sailornicholas
sailornicholas
nicole
75 posts
;
Don't wanna be here? Send us removal request.
sailornicholas · 8 years ago
Text
Blog #42: Ft. “My thoughts”
So these past few days, i can’t think straight bc im always not in the mood and i’ve notice i had become a little bit emotional. Di ko alam what’s up with my pancreas pero it hurts like hell. Di ako makakain ng maayos to the point na i’m losing my appetite and water is the only cure sa kumakalam kong sikmura. I think nag trigger nanaman yung ulcer ko. I had this before and grabe yung hirap. Mga 3rd yr hs ako non ulcer sabayan pa ng amoebiasis and it sucks talaga. Ulcer kasi nagsskip ako lagi and amoebiasis dahil sa streetfoods. Ngayon feel ko bumabalik nanaman siya kasi nagsskip ako nung mga nakaraang buwan dahil busy sa school and now I’m paying the fucking price. Sobrang hirap namimilipit ako sa sakit di ko na alam gagawin ko. Just act normal pero what if I can’t take it any longer at maging mas worst pa???
3 notes · View notes
sailornicholas · 8 years ago
Text
fuck ulcer :(
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Text
I should get my shits togetherrrrr
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Text
;
4 days ago, gabi non, nagiisip ako sa mga bagay bagay. Narealize ko na naddepress nanaman ako. Andyan yung continuous padin yung pang huhusga sakin ng ibang tao, may masasabi padin kahit nananahimik kana. And much worse, may nalaman nanaman ako oo matagal na to, mga around July at napatawad ko na yung taong nakagawa sakin neto pero dito talaga nagstart lahat. Binabastos niya na pala ko habang nakatalikod sa isang convo tapos yung isang girl na once naging kapatid turingan namin sa isa’t isa, nakita ko yung rants niya sa conversation doon na kesyo “di ko daw pinahalagahan yung pinagsamahan namin” kesyo “wala lang saakin lahat ang bilis kong lumayo” ASK YOURSELF, AKO LANG BA TALAGA MAY KASALANAN DITO? SIGURADO KA BA NA IKAW LANG YUNG NASASAKTAN DITO? Hirapsainyo puro mali ko lang napapansin niyo eh pero mali niyo di niyo pansin. GUSTO MO IRECALL NATIN? Una, kaya pala pag papasok ako sa room at kakatapos ko lang makipagusap sa taong ayaw niyo, SINONG UNANG LUMALAYO? SINONG UNANG NAGIGING COLD? Ilang days kayong ganyan sakin pero ginagawa ko lahat para lang pansinin niyo ko, para lang makuha atensyon niyo kasi everytime na ganon pinapakita niyo sakin nanghihina ako. MISS NA MISS KO KAYO. Nakakadown kasi kailangan niyo pa ba kong iwasan kasi di niyo gusto ginagawa ko? Kailangan bang ganon? Di nalang ako diretchohin? Another recall, “SILA NA BA?” “LUH BAT SIYA GANON DI PA SILA PERO NAG-IILOVEYOUHAN NA” Remember these words na lumabas sa bibig mo? :) Bat di mo masabi saakin ng harapan? Bat kailangan sa ibang tao ko pa malalaman? Kaibigan ba talaga ko sayo? Yung totoo? YUNG TOTOO? Sa ibang tao naipagsasabi mo pero saakin ano? Wala? Sinubukan kong ibalik lahat, wag mong sabihing ikaw lang gaya nga ng sinabi mo “RAMDAM KO COLDNESS MO” Hindi lang ikaw o kayo yung SUMUBOK IBALIK YUNG DATI, NAPAGOD LANG AKO SA TOTOO LANG NAKAKAPAGOD KAYONG SUYUIN. KAYA MAS PINILI KONG TUMIGIL NALANG KESA ITULOY PA NAGMUMUKHA LANG AKONG TANGA LALO. KAYA MAS PINILI KO NALANG NA “DUMISTANSIYA” YAN YUNG DAHILAN KO. WALA AKONG PINILING TAO. WALA AKONG BINALIWALA. Wag mong sasabihin na KAYO lang kumikilos dito. Kasi di niyo alam side ko WALA KAYONG ALAM SA NARARAMDAMAN KO. At ang pinaka masakit pa, kasama ka sa mga taong pumuna saakin. KASAMA KA DON KAYA ANG SAKIT SAKIT. Marami akong naririnig sa paligid ko aware ako sa lahat ng sinasabi sakin sa loob ng SECTION natin. Halos lahat kayo eh may nasabi. Alam mo wala kong pake don eh kasi di naman talaga ko kilala nila at wala kong pake sa mga taong yon. Pero ang pinaka nakasakit sakin sa lahat ng nalaman ko, Yung sayo. Concern? Kung concern ka sakin mo mismo sasabihin, hindi sa kung sino sino. Tapos kelan lang may nalaman nanaman akong bago. Tama na pls tama na. Lagi ko nalang pinapalagpas lahat kaya ako nagmumukhang may mali palagi dito. Oo may pagkakamali din ako. Pero di lang ako. Kayo mismo sa sarili niyo may mali din kayo. Nananahi mik na ko tama na, habang patagal ng patagal ang sakit sakit na. Tama na pagod na pagod na ko sa pangjjudge ng ibang tao. Ako na masama. PAGOD NA KO, TAMA NA. PLS UTANG NA LOOB. TAMA NA. ANG SAKIT SAKIT NA.
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Text
Yung last update ko pala dito was me moving on hahahaha
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Text
Walang maisip na title
Kakalimutan na kita, kagaya ng paglimot mo sa mga alaala natin, kakalimutan ko na lahat ng mga pangakong binitawan natin. Alam ko namang hindi na yun mahalaga sayo, baliwala nalang yun sa puso’t isipan mo. Kahit ilang beses ko pa ipagsiksikan ang sarili ko, wala na kong magagawa; kaya mahal tataggapin ko nalang di na ko magmamakaawa.
Mahal malaya ka na. Oo, pinapalaya na kita. Hahayaan ko nang maging masaya ka kahit ang balik sakin ay pagdurusa. Hindi na kita guguluhin, Hindi kana hahabulin, mahal ikaw ay akin nang patatahimikin. Ngunit ako ay may isang hihilingin. Sana sa iyong pagalis wag ka nang babalik pa, siguraduhin mong ang pinto sa likod mo ay tuluyan nang nakasara. Paalam mahal ikakandado ko na.
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Quote
Pinalaya na kita, sana yung sarili ko din kaya kong palayain sa pagkakakulong ko sayo
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Text
An open letter for you.
Dear G. Wow naman! Saya saya mo na ah? Buti ka pa ilang araw palang nung inalis moko sa buhay mo may nagpapakilig na agad sayo. Masaya ko para sayo, kasi di kana nahihirapan gaya ng sinabi mo. Wala nang nagpapabigat ng pakiramdam mo. Masayang masaya ko para sayo kahit na sa kaloob-looban ko ang sakit. Gusto ko tanungin kung bakit eh. Kung saan ako nagkulang, kung di pa ba sapat lahat ng ginawa ko para maging masaya ka at kung bakit parang ang dali mo kong nakalimutan. Kaso di bale nalang, para saan pa diba? Masaya kana eh guguluhin ko nanaman ba buhay mo? Okay lang. Deserve ko naman siguro tong mga nangyayare sakin eh. Magpapakapositive nalang ako kahit ang sakit sakit na. Magiging okay din naman ako, panandalian lang to diba? Kung ikaw naging masaya, ako din kaya ko maging masaya. Alam mo kahit na iniwan mo ko at ang sakit sakit ng ginawa mo sakin, di ko pinagsisihan na ikaw yung pinili kong mahalin. Siguro nga talagang hindi mo lang ako kayang mahalin. Unti unti ko nang natatanggap, ganto talaga wala akong magagawa. Pero siguro kung nakaya kong palayain ka, kaya ko din palayain yung sarili ko sa pagkakakulong ko sayo. Hayaan mo, konting panahon nalang makakaraos din ako sa mga bakas ng sakit na iniwan mo.
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Quote
Cause baby you look happier, you do. My friends told me one day i'll feel it too. But until then I'll smile to hide the truth. But I know I was happier with you.
E.C. Sheeran
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Quote
Sinanay mo ko sa mga bagay na panandalian lang pala.
Her POV
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Text
Gusto lang, hindi MAHAL
Magkaiba ang gusto ka lang sa mahal ka. Kapag gusto? Panandalian lang yan, parang crave kumbaga. Na kapag nakuha mo na, okay craving statisfied tapos wala na hahanap na ng iba kasi nakuha ko na eh ayoko na niyan nakakasawa, gusto ko iba naman. Gusto ka lang. Kasi hindi naman ikaw yung totoong tipo niya. Pinag practice-an kalang. Wag ka umasa na mahal ka, kasi magkaiba kayo ng nararamdaman. Hindi ka mahalaga sakaniya. Masakit diba? "Gusto lang kita, pero hindi kita mahal." Sana ako din, GUSTO nalang din sana kita. Pero mahal na mahal kita eh wala kong magawa kundi tanggapin na wala kana. Sana maging masaya ka.
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Text
...
Simula nung pagbaba ko sa barko ang daming nagbago. Napapadalas na yung pag aaway natin, nagkakapalitan ng mga masasakit na salita. Dumating pa nga sa point na pinipilit mo kong sumuko kasi nasasaktan na ko. Alam mo namang di ko kayang gawin yun diba? Hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko alam mo naman siguro yun. Minsan napaisip ako kung napipilitan ka nalang ba sakin kasi alam mong mahal na mahal kita. Sobrang down na down ako lalo pa nung nalaman ko na ayaw sakin ng parents mo. Tapos naging limitado na yung oras natin sa isat isa, di na tayo nagkakasama ng matagal gaya ng dati at minsan pa nga hindi na talaga tayo nagkikita. Dami ko nang adjustment na ginagawa pero parang may di talaga nagtutugma. Sana kahit ganto sitwasyon natin wag moko sukuan. Sana lahat ng sacrifices ko di mauwi sa wala. Sobrang nasasaktan na ko pero i still chose to fight. Ipaglalaban ko tayo, ikaw lang gusto ko makasama wala nang iba. Sana ikaw din, sana maging kagaya tayo ng dati 😔
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Quote
But i choose to be happy, Is it bad?
Y.T
0 notes
sailornicholas · 8 years ago
Text
Goodbye
Di ko alam kung pano tayo humantong sa ganitong pangyayare pero gusto ko lang na malaman mo na sumaya ko sayo. Walang halong regrets. Thankyou sa 14 months na memories, sa mga panahong dinamayan mo ko, sa mga panahong minahal mo ko nung di ko kayang mahalin sarili ko. Salamat kasi tinaggap mo ko kung ano ako, thankyou sa pagpapasaya sakin. Lagi kong sinasabi diba? Na di ako mag-ggive up sayo? Na di kita iiwan kasi nga ikaw na yung gusto kong makasama habang buhay? Totoo lahat ng mga binitawan kong salita pero pasensiya kana ha? Pasensiya kana kung hindi ko na matutupad lahat ng mga ipinangako ko sayo. Its been days, simula nung sinabi ko sayong tapusin na natin lahat. I'm sorry if i couldn't kept my words. I was fed up with everything. Involving your girl from your past, your shitty habits, your attitude, everything. Hindi na ko masaya sa set up natin noon palang and you even told me na nararamdaman mo na yun nung decemeber pa. And why didn't you do anything para maayos pa? Alam mo naman pala na may mali eh bat di mo inayos? Bat hinayaan mo na maging cold ako? Pero I'm not blaming you. Maybe eto na nga yung sinasabi nilang 'it's too late'. Too late because i realized my worth. You crawled back many times but i rejected you. Im sorry i didn't mean to hurt you pero di na kita kayang tanggapin uli sa buhay ko. Nabigyan na kita ng second chance at wala nang susunod. Ayoko nang abusuhin moko uli. I won't let that happen again. Im sorry mamimiss kita sobra. Nakilala kita as simple guy na walang kaarte arte sa katawan. You know that i loved you, lahat ng pinakita ko sayo totoo yun pero nakakalungkot isipin na ganito kinahinatnan natin. Magsilbing lesson sana to satin. Sakin, kasi narealize ko na di dapat binibigay lahat, dapat magtira sa sarili. Kasi ako binigay ko lahat sayo eh pero tignan mo nangyare? Nasaktan nanaman ako. And to you, next time, or should i say sa susunod na magiging relasyon mo, be mature. Wag kang makasarili at mahalin mo girlfriend mo. Bigyan mo ng oras, pati atensyon mo. Wag ka ding makati. Dont trade a gold for just a piece of crap. Try mo namang magpakaloyal. Wag ka pumasok sa isang relasyon kung di mo maiwanan ang pagkaimmature mo. Akala ko ako yung immature sating dalawa eh pero ikaw pala. Goodluck sa buhay, galingan mo at wag ka panghinaan ng loob. Wag mo din isipin na nakahanap na ko ng iba kasi una sa lahat bago pa lahat ng nangyare matagal ko nang gustong kumawala. Im sorry for faking mg feelings, for leaving you and for hurting you. Thankyou for loving me and goodbye.
0 notes
sailornicholas · 9 years ago
Text
Section II - Bravo
I finally went from C to B 😂
0 notes
sailornicholas · 9 years ago
Text
Go Go Go!
Go check moonlightbbx 's blog 😁💕
0 notes
sailornicholas · 9 years ago
Quote
Simula na ng bagong gobyerno, simula na din ng pag-asa, eto ang kadalsang naririnig natin ngayon dahil sa bagong adminstrasyon. Inaasahan ng mga mamamayang Pilipino ang pagbabago sa ating bansa lalo na pagdating sa ating gobyerno. Ano ano nga ba ang mga inaasahan nating mga Pilipino na pagbabago? Bakit maraming sa atin ang naniniwala na sa kasalukuyang administrasyon ay mababago ang Pilipinas? Magandang tanghali mga kapwa ko kamag-aral, gusto ko lamang ibahagi ang talumpati na aking nilikha, ang Bagong Administrasyon, Bagong Pilipinas. Nahalal bilang bagong pangulo si Pres. Rodrigo Duterte o kilala bilang si Digong na dating mayor ng Davao. Isa ako sa libo-libong taga-hanga ng ating pangulo. Maraming Pilipino ang inihalal siya dahil sa pagiging simple niya at sa ipinangako niyang pagbabago. Una sa lahat, naniniwala akong marami siyang magagawa para sa bansa. Isa na dito ang kanyang kampanya na labanan ang droga. Sa nangyayari ngayon, masasabi kong nagkakaroon na ng progreso ang krimen laban sa droga dahil sa mga kabi-kabilang naaaresto at sumusukong mga tao na gumagamit nito. Ibang iba sa nagdaang administrasyon dahil sa tingin ko halos walang progreso noon kumpara ngayon. Alam ko marami pang magagawa ang administrasyong Duterte di lamang sa pagsugpo sa droga kundi pati na rin sa mga korupt na mga gobyerno na inaaksyunan na ngayon. Sana lang magtulung-tulungan tayo para sa bansa natin, di lamang iasa lahat ng gawain at isisi ang mga pagkukulang sa ating gobyerno. Naniniwala ako na di pa huli ang lahat para sa pagbabago, at sa kasalukuyang administrasyon ay magbabago ang Pilipinas para narin sa darating pa na mga bagong henerasyon.
BAGONG ADMINISTRASYON, BAGONG PILIPINAS Norween Nicole D. Padpad
1 note · View note