Photo

Because Saturday is cheat day.😂❤🍔🍟 #TGIS
1 note
·
View note
Text
Forget and be fruitful.
I don't know where to start. All I can remeber, our Pastor asked us kung sino pa ba samin ang namumuhay sa past? Hindi man ako sumagot, pero yung isip ko ang sumasagot para sakin. I'm still living in my past pren pala. Although I am okay now amd somehow, I moved on na. May times pren na it still hurts and bothering me. Isang bagay lang ang tumatak sakin, "Forget and be fruitful." Buong week naging productive naman ang relationship ko with Him. Everyday, nag bubloom, slowly but surely ika nga. :) Tomorrow, another Sunday service. Yes, my heart is craving for the revelations of His words. :) Bukas mag fufull bat nanaman ako ng soul energy ko. :) Hayyy! Thank you, Lord! :*
0 notes
Text
He called me, I said yes!
It's been a long time without You my friend.. Yes, very very long time without faith in Him, in my heart. :( Lalapit lang ako pag may kailangan ako, pag may problema ako. Nagsisimba man ako pero everytime nag sisimba ko, feeling ko puro sarcasm lang. Walang puso. :( Hindi ko alam sa sarili ko. Siguro ng yung relationship ko sa Kanya para bang relationship ng isang mag boyfriend-girlfriend, minsan nawawalan talaga ng spark PERO kung destined talaga sila for each other WHATEVER happens, babalik at babalik sila sa isa't isa. And YES! I decided to come back. After a long call. Nag decide akong maging Christian ulit. :) Hindi naman nawala yung belief ko na nandyan Siya pero nawala yung faith ko. :( Nawala AKO. Nawala ako at hindi ko makita yung sarili ko. Palagi kong nararamdaman yung tawag Niya sakin. Gumagamit Siya ng mga tao sa paligid ko bilang instrument. Like, unconciously napapakanta na lang ako ng mga hill songs tas biglang sasabihin ng Nanay ko (lola ko) na 'Anak, dati nung bata ka, sobrang active mo sa church.' Sinasabi ko na lang, 'Hindi ko pa alam totoong relehiyon ko.' Tho, may kurot sa puso ko habang sinasabi ko yun. And then.. The day came. Exactly May 20, 2015. Nag try ako makinig sa Youtube ng mga hillsongs. Ulit. For the first time, after a long time. Habang nakikinig ako, there's a joy and peace in my heart na nabuo. Totoo pala, totoong dadalhin ka sa peace kung nandoon ka sa gusto mong lugar. At gusto ko 'to yung nasa puso ko Siya. I decided to come back, to be born AGAIN. :) "I'm coming back to the heart of worship.. Where it's all about You.. It's all about you Jesus.."
0 notes
Photo

Deleting all the pain, regrets, and heartaches from the past. Actually, hindi lang to wala lang o trip ko lang. Iyon lang sinasagot ko sa mga nagtatanong kung bakit daw ba ako nag pagupit. Feeling ko kasi, andami ng panget na memories, dami ng regrets. Kaya tama na. Ekis na! :) New hair, new life, new start. I moved on! :) And I'm super happy with that! Kanina nga bago ko gupitan ilang ulit akong tinanong ni Ms. kung itutuloy ko daw yung pag papagupit ng ganito kaikli. Oo lang ako ng oo. For a change nga kasi. Hahaha! So ito na nga, my life starts here again. #Movedon
3 notes
·
View notes
Text
#RoadtoForever102
We've been through a lot. So I think, we deserve to be happy na. It's time to be happy again!! :) So ayun nga, iniisip ko/namin na if ever magkawork na ko, hindi masasakop ng mga benefits ko yung mag ama ko. :( Hay. Pero, naisip naman namin, we're planning to get married na. Okay na rin yung lahat, hindi ito magiging madali. Nasa process na kami ng counseling with each other and nag paplano na kami kung saan ba ang ideal naming place, theme, mga taong makakawitness ng wedding namin. Hindi naman ito yung sinasabi nilang formality lang, syempre, kung gsto namin mag pakasal makakasal na kami sa tulong ng mga parents namin, dati pa man gsto na ni Daddy at ng parents ni Janrei na ikasal kami. Ang dahilan naman ni Mama, syempre, yung sa diploma ko, saka mahirap mag hanap ng work kapag married na status mo. Ganyan sa Pinas. Tanggapin na lang natin. :) Eto na nga, nag paplano na kami. May tatlo kaming pinagpipilian na theme. *COC *Dot Arena or *DOTA Hahahahahaha! Pero syempre, joke lang yun! :pp Ang napagkakasunduam namin sa ngayon, *Red Rose *Pure Red *Black and White Lagi kaming nag kakaasaran, parang bata lang kumbaga. Hahahaha. Gusto nya kasi Black and Whote which is gsto ko rin nung una, kaso feeling ko ang patay ng color. Oo elegante, pero syempre sana sa theme nandun ung expression ng love namin for each other. Ang gusto ko, Red rose theme. Ang ganda lang super! :) Ayaw nya, too much girly daw. So ang ending, ang theme namin ay White and Red. :) Final na as of now. Matatapos na rin yung list namin ng entourage. Most of them, family talaga. Ang nakalagay lang sa entourage namin na friend ay yung pinakaclose lang talaga namin. As in. :) Sabi niya sakin, gusto daw niyang tuparin yung dream wedding ko na beach wedding. Oo, gsto ko yun. Mas gusto ko. Kaso inisip ko, kung beach wedding, hindi ko mabbgyan ng assurance yung sarili ko na lahat ng gusto naming makawitness ng wedding namin ay makakapunta. Unang una, pag beach syempre malayo. Yung weather pa. Kaya hindi ko iririsk yung bagay na yun. Hindi naman sa ayoko talaga sa church pero ang napili namin ay garden wedding. Mas solemn. Mas private. :) Speaking of private, napagdesisyonan namin na magiging sobrang exclusive lang yung special occasion na to sa closest friends and family lang namin. Naisip ko kasi, nakakadala yung madaming bisita. Hindi lahat kakilala ko o namin. Ewan ko ba. Nako. Mas better diba kung mas konti yung tao mas maaccomodate namin silang lahat. :) As of now, ayan palang yung napagpaplanuhan namin. Since next year pa naman yun. Hopefully! Hehe. Kasi, namimili kami kung October or November 2016 or June 2017. Kasi dream ko rin maging June bride. :) Atleasst for now. Marami na kaming plano. At, implementation na lang ang gagawin namin pag malapit na. Hay! Lord, guide mo po kami ha? :)
2 notes
·
View notes
Text
#RoadtoForever101
We've been through a lot.. What I can say is, we're really proven and tested. Our relationship with each other, together or even individually. I just really wanna thank God for giving me the most understanding man in the whole wide world. :) In between the last week of May 2013, nadelay ako. Oo, 3 years na kaming mag boyfriend-girlfriend that time. Pero.. We're still too young to have a family.. But then again, hindi naman ako bibigyan ni Lord ng mga pagsubok na hindi ko kayang i-handle. My pregnancy back then was comfirmed gamit yung pregnancy test kit. 2 lines meant positive. Actually, hindi pa nag sink in sa akin lahat yun. Akala ko joke pa rin. Akala ko pwede pang magawan ng paraan. Abortion.. 2 weeks, 3 weeks, at tumatagal ng tumagal. Wala kaming nagawang paraan.. Gustuhin man naming mag paabort, pero ayaw ng puso at konsensya ko. Hindi ko kaya. Para bang battle between my own blood and flesh vs. my dreams and better future. Dead end. Morning sickness is hitting me, pregnancy signs became too strong.. Hindi pala ganoon kadali. Una pa lang, nakapagdecide na ako na itutuloy ko ang pregnancy ko. Pero siya, in denial, he still wants the abortion. I almost gave up sa relasyon namin. Sabi ko, kung ayaw niya kong panagutan, tatanggapin ko kahit hindi okay sakin. Ano ba naman magagawa ko diba? Eh sa ayaw nung tao. Pero, ewan ko ba. God is good nga talaga. Answered prayers para sa akin na pumayag na si Janrei na lumaban together with me. :) And then the battle with him starts here.. Last week of June 2013, almost after ng debut ko. Umamin na kami sa mga parents namin. Naisip kasi namin na lumalaki na yung tyan ko. Although wala pa naman talagang baby bump.. Pero diba? Eventually, lalabas din at lalabas ang katotohanan. Syempre, nadisappoint ang mga magulang namin. What would I expect? Pero lahat, lahat ng pag iipon ng lakas ng loob kinaya namin. Sobrang thankful lang ako dahil maluwag naman kaming tinaggap ng mag kapareho naming pamilya. November 2013, it's a baby girl! :) God's gift talaga! Pero ang ineexpect ko, baby boy. Feeling ko kasi baby boy. Pero sabi nga nila, never assume unless stated. Hehe. Super happy ko nun, dahil sa wakas! Meron na kong living doll. Hindi man naging baby boy kagaya ng gusto ni Daddy Janrei, masaya pa rin siya knowing na healthy ang aming baby girl. We're truly blessed talaga! January 18, 2014. Avemayr Tiffany H. Polinga met the world thru CS operation. She's a bouncing baby girl! :) Very healthy. Her perfectly shaped eyebrows, mesmerizing eyes, such a pointed nose, and very kissable lips, says it all! She's a masterpiece. She's a perfection! Plus the fluffy and rosy cheeks. Lol! Hindi ko makakalimutan ang una kong naging reaksyon habang inooperahan ako, hearing her very loud cry, it conquers the whole operating room. Para ba kong lasing na binuhusan ng mainit na kape, my world just arrived. Sa recovery room, una ko siyang nakita, her receiving blanket was hugging her whole body. I saw her already, after 9 months of waiting.. After all the pains and heartache, everything is worth it! :) "Ang ganda, sobra." The first words that my mouth shuttered. I am the happiest! I am so blessed! Having a child is like a roller coaster feeling, sobrang saya, like everytime na may bago siyang natutunan, achievement sainyong mag partner yun and even sa family niyo na nakapaligid sainyo. Simpleng pag smile at halakhak niya, gusto mong masubaybayan. Lahat. Kapag naman naiiyak siya at nag kakasakit, para bang gusto mo nren akuin lahat ng pain na nararamdaman niya. Na kung pwede lang, wag na siyang masaktan ikaw na lang. Totoo, having Tiffany made me and Janrei stronger and better. And still making us better, everyday. Financial problems, family problems, relationship problems. Small and big fights, mahirap i-handle pero basta't dalawa kayong lumalaban, malalapasan niyo rin yan. What I learn in our entire relationship? Honesty and trust. Kasi naman, walang ibang susi para sa isang masayang pag sasama kundi iyang dalawa na yan, syempre given na yung love. Palagi niyang pinapaliwag sakin na wala akong ibang kakampi kung hindi siya, ma bukod sa pamilya ko, siya at siya lang rin ang tatanggap sa lahat ng maling nagawa ko. Hayy. :') It's really a blessing na magkaroon ako ng kagaya niya. At ito na nga, it's really confirmed. We decided na to get married. Slowly fixing everything.. Aside sa financial, we're already counseling ouselves sa mga posibilities. Matagal na kaming gustong ipakasal ng parents namin, ayaw lang namin dahil nga syempre, kahit paano gusto namin sa financial aspect majority ang share namin. Right after his graduation next year, 2016. Ipon lang kaming konti, and lahat ng sinisimulan na naming planuhin ngayon, eexecute na namin. :) Hay. Lord, thank you sa lahat! #Mr&Mrs2016
3 notes
·
View notes
Text
Mother talks..
I had a big talk with mom again. After nung nangyare, mas narealize ko na sobrang sarap makausap nung Mama ko. Palagi niyang sinasabi na marami na daw akong pinagdaanan, na every challenge na dumadating sa buhay ko dapat may natutunan ako. Hindi ko alam kung paano ko i-handle nung una. Pero unti-unti, I'm getting better everyday. Masasabi kong hindi ko na niloloko yung sarili ko kapag simasabi kong "Okay na ko." Mas madali pa lang gumising araw-araw kapag tinaggap mo yung nangyari ng bukal sa puso mo. Masaya na ko, masaya na ko ulit. Achievement! :) "Kung totoong kaibigan ka nila, ituturing ka nilang pamilya at ang pamilya, kahit gaano pang kalaki at kasama ang nagawa mong kasalanan, tatanggapin at tatanggapin ka." -Mama "Kaya nga sila tinawag na pamilya at kaibigan diba, kasi nandyan sila at ipaaalala sayo na mali ang mga ginagawa mo, hindi yung nadapa ka nga, gusto ka pa nilang lunurin." -Mama We end our conversation with a hug. Di na ko talaga nakapagsalita. Dahil narealize ko na lahat ng sinasabi ni Mama totoo. :'( Ma, you're always right. Hay. Thank you Lord! :) Better, stronger.
2 notes
·
View notes
Text
Napakarami kong sinaktang tao.. Napakarami kong niloko. :( Sobrang punishment.. Alam ko doble naman talaga pag naningil ang karma.. Pero once in a while, naging mabuting tao at kaibigan naman ako. :( One mistake then everything falls.. :'( Lord, I want to move on. Pls give me the courage to move on. Pls Lord. :'(
2 notes
·
View notes
Photo

I maybe the worst person that anybody can meet. But I swear, hindi ako masamang anak, girlfriend, at nanay sa anak ko. Siguro nga, masama akong kaibigan at sa lahat ng pagkakataon ako lagi yung nagiging dahilan ng ending ng friendship. Pero hindi naman ibig sabihin nun na sobrang sama kong kaibigan dahil kung meron mang totoo sakin, totoo kong mag mahal sa isang tao. :( Sobrang sakit lang nung malaman ko na parang pinipigilan nila si Janrei na pakasalan ako dahil nga hindi ko daw kayang magpakatotoo sa kanya. :( Kaya ko naman lahat saluhin, lahat ng masasamang sinasabi nila sakin dahil unang una deserve ko yun, tatanggapin ko yun. Pero hindi man ako deserve ni Janrei dahil hindi ako naging totoo sa kanya sa ibang bagay, totoong totoo naman kung pano ko siya minahal. :'( Totoo yun. Hindi pba sapat na punishment ang mawalan ako ng kaibigan. Sobrang torture na nun. Hndi pba sapat na I almost kill myself yesterday.. :( Talking to God, may mas better siyang plano sakin para maging better person ako. Hindi ko dapat tapusin buhay ko dahil lang nadedepress ako. Si Tifa, she don't deserve to grow without my guidance and presence. Si Janrei, siya pa.. Siya pa nanghingi ng bagong simula. :( Nakakahiya. :'( Thankyou Bb for pushing me to be a better person everyday. :'( Madami pa kong dapat ayusin, hindi pa oras para mawala ako. Thank you Lord for guiding me, everyday. Sorry for being a sinner. :(
2 notes
·
View notes
Text
Long time no post! :)
Hello tumblr! Grabe. Namiss ko 'to. Because goodbye to twitter amd fb for now. Dito muna ko tatambay ulit. Hayy. :) Nakakamiss. Thankful pren ako kahit na sobrang disappointment ang nagawa ko sa partner ko, eto pa rin siya. Nag papatawad. Kahit na nga, pnagtutulukan ko pa siya palayo.. Ayaw niya. Nakakaguilty. Pero ganon talaga ang buhay. Ngayon lang nag backfire sakin lahat, so ang kailangan ko lang gawin ay tanggapin yung lahat ng consenquences. Napapa-okay lang yan, ako. Hay. Sumakit mata ko at ulo ko kakaiyak. Pero si Lord na bahala. Alam naman niya kung anong makakabuti sakin. :) Thank you Lord sa lessons! I love you! :*
2 notes
·
View notes
Photo

If talking to you is a sin.. Then, I'd rather be a sinner. You're the best. #youknowwhoyouare
1 note
·
View note