shiewrotethis
shiewrotethis
Shieyasat 🧐
9 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
shiewrotethis · 1 year ago
Text
Maligayang Pagbisita!
Tumblr media
0 notes
shiewrotethis · 1 year ago
Text
Meme Ka Muna ;)
Tumblr media
Muli, hindi sapat ang paniniawala kung walang matibay na ebidensya :) Magsiyasat at Magbasa!
0 notes
shiewrotethis · 1 year ago
Text
Impormasyong Kulong: Ang Media sa Panahon ng Batas Militar
Tumblr media
0 notes
shiewrotethis · 1 year ago
Text
TALAKAYAN: Plaza Miranda Bombing
Sa unang pagsaliksik tungkol sa kaganapan noong Plaza Miranda Bombing, karamihan sa mga lalabas na kasagutan ay itinuturo ang Communist Party of the Philippines (CPP) bilang pangunahing suspek sa nagpakana sa bombahang naganap. Ngunit, salungat dito ay sinasabing pakana ito ng dating diktador na si Marcos. Napansin ko na mayroong magkasalungat na opinyon, alin nga ba rito ang totoo?
Sisimulan ko sa datos na itinuturo ang mga CPP na nagpakana sa pag-bomba. Sa dami ng mga nakikita ko na kasagutan ay isa sa pinakatumatatak sa akin ay ang paniniwala ni Jovito Salonga na ang may pakana ng nangyari ay si Joma Sison at CPP. Sinabi sa kanyang autobiographical prologue na nandoon daw siya noong ang ibang mga leaders ng CPP ay may diskurso tungkol sa pagbobomba. Batay din sa interbyu ng The Washinton Post ay sinabing “nagplano” ang pamunuan ng partido sa pagtatangkang magbunsod ng panunupil at magtulak sa bansa ng rebolusyon. Kabilang sa naninisi sa CPP ay ang dating diktador na nagtulak para sa kanyang kapangyarahin upang i-suspende ang pribelehiyo ng writ of habeas corpus, na isa sa sinasabing naging ugat ng Martial Law.
Sa kabila ng mga paratang ay patuloy na sumasalungat sila Jose Maria Sison at hindi kailanman nahuli sapagkat kulang din ang mga ebidensya upang masabi na sila nga ang may pakana sa nangyaring pambobomba. Kaugnay dito ay sa pag-aaral ng kasaysayan, hindi pa rin nawawala ang paghihinala ng karamihan na si Marcos ang may pakana dahil kilala siyang gumagamit ng mga huwad na operasyon na isa rin sa naging dahilan upang maipatupad niya ang batas militar. Mula naman sa mga dokumento ng Central Intelligence Agency (CIA) ay sinasabing may pananagutan sa isa o higit pa sa mga nasabing pagbobomba noong 1971. Sinasabi rin ng ahensya na wala sa mga pambobomba ang ginawa ng mga Komunista. Sapgkat ang mga dokumento na inuri noong panahon na iyon ay naglalaman ng katibayan na kaugnay kay Marcos.
Ilang taon na ang nakalipas ngunit ang may pakana sa pagbomba sa Plaza Miranda ay tila isa pa ring teorya. Ngunit sa kabila neto, tila ay may mananaig pa rin na katotohanan na base sa mga ebidensya na maaari nating makalap sa ating paligid. Sa totoo lang, hindi ko pa rin masasabi kung sino nga ba ang talagang may pakana ng nangyaring pagbomba. Ngunit, kung kailangang pumanig sa nasagap kong mga ebidensya ay maaari kong masabing nananaig na kung sino ang isa sa may pinaka-malaking impluwensya pagdating sa kaharasan o mismong nagpakana neto sa kanyang administrasyon ay hindi na nakabibigla kung mismong sya ang naging dahilan o pakana ng nangyaring pagbobomba sa nasabing lugar. Sa pagtagal ng panahon, nararapat na mas maging ma-usisa pa at sana ay mas manaig ang katotohanan sa mga dokumento ng kasaysayan. Sana ay hindi ito matabunan ng mga pekeng papeles o impormasyon mula sa mga taong ang nais lamang ay magbigay ng maling impormasyon sa ating mamamayan.
0 notes
shiewrotethis · 1 year ago
Text
Tumblr media
Tingnan nang mabuti, edukasyong para sa lahat o edukasyong pahirap?
0 notes
shiewrotethis · 1 year ago
Text
Pinarusahan o Pinaglaruan?
Sa loob ng kulungan, May basag na baso at plato, Talsik ng dugo sa lapag, Lapag na may alikabok sa paligid, Isang dalaga Nakaratay Buhok ay buhol-buhol, Puno ng dumi ang mukha, May linya rin sa kanyang mata na bakas ng luha, Sugatan ang labi, Isang bakas ng kamao sa kaliwang pisngi Mga pasa – sa leeg, braso, at binti Punit-punit ang pang-taas Walang na ring pambaba Nakatakip ang kanang kamay sa dibdib, Kaliwang kamay sa kanyang ari, Nanlaban daw kasi, Kaya 'pinarusahan'
0 notes
shiewrotethis · 1 year ago
Text
Ekphrasis: Itak sa Puso ni Mang Juan
Tumblr media
Nakakapiga ng utak isipin pero ano nga ba ang kwento sa likod ng likhang sining?
0 notes
shiewrotethis · 1 year ago
Text
Liham tugon kay Tet Maceda
Ka Tet, Isang pagbati, Tet! Ako nga pala si Shiela o mas nakilalang Sunny sa loob ng unibersidad. Sa iyong kwento ay nais ko lamang sabihin na puno ako ng emosyon simula nang isiniwalat mo ang maselan na mga pangyayari noong Batas Militar. Nais ko lang din sabihin na ako ay saludo sa iyong katapatan sa iyong mga kakilala sapagkat sa pagkakataon na umusbong ang Batas Militar, hindi ka nagdalawang isip upang tumulong kagaya ng pagtawag sa mga kaibigan na maaaring dakipin ng mga militar, kahit na kakabit nito ang pahamak na maaaring mangyari rin sa iyo. Nakalulungkot din lamang isipin ang isang parte ng iyong kwento kung saan sinabihan ka na kung hindi ka anak ni Col. Gimenez ay huhulihin ka rin. Dito ko nabigyang diin na talagang ang laki ng impluwensya ng kapangyarihan kahit pa sa panahon ninyo. Iniisip ko na lamang na naging magandang instrumento ang proteksyon mo upang makapaghatid ka pa ng kaalaman at mas maging kaisa sa mga taong lumaban sa diktaturya ni Marcos. Aamin na rin ako sa’yo, Tet, minsan na rin akong nabiktima sa mga kaalaman na ibinahagi sa amin ng aming mga guro noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Pakiramdam ko nga noon ay napakagaling ni Marcos Sr. dahil sa mga pinagawa nyang imprastraktura, ngunit sa paglipas ng panahon, nahuhubog ang aking isipan at mas nagkaroon ako ng kalayaan upang maging bukas palad sa mga mailalatag pang katotohanan tungkol sa kasaysayan at isa na roon ay ang nangyari sa Batas Militar. Kaliwa’t Kanan ang mga ebidensya ng kasakiman na naging dahilan ng aking pagkamulat. Kung aking ikukumpara ito sa kasakuluyan ay hindi ko masasabing nalalayo eto sa Batas Militar sapagkat patuloy pa rin ang kalupitan na mas pinalala pa ng administrasyon ng anak ng dating diktador na pangulo ngayon ng ating bansa, si Marcos Jr. Marahil maitanong mo sa akin na paano ko nga ba nasabi na sumasalamin ang panahon ng Batas Militar sa ngayon? nasabi ko ito dahil base na rin sa iyong kwento ay marami ang mga dinakip, nawala, at namatay sa panahon mo at ang tanging masasabi ko lang Tet, walang pinagkaiba ang kalagayan noon at ngayon. Marami pa ring mga namamatay at patuloy na naaapi. May mga nakikibaka pa rin pero mas makikita mo ang linya sa pagitan ng hindi pagkakapantay ng mga tao, at malayo nanaman tayo sa mapagpalayang kultura. Shiela.
Kung may isa sa hindi ko makakalimutan na bahagi ng aming pag-aaral, pakiramdam ko ay ito na yun.
0 notes
shiewrotethis · 1 year ago
Text
Bago mo tapusin ang iyong pagbisita, pakinggan mo muna ang aking kwento, kaibigan :)
0 notes