rsnnpasha
rsnnpasha
Pasha ❤
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
rsnnpasha · 5 years ago
Quote
"Magkikita tayo sa huling pahina ng libro. Ikaw at Ako. Tayo hanggang dulo."
0 notes
rsnnpasha · 5 years ago
Text
Pinagtagpo at Malay mo, Itinadhana
Bakit ba may mga taong pinagtagpo pero hindi naman tinadhana.
Bakit may mga taong kelangan magkrus ang landas, kung kelan pareho na silang walang takas.
Bakit? Bakit?
Sa dinami dami ng lugar na pinuntahan mo, na panahong andun din ako. Bakit di tayo nagtagpo? Nung pareho pa tayong wala, hindi ngayong pareho tayong nagkakasala.
Sa dinami dami ng pagkakataon na sana tayo'y nagkakilala, pero di pinagkaloob ng tadhana.
Bakit? Bakit nga ba ngayon lang tayo pinagtagpo?
Ngayon, sa wakas. Tayo'y pinagtagpo. Pero tangina bakit ganun, mukhang hindi tayo tinadhana.
Ganun ba talaga kalala? Na pati tadhana iba din ang pakana?
Gusto ko lang naman maging masaya? Ganun ba talaga kahirap maging masaya?
Bakit? Bakit parang pinagdadamot ng tadhana na tayo’y maging masaya sa piling ng isa’t isa.
Bakit kelangan nating magtagpo pero kelangan din nating magtago?
Bakit pa tayo pinagtagpo kung kelangan rin pala nating magtago sa mundong pareho nating binuo.
Bakit? Bakit ba talaga tayo pinagtagpo?
Hindi matatapos ang tanong na bakit, gaya ng hindi natatapos na sakit kung bakit hindi pedeng yung salitang 'tayo'
Pero sa ngayon, hayaan mo muna kung mahalin ka sa paraang gusto ko at sa paraang masaya ako.
Kasi malay mo, malay mo mapagod ang tadhana.
At malay natin ibigay satin ng mundo yung tayo.
Kasi malay natin ang sagot pala sa lahat ng bakit eh “Pinagtagpo tayo kasi tayo talaga yung itinadhana.”
1 note · View note