Text
Gender Roles
Magandang umaga sa lahat, ngayon ay ating pag uusapain kung ano ang ibig sabihin ng gender roles, paano makikita ang pagkakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa mga sumusunod na aspeto ng media, edukasyon, trabaho, pamilya at lipunan. At huli ay paano ka personal na naaapektuhan ng mga gender role stereotypes sa ating lipunan?
ANO ANG IBIG SABIHIN NG GENDER ROLES?
Ang gender role ay ang itinakdang mga pamantayan na tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki. Ito ay batay sa panlipunan o interpersonal na ugnayan. Minsan ay ginagamit din ang gender upang tukuyin ang pagkakilanlan ng isang tao na hindi pasok sa karaniwang kahulugan ng lalaki at babae. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin kilos at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
Ang pagkakakilanlan ng kasarian ay kung paano mo tinutukoy ang iyong sarili maging bilang isang lalaki babae o ibang bagay na buo. Ibang kasarian gender-variant o neutral na kasariang pag-uugali pananamit ayos ng buhok at mga katangian ng pagpapabuti ng sekswal na kalusugan. Ang paglaban sa sunog o firefighting ay itinuturing bilang trabaho ng lalaki samantalang ang nursing ay itinuturing na trabaho ng mga kababaihan. Ang isang lesbiana, lesbiyana o tibo ay isang babaeng homoseksuwal. Sa kalalakihan naman may gay o bading.
Paano makikita ang pagkakaiba ng gender roles ng mga kalalakihan at mga kababaihan sa mga sumusunod na aspeto:
1. Media, sabi ng mga karamihan ay mostly mga babae na nabibiktima sa mga kwentong balita. marami rin dito ay nafefeatured sa news headlines bilang spokespeople or experts. Meron rin sa ibang apps tulad ng instagram na kung saan maraming celebrity or sikat ang mga nagpopost dun. May ibang website sa media na tinuturo sa iba na ang lalaki ay laging nagttrabaho samantala ang kababaihan naman ay nasa bahay lamang nagluluto o nag aalaga ng bata.
2. Edukasyon, dito naman ay may makikitaan tayo ng diskriminasyon sa bawat gender ng kabataan dahil may ibang mga guro ay biased sa kanilang mga estudyante. Ang kababaihan ay laging nasa top or one of the achievers palagi ayon sa mga polls.
3. Trabaho, ang kababaihan ay lalong nagtatrabaho ng matagalan kumpara sa mga kalalakihan tungo ito sa pag kakapantay-pantay sa loob ng maraming taon. May iba daw na nagsasabing mababa daw ang sahod o suweldo ng mga kababaihan kumpara sa kalalakihan.
4. Pamilya, dito naman ay ang kababaihan ay sila dapat lagi ang nagawa sa mga gawaing bahay habang nagtatrabaho ang mga lalaki ng iisang pamilya. Dito pa lang makikita natin ang pagiging diskriminasyon sa kababaihan sa iisang pamilya.
5. Lipunan, Kadalasan ang mga babae ay nakakandado sa pagtupad ng mga tungkulin bilang mga ina, asawa at tagapag-alaga. Inilalagay ng mga pamantayan sa kasarian ang mga babae bilang mga tagapag-alaga, na humahantong sa hindi pagkakapantay-pantay ng kasarian sa kung paano ipinamamahagi ang mga tungkulin sa antas ng sambahayan. Nagreresulta din ito sa kakulangan ng edukasyon dahil sa paghihigpit sa mga oportunidad sa labas.
Paano ka personal na naaapektuhan ng mga gender role stereotypes sa ating lipunan?
Personally ako nasasabihan minsan na “lalaki ka dapat hindi ka naiyak, kasi malakas tayo” wag daw ako umiyak kasi di daw ako babae para umiyak, babae lang daw naiyak sa panahon ngayon. Like that type of mindset is just ew for me kasi men have feelings din. We can cry whenever we’re feeling down. Meron din about sa kpop like bakit daw ako nanonood ng kpop(mostly twice pinapanood ko) tatanongin ako if I’m gay or whatsoever it’s annoying lang. especially if you’re living in a toxic environment. Literally everywhere you go is just very toxic and judgemental.
0 notes
Text
Political Dynasties
Sa panahon ngayon, marami ang nagaganap na iisang pamilya lamang ang namumuno sa isang bansa o bayan. Ang mga mamamayang pilipinong tulad ko ay hindi sumasang-ayon ditto, sapagkat ito ay hindi nagdudulot ng mabuti sa ating bansa bagkus nagdudulot ng korapsyon dahil sa pagtutulong tulong ng mga politiong pamilya sa gobyerno. Ang political dynasty ay maaaring iugnay sa monopolyo kung saan isang pamilya lamang ang namumuno sa isang lugar. Bago natin simulan ang blog na ito. Ang ating talakayin sa blog na ito ay ang “Political Dynasty.”
ANO ANG POLITICAL DYNASTY?
Ang Political Dynasty ay isang pamilyang politiko na namamahala sa isang lugar o bansa at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan. Meaning na ito ay pasa pasa sa tuhod ng isang pamilya. Maraming halimbawa ng Political Dynasty tulad nitong mga Pamilya.
Cojuangco-Aquino
Pamilya Estrada
Binay
Marcos
Magsaysay
Roxas
Dahil dyan sa mga pamilyang yan madami epekto ang nangyari sa ating bansa, mabuti at masama. Sa tanong na “ano ano ang epekto ng pagkakaroon ng political dynasties sa pamahalaan.” Mayroong dalawang epekto ang isang political dynasty sa gobyerno, Ito ay positibo at negatibo.
EPEKTO NG POLITICAL DYNASTIES
Nawawalan ng tunay na “checks-and-balances” sa gobyerno
Nakasisira sa esensiya ng demokrasya
Nagdudulot ng kahirapan at kawalan ng pag-unlad
Nagbubunga ng hindi magandang politika
Pagdurusa ng pangkaraniwang mamamayan
Dito pa lamang makikita natin na hindi uunland ang pilipinas pero on the other hand naman may postibong epekto parin ang dala ng isang political dynasty sa ating bansa ito ay ating titingnan sa mga positibo at negatibong epekto ng political dynasty.
POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG POLITICAL DYNASTY
Simulan muna natin sa negatibong epekto ng isang political dynasty.
Ang mga negatibong epekto ng political dynasty ay:
Maaring isang pamilya lang ang patuloy na mamuno sa lisang lugar.
Ipapasa sa relative ng namumuno ang kapangyarihan.
Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang bang tao na maglingkod sa bayan.
Pang-aabuso sa kapangyarihan ng polotika.( just like Marcos lol)
Pagbuo ng sariling interes mula sa kapangyarihan.
Napapanatili sa isang pangkat lamang ang impluwensiya at kapangyarihan.
posibleng mag nakaw sa taong bayan.
Bukod sa mga negatibong epekto ng karaniwang inihahambing sa “political dynasty”, mayroon din namang itong mga positibong dulot. Isang halimbawa ang mga proyekto at mga programa ng nakaraang namamahala, sa political dynasty, masisigurado ang pagkakumpleto ng mga proyektong ito, dahil karaniwang iisa o pareho lang ang layunin ng pumalit na mamamahala. May pag asa din na lumaganap o umunlad ang ating bansa dahil sa magandang pamumuno ng isang pamilya.
Saan nag-uugat ang pagiging laganap ng political dynasties at political families sa pilipinas?
May nabasa ako sa internet kung paano nagsimula ang political dynasty sa ating bansa ito ay dahil “Nagsimula ang kontrobirsiyal tungkol sa madilim na gawi ng Dinastiyang Politikal ng naitayo ng mga Amopatuan sa Maguindanao ang ariling Dinastiya.” Siguro para sakin kaya ito ay lumaganap sa gobyerno ay para maituloy ang kanilang legacy kahit hindi na sila nakaupo sa gobyerno ito rin ay para kilala pa rin sila ng taong bayan sa kanilang apelyido, let’s have Ferdinand Marcos as an example kahit hindi ko pa sinabi kung ano meron sa kanya ang iniisip na ng iba ay commonly is ‘martial law’, si Aquino, his assassination at the Manila Airport, kay Duterte his war on drugs. It’s either they’re forcing their family to run in politics to continue their legacy or gusto talaga ng anak nila tumakbo sa gobyerno, yun ang aking pagkakaintindi.
Sa iyong personal na opinyon, mawawala pa ba sa sistema ng lipunan ang political dynasties?
Para sakin I don't think so, balikan natin yung mga minention ko na halimbawang pamilya sa political dynasty. Like for example si Ferdinand Marcos sinimulan niya ang politika in 1959 in the senate seat at senate minority floor leader in 1960. At naging Vice President from 1961 to 1964 at naging presidente ng pilipinas noong December 30, 1965 hanggang February 25, 1986. And ngayon sa present day natin may naririnig pa rin tayong Marcos sa kabinete or whatsoever, Same with the Aquinos, Si Ninoy, Noynoy, Bam at Corazon. Mostly sa iba andyan pa din sa Gobyerno namamahala, if nabasa niyo to after 30 years from now baka may naririnig pa din kayong Duterte or Go or Marcos or Moreno or Robredo. Kaya for me hinding hindi mawawala ang sistema ng lipunan ang political dynasty.
Ano ang iyong opinyon tungkol sa bahaging ito ng ating 1987 Constitution: Article II Section 26: “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service, and prohibit political dynasties as may be defined by law.”
Ang pagkakaintindi ko dito is Magkaroon ng pantay na oportunidad at magkaroon ng kapangyarihan ang publiko na ipahiwatig ang kanilang mga nalalaman at pagbawalan ang dinastiyang politikal na maaring tukuyin ng batas, sa madaling salita porket mataas na position mo sa Estado ikaw na ang may kapangyarihang mamuno o magdesisyon ng mga bagay bagay, dapat pinapakinggan mo din yung publiko sa kanilang mga pananaw na maaring din makatulong sa konggreso. For me this is actually fair kasi lahat ng hindi pa nakakaupo they can try hindi yung tulad ng iba diyan paulit-ulit nalang na nakaupo sa gobyerno wala naman nagagawa. dapat lang nila pagbawalan ang Political Dynasty para may iba din na makasubok sa isang posisyon sa senate or kahit ano man yan. totally agree ako dito sa 1987 Constitution: Article II Section 26. Posibkle din na mawala ang pagiging corrupt at pagaabuso ng kapangyarihan, maaari ding umunlad ang ating bansa dahil dito.
Ayan lamang ang ating talakayin tungkol sa political dynasty, sana po ay may naintindihan kayo sa aking sinulat. maraming salamat!!
0 notes
Text
Globalisasyon
Tanungin muna natin ang ating mga sarili, ano ba ang globalisasyon? Ang Globalisasyon ay naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga ekonomiya, kultura at populasyon ng mundo bunsod ng mabilis na palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa, pag-unlad ng teknolohiya, daloy ng salapi, migrasyon at mabilis na palitan ng impormasyon.
Ito rin ay ang paguunay ng isang bansa at ng mga tao sa pagbabago ng teknolohiya at transportasyon. Ito rin ang paraan upang maipalawak ang isang produkto sa iba’t ibang bansa. Nagreresulta rin ito sa pagbabago ng ibang pamumuhay ng isang tao.
Paano nakaaapekto ang Globalisasyon sa iyong personal choices sa buhay?
para sa akin ang pag apekto ng globalisasyon ay naapakalaki dahil nga sa mga produkto na aking mga binibili na hindi gawang Filipino. Tulad ng mga kadamitan at ibang kagamitan na aking mga binibili sa mall. Isa rin dito ang music o kanta, may mga iba akong pinapakinggan tulad ng pop music sa ibang mga bansa tulad ng Kpop at Jpop.
Mayoon pa bang bahagi ng iyong buhay na maituturing mong 100% Filipino?
Para sa akin ang 100% Filipino na aking nagagawa ay ang pag mamano sa aking nakakatanda dahil simula pa lamang na aking pagkabata ay itinuro na ito sa akin dahil ito ay ang pagpapakita ng pagmamahal at pagrerespeto. Ang pagmamano ay ang pagkuha ng kamay ng isang nakakatanda at ilalagay ito sa noo natin. Isa rin dito ang mga Ibang ulam na niluluto ng aking lola tulad ng Adobo, Sinigang at Kare-Kare. 100% sure ako na ito ay Lutong pinoy at Iyon lamang po ang aking matuturing na 100% Filipino things sa aking buhay.
Paano mo naiimagine ang Pilipinas kung wala itong bakas ng impluwensiyang resulta ng globalisasyon?
Kung hindi nangyari ang globalisasyon sa ating bansa siguro lahat ng mga bagay na binibili ko o kinakain ko ay wala daito sa bansa. Ang mga musika na aking pinapakinggan sa ibang bansa ay hindi ko mapapakinggan. Ang mga tv shows or movies na paborito ko ay hindi ko mapapanood. Hindi ko kaya maimagine ang ating bansa na walang globalisasyon. Kung wala lahat nito ang akin pamumuhay ay magiging 100% Filipino lang at walang kalaman laman ang bahagi ng aking buhay.
1 note
·
View note
Text
Tatlong araw
Sa bidyong ito makikita natin ang isang dokumentaryo ng isang pamilya na laki sa hirap. Makikitita natin sa video na pinakilala nila ang bawat miyembro ng isang pamilya na laki sa hirap.
https://youtu.be/aV4H2653ATU
Ito lahat ng kanilang hinaharap na problema sa mga buhay nila.
Poverty
Unemployed
Di nakapagtapos ng pag aaral(lack of education)
May sakit
Starvation
Iisa isahin natin ang bawat problema nila dito sa blog na ito.
POVERTY
Base sa video na ating napanood ang pamilya nila Geraldine at Basilio Buenaflor na sila ay laki sa hirap. A big family with 7 children and half of them died, they’re still doing anything to provide their family they’re need even though nahihirapan sila sa kanilang sitwasyon sa pagiging mahirap. When I said 7 children and half of them died, tatlo nalang ang natira sakanila ito si Gemalyn, Ginalyn at Jomar. They don’t have money kahit a single cent to feed their family kaya hirap na hirap sila sa sitwasyon nila.
UNEMPLOYED
Ang isyu naman na ito ay ang Unemployed ng nanay at tatay ng pamilyang Buenaflor. Si Geraldine ay isa laman mananalakal or scavenger na nangongolekta ng basura or any other kinds of tradable items para maka kuha kahit maliit na sahod. Ito ay ginagawa niya para kahit kaunting sahod lang ang makuha ay may maipakain sa kanyang pamilya. Si Basilio naman ay unemployed due to his age na 48, di daw di na makapagtrabaho dahil sa edad niya at nahihirapan na daw. At yung pinakamatanda sa magkakapatid ay inaasikaso ang kaniyang anak, kaya di makapagtrabaho.
LACK OF EDUCATION
Sabi sa video ang panganay na si Gemalyn ay grade 2 lang ang natapos samantalang si Ginalyn ay walang natapos kahit kindergarten. Tumigil sa pagaaral si Gemalyn dahil siya ay nagkaanak at ang sabi niya sa video ay “I guess I didn’t feel like it anymore not because my mom and dad don’t have any money, and I had a kid anyway. Kahit may public schools naman dito sa pilipinas ay di pa rin sila makapag aral due to lack of personal documents or yung mga hinihingi ng schools na documents para makapag aral.
MAY SAKIT
Sabi din sa video na si nanay, Geraldine Buenaflor, Na may epilepsi siya kaya minsan ay nahihirapan siya makapagtrabaho upang makakuha ng sahod. Ang bunso din nilang si Jomar na hindi makapag lakad at salita ay lagi nalang nakahiga sa kanilang tahanan. sabi din daw ni Geraldine na si Jomar ay pabalikbalik sa hospital.
Starvation
ito ay kanilang problema sa kakulangan ng pera pambili ng kanilang pang kain sa araw araw sabi daw ng pamilya ay kapag wala silang makain tinutulog nalang sila maski agahan, tanghalian o hapunan yan. kung may dala silang kanin para sa pamilya ang asin, toyo o tubig ang gamit nilang pang ulam. Minsan ay noodles lng ang kinakain nila. sa mag asawa ung sabaw ng noodles and sa mga anak yung noodles mismo. Sabi din daw ng panganay na 5 sa isang linggo lang sila nakakakain kaya pag nagugutom sila tinutulog nalang nila ito.
SIDE NOTE
Sa Video may napansin ako na very suspicious. kasi sa video makikita natin sa bandang 1:52 may cellphone yung panganay and I know kahit de pindot lang siya it’s still worth like 1-3 thousand pesos. It’s either my guess is bigay lamang ito or pinambili ito imbis sa pagkain. maraming possibilities din.
sa bandang 4:59 hawak hawak ni Basilio ang anak ni Genalyn at may hawak din na sigarilyo. my problem here is if walang siyang bisyo sabi nung asawa bkt may hawak na sigarilyo. It’s impossible naman na galing charity yun eh, I know charity is all about giving food and needs to a needed family. Kasi sino naman makikinabang sa sigarilyo sa pamilya? no one. Or baka ito yung pinapambili niya instead of providing food for the family. Just my guess.
THOUGHTS ABOUT THE CYCLE OF POVERTY IN THIS COUNTRY
It think it shouldn’t be like this forever I mean to be honest maraming paraan para makakuha ng pera in a Legal way. kasi mostly na nakikita ko sa social media ay laki sa hirap na nagsikap para umahon sa kahirapan. dapat hindi natin pabayaan ang ating buhay at magsikap. Kasi kahit ano mang problema yan ay laging magagawan ng paraan.
0 notes
Text
Climate Justice
Ano ang Climate Justice?
Ang Climate Justice ay isang term, at higit pa sa isang kilusan, na kinikilala ang pagbabago ng klima ay maaaring magkaroon ng magkakaibang panlipunan, pang-ekonomiya, pangkalusugan sa publiko, at iba pang masamang epekto sa mga mahihirap na populasyon. Ang mga tagapagtaguyod para sa hustisya sa klima ay nagsusumikap na maiharap ang mga hindi pagkakapantay-pantay na ito sa pamamagitan ng pangmatagalang pagpapagaan at mga diskarte sa pagbagay.
Ayon sa mga batikang siyentipiko, ang climate change ay ang malawakang pagbabago ng panahon o klima sa iba’t ibang part eng daigdig. Ang epekto ng climate change ay nadarama natin sa unti-unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag natin na global warming. Ito ay makikita din natin sa pagtunaw ng mga “glaciers,” panunuyo ng lupa, at paglaganap ng tinatawag na “climate sensitive diseases” tulad ng malaria. Ang pangunahing sanhi ng climate change ay ang paglaganap ng tinatawag na “greenhouse gases” sa ating kalawakan na kinabibilangan ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone. Ang mga gases na ito ay nagmumula sa paggamit natin ng maruruming uri ng enerhiya at gasoline, at sa uri ng pamumuhay natin na hindi nakatutulong sa pagpigil sa paglaganap ng tinatawag na greenhouse gases.
12 Paraan para makatulong sa paglaban kontra global warming/climate change: Lahat tayo ay may maitutulong sa pangmalawakang pagkilos laban sa climate change. Ito ay mga bagay na maaari nating gawin sa pamamagitan ng pagbabago sa uri ng ating pamumuhay. 1. Magpalit ng inyong gamit na bumbilya. Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs (CFLs). 2. Buksan ang inyong mga bintana. Hayaan natin na makapasok ang natural na ilaw o liwanag sa ating mga tahanan. Kung hindi rin lang kainitan ay huwag nang buksan ang inyong aircon. 3. Maglaba nang maramihan. Ipunin ang inyong maruruming damit at labhan ito nang sabay-sabay para makatipid sa paggamit ng kuryente. Isampay na lamang ang damit upang matuyo. 4. Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi rin lang ginagamit. Ang mga TV, stereo, at video players na naka-stand-by mode ay kumukunsumo pa rin ng kuryente. Bunutin ito kung hindi naman ginagamit. Bumili lamang ng mga kasangkapan na matipid sa kuryente. 5. Panatilihing maayos ang inyong mga sasakyan. Siguraduhing ang makina ng sasakyan ay nasa ayos at ang mga gulong ay may sapat na hangin. Ang sasakyang wala sa kondisyon ay maaksaya sa gasolina.
6. Magmaneho nang maayos. Huwag magpadalos-dalos sa pagmamaneho. Iwasan ang biglang pag-aarangkada. Singkwenta porsyento ng gasoline ang naaaksaya dito. 7. Maglakad, sumakay ng bisikleta, bus, at LRT o MRT. Hindi lamang ito makakatipid sa gasolina, mababawasan pa ang polusyon na nagdudulot ng climate change. 8. Sumali sa mga Carpool. Makisakay sa mga carpool o mag-alok sa iba na sumabay sa iyo kung ikaw ay gagamit ng kotse. 9. Magbayad ng inyong bills sa pamamagitan ng internet. Gamitin ang online payment facilities para bayaran ang mga bills ninyo. Ito ay makakatipid sa paggamit ng tseke at mga papel na nagpapadadag lamang sa naiipong dumi sa kapaligiran. 10. Huwag palagiang gumamit ng kompyuter. Huwag gumamit ng kompyuter nang patuloy-tuloy. Kung apat na oras lamang sa isang araw natin gagamitin ito ay makakabawas tayo ng carbon dioxide emission ng 83%. 11. Huwag nang gumamit ng mga plastic bags. Gumamit ng bag na pwedeng gamitin nang paulit-ulit para mabawasan ang plastic bag na ating itinatapon. Ito ay nagdudulot ng tinatawag na greenhouse gases. 12. Gumamit ng nirecycle na papel. Sa paggamit nito ay 60% ng kuryente ang matitipid sa paggawa ng recycled paper kumpara sa paggawa ng bagong papel. Ito ay magdudulot ng katipiran na 4,400kwh sa kunsumo sa enerhiya, 30,000 litrong tubig, at 19 na puno sa bawat tonelada ng nirecycle na papel na magagawa.
ANO ANG EPEKTO NG CLIMATE CHANGE SA KALUSUGAN NG TAO? Masama ang magiging epekto ng Climate change sa kalusugan ng tao. Ang pabago bagong panahon ay nakapagdudulot ng iba't ibang di malalang sakit ngunit sa paglipas ng panahon ay maaaring maging malubha kung hindi maaagapan o kaya naman ay di sanay ang ating katawan. Tulad na lamang ng mga lagnat, sipon, ubo, pagkahilo, at iba pa. Halimbawa na lamang kung sa isang araw ay may panahon na sobrang init sa umaga, makulimlim sa tanghali at malakas na ulan sa hapon. Maaaring magkasakit mula sa usok na sumisingaw mula sa lupa. At pagpapalit palit ng panahon na di kayanin ng may mga mahihinang katawan at kalusugan.
0 notes
Text
Ebalwasyon : Once Upon A Tune - ni Gary Granada
atin muling pakinggan ang kanta ni Gary.
youtube
Sino nga ba si Gary Granada? Si Gary Gamutan Granada ay isang kilalang mang-aawit, mahusay na sumalat ng kanta, composer at isang makata.
Natuto siya tugmugtog ng musika noong bata pa lamang siya at sa kanyang pagtanda nagsimula siya sumulat ng kaniyang mga kanta.
Ang isang sikat na kanta ni Gary ay ang "Once upon a tune" ito ay tungkol sa mga kontemporaryong isyu sa pilipinas. Ginamit niya ang kaniyang kahusayan sa pagsulat ng kanta para makabuo ng isang kanta.

Ang kantang ito ay nagsisilbing mulat-mata sa reyalidad, kung ano talaga ang realidad ng ating bansa.
Ating tatalakayin sa blog na ito kung ano ano ang ibig sabihin ng mga bawat talata na isinulat ni Gary sa kanyang kanta at kung paano ang bawat lyrics ay totoo na nangyayari sa ating bansa.
Pagtatalakay:
1.
Dahil gobyerno, ang nagpasimula
Imbis mapabuti, lalong lumala
Minsa'y iniisip ko, ano kaya
Mas mabuting may gobyerno, o wala?
Simulan natin dito sa simula ng kanta. Base dito sa mga salita na isinulat Gary. Kitang kita dito na ang gobyerno ang mismo nagsisimula ng isyu sa bansa. Imbis na sila ang mamahala upang mapaayos ang isang bansa ito ay lumalala, tulad nga sa kanta "imbis na mapabuti, lalong lumala." Mapapaisip ka nalang talaga kung mas mabuti bang may gobyerno o wala?
2.
Sampung mga daliri, panay malilikot
Nangangalabit, nangdidikta at nangungurakot.
Madudungis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga, pera ng publiko
Sa section naman na ito sinasabi na ang mga gobyerno ay makukulit ang kanilang mga daliri pag dating sa pera. May iba naman tinataas ang presyo ng bawat pamilihan, pangangailangan sa bahay, pagkain at iba pa. Tayo rin ay pinagbabayad ng buwis pero hindi natin alam kung saan napupunta yung binabayaran nating buwis. Sa ngayon ang pilipinas ay nagnakaw ng bilyon bilyon na pera at hindi natin alam kung saan nila ito ginamit. Kahit ano pa ang mangyari hinding hindi mawawala ang pangungurakot sa gobyerno.
3.
Bahay kubo, nang tumakbo,
ay naging palasyo, ng nakaupo?
Inom, sugal, sigarilyo’t babae
Libreng personal na grocery
Dito naman ay karamihan sa mga tumatakbo sa kanilang posisyon ay tumatakbo lamang upang makaupo lamang o baka may tinatakasan. kapag nahalal na sila sa nararapat nilang posisyon ay imbis na mapabuti nila ang ekonomiya at tila nilang pinapabagsak ito. karamiha'y di maiwasang magkaroon ng ilang bisyo, subalit ay umiiral ang kanilang pangungurakot, maliban sa bisyo, mayroon din silang mas higit pa sa mainam na badyet, na para sa kanilang personal grocery.
4.
Dollar, dollar, how I squander
From one country, to another
Travel here, travel there
With my relatives, and my dear
Karamihan sa mga politiko ang nakakalimutan ang kanilang pinangako kung bakit sila tumakbo sa mga kani kanilang nararapat na posisyon sa gobyerno. Yung iba paalis alis, kung saan saan sila napunta which is really not their role, their role is to serve to the public pero ang ginagawa nung iba nangungurakot, nagnanakaw o gumagala kung saan mang parte ng mundo. Ang masasabi ko nalng is sana gawin nila ung dapat nilang gawin sa kanilang posisyon sa cabinete. Dahil araw-araw ay lumalala ang ating mga isyu sa pilipinas.
5.
Kapag ang taongbayan
Ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata
Laging nakasara.
I guess para sakin ito yung pinakamaganda linya na nagpapaliwanag ng pilipinas ngayon. Dahil karamihan satin mga taong bayan ng pilipinas ay nangangailangan ng tulong sa gobyerno pero ang problema ay hindi ito pinapansin ng mga gobyerno at nagbibingi bingihan at nagbubulagan sila.
ANG AKING REAKYON SA KANTANG ITO:
Napakaganda nitong pakinggan para saakin. Sa bawat salita na kaniyang isinulat sa kanta ako ay namangha dahil ito talaga ang katotohanan ng ating bansa. Mas lalo akong namulat sa realidad nang aking pakinggan at unawain ang kantang ito.
Masasabi ko rin na catchy yung kanta niya dahil sa tono at ang sarap rin kantahin. Ang galing niya maglabas ng kaniyang nararamdaman sa paraan ng pagsusulat ng kanta at kantahin ito sa publiko.
Para naman sa mga makikinig sa mga awitin ni Gary Granada hinding hindi ka magsisisi at pinakinggan mo ang kaniyang mga nilikha na kanta!
KONKLUSYON:
Isa din sa mga isyu nahinaharap ngayon ay ang covid19. Ang ating gobyerno ay wala nang magawa kung pabalik balik sa mga quarantine. Kasama narin dito ang mga malalaking bilyon na ninakaw ng gobyerno.
Sa daming crisis na nangyari at naranasan ng bansang ito ay naisipan parin nilang magnakaw, talagang wala makakapigil sa mga taong uhaw na uhaw sa kapangyarihan. Panay abuso sa kapwa tao.
Sa mga boboto sa nararating na halalan ayusin natin ang ating iboto. iboto natin ang mga taong nararapat talaga sa posisyon na iyon. Upang hindi na lumala ang ating mga isyu sa bansa.
Yun lamang ang aking gustong iparating sa mga nagbasa nito, maraming salamat!
1 note
·
View note
Quote
Whatya know about rollin down in the deep
Masked Wolf
╔══════════════════════╗
Kyle Anthony Cadapan 10-Dalton
╚══════════════════════╝
1 note
·
View note