onlymaceh-blog
onlymaceh-blog
Maceh'yahin
3 posts
Poetry/Essay
Don't wanna be here? Send us removal request.
onlymaceh-blog · 5 years ago
Text
Kapit-Kalakal sa Gulong ng Buhay
Ni: Maricel D. Jolo
Padyak dito, padyak doon. Sigaw dito, sigaw doon. “Bakal…bote…plastik…papel!”, hiyaw ng isang 47-anyos na ama na ang hanapbuhay ay pangangalakal. Siya si Bong Delovino, mas kilala sa tawag na “ Tiyo Boy” sa bayan ng Sorsogon.
Sa matirik na araw, maging sa madulas na daanan, mabasa ma’t mainitan, patuloy parin sa pagpadyak hanggang sa makakuha ng pera upang may maipakain sa kaniyang pamilya. Mayroon siyang dalawang anak na kasalukuyang nag-aaral sa highschool at isa dito ay nakapagtapos na sa ika-labin dalawang baiting na ngayon ay nasa unang yugto na ng kolehiyo. Sa katunayan ang mga anak nito ay nakakapagtapos ng kanilang baiting na may natatanggap na parangal dahil na din sa kanilang kasipagan katulad ng pagsisikap ng kanilang ama. Ang kanyang asawa naman ang nag-aalaga sa mga anak nito habang siya ang naghahanap ng paraan para sila’y kahit papano ay makakain araw-araw sa kabila ng kahirapang natatamo sa buhay.
“Ginagawa ko ang lahat para sa mga anak ko, para sa pamilya ko. Kahit na minsan mahirap makabuo ng sapat na pera mula sa pangangalakal hindi parin ako sumusuko kasi may naghihintay sa akin,” sabi ni Bong.
Sa kabila ng kahirapang tinatamasa ay hindi parin nito nakakalimutang ipakita ang kaniyang matatamis na ngiti sa mga taong nakakasalamuha niya, ngiti na nakakahawa at ngiting tila ba’y wala ng bukas.
Si Bong ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral kung kaya’t hirap siya sa paghahanap ng trabaho, kaya naman ay napilitan siyang mangalakal sakay ng padyak, bitbit ang mga baryang ipampapalit niya sa kung ano mang makuha niya at ipambibili niya din ito sa Junkshop at kung ilan ang halaga ng nakuha niya mula sa pangangalakal ay ‘yun din ang iuuwi niya sa kanyang pamilya.
“Mahirap maging mahirap, lalo na kung walang natapos. Pero, mas mahirap maging mahirap kung hindi ako lalaban”, aniya.
Dagdag pa niya, “Minsan nalulungkot ako kasi may mga araw na kulang talaga ang perang kinikita ko para sa pamilya ko. Minsan hindi kami kumakain tatlong beses sa isang araw, pero kailanma’y hindi ko hinahayaang matulog sila na walang laman ang kanilang tiyan."
Dahil sa kaniyang kasipagan at sa positibong pananaw sa buhay, napagtapos niya ang isa niyang anak sa K-12 at ngayon ay kolehiyo na.
“Sobrang pasasalamat ko sa pamilya ko, lalong-lalo na sa papa ko na matiyagang tinustusan ang lahat ng mga pangangailangan ko lalo na sa aking pag-aaral. Kahit na pagod na pagod na siya, ay patuloy pa rin siya sa pagpadyak, sa pangangalakal,” sabi ng panganay nitong anak.
Hanggang sa nakakuha siya ng motorsiklo na hulugan, ito na ang ginagamit niya ngayon sa pangangalakal at kinabitan niya ito ng ‘side-car’ na mas matibay kaysa sa dati niyang ginagamit. Ngayon ay hindi na siya gaanong nahihirapan sa pagpadyak dahil meron na siyang gasolinang binubuhos upang patuloy na tumakbo ang kanyang buhay—--buhay pangangalakal.
Patuloy pa rin siya sa pangangalakal kahit na kung minsan ay may mga taong mapagsamantala sa kaniyang kabaitan at hinuhusgahan siya dahil sa estado niya sa buhay.
“Hindi ako nahihiya sa estado ko sa buhay, hindi ko kinakahiya ang trabaho ko. Ganito man ang kabuhayan ko, eh hindi naman ako gumagawa ng masama na makakaapekto sa ibang tao. Nagtatrabaho ako ng marangal at kumikita ako ng patas dahil alam ko ang pakiramdam ng walang-wala,” sambit niya.
Sa ngayon ay patuloy pa rin siya sa pakikipagsapalaran sa buhay para sa kaniyang pamilya at nananatiling positibo sa paikot-ikot na gulong ng buhay.
“Kahit na mahirap ang buhay ay kailangan pa rin nating lumaban, dahil hindi naman tayo aasenso kung mananatili lang tayo sa kung saang sulok tayo nakapwesto. Minsan kailangan din nating gumawa ng paraan para umunlad, hindi lang para sa sarili natin kundi pati na rin sa mga taong umaasa sa atin”, mensahe ni Bong.
Tumblr media
1 note · View note
onlymaceh-blog · 5 years ago
Text
Tumblr media
Paglagda sa Memorandum ng Unawaan, Isinagawa
Nilagdaan ang Memorandum ng Unawaan at Ugnayan sa Pagtatag ng Sentro ng Wika at Kultura sa Unibersidad ng Bikol kolehiyo ng Arte at Letra Amphitheater kasama ang mga kasapi ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong ika-4 ng Marso, 2020 ng umaga.
Ayon sa  Presidente ng Unibersidad ng Bikol na si Dr. Arnulfo Mascariñas, ang preserbasyon ng wikang Filipino at panitikan, maging ang pagpapalaganap nito ay bahagi ng pagtatag ng sentro ng wika.
Dagdag naman ng Dekano ng Kolehiyo ng Arte at Letra na si Dr. Leticia M. Lopez, ang sentro ng wika at kultura ay ang pagpapayabong ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa pamamagitan ng pagsasaliksik at paglinang ng mga ito.
Isinagawa ang paglagda sa pagitan ng Komisyoner at Presidente ng Unibersidad ng Bikol na dinaluhan ng mga mag-aaral ng unibersidad at mga dekano ng iba’t ibang kolehiyo bilang pagpapatatag at pagpapayabong ng wikang pambansa.
Sinimulan ang kaganapan sa pagbasbas ng bagong tanggapan ng Sentro ng Wika at Kultura at sinundan naman ito ng misa ng pagpapasalamat.
 By: MARICEL D. JOLO
0 notes
onlymaceh-blog · 6 years ago
Text
"Life of the Graduating Butterflies"
Butterflies are supposed to enjoy their life. Flying high, enjoying their wings and playing with their friends. But those butterflies are now in a teenage life. Life where they need to be mature and take things seriously. They are butterflies who are suffering different things, different projects and requirements way to their dreams. They are the graduating students.
"I'm so afraid!", most of the graduating students said. They have that worries if they will pass the final obstacle of their hardships. Most of them are already crying because of the tension. Tension to pass the exam, requirements and if they will be able to graduate. Some didn't take their meals just to finish their projects. Some also can't sleep at night because their minds are thinking different things related to school requirements. Some borrowed money just to sustain their needs to accomplish their requirements. And because of these pressures, some of the graduating students almost quit. Because, they think that they can't handle the pressure anymore. However, like butterflies, those graduating students still continue to spread their wings and fly high until they reach their dreams and make these dreams come true.
In life, no matter how hard the situation is, you should not quit. There are so many difficulties in our life that we might suffer. But never quit, especially when you are already in the final obstacle of your hardships. Be a butterfly, never give up to fly. Fly high until you reach the sky.
Tumblr media
2 notes · View notes