putastuffqueen
putastuffqueen
Plaid and Stripes
36 posts
Half Existing and No sense most of the time. Awkwardly Awesome. Forever one of a kind SCORPIO. Maganda lamang sa paningin ng ina at lola, mahal ng dalawang anghel sa buhay nya.
Don't wanna be here? Send us removal request.
putastuffqueen · 1 year ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang bilis talaga ng panahon. Sana mapalaki ka namin at magabayan para sa ikakabuti niyo ni Ate Amora.
0 notes
putastuffqueen · 1 year ago
Text
Hindi ko akalain na buhay pa itong app na ito 😅 Nakalimutan ko na muli magkwento. Ang daming nangyari ganun pa man, masaya kong ibahagi na lumulugar na ko sa tahimik, matatag at puno nang pagmamahal na buhay. Maaaring maaga pa para masabi ang mga bagay na ito. Alam kong may mabuting plano ang Diyos sa mga bagay na sinusugal ko basta tapat at totoo. Masaktan man ako, patuloy ako magtitiwala sa plano niya sa akin at sa mga anak ko. Hanggang ngayon hindi ko pa man mahanap ang career path na para sa akin ayokong maligaw ang landas ko sa pagiging ina. Alam kong hindi pa huli ang lahat sa akin. Darating din ang oras na para sa akin para umusad, sa ngayon ibigay niyo muna saken ito para sa mga anak ko. Makakabawi din ako. Kung ano mang nakalaan sa amin ng partner ko ngayon handa akong suportahan sya sa lahat ng bagay. Alam kong pinagkaloob ng Diyos ito sapagkat alam nyang pagod na ko sa paulit ulit na sistema nang pakikipag relasyon. This time handa akong ibigay ang buong pang unawa ko sapagkat alam kong itong taong to ay karapat dapat sa pag ibig na tunay. Hindi man ako ganoon ka-expressive sa salita at gawa para malaman niya ngunit lahat ng ginagawa niya ay naaappreciate ko. Kinakain man ako nang mga trauma ng nakaraan nilalabanan ko, nagtitiwala ako sa kanya na hindi nya ko magagawang ipagpalit. Hindi niya kami magagawang iwan ng mga anak ko. Ayoko man umasa pero nakikita ko na worth it to. Ayoko na po magkaroon ng isa pang ikakasakit sa damdamin ng mga anak ko. Nais ko lang maramdaman nila ang tunay at buong pagmamahal ng isang pamilya. Walang perpektong tao, mapakaibigan, kamag anak o kahit ano mang relasyon. Hindi palaging masaya, laging may haharapin na problema. Pero buo ang loob ko na ikaw mahal ko ang kasama ko harapin lahat nang hirap, problema na darating. Ikaw pa rin maging sa tagumpay ang makakasama namin nang mga anak ko... mga anak natin.
☺️
Tumblr media
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Tumblr media
Gusto ko pa dagdagan heal ka muna. Sa susunod n ulit.
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Binabawi ko na yung mga ngiting to. Tangina sana naman yung makakaduo ko hindi nagsasawa kalaro ako. Lalaro daw kami pota 😅 tapos nag aya ng mage supp din at babae pa. Knowing same role kami? Grabe yung disrepect. So yeah, Nag exp nga kaduo nya. Multirole kasi eh🤭 sana lahat dba? Multirole , kaya siguro few games lang kaya malaan saken kasi sawa na makita pag memage ko. 😊 Kada deaths ko kelangan may pa message na worth the praise? Bakit? pabibo ka sa inaya mo? Na tatanga tanga gf mo ? Porke ganda performance nya? So disrepectful. Di ka nga nag inform saken na isasali mo yun. Grabe napaka insensitive. Sino lalakasan ng loob maglaro sa ganyan.? You call that being supportive? Tangina gaguhan lang e. Palibhasa attracted sa mgagaling maglaro. Edi ako na bobo , Tanga maglaro e. Gagaling niyo e 💜 Pakasaya kayo ng ka-duo mo.
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Lord, kayo na mismo mag alis ng mga taong di makakatulong sa buhay ko. Kahit sino pa man po sila. Kahit masakit tatanggapin ko. Wag nyo na po ko bigyan ng iba pa. Kahit wala na po dumating na partner sa akin. Kung di naman po kaya makuntento at di ako kayang mahalin ng buo pakialis na po. Ayoko na pong muli maranasan yung nakaraan. Yung lagi akong kabado. Yung lagi ako nag iisip. Lagi akong nangangambang may iba. Yung pakiramdam na para akong nasa isang competition sa kapwa ko babae. Lord alam mo naman pinag daanan ko dba? Tayo tayo nalang e. Inaayos ko naman palagi. Bakit kailangan ko malagay lagi sa ganitong sitwasyon? Tiga-ayos nalang ba ko ng buhay nila? Tapos pag okay na sila, pag nabalik na kumpyansa nila sa sarili , ako na yung maiiwan? Wag ganun, Lord. Hehe masakit. Kadalasan ng mga gusto ko di niyo pinapanatili saken. Dapat ko na ba sya hindi gustuhin? baka kasi mag stay, baka kasi mahalin ako ng buo. Baka pag d ko na kailangan tsaka nyo ibigay no? Haha ganun ba yun, Lord? Ikaw talaga. 😅
1 note · View note
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Tuloy-tuloy lang kasi wala naman tayong choice.
15 notes · View notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Make sense.
And the sad truth is: hindi sapat ang pure intentions if hindi ka physically attractive
71 notes · View notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Sarap sana mainlove at makivibes dito. Sa sarili ko na nga lang tlaga. Prio na naten, cel? no? Pagod kna e. Yaan mo na sila. Kung d ka maprio , gawin mo din sa kanila. ☺️ para fair.
1 note · View note
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Tumblr media
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Walang mali saken. Walang problema saken. Tandaan mo yan self ah? Di ka man nila mahalin ng buo, balewalain ka man nila, itake for granted ? Alam mo sa sarili mo na hindi sila yung huli, hindi sila ang dulo, hindi ikaw ang talo. Sila ang mawawalan. Okay? Self? Tiwala lang. Matatag ka ☺️ Wala ako ngayon kung di dahil sa pinagtibay ng panahon at sa mga naranasan mo noon na tayo lang may alam. Tayo lang nakaramdam. Wala silang alam dun. Hindi mo kailangan mag explain para mag stay sila, para maintindihan ka nila. Wala kang dapat patunayan sa iba. Alam mo sa sarili mo lang kung ano at sino ka. Walang masama mag breakdown. Babangon ka pa din naman at magpapatuloy ☺️
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Mahalin mo lang nang mahalin hanggang sa maubos ka. Para kung sakaling magkahiwalayan wala ka pag sisisihan. Di ka nagkulang... sumobra pa nga. ☺️
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Swerte nung mga taong nakakatulog agad. Gustong gusto ko matulog yun nalang kasi pwede kong gawin para tumakas sandali. Makalimot man lang... pansamantala.
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Baka di nila kaya yung laki ng pagmamahal na binibigay mo kaya iniiwan ka? Baka sa akin talaga yung problema? Baka ako yung sobra sobra kaya ganyan kinahihinatnan? Baka kailangan ko bawasan? Baka kailangan ko magpakita nung mga katangian at bagay na nagagawa nila sa akin? Kasalanan ko ba na totoo ako magmahal? Kasalanan ko ba kung puro binibigay kong pagmamahal sa lahat ng bagay?
Ayaw nyo na ba ng tunay? Gusto nyo lang ba yung pansamantala? Balang araw, mawawala ko sa pahina ng estorya niyo. Hahanapin niyo din ako sa bawat tao na makikilala niyo. May pagkakapareha man pero di na ganun kasing tunay/totoo tulad ng mga pinaranas ko sa inyo. ☺️
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Ano pa nga ba kailangan ko ikatakot sa pag iwan sa akin? Nawitness ko na ipagpalit kami nung tatay ko ☺️ at di maiprioritized nila mama ☺️. Sino nga ba kayo? Kahit umalis na kayong lahat sa buhay ko. Mas maigi pa.
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Calm yet at the back of my mind...
C H A O T I C.
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Hindi pala okay pag mahal na mahal mo no? Kasi parang habang minamahal mo lalo, ikaw yung unti-unting nauubos. Basta makita mo sya nawawala ka sa sarili. Pag kausap mo siya nakakaadik, hindi nakakasawa ngunit paano na pag nakasanayan mo? Pano ka na? Ano ka na non? Parang hindi kumpleto di ba? Nakakawalang gana. Nakakapang hina. Nakakapanghina at the same time sayo lang ako lumalakas, lumalaban...
If you could only see and feel the love I have for you, hindi sana ganito. Namimisinterpret ako ngayon.
0 notes
putastuffqueen · 2 years ago
Text
Tumblr media
Tulad mo mabagal man ang usad sigurado pa rin na may patutunguhan.
0 notes