octahedronnah
octahedronnah
4 posts
From mt. Miranda
Don't wanna be here? Send us removal request.
octahedronnah · 5 years ago
Text
Pag-uugnay at Reaksyon sa mga dokumentaryo (Unemployment)
1. Pag-uugnay ng unemployment
- Sa dokumentaryong “I-Witness: Minsan sa isang taon” ni Kara David ay inilahad ang pamumuhay ng isang pamilya sa  Sitio Banli sa Saranggani, Mindanao. Kung saan ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ay ang pagsasaka ng Abaca. Dito ay ipinakita kung paano nakakaapekto sa pamilya ni tatay Tusan Tango ang pagkakaroon ng hindi sapat na kita dahilan ng napapanahon nitong trabaho. Bagamat ang Abaca ay ginagamit sa paggawa ng pera, hindi maiaalis na ang mga taong nagsasaka nito ay siyang isa sa mga hindi laging nakakatanggap ng perang nagagawa nito. 
Dahil nga matakaw sa tubig at nabubuhay sa malilim at malalamig na lugar ang Abaca, at alam naman natin na ang Pilipinas ay mas lamang ang panahon na mainit kaysa sa malamig. At isa pa ay kung lalo pang mauubos ang mga kapunuan sa ating bansa, ay mas malaki ang posibilidad na mas kumonti pa ang nabubuhay na Abaca. Na maaaring magbunga ng kawalan ng trabaho ni tatay Tusan Tango o nino mang nagsasaka ng Abaca. At kung mawawalan ng trabaho si tatay Tusan, maaapektuhan din ang kanyang pamilya. Sapagkat hindi sapat ang kanilang pangangailangan sa pang-araw-araw, na rin sa kakulangan sa pera na kanilang nakukuha bawat taon o buwan-buwan.
- Sa dokumentaryong “Reporter’s Notebook: Kayod sa Kalsada” nina Maki Pulido at Jun Veneracion ay patungkol naman sa kina Mang Charlie Asis at lolo Frank Ramos na pawang mga senior citizen na may mga trabahong nasa kalsada. Kahit na alam naman nilang ang mga tulad nila ay may mas mataas ang posibilidad na sila’y mahawa ng Covid-19. Lalo pa kung mayroon silang iba pang sakit, tulad na lamang ni mang Charlie na may cancer. Dating may canteen si mang Charlie at dahil sa pandemya ay unti-unti itong humina. Kung kaya’t humahanap siya ng paraan upang kumita para sa kanyang pamilya. At ganoon din naman sa sitwasyon ni lolo Frank na isang magtataho. Malaki ang naging epekto ng pandemya sa lahat. Marami mga kompanya ang nagsasara o nagbabawas ng empleyado dahil nagsisimula nang malugi ang ilang kompanya, pati na rin sa mga mangagawang tulad nila. Tulad nalamang ng nangyari kay mang Charlie na dating nagmamay-ari ng canteen na unti-unting nalugi kung kaya’t siya ngayon ay isang pasabuy rider na. Bunga na rin ng pandemya ay ang takot at pag-iingat na hindi mahawa ng sakit na ito. Marami ang umiiwas sa pakikisalamuha sa maraming tao. Na siya namang sanhi ng pagbawas ng mga taong maaaring bumili sa mga naghahanap-buhay tulad ni lolo Frank. Pati na noong mga panahong nag-lock-down na ipinagbabawal ang mga tulad nilang naghahanap-buhay sa mga daan o kalsada. Nawalan sila ng trabaho, kung kaya’t kinakailangan nilang maghanap ng iba pang mapagkikitaan ng pera para sa kanilang pamilya.
2. Reaksyon sa mga Dokumentaryo
- I-Witness:Minsan sa Isang Taon
Nakakalungkot lang pong isipin na may mga pamilyang dumaranas ng kahirapan dulot ng kakulangan talaga sa kita, lalo na po sa sitwasyon ng mga magsasaka na may mga panahon lamang kung kailan sila aani. At dahil nga may mga piling panahon lang ang kanilang pag-aani, pili o kaunting panahon lang din sila kikita, dahil nga ito ang kanilang hanap-buhay. Isa pa ay nakaka-awa din po yung sitwasyon nung mga bata na nasa bidyu. Na araw-araw ay kamote ang kanilang kinakain, dahil nga po sa kakulangan at hindi sapat na kita. Pati na din yung anak niyang lalaki na nagtatrabaho na agad sa murang edad, para lamang makabili ng pangangailangan sa kanyang pag-aaral.
- Reporter’s Notebook:Kayod sa Kalsada 
Sa bidyu namang ito, ay higit kong sinasaludo ang mga senior citizen na patuloy na kumakayod para sa kanilang pamilya. Ngunit napaka-delikado naman masyado ng kanilang ginagawa. At nakakaawa din lalong-lalo na sa sitwasyon at mga nararamdaman nilang mga sakit. Na patuloy din nilang iniinda para lamang buhayin ang kani-kanilang pamilya. Nakakalungkot din pong isipin na lalong tataas ang bilang ng unemployed sa Pilipinas lalong-lalo na at may pandemya. At kung ating iisipin ang sitwasyon natin ngayon at kung mas lalo pang tatagal ang pandemya, marami talagang magugutom at maghihirap.
2 notes · View notes
octahedronnah · 5 years ago
Text
Kalamidad dahil sa minahan?
Nagkaroon ng pagguho ng lupa o landslide sa  Itogon, Benguet, sa kasagsagan ng bagyong Ompong. Na siyang naglibing ng buhay sa halos 100 katao. At isa na sa mga pinaghahanap ay ang apo ni lolo Martin na si Jerome. Ayon sa balita, ay ipinaaalam naman ng mga kinauukulan sa mga taong naninirahan dito, na agad nang lumikas, sapagkat napaka-delikado ng lugar at inaasahan na nilang magkakaroon ng pagguho ng lupa. Ngunit may ilan parin na nanatili sa pinagmiminahang lugar, pati na sa kanilang mga bahay na malapit sa pinagguhuan ng lupa. 
Kung ako po ang tatanungin sa kung ano ang naging sanhi ng pagguho ng lupa, ay ito po ay dahil sa mga minahan o maliliit na minahan na siyang pangunahing hanap-buhay ng mga mamamayan sa Itogon, Benguet. At dahil hindi naging mulat sa maaaring mangyari kung patuloy na magmimina sa lugar na iyon. Hindi nila naiisip na sila rin ang maapektuhan ng maaaring kalabasan ng nasabing kalamidad.  Tulad ng nakaraang blog, nabanggit ko po roon na may ilang natural na kalamidad na nangyayari nang dahil sa tao. Isa nang halimbawa ang nasa bidyong ito. Bukod sa napaka-tarik ng mga bundok sa Itogon, ang mga lupain din doon ay mas malalambot, dahil nga sa nakapatong lamang ito, nang dahil sa pagmimina ng mga tao rito. Kung kaya’t kapag umulan, at mas malala pa, ay kung bumagyo, ay magkakaroon ng malakas na pagbaha na siyang dahilan ng pagguho ng lupa. 
Dahil nga po  sa pagguho ng lupa at dahil na rin sa hindi nila agad na pakikinig sa mga kinauukulanan, maraming nawalan ng tirahan, pati na mga mahal sa buhay. Ang ilan ay natabunan ng mga lupa, na patuloy na pinaghahanap sa naturang bidyo. At may ilan namang natagpuang bangkay na. 
Marami parin talagang kalamidad na maaaring mangyari nang dahil sa kagagawan ng tao. Tulad ng nangyari sa bidyo, bagamat ikinabubuhay ng karamihan sa mamamayan ng Benguet ay ang pagmimina, ito ay patuloy parin na magiging sanhi ng panibagong problema, lalo pa’t isa na sa mga natural na kalamidad ng ating bansa ang mga bagyo. At kung aalisan naman natin ng hanap-buhay ang mga mamamayan ng Itogon, Benguet, ay paano naman sila mabubuhay? 
1 note · View note
octahedronnah · 5 years ago
Text
Sa Kalamidad: Maraming konektado, Marami ang apektado
Ang mga kalamidad ay maaring maging likas o gawa ng tao, ngunit pareho itong maaaring makapinsala hindi lamang sa isang bansa, kundi pati na sa mga naninirahan dito. Mayroon itong mga pagkakaiba ngunit kapag lumala ay marami ang maaapektuhan. Maaari ding itong magbunga ng pagkatigil ng panlipunan at pang-ekonomiyang gawain.  
Lahat ng mga ito ay hindi natin kayang pigilan ngunit kaya nating paghandaan. Tulad na lamang ng nasa mga bidyo na aking napanood. May mga paglindol na hindi lamang libong tao ang namatay kundi, may ilan pa ngang milyon ang mga namatay. Halimbawa na lamang ay ang Eypt/Syria Earthquake noong 1202. Na hindi lamang paglindol ang naranasan kundi pati na ang pagakakaroon ng tsunami na naging isang napakalalang pagbaha na ikinamatay ng 1.1M katao. 
Tumblr media
Base sa aking napanood, masasabi ko talagang maraming maaapektuhan ng mga kalamidad na ito. Na maaaring magbunga ng panibagong problema na siyang konektado sa mga kalamidad na nangyari. Tulad na lamang ng mga malalakas na bagyo, na hindi natin kayang pigilan dahil isa itong natural na kalamidad. Kapag nagkaroon ng isang napakalakas na bagyo, maraming tirahan ang maaaring masira. Hindi lamang iyon, kundi pati na maraming tao ang mawawalan ng tirahan, at kapag nawalan ng tirahan ang mga taong ito, na siyang isa sa ating pangunahing pangangailangan, paano sila mabubuhay? Isa pang maaaring maapektuhan ay ang mga nalunod o namatay na mga pananim pati na mga hayop. At kung wala ring mga pananim at mga hayop na siyang pinagkukunan ng ating kinakain, tayo ring mga tao ang mahihirapan at maaapektuhan, kung hindi tayo maghahanda.  
Tumblr media
Mayroon din namang mga kalamidad na may kaugnayan sa tao. Tulad na lamang ng pagbaha. Kung ating iisipin, kung malinis naman ang mga drainage o kanal sa ating kapaligiran o ating lugar, hindi magbabara sa mga drainage na iyon ang mga dumi. At kung wala namang pag bara hindi naman magkakaroon ng pagbaha.
Tumblr media
Isa pang halimbawa ay ang pagguho ng lupa o mga landslides. Kung patuloy na nagtatanim ang mga tao ng mga puno at hindi ilegal na nagpuputol. Hindi makakalbo ang mga kabundukan at hindi na ganoon magkakaroon ng landslides.
Tumblr media
Ano ang epekto ng mga matitinding kalamidad  sa isang bansa? Sa tao?
Ang mga maaaring maging epekto ng mga kalamidad sa isang bansa at tao ay ang maaaring pagtigil ng mga panlipunan at pang ekonomiyang gawain, halimbawa ay ang sa mga jeepney drivers, kung hindi sila makakapasada dahil sa kalamidad, maaapektuhan din ang income ng kanilang pamilya na siyang pinagkukunan nila ng pambili ng mga pangunahin nilang pangangailangan.
Sa anong paraan nakaambag ang mga tao sa pagdating ng kalamidad sa isang bansa?
Maaari tayong makatulong sa pamamagitan pagiging handa sa mga maaaring dumating na kalamidad. Halimbawa na lamang ay ang pagkakaroon ng lugar kung saan mag eevacuate pag may mga lindol at bagyo, mga pang emergency na kagamitan, at marami pang iba. Kailangan din nating maging masusi sa mga maliliit na bagay na ating ginagawa. Tulad na lamang ng pagtapon ng basura kung saan-saan. Ang mga basurang iyon ay maaaring maipon at maging sanhi ng pagbara ng mga kanal, na maaaring maging sanhi ng pagbaha.  
At kung sa gobyerno naman, dapat rin ay maging handa sila at dapat may sapat silang pondo na nakahiwalay para sa mga kalamidad na maaaring mangyari. Isa rin ay ang pagpili ng mas makabubuti sa bansa. Tulad ngayong pandemya, kung sanang sinarhan kaagad muna nila ang ating bansapara makasiguro na walang makakapasok na maaaring may dala ng sakit.  
*to the images used, credits to the owner*
2 notes · View notes
octahedronnah · 5 years ago
Text
Reaksyon sa Kanta
Ayon po sa nakalap kong impormasyon sa internet, si Gary Granda ay kilalang manunulat ng kantang may kaugnayan sa pulitika. Isa na nga dito ang kantang GO-NGO (Once Upon a Tune). At ayon sa aking naunawaan at napakinggan sa kanta, ito ay patungkol sa hindi magandang gawain, na sa tingin ko’y hanggang ngayon ay ginagawa pa din, ng ating gobyerno pati na ng ilang opisyal na sakop nito. Alam rin nating lahat na hindi sa lahat ng panahon ay may magandang ginagawa o naidudulot ang ating pamahalaan sa ating bansa lalong-lalo na sa pondo ng publiko.
Sa unang bahagi pa lamang ng kanta ay mapapansin mo na agad na hindi sang-ayon si Gary Granda sa pamamahala ng kinauukulan, lalo pa at alam niya sa sarili niya na matagal ng may maling ginagawa ang ilang pulitiko. Isa na rito ay sa tuwing may eleksyon.
Madalas pinagagastusan talaga ng mga nangangandidato ang mga bagay na ito, may ilan pa nga na gumagamit ng mga artista o kaya naman ay may mga artista talaga na tumatakbo, na kung minsan ay nananalo pero hindi sa lahat ng panahon ay nararapat sila sa kanilang sinimulang tungkulin. May iba din namang ginagamit lamang ang kanilang posisyon para makalibre o makakuha ng benepisyo kahit sa maliliit na bagay lamang. Mayroon din namang nagbibigay ng mga libreng check-up o gumagawa ng mga programang sa tingin nila ay makakatulong sa publiko, ngunit kung paminsan imbes na gumaling ang maysakit ay lalo pang lumalala o nadagadagan pa ang sakit na nararamdaman nito.
Pero sa aking napapansin, mas madalas pa rin ang biglang pagkawala ng mga nananalong opisyal. Kung noon, nung sila’y nangangandidato pa lamang, todo-todo ang pagsisikap nila na makuha ang loob ng taong-bayan, ang iba pa nga ay binabayaran pa ang mga ito para lamang sila’y iboto, at may ilan din naman na patuloy ang paggawa ng mabuti para makita ng tao o mga botante na andaming mabuting nagawa ng nangangandidato o nangangampanya, pero pag nanalo na, parang bula nalamang na biglang nawawala.
Hindi lang naman nawawala ang ibang opisyal o opisyales kapag sila ay nanalo, may iba din namang nawawala kapag may gulo na nangyayari, na maaaring sila ay sangkot dito o kaya naman sila mismo ang may kagagawan. Tulad na lamang ng nabanggit sa kanta na iilan nalang ang nagpakitang opisyal nang mag tatalumpati na.
Isa rin sa nabanggit ang pagkakaroon ng malilinis na record ng mga ilang opisyal, na sa tingin ko ay hindi kapani-paniwala, lalo pa’t may mga nakakaalam ng mga ginagawa ng mga ito. Ginagawa tulad na lamang ng pangungurakot. O kaya naman ay paggamit ng pera ng taong-bayan o publiko sa kanilang mga luho. Tulad na lamang po ng nabanggit sa kanta na pumupunta pa sa ibang bansa kasama ang kanilang mga kamag-anak. Isa pang halimbawa nito na nabanggit sa bandang hulihan na ng kanta ay ang pagkakaroon ng, ika nga, “joint forces” ng dalawang grupo na GO at NGO, na naging dahilan ng pagkawala ng pondo na sanang gagamitin sa isang programa ng mga magsasaka.
May mga mas karapat-dapat na gawin ang pamahalaan o mga pulitiko, yung mga hindi pa magaganda ang kanilang ginagawa. Nabanggit din sa kanta na hindi rin nila gaanong pinag tutuunan ng pansin ang problema ng taong-bayan, na dapat nilang binibigyang pansin lalo pa’t maaring sila ang maka resolba ng mga ito.
Ilan lamang ito sa patuloy paring nangyayari hanggang sa panahon ngayon kahit na ang kantang ito ay noon pang 2012 nailathala sa YouTube. At napansin at naitanong ko na din, kung bakit marami paring tao ang pumapanig sa hindi Mabuti kahit alam nilang hindi maganda ang kalalabasan, hindi lamang para sa kanila kundi pati sa kanilang nasasakupan.
5 notes · View notes