Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Halina't mamasyal dito sa Burnham Park!

Sa gitna ng malamig na klima, makulay na bulaklak, ang Baguio ay kilala bilang "Summer Capital of the Philippines." Isa itong magandang lungsod na matatagpuan sa gitna ng Kabundukan ng Cordillera, at hindi lamang ito isang pook para sa bakasyon, kundi isang lugar na naglalaman ng mga alaala at karanasan na hindi malilimutan.

Ang paglalakbay sa Baguio ay hindi kumpleto kung hindi mo natatamasa ang lamig ng klima. Kahit sa gitna ng tag-init, maaari kang makaranas ng malamig na simoy ng hangin at foggy na panahon. Isa itong pook na nagbibigay-daan sa mga taong galing sa mga mainit na lugar ng Pilipinas na maka-experience ng kakaibang klima.

Ang burnham park ay isa sa mga magagandang destinansyon sa Baguio,kilala ito sa mga Bike at bangka na nag sisilbing munting palaruan sa mga turistang pupunta dito.Pagpasok mo pa lamang sa parke, madarama mo agad ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa mga puno ng pines.

Maaliwalas at maganda ang atmospera, at kaagad kang makakalimot sa init at ingay ng mga malalaking lungsod.Maaari kang mag-relax sa mga garden na ito, mag-picnic kasama ang pamilya, o mag-enjoy sa pagkuha ng mga litrato ng mga bulaklak na naghahari.

Maraming mga puwedeng bilhin na pasalubong para sa mga mahal natin sa buhay. Maraming masasarap na pagkain ang puwedeng bilhin at matikman.

Ang strawberry na pinag mamalaki ng Baguio City. Ito ay ginawan nila ng bagong twist dahil imbis na ito ay arnibal na gawa sa asukal pinaltan nila ito ng strawberry namag bibigay ng bagong lasa sa taho ito ay may sangkap na sago at strawberry at silken tofu.

Ang unang aral na aking natutunan mula sa Burnham Park ay ang kahalagahan ng kalikasan. Ang malinis na hangin, makulay na bulaklak, at malamig na tubig sa Burnham Lake ay paalala sa atin na dapat nating pangalagaan ang kalikasan.

Ang mga puno ng pines na nagbibigay dilaw na buhay sa paligid ay nagpapakita na tayo ay bahagi lamang ng mas malaking ekosistema, at ang aming pag-aalaga ay may malalim na epekto sa kalikasan.Sa paglisan ko sa Burnham Park, hindi lamang ako nag-iwan ng mga hakbang sa lupa, kundi mayroon akong dala-dala na bagong kaalaman sa buhay at pag-aalaga sa kalikasan.

Sa bawat lakbay, natututunan natin hindi lamang ang mga lugar, kundi pati na rin ang ating mga sarili. Ang Burnham Park ay isang pook na hindi malilimutan at mga pangarap na patuloy na nagbibigay kahulugan sa ating mga paglalakbay.
ANO PANG HINIHINTAY MO, TARA NA SA BURNHARM PARK!
1 note
·
View note