Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"Ang Aking Sarili”

Magandang Buhay! Ako po pala si Edriane Christian S. Bobong. Nakatira sa Villa Lorena Dos Yati, Liloan, Cebu. Ako ay Pilipino at ang relihiyon ko ay Romano Katoliko. Iniluwal nila Ma. Laarnie Salisid at Eddie Bobong at ang kapatid ko na si Andrei Vincent Salisid. Nakaranas na ako ng iba’t - ibang problema at may problema ako na halos hindi ko kinaya. Dahil sabay - sabayito at nagkataon na stress na stress ako. Iba’t - ibang problema na aking naranasan na nagsabay - sabayankagaya ng problema sa pag - aaral na ang daming dapat tapusin, problema sa pamilya na nag aaway, at ang problema sa lovelife na nakipagbreak ang girlfriend ko.
Nasolusyonan ko lahat ito ng ako’y kumalma at nakapag isip - isip. Mas pinahaba ko ang aking pasensya at imbis na mag - away kami ng kapatid ko ay nakipag bati ako at nagpatulong para sa aking pag - aaral at nakipagusap ako sa girlfriend ko at tinanggap ko ng buong - buo na wala na talaga. Natuto akong magtaas ng pasensya at unawa sa isa’t - isa. Pinakamahala sa lahat, umuulan man o bumagyo dapat nakangiti parin tayo at patuloy na lumalaban.
0 notes