studybuddyainateneo-blog
studybuddyainateneo-blog
The Top 3 Places to study at Ateneo de Manila University
5 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
studybuddyainateneo-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Magandang araw!
Sa blog post na ito, ililista namin ang tatlo sa pinaka-tinatangkilik naming mga aklatan sa loob ng Ateneo de Manila University– Rizal Library, Old Rizal at Matteo. Madalas, para sa mga estudyante, ito ang “go-to place” nila sa paaralan upang mag-aral magbasa, at kahit minsan matulog; tila nagiging “tambayan” ang mga ito (sa magandang paraan). Ang mga aklatang ito ay hindi lamang para sa mga gustong mag-aral, ngunit pati na rin sa mga gusto lamang mag-relax o magpalipas oras.
Bagamat may iba’t ibang dahilan ang bawat isa sa pagpunta dito, ang mga aklatan ay ginawa pa rin para sa edukasyonal na layunin. Kaya naman bawat lugar na nakasaad sa blog na ito ay may mga patakarang sinusunod.
Bilang mga Atenista, isa sa pinaka-paboritong lugar namin ay ang mga aklatan sa eskuwelahan! Bakit? Aircon (biro lamang). Halika at magbasa, tunghayan niyo ang aming mga ideya.
0 notes
studybuddyainateneo-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Ang New Rizal Library ang una sa listahang ito dahil kumpleto at mahahanap na ang halos lahat dito. Kumpleto sa lamig, sa libro at teknolohiya. Sa Rizal Library, bukod sa mga libro, mahahanap din ang multimedia rooms kung saan pwedeng manood ng pelikula ang mga klase kung kinakailangan. Sa unang palapag ng library, nandito ang information desk kung saan rin nagbabayad ang mga estudyante matapos magpaprint. Sa ikatlong palapag naman maaaring magpaprint ng mga dokumento at gumamit ng mga computer. At huli, sa ika-5 palapag naman ang study hall kung tawagin, kung saan pwedeng mag-aral ng grupo grupo.
Bilang library ito kung saan nag-aaral ang mga estudyante, isang patakaran ang dapat tahimik ang lugar. Subalit madalas, sa study hall lamang katanggap-tanggap ang kaunting kaingayan sapagkat dito ang mga group study.  Upang panatilihin ang kalinisan ng lugar, ipinagbabawal ang pagdadala ng pagkain sa loob.
Minsan, may mga mag-aaral na umiidlip sa library bago ang kani-kanilang mga klase. Ang magandang bagay dito sa Rizal Library ay kahit mag-iwan ka ng gamit, tiyak pa na naroon pa rin ang mga ito pagbalik mo.
1 note · View note
studybuddyainateneo-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Ang Matteo Ricci Study Hall ay maituturing ring isang napakagandang espasyo upang mapakag-aral ng mabuti at matiwasay. Ito ay karaniwang tinatawag bilang “Matteo” lamang, “Matteo up” kung ang itinutukoy ang ikalawang palapag ng building, “Matteo down” naman kung ang itinutukoy ay ang unang palapag ng matteo, at “Matteo steps” naman kung itinutukoy ay ang maiksing hagdanan sa harap ng building, kung saan madalas naghihintayan ang mga magkakaibigang gagamit ng study hall. Maituturing na espasyo ng pag-aaral at efficiency ng pag-proprovide sa mga estudyante ng lugar kung saan sila makakapag-aral o makagagawa ng proyekto. Ang building ay may ika-una at ikalawang palapag na naghihiwalay ng mga estudyanteng gusting mag- aral ng magkakasama at ang mga gustong mapag-isa.  Magandang espasyo ang Matteo down para sa mga indibidwal na sanay mag-aral mag-isa at sa tahimik na lugar. Unang gumamit ako ng Matteo Ricci noong araw ng Filipino Diagnostic Test. Iyon ang pinili kong library sapagkat ito ay pinakamalapit sa CTC at SOM building kung saan ginanap ang pagsusulit namin. Naalala ko pa noon ay saglit akong nagbasa ng mga notes na binahagi ng blockmates ko sa aming Facebook group chat at agarang natulog sa nalabing oras bago ang test. Sa aking pag-alis sa study hall, masasabi ko na ako ay tunay na “naenergize“, napahinga, at handa na para sa pagsusulit.  
0 notes
studybuddyainateneo-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Ang Old Rizal Library ay isang maganda ring espasyo rin ng pag-aaral. Doon ay talagang matindi ang implikasyong na katahimikan. Makaluma ang karamihan ng gamit at nangangalingasaw ang mga iba’t ibang lumang amoy; lumang, kahoy, libro , at lumang bahay.  Bagamat medyo may distinct na amoy ang Old Lib, isa itong napakatahimik na lugar kung saan talagang makakaaral ang estudyante para sa mga pagsusulit o makakapahinga nang matiwasay. Ang una kong experience sa pagpasok ng old lib ay noong ikalawang linggo pa lamang ng eskuwelahan mula noong ORSEM. Doon sa ikalawang palapag, sa taas ng Art Gallery, mayroong mga kuwartong may iilang mga upuan na gawa sa lumang kahoy na nakabalot sa barnis. May makakapal na mga shelves na nakahilera loob ng mga kuwarto, na puno ng mga lumang naninilaw na mga librong magagamit bilang materyal para sa mga reperensya. Matatagpuan rin ditto ang mga lumang thesis ng mga alumni o graduate ng Ateneo naka nakaayos ayon sa titulo o topic ng kanilang mga thesis. Noong ako’y gumamit ng old lib, naranasan mo mismo ang kahigpitan ng pagpapahintulot ng silensya sa lugar. Talagang isang lugar ito na mahigpit sa kanilang mga implementadong patakaran.  Makikita sa lugar nito ang habitus ng konsepto ng “old”. Sapagkat tinatawag itong the Old Rizal Librry, pati ang mga disenyo, amoy, at pakirmdam ng lugar ay maituturing na sinadyang magmukha o lumabas na “old” para masundan ang konsepto. Ngunit ang habitus dito ay ang ideya ng “old”. Ang pagiging “old” ay nagababago at patuloy na nag-iiba. Ang mga dating bago at kasalukuyan ay ngayo’y itinuturing na nating luma, at ang ating mga itinuturing na napapanahon ngayon ay lalaos rin at tuturinging luma rin balang araw, dahil sa nag-iibang depenisyon ng lipunan ng kung ano ang bago.
0 notes
studybuddyainateneo-blog · 8 years ago
Text
Sa kabuuan,
makikita na tunay na benepisyal at tunay na nagagampanan ng mga silid- aklatan sa Ateneo ang kanilang saysay. May pare-parehong patakaran rin sa mga ito; katulad na lamang ng pagsusuot ng ID, pananatiling tahimik sa lugar, at pagiging disiplinado. Bilang isang komunidad, nagkaroon na ng kultura o mga kasanayan ang mga Atenista sa pagpunta sa mga lugar na ito katulad ng mga naisaad sa itaas. Bagamat naging isang habitus na ang pagdadala ng ID at pananahimik sa mga lugar na ito, may mga mas malalawak pang pag-iisip na makikita sa pag-iral ng mga lugar na ito sa paaralan ng Ateneo de Manila University. Isang ehemplo nito ay ang habitus ng pagkakaroon ng aircon sa bawat isa sa mga lugar na ito. Masasabing ito ay kaakibat ng paniniwala nating mga Pilipino na mas komportable ang lamig kaysa sa init. Itong konseptong ito ay nabuo dahil sa temperatura natin sa bansa kung saan bihira ang klimang malamig. Isang pang mas malawak na ideya na maaring masabing isang habitus ay ang lahat ng mga bagay na nakapaloob sa isang aklatan o aralan; katulad ng mesa, upuan, na mga konsepto lamang nating mga tao ng katotohanan o ideya ng totoong mesa, upuan atbp. Ang mga bagay lahat ng bagay rito sa buhay na ito ay tila mga konsepto lamang na binuo natin upang magkaintindihan at upang mabigyang kahulugan ang mga bagay na ating nakikita at nararamdaman. Isa rin namang espasyo kung saan nagtutunggali ang kapangyarihan ang mga aklatan sa eskuwelahan sapagkat nilikha ito upang magamit ng lahat ng mga estudyante ng Ateneo ngunit nililimita nito ang espasyo sa mga mayroon lamang dalang ID o identification card. Isa rin naman itong lugar kung saan umiiral rin ang konsepto ng espasyo at bilis, sapagkat ang saysay ng mga lugar na ito ay para magkaroon ang mga estudyante ng Ateneo de Manila University ng mga lugar kung saan sila’y maaring mag-aral, makahiram ng libro, gumawa ng proyekto, o makapagpahinga, mayroon lamang mga takdang oras kung kailan magbubukas at magsasara ang bawa’t lugar na mga ito, at para naman sa paghiram ng libro, ay kailangan ring ibalik sa takdang oras.
Kahit pa maraming mga patakaran ang paggamit ng mga lugar na ito, tunay ngang benepisyal at nakatutulong sa mga estudyante ng paaralan ang pag-iral ng mga aklatan at mga study hall na ito sa Ateneo! Sources for images: Kaboboyan blog: http://www.kaboboyan.com/wp-content/uploads/2012/10/150.jpg.  Ateneo site: http://global.ateneo.edu/life-and-community/facilities Wikimedia commons site: https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/80/MatteoRicci.jpg. 
0 notes