sarsalec
sarsalec
sarsale_c
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
sarsalec · 1 year ago
Text
Tumblr media
I met this guy named Joah when I was still in college. He courted me, and I can say he had a chance since he's smart, tall, handsome, and I especially love his brown eyes. When Christmas came, I decided to say yes to him, and we got together. We were so happy, experiencing highs and lows, but ultimately, we remained strong. Then, one day, he proposed to me. I was speechless, my heart pounding. All I knew was that he was the one I wanted to father my child, so he got my sweetest yes.
After two years of marriage, we finally had a baby. I was overjoyed to discover I was pregnant, and my husband shared in that happiness. I couldn't wait for us to see our baby and become a happy family. So, we waited for nine months, but when the time came, I didn't make it. I couldn't believe I was already gone, watching my husband cry upon hearing the news from our doctor. We were so happy, but I never imagined this would be the end.
I didn't know that in death, I could still see my loved ones suffer. It's been a year, but my soul lingers in this world, watching my husband with his new family. It's heart-wrenching to see them happy while I remain here, just a soul wandering. Yet, I find comfort in being able to see my baby grow, taking her first steps. I long to hold her, to hug her tightly, but I can't. All I can do is watch. I don't understand why this is happening, why I'm not yet in heaven. I've always been faithful, praying, "I wish I were still alive," wishing I could hold my baby, but I remain only an observer to her life.
The Christmas eve came and my husband together with my baby and his new wife decided to celebrate outdoors. As I watched the people enjoy the events, I couldn’t help but ache of longing. The bustling crowd, the tempting food but all I could do was watch, wishing I could join in the joyous occasion. The thought "I want to be alive" echoed again in my mind.
Then, as I watched my baby walking away, she suddenly stopped and turned to look directly at me. My heart swelled with longing as she made her way towards me. I scooped her up, holding her tightly. I couldn't believe it when I was able to embrace her, tears streaming down my face. But then, unexpectedly, she began to cry, and I felt helpless, unsure of what to do. As I tried to comfort her, I noticed my husband approaching. He reached out to take her from me, but his expression turned to shock when he saw my face. Even his new wife couldn't believe what she was witnessing. Despite their disbelief, they chose to walk away with me.
I decided to follow them, and I could notice their fear of my presence. I understood, it must have felt like they were seeing a ghost. As they realized I wasn't going to stop following them, they initiated a conversation. I chose to reveal myself as Charrie, Joah's ex-wife, his first love, and the mother of baby Kisha. Joah and his current partner were shocked and couldn't believe what was happening. Eventually, they decided to bring me home, where we sat down and talked. Kisha was already asleep, so I took the opportunity to explain to them what had truly occurred and why I was still present. Although they seemed hesitant to believe, I could sense my husband's desire to embrace me. I believe his partner noticed too, as she excused herself and went to their room, allowing us to have a private conversation.
My husband embraced me tightly, tears streaming down his face. I returned the hug, tears of my own spilling over as I expressed my happiness for his newfound family. Promising not to interfere, I reassured him that my only desire was to care for our baby. We talked, and I was grateful that he respected my wishes. Afterward, I slipped into my baby's room and settled beside her, overcome with joy at being able to hold her as I slept. Despite my nerves about what tomorrow might bring, whether I'd still be able to touch her or if I'd return to being a mere soul. I cherished the experience of being with Kisha tonight. So, with anticipation, I awaited the dawn of a new day.
In the morning, I was awakened by the sound of my baby Kisha crying. Opening my eyes, I saw her little face and immediately lifted her into my arms. I asked her if she was hungry, and she responded with a sweet "yes" in her tiny voice. My heart swelled with happiness at the chance to care for her and feel her warmth in my arms. I settled her into her high chair and prepared a meal for her. We shared breakfast together, and I cherished every moment of our time together. Throughout the day, we played, watched movies, and enjoyed each other's company. I even had the opportunity to bathe her and begin teaching her how to read and write. The happiness I felt was beyond words, and I wished for this moment to last forever. As night fell, I cuddled close to Kisha as we drifted off to sleep together once again, grateful for the precious time we shared.
But as I drifted off to sleep, I found myself in a realm of white, hearing the gentle toll of bells. Realization dawned upon me; I was finally in heaven. God had granted my wish, allowing me to experience the joy of motherhood, even if only for a day and finally I could now rest in peace.
'The End'
0 notes
sarsalec · 1 year ago
Text
Tumblr media
“Joshua, mamaya wag mo kalimutan ha!” pasigaw kong sabi sa isang kong kaibigan.
“Oo pre, anong oras na ulit?” tugon naman nito.
“Alas singko sa harap ng bahay” sagot ko at sumenyas ito na pinapahiwatig na nakuha niya ang aking sinabi.
Araw na naman ng Agosto at kaarawan ko na ulit. Ay ako nga pala si Owen, matangkad, moreno at masiyahing binata. Ang bilis talaga ng panahon e no, dati naalala ko lang umiihi pa ako sa may higaan namin. Ngayon, bente anyos na ako at malapit ng grumaduar sa kolehiyo.
Ako’y naglalakad papuntang silid-aralan at masayang iniisip ang mangyayari mamaya. Kasi naman sa may malapit na bar dito sa La Union gaganapin ang selebrasyon ng aking kaarawan. Syempre kasama ang mga matalik kong kaibigan at hindi na ako makapaghintay pang makasama sila. Alas singko sa hapon at papunta na kami kung saan gaganapin ang ang aking kaarawan.
“Pre, madami bang mga babae ron?” biglang tanong ni Michael.
 “Gag*! Puro ka babae!” sagot naman ni Joshua.
“Sayang kasi pagpunta kung walang babae e.” patawang tugon nito.
At napahalakhak nalang kami sa asta ng aming kaibigan. Nang makarating sa paroroonan pumasok na agad kami sa loob, hindi na bago na marami talagang mga tao rito dahil kilala ang lugar na ito kung inuman ang pag uusapan. Humanap na kami agad ng pwesto at sinimulan na ang selebrasyon. Masaya ako ngayon at kasama ko ang aking mga kaibigan. Maingay lang kaming nagkwekwentuhan, pinag uusapan ang kung ano mang pwedeng pag usapan. Naririnig at nakikita ko ring nagsisiyahan ang mga ibang mga taong kasama namin dito sa loob. Dahil siguro sa kalasingan ay hindi na nila mapigilan ang kanilang mga boses lalo na’t tumigil na ang banda na siyang nagbibigay kanina ng saya.  Ngunit nagulat kami ng biglang may nagsi-away sa loob. Hinahawi ng isang lalaki ang isang lalaki na may malaking katawan at madaming guhit sa katawan habang nakikipagtalo sa isa pang lalaki. Normal lang naman ito sa may bar kaya at hinayaan nalang namin at hindi na pinansin at baka kami pa ay masama sa init ng away.
Ako ay nakaramdam ng pag ihi.
“Punta lang akong banyo mga pre.” paalam ko sa aking mga kaibigan.
Nararamdaman ko na ang epekto ng alak sa aking katawan. Hindi na rin masyadong malinaw ang pagtingin ko at paekis-ekis na rin ang lakad papuntang banyo. Nang pumasok ako sa may loob, laking gulat ko ng may nakitang isang lalaki na maraming saksak at puno na ng dugo ang katawan. Bigla akong nahimasmasan at hindi alam ang gagawin. Nang palabas ako sa banyo at balak sanang humingi ng tulong ay biglang nakasalubong ko ang isang lalaking malaki ang katawan at madaming guhit sa katawan. Dito ko na naalala na ang patay na nasa loob ng banyo ang nakipag away kanina.
Tumingin siya sa akin at nakaramdam naman ako ng takot.
“Balak mo bang magsumbong?” tanong nito sa malalim niyang boses.
Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang isasagot.
Ito ang pumatay sa lalaki ang lalaking kaharap ko ngayon. Sari sari na ang naiisip at hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
Ngunit bigla ulit itong nagsalita ulit “Kung magsusumbong ka alam mo na ang mangyayari sa iyo at ang mga kasama mo sa labas.”
Nanginginig ako nang marinig ko ang sabi ng lalaki.
“Pero kung ililigpit mo ang bangkay na yan, hahayaan ko kayong makakauwi ng ligtas at bibigyan ko rin kayong pera.” Saad nito ulit.
“Pre ba’t ang tagal-..” Bigla namang bumukas ang pinto ng banyo at napapikit nalang ako ng makita ang isa kong kaibigan na gulat ngayon sa kanyang nakikita.
“Ano! Pumili ka na!” Sigaw ng lalaki sa akin.
Nabigla ako rito at nasagot ko na lamang siya ng “Akin na po.” habang inaalay ang kamay sa kanya.
Binigay naman niya ang napakaraming pera. Sinilayan ko ang aking kaibigan at kita sa mukha nito na hindi rin niya maintindihan ang nangyayari. Pagkabigay ng pera ay nilagay ko agad ito sa aking bulsa at nilapitan si Joshua. Lumabas na rin ang lalaki at iniwan kami sa loob.
“Pre, kailangan natin ito ligpitin.” Naiiyak kong pakiusap kay Joshua.
“Anong nangyari?” gulong tanong nito.
“Hindi ko rin alam, mamaya na tayo mag usap. Iligpit muna natin ito.”
Sinimulan na naming ilagay sa sako ang lalaki. Sobrang ingat kami para hindi malagyan ng dugo ang aming mga damit. Pagkatapos ay nilinisan namin agad ang pwesto kung saan nasaksak  ang lalaki at naghugas na rin ng mga kamay. Pagkatapos ay lumabas kami at dumaan sa may likod at nanginginig na buhat buhat ang bangkay ng lalaki. Buti nalang at walang masyadong nakatambay na tao rito.
“Saan natin ito itatapon?” Tanong ni Joshua.
“Doon pre, sa may kakahuyan.” Turo ko naman sa nakikita naming madilim na kakahuyan.
“Paano kung makita ito bukas at tayo ang maging suspek?” Galit niyang tanong.
Hindi nalang ako umimik at hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin sa kanya.
“Gag*! Ano itong pinasok natin?!” Tanong nito sabay bitaw sa buhat naming sako.
“Pre, hindi ko na rin alam. Ang sabi kasi ng lalaki papatayin daw din tayo. Natakot ako kaya bigla ko nalang tinanggap ang alok niya na ligpitin ito.” Naiiyak kong sagot kay Joshua.
“Tangin* pre! Nagsasaya dapat tayo rito e, hindi yung ganto na mapapasangkot tayo sa krimen!”
Wala na akong maisagot sa saad nito. Nakatunganga lang kaming dalawa habang tinitignan ang sako kung saan nakalagay ang bangkay. Makalipas ang limang minuto ay biglang nagsalita si Joshua.
“Tara na pre. Ipunta na natin ito roon at subukan natin maghukay ng pagtatapunan doon.”
Binilisan naming naglakad papunta sa kakahuyan at naghanap ng kahoy na pwedeng gamitin sa paghuhukay. At nang makahanap ay sinimulan na naming maghukay. Habang naghuhukay ay nakaramdam ako ng tubig na dumapo sa aking katawan.
“Pag minamalas naman e no.” Irita na sabi ni Joshua nang biglang bumuhos ang ulan.
“Okay na yata to pre, ilagay na natin.” Sabi ko sa kanya nang makita na pwede na ang lalim nang nahukay namin na lupa.
Agad agad naming nilagay ang sako bago pa lumakas ang ulan. Inayos namin ang lupa at ng makita itong maayos na ay agad agad kaming tumakbo palayo at bumalik sa pinanggalingan namin. Napansin namin na putik putik ang aming damit at ang mga paa kaya’t nagdiresto kami sa banyo para maghugas. Bumalik kami sa may pwesto namin at kita ko ang aking mga kaibigan na nagsisiyahan at halatang malakas na ang mga tama at hindi manlang napansin ang matagal naming pagkawala.
“Anyare sa mga damit niyo?” Tanong ni Michael nang makalapit kami sa kanila.
“Umuwi na tayo mga pre, tinatawag na tayo ni mama.” Pag aanyaya ko sa kanila at buti nalang at agad naman silang sumunod.
Nang nasa labas na kami ng bar ay naaninag ko ang lalaki kanina na may malaking katawan. Binabantayan yata kami nito kung magsusumbong kami sa mga pulis. Kaya’t sumakay na kami agad sa aming mga sasakyan at umuwi na sa bahay. Napagdesisyon na naming sa bahay na matutulog ang aking mga kaibigan. Nakikita ko rin sa may side mirror ang lalaki na nakasunod din sa amin. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako at baka may gawin siya sa amin. Nagulat nalang ako nang makarating na kami sa aming bahay.
Pumasok na ang aking kaibigan sa may kwarto ko at nagsihigaan na. Naiwan kami ni Joshua rito sa may sala at napaupo nalang kami nang maramdaman namin ang pagod. Hindi pa rin kami makapaniwala sa nangyari, hindi ko alam kung umalis na ba ang lalaki na may malaking katawan at kung ligtas na ba talaga kami.
“Anong gagawin natin?” Mahinang tanong ni Joshua.
“Bukas na bukas pre, punta agad tayo sa police station at umamin sa nangyari. Siguraduhin natin na wala nang nakamasid para hindi tayo mapahamak.” Sagot ko.
“Paano kung madamay tayo?” Nag aalalang tanong nito.
“Sabihin natin na natakot lang tayo at isauli natin ang perang binigay.” Sagot ko sa kanya.
Hindi na ito sumagot ulit at kita ko sa kanyang mukha ang takot. Kitang kita rin sa kanyang damit ang mga putik kaya’t sinabihan kong maligo na ito at matulog na kami. Pagkatapos naming mag ayos ay sinubukan na naming humiga at matulog.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari ang lahat na iyon at sa araw pa ng kaarawan ko. Hindi rin ako makapaniwala na may hawak din akong napakalaking pera na tinago ko kanina sa aking damit. Hindi ko alam ang mangyayari bukas pero sana ay maging maayos ito at walang mangyari na hindi ulit naming aasahan. Sana at magawan ng aksyon bukas at walang mangyari sa amin kapag kami ay pupunta sa mga pulis. At bigla na lamang dumilim ang aking paligid at dinalaw na rin siguro ng antok ang sarili.
Nagulat ako nang nakaramdam ako nang malakas na tubig sa aking mukha. Minulat ko ang mukha at rinig ang sigaw ng aking ina.
“Tanghali na! Hindi ka pa rin nagigising!” Sigaw nito.
Nang mahimasmasan ay nakita kong mag isa lang ako sa kwarto at basa ang aking kama. Ito na siguro yung tubig na binuhos sa akin ni mama. Naguguluhan ako kung anong nangyayari at naisipan kong tignan ang aking cellphone. Nagulat ako nang makita ang petsa rito.
August 29, 2024.
Ngayon palang ang aking kaarawan at hindi pa ito tapos. Mga salitang naririnig ko sa aking isipan.
“Anak ng pot*.” Bigla ko nalang napagtanto na panaginip lang pala ang lahat.
'Ang Wakas'
0 notes