Don't wanna be here? Send us removal request.
Text


Nag iisang tiyak, sa isang libong duda. Minsan mapapatanong ka nalang, Lord ano po bang nagawa ko para bigyan nyo ko ng ganitong klase ng tao. Hindi man perpekto yung relasyon natin pero hindi ko ‘to ipagpapalit sa kahit anong bagay. Araw araw akong nagpapasalamat nakilala kita, hindi ko alam kung ano ako ngayon kung wala. Siguro sumuko na din ako, siguro napaka baba padin ng tingin ko sa sarili ko dahil pakiramdam ko walang naniniwala sakin.
wala na kong masabi, hindi kaya ng mga salita iexpress kung gaano ako nagpapasalamat at kung gaano kita ka mahal ❤️
0 notes
Text
Gusto ko tong relasyon na to, kahit anong away pa mapupunta lang sa asaran o landian. Kahit anong away pa dun din tayo babagsak sa ayaw natin mawala ang isat isa. Mahal na mahal kita.
0 notes
Text
Me: mahirap ba ko maging girlfriend?
You: hindi. Bakit naman hihirap?
Me: wala lang bka kasi nahihirapan ka sakin
You: mahirap lang dahil malayo tayo sa isat isa
Napaka sarap sa pakiramdam na magmahal at mahalin ng tulad mo.
0 notes
Text
mag mahal muli
Pag ibig, isang napaka makahulugang salita, at pakiramdam. pakiramdam na napaka tagal na panahon bago ko naramdaman ulit. pag mamahal, ilang taon akong nawalan ng pagmamahal sa kahit na sino. pag mamahal na ilang taon kong inipon sa sarili ko at ipinagkait sa maraming tao.
ngayong dumating ka, dumating ka sa hindi ko inaasahang panahon. dumating ka sa panahong hindi ko na inisip mag mahal ulit. dumating ka sa panahong ayoko na magpapasok ng tao sa buhay ko. dumating ka, buti nalang dumating ka. Salamat dumating ka.
Salamat dumating ka para iparamdam saakin muli na ka mahal mahal ako. hindi mo alam kung gaano ka galak yung puso ko ngayon dahil sayo, dahil dumating ka. ganito pala pakiramdam ng mag mahal muli, at mahalin pabalik.napaka sarap sa pakiramdam, napaka saya ko, yung saya na nakakatakot kasi baka bukas wala na to. ayokong matapos to mahal ko, ayoko nang mawala ka sa buhay ko. ibibigay ko lahat ng pagmamahal na meron ako wag lang matapos to.
ikaw yung nagbigay kulay sa mundo ko, ikaw yung nagpalambot sa matigas na puso ko. ikaw ang dahilan kung bakit excited akong gumising sa umaga at masayang natutulog sa gabi. ikaw yung pinaka mahirap na sugal na ginawa ko sa buhay. iakw yung sugal na okay lang kahit matalo ako ang mahalaga sumugal ako ano man ang kapalit.
mahal ko, marami pang problema ang dadating. marami pa tayong hindi pagkaka intindihan, pero sana mas matibay ang pagmamahalan natin sa kahit na anong problema ang dumating satin.
maraming Salamat mahal ko, alam kong kulang ang salitang Salamat para iparamdam ko sayo kung gaano ang pasasalamat ko sayo. maraming Salamat sa walang dalawang isip at walang kapaguran na pag unawa mo sakin. maraming Salamat sa mga pagkakataon na nawawalan na ko ng pag asa pero hindi ka nawawala para iangat ako tuwing napupunta ako sa baba.
maraming Salamat sa pagmamahal. alam kong napaka bilis ng mga panyayare sa relasyon natin. ang sabi ng iba kapag mabilis nagsimula mabilis din matatapos. ayokong matapos to, hindi matatapos to. mahal na mahal kita. sayo ko lang naramdaman na mahalin ako ng totoo, sayo ko lang naramdaman maging importante, sayo ko lang naramdaman na may halaga ako, sayo ko lang naramdaman to lahat. ikaw yung nagturo sakin na lumapit ulit sa nasa itaas sa tuwing nakakalimot ako. hindi man magiging madali para satin to, pangako hindi ako mawawala sayo,
1 note
·
View note
Text
Ang hirap kapag ang dami mong time at di ka busy, ang dami mo ding time malungkot.
0 notes
Text
Emotional Abuse
Some people won’t believe you
Because your scars are hidden
Way beneath your skin
People only believe what they can see
And that should be a sin
629 notes
·
View notes
Text
after 4 years
after 4 years bumalik ako ditto hindi ko alam kung bakit. siguro kasi hindi toxic ditto, tipong lahat pwede mong ilabas ng walang huhusga sayo, walang issue, walang toxic, tamang labas lang ng random thoughts mo tamang kwento lang sa blog kasi dito free kang ilabas lahat ng nararamdaman mo ng walang judgement, walang mawawala
I decided to deactivate my facebook account hindi ko alam kung kaya ko ba dahil buong buhay ko umiikot sa social media which is ayoko na. super toxic ng soc med Lalo na facebook so sana makaya ko ng walang fb lol. binawasan ko na din followers ko sa personal twitter kasi feeling ko lahat ng nakakabasa ng tweets ko jinajudge ako hahaha idk super pili nalang ng taong pinagpapakitaan ko ng totoong ako. I still have my other twitter tho, yung twitter na puro masasaya lang makikita ng followers, ang dyahe lang kasi kapag nakikita ng iba na malungkot ka feeling ko nahahawa ko sila or naiirita dahil sa emotions na inilalabas ko so yeah.
0 notes
Text
naramdaman nyo na ba yun? yung pakiramdam nyo pagod na pagod kayo pero wala naman kayong ginagawa. parang nakapahinga yung katawan mo pero yung isip mo pagod na pagod na
0 notes
Text
hindi ko alam kung pano ulit mag simula, ewan ko. bahala na. basta kung ano nalang pumasok sa utak ko labas ditto hahahaha
0 notes
Text
Pota di ko alam pano ba ulit mag umpisa, bat sa lahat ng bagay hirap ako mag umpisa ulit sa simula hahahaha
0 notes
Text
Potangina welcome back!!! After 4years eto na ulit ako sa tumblr hahahaha
1 note
·
View note