myramen-is3-blog
myramen-is3-blog
ILikeRamen
1 post
ramen is layf
Don't wanna be here? Send us removal request.
myramen-is3-blog · 8 years ago
Text
Gods of Egypt             Alex Proyas (Egypt)
I. Tauhan
Pangunahing Tauhan
Horus
-          Nag iisang anak ni Osiris at kanyang tagapag mana
-          God of Air
Bek
-          Ordinaryong Tao
-          Tumulong kay Horus para makuha ang kanyang mga mata
-          Magnanakaw
Set
-          Kapatid ni Osiris
-          God of Darkness
-          Pumatay kay Osiris
Hathor
-          Goddess of Love
-          Iniibig niya si Horus
 Supporting:
Osiris
-          God of Light
-          Dating Hari ng Ehipto
-          Kapatid ni Set
-          Ama ni Horus
Ra
-          Ama ni Set at Osiris
-          Sun God
-          Lolo ni Horus
Anubis
-          Sinasamahan ang mga namatay sa kanilang paglalakbay sa kabilang buhay
Thoth
-          God of Wisdom
Urshu
-          Nagtatrabaho para kay Set
Nephthys
-          Goddess of Protection
Isis
-          Asawa ni Osiris
-          Ina ni Horus
II. Tagpuan
- EHIPTO 
- Alexandria 
- Ilog Nilo
- Luxor 
- Hall of judgement 
- Red desert 
- Pyramid of Giza 
- Valley of the kings 
- Obelisk 
- Templo ng Karnak 
- Templo ni Horus 
III. Maikling Buod
Sa sinaunang Ehipto, ang diyos na Ra ay hinati ang Ehipto sa dalawa: ang mayamang bahagi sa Nile ay pamamahalaan ng kanyang anak na si Osiris at ang disyerto ng kanyang anak na si Set. Sa panahon ng koronasyon ni Horus sa pamamagitan ng kanyang ama na si Osiris, dumating si Set at pinatay ang kanyang ama na si Osiris Inagaw din nito ang pagiging hari sa kanya . Pagkatapos ay inalis niya ang mga mata ni Horus na siyang pinagmumulan ng kapangyarihan at tinapon siya sa disyerto. Ang mortal na magnanakaw na si Bek at ang kanyang minamahal na asawa na si Zaya na sumasamba kay Horus ay naging mga alipin ni Set. Si Zaya, na nagtatrabaho para sa arkitekto ni Set na Urshu, ay naniniwala kay Bek na nakawin ang mga mata ni Horus mula sa isang protektadong pyramid na dinisenyo ni Urshu upang ibalik si Horus, ang tanging may kakayahang talunin si Set. Nagtagumpay siya ngunit isang mata lang ni Horus ang kanyang nakuha. Nang nadiskubre ni Urshu ang pagnanakaw ni Bek at Zaya binalak niyang patayin ang dalawa ngunit naisip ni Bek na tumakas. Akala nila ay ligtas na sila pero napatay ni Urshu si Zaya gamit ang kanyang pana. Na isip ni Bek na pumunta kung saan namamalagi si Horus at humingi ng tulong upang buhayin muli ang kanyang minamahal kapalit ang kanyang mata. Nang makuha ni Horus ang isa nyang mata ay hinihingi pa nya ang ka pares nito ngunit wala ito kay Bek kaya naman nagalit siya at tinanong kung nasaan ito. Dito na sila nagsimulang magkasundo na tutulungan niya si Horus na makuha ang isa niya pang mata kay Set kapalit ang buhay ni Zaya. Nagsimula na sila sa kanilang paglalakbay sa  lalong madaling panahon, si Hathor ang diyosa ng pag-ibig, ay umalis kay Set at sumali sa kanila sa pakikipag sapalaran upang talunin si Set.
IV. Tunggalian
- T vs T - dahil sa laban nila horus pati ni seth. 
- T vs L - dahil ito sa pangaalipin ni seth sa mga tao kaya ang mga tao any galit. 
- T vs K - dahil ito sa paglaban ni seth kay Ra na ang diyos ng Araw. at sa mga nakalaban nilang uring hayop. 
V. Suliranin
Ang pag angkin ni Set sa Ehipto at pagpapahirap niya sa mga taong nakatira doon pati na rin ang pagkuha niya ng kapangyarihan ng ibang diyos at diyosa upang siya ang maging pinaka malakas sa lahat.
VI. Resolusyon
Kinuha ni Bek ang mata ni Horus at ibinigay ito sa kanya. Tinulungan niya rin ito sa pagkuha pa sa isang pares ng kanyang mata dahil alam ni Bek na si Horus lang ang may kakayanang talunin si Set at ibalik sa dati ang Ehipto.
VII. Panauhan
Ikalawa: Dahil ang persona ay nilalahad ang pangyayari sa kanyang buhay sa ibang tao na para bang kinukwento niya ito.
VIII. Tema
ang akdang ito ay patungkol sa mga diyos at diyosa sa ehipto.
0 notes