Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ala -Alang Hindi Malilimutan
Minsan sa ating buhay ay kailangan din natin maging masaya at mag libot upang mapawi ang ating pagod na ating nararanasan sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa aking paglalakbay sa "Mt. Samat National Shrine" hindi lang saya ang aking naranasan pati na din ang pag kakaroon ng magagandang alaala na hindi mawawala sa lakbay ng aking buhay

Ang litrato na ito ay mula sa internet
Ang Mt. Samat hindi lang kilala sa pagiging sikat ang tourist attraction para sa mga pilipino. Ang Mt. Samat ay may historya na nag sisimbolo sa bawat pilipino lalo na sa mga mamamayan nga Bataan na ito ang nag sisilbing yaman ng Bataan.
Sisimulan ko ang aking paglalakbay sa aming tahanan. Ako ay gumising ng 6 ng umaga upang ihanda ang mga gamit na aking dadalhin at gagamitin sa aking paglalakbay. Sinunod ko din ihanda ang aking sarili, nag ayos ako at maging presentable sa paglalakbay na aking gagawin.
Pag katapos ng pag hahanda na aking ginawa ay umalis na kami ng pamilya ko ng 8 ng umaga. Bago kami pumunta ng Mt. Samat ay pinuntahan muna namin ang isang food restaurant sa Pampanga upang kumain ng tanghalian, ito ay ang Crabs n Cracks.

Pag katapo namin mananghalian, kami ay umalis na at namasyal sa San Fernando Pampanga. At ang aming pinuntahan ay ang SM Mall. Nag palipas kami ng oras sa Mall at nag libot libot upang ang bawat oras ay hindi masayang.

At pag katapos namin mamasyal sa SM Pampanga, ay pinuntahan na namin ang lugar na aming pupuntahan sa simula pa lang. Ito ay ang Mt. Samat. Nag byahe kami mag mula Pampanga hanggang Mt. Samat sa ika dalawa ng hapon. At ng makarating kami ay nawala ang pagod at napalitan ng saya at pag ka mangha, dahil sa kagandahan ng lugar at tanawin sa Mt. Samat.

Lahat ng pagod na aming naranasan ay nawala, lahat ng lungkot at problema na aming naranasan ay napalitan ng isang saya na hindi malilimutan at mga alala ala na tatatak sa aming isipan, na sa pag lipas ng panahon ay aming dadalhin at mag sisilbing isang masayang pangyayari sa aming buhay.
Ang paglalakbay ko na ito sa Mt. Samat ay isang alala na hindi ko makakalimutan. Tayo ay tao lamang na kailangan ng pahinga sa buhay, na kahit ano pa ang ating kaharapin ay dapat maging masaya tayo at mag karoon ng oras para sa sarili. Dahil sa pag gawa natin ng alaala ay isang importanteng pangyayari sa ating buhay, na kahit ano pa ang mangyari ay ito tatatak sa ating pagkatao.

1 note
·
View note