Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Freedom?
Rappler Ressa's deserves that Nobel Peace Prize after being the David and facing the Goliath of this society. As someone working for an outfit with a political interest, I can say that Ressa and her Rappler are too courageous to release painful truths. I can see the different between the reportage of our Romualdez-Marcos backed publication and the critical Rappler, they have no fear.
Of course, not all don't want to consume the fact that Ressa took that award. She deserves that award, not only for standing for Rappler, but also for the journalism industry.
"There is freedom of the press in the Phillipines; what's that award for?"
Yes, they are correct, there is a freedom of the press, or should I say "challenged" freedom of the press since we are in a country where trolls prevail; media bombarded by pro-government supporters because of critical news; outfits oppressed by the government itself by not allowing to renew a franchise; killings of journalists; filing a case against media workers; not having enough benefits for them, and many more.
Free, but struggling. Free, but prone to death. Free, but doesn't have an assurance of a lifetime or stable job.
What a freedom.
0 notes
Text
Fact-checking at pag-iwas sa maaaring conflict of interest
Fact-checking at kahalagahan nito ngayong laksa-laksa ang trolls sa social media
Gamit na gamit ang social media sa maraming pamamaraan. Sa pagtitinda, pagtuturo, pagsisimba at gayon din sa pamamahayag. Pero mabuti nga ba ang paggamit?
Sandamakmak ang fake news sa Facebook, Twitter at Tiktok ngayong pandemya kung saan karamihan ay nakasandal na sa social media pagdating sa balita. Naalala ko pa nung mga nakaraan, napakaraming paniwalang-paniwala na dadamputin daw ang walang mga bakuna laban sa COVID na nagdulot ng matinding panic sa masa. Nagdulot ng gitgitan sa mga malls para makapagpabakuna, at hindi malabong nagdulot din ng karadagang kaso ng COVID dahil sa wala ng mga distansya. Sino ang pasimuno? Ang pangulo.
Nakakatakot ang mga maaaring maging resulta ng fake news. Nakakatawa rin. Sa TikTok kung saan ginawa na itong history book ng mga supporters ni Duterte at ng mga Marcoses, malinaw na bulag na bulag sila ng tinatawag nilang "golden era" kaya nais daw nilang makabalik ang mga Marcoses sa palasyo. Nahila sila ng mga bayarang vloggers na sinakop na lahat ng platforms para makapagpalaganap ng kasinungalingan. Hindi ko na rin masisisi ang mga BBM supporters kung bakit hangang-hanga sila sa mga Marcoses -- sila ay biktima lang din ng fake news at historical revisionism. Napakain sila ng kasinungalingan ng textbooks na ginagamit ng DepEd.
Ngayon, kitang-kita naman siguro kung gaano kahalaga ang fact-checking. Maaaring magamit ang prosesong ito sa mga pang-agham na diskurso at maaari rin naman sa pang-politika. Pero isa lang ang aaral, magtiwala tayo sa mga "legit" na pahayagan, huwag sa kakausbong lang.
Conflict of interest totoo nga ba sa industriya ng pamamamahayag
Isa ang conflict of interest sa pinaka-iniiwasang usapin ng mga pahayagan dahil ito ay maaaring makapagdungis sa pangalan ng kanya-kayang publikasyon. Maaaring maging conflict of interest ang pagtanggap ng anumang bagay mula sa kahit sino man lalung-lalo na kung ang nagbigay ay isa sa mga subject ng iyong artikulo.
Lantaran din ang isyung conflict of interest sa mga ahensyang Philippine News Agency (PNA) na nasa ilalim ng kontrol ng palasyo. Isa ang PNA sa pinagmumulan ng mga balitang umiikot sa mga pahayagan. Gayunpaman, kitang-kita ang pag-iwas ng PNA sa pagbalita nang hindi maganda laban sa administrasyon na siyang nagpapasahod sa kanilang ahensya. Malinaw na malinaw, ito ay conflict.
Gayon din ang sitwasyon ng kasalukuyang pahayagan kung saan ako nagtatrabaho. Lantaran ang conflict of interest dahil na rin pagmamay-ari ng mga Romualdez ang aming tabloid. Napakalaking mukha ng mag-asawang Martin at Yedda araw-araw, arawan ding pagpaskil ng mga balita at propaganda na nagpopromote kay Bongbong Marcos at pagbabalita nang laban sa oposisyon. Nakakasuka.
1 note
·
View note
Text
Rolling Stone Rape Case sa mata ng isang peryodista
Sa isang bahagi, maganda ang naging dulot ng pagsiwalat ng Rolling Stone sa rape case ni Jackie __ dahil naging pamantayan ang istoryang ito ng maayos na pagsasaliksik at pamamamahayag. Gayunpaman, hindi rin maitatanggi nagmarka ang kamaliang ito ng Rolling Stone sa buong industriya ng pamamahayag.
Naglabas naman ng paglilinaw at paghingi ng tawad ang Rolling Stone rape article writer na si Sabrina Erdely, ngunit naging huli na ang lahat para sa kanyang karera at publikasyon. Sa isang pagkakamaling nagawa ng Rolling Stone ay markado na ang kanilang buong publikasyon sa mata ng bawat mambabasa, markang mahirap nang burahin pa.
Maihahalintulad ko rin ang kaganapang ito sa nangyari sa ABS-CBN. Ang kalaban ng ABS-CBN ay ang pinaka-maimpluwensyang tao sa bansa, kaya gayon na lamang ang pambabatikos na natanggap ng ABS-CBN mula sa mga taga-suporta ng kasalukuyang pamahalaan, at magiging markado na rin ang nasabing pahayagan sa mga susunod pang henerasyon katulad ng nangyari sa Rolling Stone.
Pagkatapos ng mga pangyayari sa Rolling Stone at ABS-CBN, parehas nagkaroon ng pagbabago sa industriya ng pamamahayag. Nagkaroon ng mas maayos pamantayan sa pagsasaliksik at pagbabalita pagkatapos ng isyu sa Rolling Stone, habang kapansin-pansin naman ang pagdami ng fact-checking agencies and outfits pagkatapos ng pangyayari sa ABS-CBN.
Sa mata ng isang mamamahayag, naging daan din kahit na papano ang mga kamaliang ito para magkaroon nang isang mas maayos na industriya. Pagkatapos ng dalawang pangyayaring aking nabanggit, naging mas matapang ang ating mga peryodista sa pamamahayag, nawalan ng takot kumbaga. At sa mata ko, iyon ay isang magandang bagay.
Nawa'y sa henerasyong ito, mas maging sanay ang mga mamamayan sa pagtitiwala sa mga fact checking agencies kasabay ng pagtitiwala sa mga kasalukuyang media outfits.
0 notes