para sa sine, para sa aking mga muni-munishe/they/heV2006
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
shauna ate jackie’s ear. all she wanted was for jackie to listen to her. about not liking soccer, about not wanting to wear the red dress, about being in love with her. shauna consumed jackie’s ear so that this way, she will always have a piece of jackie to listen, whether she wants to or not. travis ate javi’s heart. all he wanted was for javi to stop having one. he tackled his little brother to the ground and forced him to stop chewing his dad’s gum and told him to stop grieving. travis consumed javi’s heart so that he would not have one in death. cannibalism is a metaphor for love, but it’s more than that. it’s a means of fulfilling a wish
1K notes
·
View notes
Text
Kampana ng Katanggapan
Isang Pagsusuri ng "The Hunchback of Notre Dame" (1996)

Nagbabantay sa itaas ng lahat ang mga kampana ng Notre Dame. Isang makabuluhang arkitektura ang ito sa pagkakakilanlan ng mga tao ng Paris. Mayaman ang mga akda at panitikan na nakapagkuha ng inspirasyon sa katedral. Mula sa iilan na mga ito ang Disney animated film na ang "The Hunchback of Notre Dame". Sumusunod ang pelikula sa kwento ni Quasimodo, isang mabait ngunit may disabilidad na bell ringer ng Notre Dame Cathedral sa Paris. Nakipagkaibigan si Quasimodo sa isang gypsy, mapanlait na palayaw sa mga taong Romani, na nagngangalang Esmeralda at nahaharap sa mga hamon mula sa kontrabida na si Judge Frollo. Sina-saliksik ng pelikula ang mga tema ng pagtanggap, pag-ibig, at katarungan.
Sa aking palagay, ko ito ang pinakamatapang na pelikulang inilabas ng Disney. Hindi umiwas ang pelikula sa paglalarawan kung paano minamaltrato ng lipunan ang mga taong naiiba sa kanila. Inusig si Esmeralda dahil sa pagiging isang Romani kasama ang kanyang mga tao na naninirahan sa Paris, at itinuring si Quasimodo na parang halimaw dahil sa kanyang hitsura. Nagdusa sila sa ilalim ng kamay ng iisang kasamaan, si Judge Frollo. Pinamunuan ni Frollo ang Paris tulad ng isang maniniil, umaapi sa mga mahihirap, mga may kapansanan, mga taong Romani, at lahat ng nakikita niyang 'corrupt' batay sa kanyang baluktot na mga moral.Siya ang pagsasatao ng salita na self-serving prejudice na naroroon sa mundong ito. Gayunpaman, bukod sa pagpapakita ng katotohanang ito, nagbigay ng resolusyon ang pelikula para sa mga karakter na naging biktima ng diskriminasyon. Sa huli, umunlad ang pagtatanggap sa komunidad nang napatalsik ng mga tao ng Paris si Judge Frollo. Bukod pa dito, kahanga-hanga ang mga kanta dahil may kahalagahan ito sa pagsulong ng kuwento sa malikhaing paraan. Halimbawa, may natatangi na linya sa kanta na nagpakilala kay Frollo na nagsasabi “He sees corruption in anything, but within”. Masusuri sa linyang ito na kilala si Frollo bilang isang ipokrito.
Tunay na nagtatak sa akin ang mga kanta kung saan nangyayari ang mga importante na kaganapan. Halimbawa nito ang kanta na nagpakilala kay Quasimodo. Dito pinakita na nangunguhulugan ang ‘Quasimodo’ na “half-formed” ayon sa nagbigay ng pangalan nito, si Frollo. Naging malupit na paalala kay Quasimodo ang kaniyang pangalan na siya ay hindi tao dahil sa kaniyang kapansanan. Higit pa ito binigyan-diin sa duet na “Out There” kung saan minamanimpula ni Frollo ang pag-iisip ni Quasimodo. Sa kanta, nangunguna si Frollo sasabi ng mga liriko na “You are deformed” at “And you are ugly”, tapos tutugon ng “I am deformed” at “And I am ugly” si Quasimodo. Dahil si Frollo ang nagpalaki sa kaniya, naniwala at sumangayon siya sa mga mapanghusga at mapanakit na mga paglalarawan ni Frollo sa kaniyang kampansanan. Pinamukha ni Frollo na ituturing halimaw si Quasimodo kahit sa katotohanan gayun naman din ang ginagawa ni Frollo. Sa tulong ng mga kanta, bumigay ng pananaw ang pelikula sa mga pagkatao at paniniwala ng mga karakter.
Ayon sa International Labour Organization (2022), sa Pilipinas, tinatayang nasa 1.44 milyong tao o 1.57 porsiyento ng populasyon ang may kapansanan, at dito, binubuo ng 49.1 porsiyento nito ang mga babaeng may kapansanan. Isang malubhang isyu ang diskriminasyon laban sa kanila. Sa pag-uugnay nito sa pelikula, sumasalamin sa totoong mundo ng mga isyu ng diskriminasyon at marhinalisasyon batay sa mga pisikal na pagkakaiba, kapansanan, o mga societal expectations ang pagmamaltrato kay Quasimodo dahil sa kanyang hitsura. Bukod pa rito, makikita bilang isang komentaryo sa katiwalian ng awtoridad si Judge Frollo. Isang isyu ng diskriminasyon sa pelikula ang pagmamanipula ni Frollo ng sistema para isulong ang kanyang personal na adyenda.
Mga Sanggunian: An advocate for disability inclusion in the Philippines. (2022, March 28). https://www.ilo.org/asia/media-centre/news/WCMS_840467/lang--en/index.htm
1 note
·
View note
Text
Pamilya Ordinaryo: Mga Pinabayaan ng Panlipunan
Pagsusuri ng Cinemalaya Classic "Pamilya Ordinaryo" (2016)

Base sa kanyang pamagat “Pamilya Ordinaryo”, nais ipahayag ng pelikula na ito ang kahirapan na nangyayari sa mga lansangan ng Maynila. Napapanood dito ang sunod-sunod na mga hamon naidudulot sa batang magkasintahan na sina Jane at Ares na naninirahan sa lansangan kasama ang kanilang nag-iisang sanggol.
Nagsimula ang trahedya ng mag-asawa nang kinidnap ang kanilang anak sa palengke. Desperado na mahanap ang kanilang anak, lumakbay sina Jane at Aries sa maalikabok na mga kalye ng Maynila at nakapag-tagpo ng iba't ibang mga katauhan at paghihirap sa kanilang pagsubok na makita ang kanilang anak. Nagbibigay ang pelikula ng hilaw at maligasgas na perspektibo sa buhay ng mga mahihirap at nagtatalakay ito ng mga isyu tulad ng kahirapan, kawalan ng tahanan, at ang malupit na katotohanan ng buhay sa urbanong Pilipinas.
Nagustuhan ko sa pelikulang ito ang pagkuha nito na parang dokumentarya. Nakakabagabag ang sinematograpiya nito dahil nalalabas ng direktor, na si Eduardo Roy, ang pakiramdam na na sa totoong buhay ang lahat ng mga karakter at mga pangyayari. Nanginginig at parang hawak lamang sa kamay ang kamera na parang katulad sa tabingi na pag-angat ng mga paa kapag lumakad. Madalas nag-iiba ang pananaw ng pelikula sa surveillance camera tuwing may kasawian ang mangyayari. Pagpatay, pagtangay ng cellphone, at pagakaw ng isang sanggo ang iilan sa mga krimen nakikita sa perspektibo ng CCTV. Naaagaw pansin ko sa mga detalye ng pagkuha ni Roy sa mga mabibigat na eksena ng pelikula.

Ngunit maliban sa kakayahan ng pelikula talakayin ang mga isyung panlipunan sa masinang na sinematograpiya, hindi labis napakilala ng kuwento ang mga pangunahing katauhan hiwalay sa kanilang pagdudurusa. Walang makatwiran na konklusyon binigay sa mga naipon na trahedya ni Jane at Aries at nauwi lang sa wala ang lahat. Kahit na walang takot napakita ang katotohanan ng kahirapan, nagiging tanawin lamang ang mga isyung ito sa huli.
Tanong ni Aries kay Jane sa isang eksena na “Paano kung ang buhay ni baby Arjan doon sa pamilya na iyon maaalagaan siya ng maigi, maibibigay ang mga bagay na hindi natin kayang ibigay kukunin mo pa ba siya?”. Nakapukaw ito sa aking isip nang alalahanin ang kakulangan nila sa mga bagay-bagay na dapat may karapatan sila bilang tao. Walang paninirahan, trabaho, pera, at medikal na tulong, naiiwan sila ng walang kakayahan makapagbuhay ng kanilang sarili lalo na sa kanilang anak. Sa katunayan, napapabayaan ang mga mamamayan katulad nila Aries at Jane sa Pilipinas kaya’t lumulubhang salot sa bayan ang kahirapan.
Sina Aries at Jane ang mukha ng mga mamamayan sa ating lipunan na nabubuhay sa kahirapan. Ayon sa isang UN report noong 2022, higit sa 5 milyong batang Pilipino ang naapektuhan sa sukdulan ng kahirapan. Pinipigilan nito ang mga bata na tamasahin ang kanilang mga pangunahing karapatan. Humahadlang ang kahirapan sa kanilang paglaki dahil sa impluwensiya nito sa mga oportunidad nila sa buhay. Kung walang mga panlipunang programa nagproprotekta sa mga batang ito, napapahamak ang kanilang kaligtasan, gaya sa nangyari sa “Pamilya Ordinaryo”. Nagiging lakas ng pelikula ang kaniyang kakayahan na harapin ang mga mabibigat na paksang ito upang makapukaw ng ating mga isip at damdamin. Sa pamamagitan nito, nagbibigay-liwanag sa malupit na mga katotohanan ng buhay sa Maynila ang “Pamilya Ordinaryo”.
Mga Sanggunian:
Staff, C., & Staff, C. (2023, September 25). Filipino Children in Poverty: How to advocate for change. ChildHope Philippines. https://childhope.org.ph/children-in-poverty/#:~:text=The%20Philippine%20Statistics%20Authority's%202021,harsh%20realities%20of%20the%20country.
Social policy and governance. (n.d.). UNICEF Philippines. https://www.unicef.org/philippines/social-policy-and-governance
0 notes
Text
Simulan ang Kapistahan
Isang pagsusuri ng Midsommar (2019)

Madalas na naiisip ng karamihan na hindi tayo mauuto sa pagsali ng isang kulto. Ngunit, gaano ba talaga tayo katibay laban sa sikolohikal na manipulasyon? Dito natin masisilip sa pelikula na “Midsommar” ang trahedya ng isang babae naging biktima nito nang pinagsamantalahan siya ng isang kulto sa pagitan ng kaniyang paghihinagpis.
Sinusundan ng pelikula na ito ang magkasintahan na sina Dani at Christian at kanilang mga kaibigan na nagbabakasyon sa Sweden para makipaglahok sa mid-summer festival sa isang nayon sa sulok ng bukid. Kamakailan lamang nagpapagaling si Dani mula sa pagkamatay ng kaniyang buong pamilya, kaya’t hinikayat siyang sumali sa paglilibang na ito. Nakikitang kaakit-akit at masaya ang mga ritwal at tradisyon ng nayon, ngunit unti-unting gumuho ang imaheng ito para maihayag ang mas malagim at nakakakilabot na katotohanan.
Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikulang ito ang napakamarilag na sinematograpiya nito. Nakakaakit ang pagkuha ng direktor, na si Ari Aster, ang kagandahan ng kabukiran at kalikasan ng Sweden at sa pag-baluktot niya ng mga tanawin nito. Masasabi ko na nabilanggo ang atensyon ko sa mga nakakakilabot na ritwal na pinakita na lalong dumagdag sa karimlan ng palabas. Noong pinanuod ko ito, napatago ako sa aking mga unan nang umabot sa mga eksena kung saan pinapalabas ang mga madugong tradisyon na nagsasalamin pala sa aktuwal na mga rituwal ng Pagansimo. Bukod doon, naging tanyag din sa akin ang emosyonal at sikolohikal na perspektibo ng pelikula sa dyanrang horror. Nilinaw rito ang pagkakagiba ng mga relasyon sa epekto ng pighati, kaya’t nakapupukaw ito ng mga damdamin.

Higit pa rito, pumukaw naman sa aking atensyon ang kultural na mga simbolismo, tradisyon, at mga rituwal ng mga Suweko (Swede). Repleksiyon ang kultong Harga ng pelikula sa mga Nordikong paniniwala at sa Paganismong tradisyon. Sa pagtingin ko, isang tanyag na halimbawa nito ang bahagi kung saan pinakita ang oso bilang analohiya ng katatagan at kagalingan. Sinasabi sa mitolohiya ng mga Nordiko na nagbibigay balanse sa sandaigdigan ang oso. Maiuugnay ito sa situwasyon ni Dani na nagdadalamhati sa kaniyang pagkaulila at sa umaalog na relasyon nila ng kaniyang kasintahan. Sa kasukdulang eksena, pinakita na nakabaluki na ngiti si Dani nang pinasok si Christian sa isang bangkay ng oso at sinunog sa loob ng kubo. Sa puntong ito, nakahanap ng pagtatanggap at kapayapaan si Dani nang nawala ang kaniyang toxic at makasarili na kasintahan. Higit pa diyan, naging mahalaga para sa kanya ang paghanap niya ng lugar sa isang komunidad na nakikiramay sa kaniyang pagluluksa. Dito ko napagtanto na mabibihag ang isang tao kapag udyakan sila sa oras ng sikolohikal o emosyonal na kahinaan.


Bagama’t hindi totoo ang kultong Harga, tiyak na maihahambing parin natin sa realidad ang mga sunod-sunurang kaganapan sa “Midsommar”. Sa Pilipinas, isang kamakailan lamang na isyu ang pag-aresto ng lider ng kulto Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) na si Jey Rence Quilario, aliyas "Senior Agila", sa krimen ng human trafficking, solemnisasiyon ng child marriage, at child abuse. Katulad sa palabas, may iilang pamamaraan ang SBSI upang manipulahin at kontrolin ang mga miyembro nito. Binebenta nila ang konsepto ng mapag-isang pamilya habang nangaabuso at gumagawa ng iba pa na malubhang krimen. Sa katotohanan, walang mahika o mahiwagang puwersa ang nakakabihag ng sarili sa isang kulto, kung hindi ang mga masama na impluwensiya sa emosyonal na pagkatao.
Gusto kong tapusin ang blog entry na ito sa isang kasabihan ni Grady Hendrix na nagsasabing “What people will do to themselves is so much worse than what other people will do to them.”
Mga Sanggunian:
Ramos, M. (2023, October 2). 4 members of Surigao ‘cult’ to testify vs leader | Inquirer News. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1839485/4-members-of-surigao-cult-to-testify-vs-leader
Roles Of Bears In Norse Mythology: An Insight For Enthusiasts. (2019, October 31). Uniwelry. https://uniwelry.com/blogs/viking/roles-of-bears-in-norse-mythology-an-insight-for-enthusiasts#:~:text=The%20Preferred%20Disguise%20Of%20Gods,seen%20and%20the%20unseen%20world.
2 notes
·
View notes