prsnlrantingspot
prsnlrantingspot
Dramas In Life
48 posts
do not follow this blog
Don't wanna be here? Send us removal request.
prsnlrantingspot · 6 years ago
Text
Ang tatag ng puso ko. Hindi natitinag. Proud ako sayo.
0 notes
prsnlrantingspot · 6 years ago
Text
Ano bang mas mahirap? Yung naiwan o mang-iwan?
Para sakin yung naiwan. Kasi kahit gusto ko pang ayusin o gusto ko pang ituloy, kung ayaw na niya ano pang magagawa mo di ba? Siguro hindi ko matanggap na ganito yung nangyari kasi pwede pa talagang ayusin kaso kung ayaw na niya ano pang magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko. Hindi ko naman pwedeng ipilit na mahalin niya pa ako. Kaya paano ang gagawin ko? Wala. Masasaktan na lang at iiyak at pipilit yung sarili ko na maging okay ako. Kasi iniwan na niya ako e.
0 notes
prsnlrantingspot · 6 years ago
Text
Hindi na ako hahabol o magpapapansin. Hahayaan ko na lang na ikaw mismo makaalam kung ano ba talagang gusto mo. Andun na ako sa punto na gusto ko nang magtira para sa sarili ko. Mahal kita, mahal pa kita. Kung gugustuhin mo, alam mo naman kung paano babalik. Kung hindi ka lalapit, isa lang ang ibig sabihin sa akin nun. Hindi mo talaga gusto. Wala na akong magagawa kundi tanggapin. Hindi ko na pwedeng ipilit ang sarili ko sayo. Kusa na rin sigurong mapapagod ang mga luha ko sa pagpatak dahil sa sakit ng pag-iwan mo. Kaya ko, kakayanin ko. Kahit magiging mabagal at mahirap. Kakayanin ko.
0 notes
prsnlrantingspot · 6 years ago
Text
Madami-daming gabi pa siguro akong iiyak sa sakit. Kung binibilang ko mas lalo lang akong magiging miserable. Lalo na kapag naiisip ko na ikaw okay ka lang, tapos ako heto hirap na hirap. Ang galing talaga mandaya ng tadhana, kung kelan sobrang mahal mo na tsaka babawiin sayo. Kaya ako na e, ayoko nang magmahal. Talagang sinisira nalang neto yung pagkatao ko. Saglit na saglit lang yung saya tapos pangmatagalan kang masasaktan. Hindi fair. Never naging fair sakin yung love. Bakit palaging ganito yung kinalalabasan? Nasa akin na siguro talaga ang mali.
Pero sana, sana lang. Kinailangan ko lang ng pasensya at ng pagkakataon para itama. Kung sana lang binigyan mo ko ng pagkakataon na itama yung mali ko.
0 notes
prsnlrantingspot · 6 years ago
Text
To you, the seafarer who left my heart in the middle of the sea.
Sobrang sakit ng pagkawala mo sakin. Alam ko naman na lahat ng relasyon natatapos, pero hindi ko lang inasahan na ganun kabilis matatapos yung atin. Siguro kasi mabilis dumating kaya mabilis din nawala? Pero ang mas masakit dun, yung ready na ko. Ready na kong planuhin yung buhay ko na kasama ka. Yung naniniwala na ko na ikaw na talaga, pero ganun yung pinagkatapusan. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong ipagdasal, kung mapatawad ko ang sarili ko o mapatawad kita kasi ganun mo kabilis kinalimutan lahat ng mga pangako mong binitawan. Yung akala ko na ikaw yung sagot sa panalangin ko, pero binawi ka rin sakin. Wala na kong magagawa kundi ang tanggapin kasi ikaw na yung nang-iwan.
Habang dumadaan yung mga araw na hiwalay na tayo, madami akong tanong at madami akong narealize. Pero alam mo kung anong mahirap? Yung ginagawang baldado ng sakit yung katawan ko, tuwing maiisip kita sobrang sakit na pinipigilan ko ang paghinga ko. Pero kailangan kong magpanggap na okay lang ako na kaya ko. Kailangan kong pilitin maging okay kasi yun lang yung iniwan mong choice para sakin. Araw-araw umaasa akong pagsisisihan mo pa yung desisyon mo, na babalik ka. Pero siguro okay na rin na hindi kasi hindi ko rin naman alam kung matatanggap pa kita.
Wala na akong maalala kundi yung sakit. Siguro kaya nga ganito ang kinahinatnan. Hindi kasi natin alam kung paano patawarin ang isa’t isa. Ganun kabilis mong binitawan yung pangako mo sakin, sa pamilya ko pati sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung nagagalit ba ako sayo o hindi. Hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang masakit. Ibang klaseng sakit, yung tipong sakit na akala ko kakayanin pero yung mga mata ko na at mismong katawan ko na yung sumisigaw gaano ksakit.
Umasa ako ng sobra, pinasilip mo kasi sakin yung vision na pagkakaroon ng pamilya. Akala ko ikaw yung sagot sa panalangin ko, yun pala sagot ka nga pero para ibigay sakin yung isang aral na matagal ko na dapat natutunan. Hindi na rin ako hahabol kasi kapag minahal pa kita, magagalit lang ako sa sarili ko. Dahil sa mga palitan natin ng salita, parang wala nang chance na makabalik pa talaga ...
Ganun pa man, kasama ka pa rin sa mga panalangin ko. Hangad ko pa rin yung kasiyahan mo at tagumpay mo. Matagal-tagal ulit maghihilom ang puso ko dahil sa ginawa mo pero okay lang. Sanay naman ako na ako nag nasasaktan at magisa.
Isinisara ko na yung chapter ng buhay ko kasama ka. Ipapaalala sakin ng sakit na iniwan mo sakin kung gaano katotoo yung naramdaman ko para sayo.
Mahal kita pero ayoko na rin umulit pa.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
Never thought I would post something here again, but when the pain is too much you can’t really say it to anyone can you? Kasi wala naman sa sasabihin nila yung makakatulong para tumigil yung sakit.
I realised I’ve never written an entry for you here. To you, who have opened my heart but left it broken. I’m still thankful sa lahat, sa ilang taon nating pinagsamahan bilang magkaibigan pero higit sa lahat yung iparanas ulit sa akin paano magmahal at paano mahalin. I’m thankful for that short moment, sorry kasi natakot ako at nalate na marealise na mahal pala kita. Pero hindi ko na rin pinagsisisihan na pinakawalan kita, masaya ka naman na e? Masaya ka ba talaga? Sana. Kasi kahit sinasaktan mo na ko ng sadya, ipagdadasal ko na maging masaya ka talaga. Kasi mahal kita. Minahal kita. Right now, I might be hurting pero hindi ako magagalit sayo. Hindi na ulit. Blessing ka pa rin sakin. Because of you, nalaman ko na kaya ko pa naman pala magmahal. I guess I never really had the chance to say that to you, but I do. Ngayon, hindi mo na malalaman. Okay lang, naramdaman mo naman di ba? Sana naramdaman mo. Ngayon na masaya ka na sa iba, sana totoo na yan ha? Don’t go around playing other’s feelings, pumili ka rin ng hindi ka lang ginagamit. Yung tatanggapin lahat lahat sayo. Sana maging masaya ka at sana in time, makausap ulit kita.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
Di ko lang talaga mapigilan mapa-post ulit dahil medyo nakakapuno na yung pambabash ng pamilya ko about this tropa of mine na nagkagusto sa akin. Medyo nakakapantig lang kasi ng tenga how they judge and criticize the person based on his physical attributes. Ayokong mapuno, ayokong magalit pero nakakairita lang kasi how they try to tease me about it then say his name in a sarcastic way or with despise. Ano yun? Tapos ayaw niyong majudge or what. I know, madami naman talagang hindi kaperpektuhan yung tao pero kung di maganda sasabihin, wag na lang magsalita ano? Medyo nakakadisappoint kung galing sa mga nakakatanda, ganyan ang pinapakitang halimbawa.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
Masakit sa akin na sa kabila ng pananalangin ko sa kasiyahan mo at ikabubuti mo, may inis kang nararamdaman sa akin at tingin mong pinepeke ko ang pagiging maka-Diyos ko. Okay lang dahil sinagot naman ni Lord ang mga panalangin ko. Binigyan ka Niya ng mamahalin mo at magmamahal sayo. Kahit pa ibig sabihin nun, ako ang magisa ngayon. Ako na lang ang iiwas, hindi ko naman kayang magalit sayo. Iisipin ko na lang lahat ng mga magandang naidulot mo sa buhay ko. Hangad ko pa rin kaligayahan mo, my great love.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
Sobrang lungkot na parang ikakamatay ko na yung sakit at lungkot.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
Sana, sana naman kapag ganito kabigat yung nararamdaman ko wag lang sabayan ng nanay ko.
Paano mo ba sasabihin sakanya na “ma, please araw araw na kong binubugbog ng buhay. baka naman gusto mo na lang akong palusutin? kahit minsan, comfort naman yung makuha ko hindi disiplina kasi ang damot na ng tadhana sakin e. ang damot na ng buhay sakin na sumaya. please naman oh, pabayaan mo kong maging mahina please. ayoko na kasi e, konti na lang ma, ayoko na. ayoko nang mabuhay.”
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
Grabe yung emosyon ko ngayon, halo halo yung nararamdaman kong kilig, lungkot at pag-asa sa pag-ibig. Dahil kasi sa mga pinapanuod ko napapaasa ako na baka naman may pagibig pa talaga. Hahahaha! Pero di ko alam, lagi naman kasing madamot yung tadhana sakin.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
to my almost,
Is it wrong for me to say that I’m almost regretting ever meeting you? If not for you, I wouldn’t be this sad and I wouldn’t think that love really is not for me. But still, I wish you well. You were once the man in my prayer and now, I’m saying good bye to you. It’s time to finally let go now.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
Dear Jay,
Sorry ha? Kasi hindi ako naging mabuting ex at kaibigan. Gusto kong umuwi, makita ka man lang sa huling sandali mo pero alam mo naman yung sitwasyon ko di ba? Tulungan mo naman ako, paano ko ba malalagpasan yung lungkot at sakit ng pag-iwan mo? Ang dami pa sana natin plano. Bakit naman nang-iwan ka ng maaga? Kausap pa kita nung gabi bago ka mawala. Hindi mo man lang sinabi sakin na aalis ka na. Akala ko papakilala mo pa sakin si Gab? Maga-outing pa tayo pag-uwi ko sa pinas ah? Sakit, hindi ko pa rin matanggap na talagang wala ka na. Nagmemessage pa ko sayo, baka naman magreply ka pala. Pinagsisisihan ko na hindi kita masyadong napagtuunan ng pansin dahil busy ako sa buhay ko dito. Pinagsisisihan ko na hindi ako nagspend ng time kapag nagp-pm ka sakin at nagsasabi ka na gusto mo ko makausap dahil miss mo na ko. Pinagsisisihan ko na hindi kita nadamayan nung mga panahong baka malungkot ka o feeling mo mag-isa ka, kapag nilalamon ka ng depression. Siguro kung umuwi ako, nakabalik tayo sa dati. Nakapag-usap tayo. Pero hindi mo na ko nahintay. Hindi na tayo nagpang-abot. Ang sakit kasi ang dami pa sana natin pwedeng gawin. Bantayan mo na lang kami ah? Mamimiss ka namin, miss na nga kita e. Tulungan mo ko ah? Tanggapin ‘tong nangyari sayo. Kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka na kasama Siya. Promise, hindi ako makakalimot. Pag-uwi ko, pupuntahan ko kung nasaan ka. Kahit huli na, pero pangako magpapakita ako.
1 note · View note
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
Hindi kasi nila naiintindihan yung sakit. Yung kausap mo pa, kabiruan mo pa sabay kukunin na pala sayo kinabukasan. Tapos malayo ka, hindi ka makauwi, hindi mo man lang makita siya bago siya tuluyang mawala dito sa mundong ‘to. Hindi kasi nila naiintindihan yung trauma. Hindi kasi nila naiintindihan kasi hindi sila ang nakakaramdam. Hindi nila maiintindihan yung feeling mo trinaydor ka ng sitwasyon dahil wala kang magawa kahit may gusto kang gawin. Hindi nila naiintindihan na ang hirap malayo sa mga taong naging parte ng buhay mo pero kinailangan mong iwan kasi wala ka namang choice. Hindi nila naiintindihan at di nila maiintindihan. Masakit. Ang sakit.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
to my almost,
You make me happy with your small efforts.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
to my almost,
I don’t think I’m ready to lose you yet. But I feel like it’s nearing its end.
0 notes
prsnlrantingspot · 7 years ago
Text
to my almost,
I was right when I saved your number and put your name as ALMOST. Because you were ALMOST mine but the odds are not in our favour.
0 notes