Text
Isang araw pa
May kwento sa likod ng papalapit na pagbubukas ng mga tagong paraiso ng Isabela sa publiko. Ang mga mumunting bulong ng bagong kapalaran balot ng pangamba at luhang maaaring magtapos ng matagal na paglalakbay ng mga katutubo sa paanan ng Sierra Madre. Kahit itoây taliwas sa kasiyahan ng karamihanâ kaninong kwento nga ba ang dapat mas tumimbang? Hindi maikakaila ang ganda ng Isabelaâ ang matatayog na mga bundok, mala-perlas na kulay ng buhangin sa tabing dagat ng Palanan at Divilican, mga mayayamang kulturang nagbuklod sa bawat Isabelino, ang matibay nitong pundasyon na hanggang sa ngayoây nagbibigay ng dangal sa buong probinsya. Sa huling termino ni Governor Bojie Dy, ipinagmalaki niya ang isa sa pinakamalaking proyekto ng kanyang pamamahalaâ ang pagbukas ng mas malakas na turismo hindi lamang sa bansa bagkus maging sa buong mundo. Ngunit hindi ito isang magandang balita para sa lahatâ hindi para sa mga katutubong paranan at agtang nakatira sa paanan ng Sierra Madre. Hindi magandang balitaâ ilang mga bahay-pahingahan at bakasyunan na ang inumpisahan sa paanan ng bundok, naibenta na rin ang ilang mga lupain sa mga taga-siyudad. Ang pangamba ay nakatira na sa bawat puso ng mga katutubo. Subalit nakatutuwang nagkaroon ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagkakarpintero ang mga katutubo o IP (indigenous people) ay ang pagtanaw nila sa bukas ay mas malaking katanungan pa rin ay kung pangmatagalan ba ang mga pagkakataon na ito? Ang sagot ay hindi. Sa kabilang banda ng isla nakatanaw ang isang IP lider, dalangin nito na balang araw ay makapag-aral ang bawat isa at maipagtanggol ang kanilang lupain. Natalo kasi ang kanilang kaso sa korte na manatiling pagmamay-ari nila ang matagal na nilang lupain. Dahil na rin sa kakulangan ng pera at hirap ng daan papunta sa Ilagan City, minabuti nalang nila na huwag ng itaas ang desisyon. Naipagkait sa mga katutubong ito ang regalo ng kasaysayan at kultura, natatabunan ang isang matayog na pundasyon ng ating pagka-pilipino. Wala nang ibang nais ang mga katutubo sa bawat araw kung hindi ang isang araw pa. Sa galak na naghihintay sa bawat Isabelino ay ang nabubuhay na takot na marahil makakapagsara sa matagal ng kwento ng mga katutubo. Walang pag-unlad kung ang pag-unlad ay paraan upang itapon at huwag kilalanin ang kulturang kinagisnan. Tama nga ang mga hiling ng mga itoâ isang araw pa at sa kinabukasan ay sana may susunod na araw pa. Para sa mga pangarap na mas tumitindig ay ang pagsinag ng araw sa Sierra Madreng minamahal. Isang araw pa para sa kanila, patuloy ang pag-ikot, patuloy ang paghilingâ isang araw pa at mananatili ang alab sa mga puso.
0 notes
Photo

KINABUKASAN. Isang batang agta na walang bahalang ngumingiti, inosente at handang hamunin ang bulong ng bagong kapalaran.
0 notes
Text
Paalam
Marahil malabo na nga, Ang makita, masilayan ang iyong mukha, Sa gitna ng bawat tao at ng ating ala-ala, Tuluyan na ngang nawala na parang bula.
Baka nga nasa maayos ka nang kalagayan, Malayo sa mga bangungot ng nakaraan, Hindi na nagugutom at nahihirapan, Sa isang maling pag-ibig na akala moây may katotohanan.
Sa bawat patak ng luhang pula, Sa bulong at iyak ng pagmamakaawa, Sa mga sugat na inalay para lang makawala, Sa ngayon, baka nga, oras na.
Maglaho ang lungkot na tila âdi nasaktan, Isang tiyak na pagtakas sa kalungkutan, Damhin ang pagtibok kahit nahihirapan, Tumigil sapagkat wala ng tiyak na dahilan.
âââââââââââââââââââ- Para sayo na patuloy na lumaban hanggang dulo.
Likha: Marc Angelo Martinez
0 notes
Photo

May mga bagay na hindi nagtatagalâ mapapaisip ka na lamang. Kung bakit sa tagal ng panahon na napaniwala kang walang dulo, sa pinaka-hindi inaaasahang oras at pagkakataon, doon mo mapapatunayan na may mga bagay na mas mainam na lang kung matatapos na, mas makakabuti kung hihiwalay na. Sa hindi alam na dahilan, o sa dahilang hindi na piniling malaman, mas makikilala mo ang iyong sarili kung papalayain mo kasabay ng mga umaapaw na damdamin at salita. Marahil pagod ka na, pero sa oras na tatakbo ka, pagbalik mo, mas handa ka naâ- maniwala muli.
0 notes
Text
Madaling araw
Ito ang pinakamalungkot na tahanan ng oras, kapag sumasapit, mas ginugusto ko na lang pumiglas, malunod sa luha at magpaanod sa baha ng lungkot.
Alas dos, at gusto na nalang matapos.
0 notes
Text
HINDI NA IKAW ANG SIMUNO SA BAWAT PANGUNGUSAP.
Hindi na ikawâ ang nagsisilbing lakas sa mga pagkakataong ako ang pinakamahina, ang tanging ilaw ko sa pinakamadilim na daan at gabi, ang nag-iisa kong panyong pumupunas sa mga luha, dahil nga sa ngayon, hindi na ikaw ang nais makita.
Hindi na ikawâ ang pangalang sa bawat araw ay aking sinasambit, ang taong tutulong sa akin sa pagbuhat sa bigat ng problema, ang pinakamaningning kong bituin na magpapaalala sa aking sariling kinang, dahil hindi na nga ikaw ang piniling makasama.
Hindi na akoâ ang huling kakapit sa mga kamay mong pilit noong bumitaw, ang sasagip sa nalulunod nating mga ala-alang pilit mong sinasagwan palayo, ang magtitimpla ng kape mo sa umaga na siyang magpapainit ng iyong sikmura, dahil sa huling umaga, hindi na ako ang kasama mong manonood sa pagsibol ng araw sa kalangitan.
Hindi na akoâ ang kasama mong tatawid sa bawat kalsada, ang kasamang sasakay sa dyip at sabay papara, ang mag-uurong ng plato o maging ng mga kutsara, dahil hindi na nga ako ang taong magsisilbi saâyo.
Hindi na ikaw ang simuno sa bawat pangungusapâ walang pandiwang gagamitin walang salitang magbibigay liwanag, dahil hindi na ikaw, hindi na rin ako, hindi na natin ito kwento.
Hindi na ikaw ang aking susunod na ilalarawan, dahil sa papel na kung saan ang pangalan moây sintamis ng mga salitang maaari kong ihalintulad sa pag-ibig, wala naâ hindi na. Hindi na ikaw sapagkat tapos na.
Paalam na.
Marc Angelo Martinez
0 notes
Photo

Hindi tulad ng kung paano nagtapos ng masaya ang isang kwento, hindi sa kung paano ipinaglaban ang pag-ibig, hindi kung paano naniwala ulit na baka nga may bisa ang pag-ibig bagkus kung paano lumipas ang mga araw ng walang ibang nais kung hindi mabuo muli ang sarili kahit pa imposible na, kahit pa hindi na maging masaya, kahit pa malayo ka na at kahit pa nakalimutan na.
Papalayo na ako sa ingay ng Maynila. Lilipad sa kung saang lumalop ng bansa na baka roon ay mawala ang bawat ala-ala na minsaây pinili kong hindi na magtapos. Ipinangako ko iyon ngunit baka nga narinig ng tadhana ang aking hiling na huwag na itong mabura. Akala ko kasi walang dulo. Akala ko kasi mahahanapan ko ang bawat sagot sa mga tanong at kamalianâ akala ko lang pala.
Dahil sa mga panahong pinaniwala ko yung sarili kong ayos na ako at handa ng magsimula muli ay yung mga panahong pilit kong sinisiksik yung buong pagkatao ko sa ibang anyo. Ang pagmamahal sabi nga nila ay isang malaking sugal na kasing halaga ng buhay ang pwede mong itaya- buhay na biyaya mo sa may likha sayo at buhay na laging kaharap mo, sa araw-araw na ginawa ng Diyos at sa bawat sandali na ninais mong maging masaya kayaât naging matatag ka dahil may pangarap ka at nais mong mahalin ka din tulad ng kung paano ka naniwala sa mahika ng pag-ibig â nagmahal ka ng lubos. Ngunit ang totoo, tayo pa rin ang mga tunay na pintor sa kambas ng pag-ibig. Tayo pa rin ang tunay na tatakda ng ating sariling kwento at tayo pa rin ang mas makakaalam sa kung saan patungo lahat ng puwedeng naitadhana o kung mayroon nga bang bisa ang tadhana.Â
Basta huminga ka lang, lumaban ka lang. May dulo rin ang lahat.
1 note
¡
View note
Text
MAAARI
Maaari bang sa huli'y sambitin mo, Ang pagmamahal mo sa akin ay totoo. Kahit niyakap na ito ng dulo, Sa aking mga kamay ay tuluyang naglaho.
Maaari bang magpanggap na lamang muli, Mga lungkot ay kaya pa namang itago sa ngiti, Sambitin mo nalang kahit sa huling sandali, Na mahal mo ako kahit di na nga maaari.
Kalimutan mo na ang lahat ng ala-ala. Ibaon sa limot at isiping lahat ay akala, Sa labang ito na tuluyang nawalan ng sandata, Maaari bang yakapin mo ako muli at kunwari'y mahal pa. Kahit batid kong tapos na at sa dulo'y hindi na.
0 notes
Text
Mga Paalala Kung Sakaling Iwan Ka Niya
Noong hindi ko pa naranasan magmahal o maniwala sa bawat bulong ng tadhana, laging palaisipan sa akin kung bakit may mga taong lubos na nagpapakabaliw at nagpapakalunod sa pagkawala at pag-iwan ng kanilang mga naging kasintahan o sa karaniwang tawag ay âexâ. Â Bakit may mga taong akala mo hindi na mabubuhay kapag nagkahiwalay na sila? Bakit may mga taong nagpapakawala sa mundo na akala moây sila na lang ang nalalabing tao? O kayaây bakit may mga taong pilit na tinutuldukan ang kanilang buhay dahil lang sa isang tao?
Ang daming katanungan na parang ang hirap sagutin ngunit minsan iisa lang ang tunay na sagotâ dahil mahal mo ang taong iyon. Mahal mo kaya naman kahit ano gagawin mo bumalik lang siya. Lahat susunguin mo mahanap lang ang isang karayom sa lawak ng dagat para maging alay mo ng wagas mong pag-ibig. Lahat ay kaya mong gawin ngunit ang makalimot minsan hindi naging bahagi ng iyong pagpipilian. Dahil nga mahal mo o kayaây mahal na mahal na mahal mo.
Wala akong intensyong pigilan ka sa likha kong ito, wala rin akong kagustuhan na iwan mo na siya habang hindi ka pa niya iniiwan o habang hindi pa malalim ang inyong pag-iibigan dahil alam ko patuloy ka pa rin na susugal hanggang makatagpo ka ng taong magiging totoo para sa iyo kayaât ito ay isang paalala lang ang itoây isang payong kaibigan lang.
Mahirap makalimotâmahirap lubayan ang lungkot kapag itoây dumapo sa iyo sa tuwing maaalala mo siya at ang mga munting ala-ala ninyo. Mahirap tumakas sa mga bagay-bagay na alam mong kahit kailan ay hindi na mauulit o kaya namaây hindi na muling mararamdaman ng maluwag sa puso ngunit alalahanin mo na ang mundoây hindi likha para mapalitan lamang ng iisang tao. Hindi siya ang mundo mo. Hindi siya ang handang sumalo sa iyo sa araw-araw na pagkadapa mo sa iyong mga pagkakamali. Laloât hindi siya ang taong makikinig sa iyo o tatabi at magiging sandalan mo kapag galit na ang mundo sa iyo o kayaây tinalikuran ka na nito. May mga taong maaaring gumanap dito. Hindi ka nag-iisa dahil walang taong nag-iisa. Dalhin mo ang tapang sa iyong puso dahil hindi ka nito bibiguin sa kahit ano pang pagsuko.
Hindi mo siya pag-aari at hindi ka niya pag-aari. Ito sana ang dapat maging malinaw sa kahit sinong tao o sa kahit sinong manhid na pilit pa rin sa pagdurusa kahit alam nang wala ng pag-asa. Ang pagmamahal ay hindi pag-aari sa isang tao. Kahit ikasal pa kayo sa dulo, mananaig pa rin ang pagkakaroon ninyo ng sariling pananaw, paniniwala at kagustuhan. Hindi ko naman sinasabi na huwag mo na siyang pakialaman ngunit marunong kang lumugar sa bawat desisyon na gagawin niya. Minsan ang trabaho mo lang ay ang suportahan siya at maniwala na kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa. Ikaw din, kapag may sarili kang desisyon, huwag mong hayaan na manipulahin ka ng iisang tao lamang. Hindi ka niya pag-aari. Malaya ka sa mata ng bawat isa kaya huwag kang magpapatali.
Tuloy pa rin ang buhay. Mawala man siya, mawala ka man o mawala man kayo sa dulo kung saan kayo nagkatagpoâtuloy lang ang biyahe ng buhay. Tandaan mo, nabuhay ka noong mag-isa ka lang. Mag-isa ka man kumain, mag-isa manuod ng sine o kaya mag-isang umuwi, makakaya mo. Mahirap naman talaga lumayo sa mga dalang luha ng bawat ala-ala niya ngunit sana wag kang mag-inarte na katapusan na ng mundo dahil sa ayaw at sa gusto mo, iikot ito. Patuloy itong iikot sa iyo at sa kanya kahit hindi na kailanman magkasama. Naniniwala naman pa rin ako na kahit ubod ng tagal o hirap ang paghakbang mo na wala na siya ay may isang bagong umaga pa rin na gigising kang may ngiti at sa panahong iyon, nakalimot ka na. Malay mo naman isang taon o isang buwan lang basta ang mahalaga, nakalimot ka. Kaya naman kung sakali na iwan ka niya o nagpaparamdaman na siya na iiwan ka na niya, habang maaga pa, kumapit ka na, mag-ipon ng luha at magbaon ng tatag ng loob dahil mahaba-haba pa ang naghihintay sa iyong biyahe patungo sa iyong pagkabangon muli. Malay mo naman, makasakayan mo siya muli. Huwag nga lang umasa ulit!
0 notes
Text
Statistics as Stories of Reality
By: Marc Angelo B. Martinez
   Bachelor of Arts in Political Science
   University of La Salette, Inc.
   [email protected]
 Slow traffic, continuous records of criminality, raging drug problem, extrajudicial killings, growing poverty and the weakening of pesoâ the Philippines had traveled a long way to solve these pressing issues that made our nation hungry for progress. Amidst all of these, poverty outdid the list.
Looking at the present scenarios of the Philippines, researches through statistical data can help mediate the conflicts and problems we have right now. This can be a tool towards assuring a better future. Statistics can provide recommendations and effective solutions as it can supplement better plans to address timely issues.
Statistics doesnât only focus on just numbers because more than thatâit tells stories of realities based on researches conducted by every individual that is concerned with nation-building. By these mere numbers, we can draw a line that can connect the present reality to that of a better tomorrow equipped with vision and prosperity.
In connection, AmBisyon Natin 2040 of the National Economic and Development Authority upholds the role of Statistics to better sustain and weigh the needs and possible actions to achieve this long-term vision.
If the present numbers tell that the Philippines should enrich culture amidst the rampant effect of technology, conserve nature despite building of infrastructure, educate people even with increasing data of poverty and the promotion of morality to end conflicting religions, beliefs and political will, I am confident that the Philippines can successfully achieve a life for every Filipino that is genuine, compassionate, free, admirable and peaceful.
In a serious note, the responsibility and the goal must be a collaborative effort. Filipinos must be duty-bound to be resilient in helping one another to provide solutions. This can be achieved if only we can realize the role of everything even the smallest and unnoticed onesâlike statistics.
0 notes
Text
Undying War of Dying Peace
Behind every blockbuster movies and soap operas that keep us cry every time we watch them, are the real stories of human suffering and deprivation printed in newspapers, posted on every social media, heard on the radio and viewed on the television.
One big news that left the country hungry for justice is the story of a boy named Kian who was shot dead in a police operation in Barangay 160, Caloocan City. Although his uncle claimed that the teenager had never involved himself in such illegal activities, the Police said that the boy tried to fight against them while carrying a gun. Meanwhile, the CCTV footage was far different from what the police had said. Kian was only 17, a grade 11 student and has a dream to become a policeman but in just a blink of an eye with his dying cry, he was shot dead. Helpless and hopeless he was.
Amidst this, the raging âWar Against Drugsâ still continues giving much fear to the people, making them hard to trust the police again, building walls against their government and fading hopes in their society. The question now is, are they to blame?
POLICE RESPONSIBILITY
One of the major duties of a police officer is to install protection and peace to the community. This is called community policing. It is their prime duty to keep the community safe from any harm and violence. This is the aim of every country however, this was not the same goal we see whenever a police officer commits a crime by killing or shooting suspected criminals without the so-called âdue processâ provided by Article III Section 1 of our fundamental law. Truly, we cannot blame the people or ourselves if we cannot trust again that easy knowing that those who are supposed to protect and save us are the ones putting a dirt in our flag. I donât generalize all our policemen but what I am saying is that, if some are doing bad for others then let those who are doing good fill the conscience of those who are doing evil. Indeed, we should not close our minds in the goodness of others just because of otherâs evilness.
  GOVERNMENT DUTY
This country had traveled a long way already to finish the issue on illegal drugs. Itâs always a common denominator to whoever holds the position to solve this problem that harms most of our citizens. But what saddens our people is the fact that fewer efforts are being exerted and if prioritized, the process is too slow. I believe that the government has the primary duty of addressing issues like this but depending on the way they responded, I only see some members of the legislative body making an act. Although Chief Bato dela Rosa apologized for what happened during a Senate Probe, it can not erase the nightmare it brought in to the country. Still, the question of justice arises.
 OF HOPE AND EVERLASTING PEACE
Truth be told, the killings are getting more brutal than we expect. It keeps on giving fear to the people. This âWar Against Drugsâ is still existing. Although the aim is for peace, are the sacrifices still not too much for this to be solved? These lives of innocent people are much more expensive than the price of shabu in tons and billions. This war will end someday and if so, it will leave the country with dying justice, fading innocence and vanishing peace. The war as it keeps on is a kind of war no one will win if killings will keep on coming as to how it makes peace only a dream.
1 note
¡
View note
Photo

Kami ang mga Saletinong journo
Paninindigan.
Pangarap.
Pagbabago.
Lulan ng aming mga panulat, narito kami at patuloy na lilimbag ng bagong balita, guguhit ng magagandang panimula at lilikha ng isang umagang puno ng pangarap.
Kami ang mga Saletinong journo.
Lalaban.
At patuloy na lalaban.
-Kuha ni Chester Pascual
1 note
¡
View note
Text
Danger Zone
When man discovered fire up to how they entered civilization and outer space adventures, man became unstoppable and hungry for new discoveries. For the past generations, the earth that we are living constantly changes. Just imagine how far we are now and how easy we can travel the world, itâs magical but in the other hand, Itâs dangerous.
 One particular example is social media like Facebook, Instagram, Twitter, and many more. These are the things most millennials checked after they woke up in the morning. The fact that people used it every day to give information, messages, news, and updates regarding all matters that may come and go, people became so involved with social media. As easy as how you can search for your assignments using google and just copy paste it- itâs really instant. But what really scares me and most political thinkers today is the spread of fake informations that are transmitted easily.
 Given the easy access to social media, we can say that every data uploaded in the internet may truly go fast as it can reach the whole world. Imagine how advance the world is, compared to the previous generations- itâs instant. This will tell you the benefit we can get from the modern era but let us try to think of the other side. I still believe on how Thomas Friedman, author of the book âThe World is Flatâ sees these changes. His book informs us about the disadvantages of the modern world and how it actually crushed the antiquity. He views globalization as the main reason for these advance media and an actor in providing our necessities. However, it also talks about how it made the world cruel and short.
 Life is said to be very instant now but the question is: Is this really the goal? Friedmanâs note is said to be clear: âThe world had been flattened so we must be prepared, because this phenomenon waits for no oneâ. The idea of Friedman molded a statue of a world moving very fast than most can keep up and the less are nothing.
 The 1987 Philippine Constitution under the bill of rights, specifically article III section 4 provides every Filipino citizen the right to express themselves through speech and press. This is why we cannot blame anyone who gives falsified opinions and different perspective on such issues. Well, I know as a citizen, we are all gifted with this political right. Our choice to sign in to social media and our ability to make use of it through giving information is a part of the so-called âfreedom of expressionâ.
 Along with this, we should know that every right is accompanied with such limitations and reminder. As a social media user, in order to fight fake news, we should be attentive and aware of exercising our right and this new era we are experiencing. Never took this right for granted just to dismay people and go against their belief. Another, learn to handle with proper limitations in order not to abuse the rising era of technology.
 As how it transformed people into robots and machines, we forgot to appreciate our own capabilities and strength. In the end, all things posted in our own social media accounts must contain proper and respectful words that are not harmful for others. Giving informations must be properly examine to avoid confusion. Furthermore, we should know how our actions in social media can affect other people because as a citizen, it is our duty to let our right be fairly performed without disregarding others. The era of todayâs modernity must be a lesson of how advance our world is. This is an era we must took part of being duty-bound and resilient.
1 note
¡
View note
Text
PWEDE PERO HINDI NA PWEDE
Pwede mo pa rin siyang maalala,
Pero 'di mo na pwedeng iyakan.
Pwede mo pa rin siyang kamustahin, Pero 'di na pwedeng umasa.
Pwede mo pa rin naman siyang ngitian, Pero 'di na pwedeng pakiusapan.
Pwede mo pa rin siyang pansinin, Pero 'di na pwedeng samahan.
Pwede pa rin namang malapitan, Pero 'di na pwedeng yakapin.
Pwede mo pa rin namang sabihing mahalaga siya, Pero 'di na pwedeng sabihing sa iyo pa rin siya.
Pwede ka pa rin namang maging malungkot, Pero hindi na pwedeng siya ang maging sandalan.
Pwede pa rin namang mangarap, Pero 'di na pwedeng iguhit siya sa pangarap.
Pwede mo pa rin siyang makita araw-araw, Pero 'di na dapat siya ang dahilan mo para bumangon.
Dahil pwede ka pa rin namang magmahal ng iba, Pero 'di na pwedeng siya pa rin ang iyong isisigaw.
Maaaring maalala mo lahat ng masasayang ala-ala ninyo, Pero 'di na siya pwedeng balikan.
Dahil madalas ang pwede minsan, maaaring ikulong ka lang sa isang bagay na wala ka ng lalabasan.
BUGHAW ONLINE | Likha ni: Marc Angelo B. Martinez
3 notes
¡
View notes
Text
Hopes and slopes
Living in a world of competition,
Is living in a world of hopes
A world influenced by globalization,
Is a world of slippery slopes
 I came to tell how beautiful it is,
Then I fail to see its real essence
People tend to discover and hungry like a beast,
Are controlled by a realm of their ignorance
 The world is new; the world is in danger,
We see it more beautiful, we see it restored
Truth be told, our lives are not forever
And so with our chances, they are not restricted
 Culturesâ changing as preservation is dying
When will we be caring?
Where weâll be listening?
People of todayâs world are ignoring
 Globalization may and always be a present,
It may be a chance or a tool for all residents
People otherwise should see it as most recent
It is a global issue, we must duty-bound to be resilient
0 notes
Text
When
 You painted my canvas, the brightest of hues,
You sang my song, the saccharine melody.
I just need when to know if youâre still happy,
As you leave by the door, is there something left for us?
 Those times weâve shared are memories of forever,
Those pains youâve gave are breaks and compunctions.
Boy, your name can be the sweetest expression,
Now that youâre gone, itâs the scariest fever.
 When will I stop loving the same old you?
Is it when I learn to love and care for myself too?
When will I stop hoping for our next chapter?
Is it when you find your own âhappily ever afterâ?
When will I stop loving you?
Is it when I die?
0 notes
Text
After all of the games that I will play in the future, Pag pawis na pawis na ako at basang basa na yung likod ko, Gusto ko ikaw yung pupuna at sisita sakin, Gusto ko ikaw yung magsasabing kailangan ko nang magpalit ng shirt, para hindi ako matuyuan ng pawis, para hindi ako ubuhin o sipunin. Pagkahubad ko, Gusto ko ikaw yung babaeng magpupunas ng pawis ko at maglalagay ng pulbo sa likod ko tapos pagkatapos nun, tsaka na ako magpapalit ng shirt. Okay lang kahit maraming taong makakita, Okay lang kung masyadong korni para sa mata ng iba, Eh sa girlfriend kita eh. Talagang magpapaalaga ako saâyo. Duty mo yan. At duty ko rin namang alagaan ka. Pero not in the way na pag pawis ka, maghuhubad ka in public tapos pupulbuhan kita, iba na yun eh. Hahahahahah. Gusto ko yung maalaga, Kasi talagang magpapaalaga ako. Gusto ko yung mga taong sobrang caring. Kasi para sakin, sila yung mga taong sobrang wife material. Yung mga babaeng pag may family gatherings or pag sa school, may occasion tapos may food, yung mga nangunguna hindi para sa sarili nila kundi para asikasuhin yung iba nilang kasamaâŚÂ Hay, nakaka-in love.
139 notes
¡
View notes