tradisyon at relihiyon ay mananatiling iba-iba pagdating sa aspeto ng polisiya sa wika, paggamit at pagyakap. Sa lathalain ni Andrew Gonzales, isinaad ang sitwasyon ng ilang bansa batay sa gamit at polisiya ng kanilang sariling wika. Ang sitwasyon sa Indonesia ay may kaunting pagkaka-pareho sa ating bansa. Sa kabila ng mababang per capita GNP ng Indonesia kumpara sa ibang bansa, ay patuloy nilang itinataguyod ang sariling wika at ginagamit upang magkaroon ng pagkakabuklod-buklod at kasabay nito ay matangkilik ang wikang naging instrumento sa pagkakalaya nila sa mga Holandes. Malaki ang pagkakaiba sa bansang Singapore, na kung susumahin ay mayroong apat na wikang opisyal na ginagamit. Ayon kay Campbell Alizzi, kabilang sa mga opisyal na wika ng Singapore ay ang Mandarin, para sa populasyon ng etnikong Chinese, Tamil naman para sa populasyon ng etnikong Indian, Malay para sa populasyon ng katutubong Singapore at ang wikang Ingles at ang malawakang paggamit nito. Sa wikang Malay man nakasulat ang pambansang awit at ito man ang kanilang wikang pambansa, wikang Ingles ang isinusulong sa larangan ng edukasyon, agham, siyensya, industriya at negosyo. Dahil sa mga layunin ng bansa ay nagamit nila ang wikang Ingles sa pagtataguyod ng kanilang ekonomiya at industriya. Masasalamin naman ito sa per capita GNP ng bansa na doble ang taas kumpara sa ibang bansa. Malaki ang kaibahan ng paggamit at pagtigin ng iba’t-ibang bansa sa sarili nilang wika na may katumbas ding mga kadahilanan, layunin, pamantayan at pananaw.
Ayon sa panayam sa isa sa Pambansang Alagad ng Sining at Panitikan na si Bienvenido Lumbera, binanggit niya na ang wika ay isang palatandaan ng pagkakaroon ng pagkakakilanlan ng isang bayan. Ang wika ay mahalagang kasangkapan na kapag ginamit sa edukasyon ay makakatulong sa pagpapa-lalim ng mga ideya ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan ng isang bansa. Sa kamailang pag-usbong ng isyu ukol sa pag-alis ng wika at panitikang Pilipino sa kolehiyo ay muling napukaw ang nasyonalismo ng iilan. Marami ang nag-bigay ng sariling opinyon at kuro-kuro at nagpahayag ng tahasang pag-tutol sa pag alis nito. Nangangailan pa ba tayong subuking muli upang patuloy na itaguyod ang wika na sarili namang atin? Kagaya sa bansang Singapore, maagang ipinamulat sa ating mga paaralan ang wikang Ingles. Lihim na isinilid sa ating murang isipan na wikang Ingles ang siyang magiging susi sa ilang oportunidad na dadating sa hinaharap. Matindi ang pag-ririin ni Ginoong Lumbera, na sa larangan ng panitikan ay magagamit natin ang ating wika upang makalikha ng mga akda na maglalaman ng mga karanasan ng mamamayan at upang mag-karoon ng koneksyon sa mga taong nakapaloob sa isang isang bansa. Sadya bang wika ang pumipigil sa kaunlaran at pag yusbong o ang ating wikang pinipiling gamitin at paunlarin?
Bilang mga alagad ng edukasyon na patuloy na nag-aaaral at nag-sisiyasat, ating gamitin ang pagkakataong taglay natin at magsilbing boses ng ating wika na malapit nang mapaos dahil sa matagal na pag siphayo na wala namang nakakarinig. Muli nating buhayin ang mga nahihimbing na damdamin at gamitin ito upang palaganapin ang nasyonalismo lalo na sa mga kabataang magsisilbing pundasyon ng hinaharap na henerasyon. Nakaka-manghang isipin na makakamit natin ang inaasam na kaunlaran gamit ang ating sariling wika. Sa pamamagitan nito ito ay tuluyan tayong nakalaya sa pagkaka-alipin sa mga dayuhan na daang taon tayong sinakop, ano pa ngayon na tayo ay malaya at may mga karapatan at oportunidad na tangan. Naniniwala akong kaya rin tayong iangat ng ating wika sa lahat ng aspeto kung mayroon tayong sapat na pagtu-tulungan, malawak na pag-iisip, kamalayan, nasyonalismo at pusong Pilipino na handang lumaban at manindigan para sa bayang hindi na muling magpapa-sakop kaninuman.
References:
Gonzales, A. (2000). Ang Kahalaganhan ng Wikang Pambansa sa Pagbuo ng Kakanyahang Pilipino.
Link: https://www.studocu.com/ph/document/far-eastern-university/medical-technology/lecture-notes/ang-kahalagahan-ng-wikang-pambansa-sa-pagbubuo-ng-kakanyahang-pilipino/3126408/view
Campbell, A. (2020) Singaporean Culture: Guide to the Languages of Singapore.
Link: https://ltl-singapore.com/singapore-language/
Sulong Wikang Filipino! Panayam kay Bienvenido Lumbera.
Link: https://youtu.be/sLJsYViUzGq
2 notes
·
View notes