my biggest fear is that eventually you will see me the way I see myself.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
ANG PAGTATAPOS!

Ang bawat kabanata ng pagtatapos ng isang mag-aaral ay hudyat ng panibagong pakikipagsapalaran at umpisa ng mas malaking hamon sa tunay na laban sa buhay. Isa sa mga pinakaasam-asam ng isang mag-aaral ay ang araw ng kanyang pagtatapos. Ito ang araw na hindi lang tayo ang naghihintay na sumapit, bagkus ay kasama ang mga mahal sa buhay.
Dito nagkakaroon ng tuldok ang ating mga mahahalabang litanya tungkol sa hirap ng lahat ng ating pinagdaanan habang tayo ay mga estudyante pa lamang. Mula sa pagiging mga ordinaryong mag-aaral ay ganap na kayong mga “graduate” ngayon. Ang kasalungat ng salitang pagtatapos ay umpisa. Umpisa o simula ng panibagong yugto ng mas mapaghamong uri ng buhay.
Ang ating buhay na nasanay sa apat na sulok ng silid aralan ay iba na ngayon. Malawak na ang uri ng mundo na ating ginagalawan. Kaakibat nito ay ang mga malalaking obligasyon at mga responsibilidad na nakatang na sa ating mga balikat. Dito na natin tunay na maintindihan ang tunay na kahulugan ng salitang buhay. Walang silbi ang lahat ng ating mga parangal at mga gawad na natanggap mula sa ating pagtatapos kung hindi natin ito lubusang magagamit.
Ang mga diploma at mga matataas na grado ay magsisilbing mga palamuti lamang kung hindi natin ito magagamit ng may kabuluhan. Alalahanin natin na sa kabila ng hirap ng ating mga magulang ay pilit nila tayong iginapang at itinaguyod para lamang makatapos tayo sa ating pag-aaral. Ang karangalan sa pagtatapos ay regalo natin sa ating mga magulang. Ngunit ang kapakinabangan ng ating mga kinabukasan.
“ANG PAGTATAPOS SA ATING MGA KURSO AY ANG UMPISA NG ATING UNTI-UNTING PAGTAYO SA ATING MGA SARILING MGA PAA”.
1 note
·
View note
Text
Money Talks, Mine Keeps Saying Goodbye.

Marami naman siguro satin na kapag usapang pera mabilis ka pa sa immortal power na meron si The Flash? yung ultimong kahit out of the limit na, isusugal mo pa. Minsan nga kahit buhay pa? Marami kasing nag aasam sa pera marami ding silaw sa pera. May mga tao ding nababayaran sa pamamagitan ng pera. Kaya nauuso ang krimen, oo di lang dahil sa pera pero isa ito sa mga dahilan kung kaya’t may mga namamatay.
Ang salapi ay mabuting alipin at tagasunod, ngunit kapag ginawang panginoon, tila ito sakit at matinding salot. Malalim na salita, na may malalim na kahulugan. Mararanasan mo ito kung may sakit kang di pagkakaroon ng pagka-kontento, sa halip na ugaliin ito mas mabuting ikimkim nalang ito. Masilaw ka man sa pera mas magandang sayo lang, kamatayan ang kapalit kapag nagmayabang ka sa iba, maraming matatapang pag dating sa usaping pera.
Maraming kalakip ang pera, pero mas may kalakip na marka. Marahil natuto ka na, pero mayabang ka pa din pag dating sa iba. Magtrabaho ka man ng sukdulan, bandang huli ikaw na ang kakaawaan. Langit man ang iyong nadating, kamatayan din ang sayo’y ha-hunting.
“Money is like a sixth sense without which you cannot make a complete use of the other five.”
0 notes
Text
God cures and the Doctor sends the bill.

Pera? Basta may pera ka mabilis lang ang lahat. Kahit sa isang piltik lang ng kamay mo gagaling ka agad basta may pera ka. Kasing bilis pa ng ambulansya ang mga doctor kung may isasampal ka agad sakanilang pera. Buhay ka man o patay may pera ka pa din na kaylangan ilabas.
Usong uso yan sa pinas, lalo na sa panahon ngayon! wala yung salitang tulong sakanila para silang laruan na di-hulog ng barya para umaandar lang at magbigay saya sa bawat tao! siguro dun sila gawa? Yung tipong isang balde ng luha muna ang lalabas sayo bago ka ma satisfied at maging kampante. Magkakanda talon pa yang mga yan at ganado tumahi ng sugat once na may perang tumataginting sa counter.
Sandamukal na luha naman ang kapalit sa mga taong walang pampaopera o pambili ng gamot para sa mga taong may sakit. Kahit pakiusapan mo at basahan ng bibliya yang mga yan e dedma! Bilang naturang tao Diyos nalang ang tanging sandigan sa lahat ng problema. Halos makatulog na sa chapel dahil sa pagod at luhang dumampi sa kanilang muka. Tanging himala nalang ng puong may kapal ang kaylangan para sa mabilis na gamutan. Samantala yung mga doctor na di barya ay “easy go lucky lang” kapalit ng propesyon.
Hindi lahat ng doctor ay nilalahat ko, ngunit may mangilan-ngilan na ganon! tumapos ng ilang taon sa kursong tinapos para sa hangarin yumaman ng wala sa lugar. Mas pipiliing may mamatay na tao, para lang di mabahiran ang kaawaan ang kanilang sarili kung walang kapalit na pera. Mahabag ang di nila kayang ugaliin, dahil kapal ng muka ang kaya nilang bitbitin. Salat ka sa buhay ay ito ang iyong mararanasan, imbis mabuhay ang mahal mo sa buhay? sa kabaong ang kanyang patutunguhan.
“The best doctor gives the least medicines - Benjamin Franklin”
0 notes
Text
ARROGANT !

Arrogant : having or showing the insulting attitude of people who believe that they are better, smarter, or more important than other people.
Immortal ka na siguro kung ganto na yung ugali mo, pinangangalandakan sa mundo kung ano o sino sila? na akala nila nagawa na nila yung mga dapat na nagawa nila. Dahil nga mayabang sila! Minsan mang-aapak pa ng ibang tao masabi lang na “i’am smarter than you or i can do better than you” yung mga taong makatingin sa sarili nila akala mo kung sinong magagaling. Inaabuso nila yung alam nilang mauutakan nila. People nowadays.
Meron akong kakilala na, sa sobrang kagalingan niya nagawa na din niyang utakan yung alam niyang mauutakan niya. Naririndi ako everytime na naririnig ko siya na sinasabihan niyang “ANG BOBO MO NAMAN! SIMPLENG TANONG LANG DI MO MASAGOT! TANGA KA BA?” bakit? bakit kaylangan lumabas sayo yung mga bagay na yun. Dahil ba alam mong mas may alam ka? kesa sakaniya.
Minsan pa nga’t inutakan mo siya dahil sa magaling ka. Napaikot mo siya sa mga palad mo na parang bola. Inutakan mo siya, dahil mas may utak ka? hinayaan ka niya dahil alam niyang ganyan ka! Alam niyang mali ka! pero pinilit nalang niyang makisama. Kahit mali mo, ipinagtanggol ka pa din niya. Pero pinalit mo sa kabaitan niya yung pagiging sakim mo. Sa halip na humingi ka ng patawad pero nagawa mo pa siyang siraan dahil isa kang arogante! Matalino ka pero makitid ka magisip. Dinaig mo pa ang mga diktador sa ginawa mong panghuhusga !
Try to embrace your self, at tignan yung mga taong minsan mo ng tinapakan! para malaman mo yung mali mo bilang tao at di ka laging tama sa paningin ng iba ! Be matured enough. Hindi lang to basta paalala, marunong ka din dapat makiramdam. Payong kaibigan lang :)
“People need to realize the difference between being arrogant and confident”.
0 notes
Text
Choose someone who will choose you ;)

How to deal with it? Simpleng bagay lang naman to kumpara sa mga nakikita o nababasa nating kababalaghan, lalo na sa social media, Paano ka nga naman makikipag deal sa ganto kung iba naman ang iyong gusto? Hirap kasi satin nandyan na yung ulam sa harap natin, pero naghahanap pa din tayo ng ibang makakain. Paano ka gugustuhin ng taong gusto mo e hindi ka naman niya gusto? (wake up friend)
Mahirap makipagtalastasan sa taong ganto yung gusto sa buhay na gustohin din sila ng taong gusto nila, pero yung taong gusto nila e iba naman yung gusto? Diba mas nakakasilaw pa yun kumpara sa pag tingin mo sa araw tuwing tanghaling tapat? Kasi paano mo matatanggap sa sarili mo na hindi ka niya gusto, kung ikaw mismo sa sarili mo pinipilit mo yung malabong gusto mo? "Kapag nakuha mo na yung tinutukoy ko pwedeng pakibalik sakin". Alam ko na may sayang naidudulot sayo tuwing nakikita mo siyang nakangiti, nakatulala, o nakabusangot. Pero mas nakakalungkot yung makita kang nagpapantasya sa taong bulag pa sa bulag.
Kaya nga naging "CHOOSE SOMEONE WHO WILL CHOOSE YOU" try nating tumingin sa iba? Yung di naman masyadong smooth sa paningin natin pero pwede na? Yung di naman masyadong panlaban pero ipaglalaban ka? Yung di naman masyadong attractive pero pag dating sayo active. Wag mong i-level yung standard mo sa pagpili ng tao, dahil kahit san ka maghanap na libro hindi pwedeng mag match ang A sa B depende nalang kapag matching type yung uri ng exam. Dahil kahit san mo man tignan may pagkakaiba sila, kumpara sa inuman yung isang tao pang wine lang yung isa naman pang hard na.
Hindi naman kaylangang magpaka High Standard pag dating sa gantong bagay, alam ko din naman na "The key to getting the most from choice is to be choosy about choosing" kaya kaylangan pagisipan ang lahat ng bagay :) The perfect timing is coming, all you have to do is to be patient :D Di naman to tungkol lang sa love, dahil nandyan naman si God na kakaibang dumipensa o gumalaw pagdating sa gantong bagay. Kaya wag natin pilitin yung mga taong ayaw satin, mas dun tayo sa mga taong tanggap tayo :) hindi natin kaylangan ipagsiksikan yung bungo natin para lang masabi na naging masaya tayo o katanggap tanggap tayo.
If you want to be choosy in life, build yourself to be the choice
2 notes
·
View notes
Text
Is there any ways that can end poverty?

Poverty is the worst form of violence. Ang pinaka number one root cause ng poverty is the corruption . At sa panahon ngayon totoong yung mga mayayaman at may kapangyarihang tao ang kumukontrol sa lipunan, hindi lang sa government. Habang dumarami ang millionaires at billionaires dito sa pilipinas mas dumarami at lumalala ang poverty ng dahil sa abusive used of power. Kaya hangga't may corruption hindi mawawala ang poverty sa pilipinas. Kaya nga siguro President Duterte wants to be a dictatorial president so he can control even the richest and powerful individuals in this country. So he can stop the secretly illegal doings of corrupt people . But because of trauma about the early president marcos, when he made himself a dictatorial president , he abused his power to control the lands of the philippines, that ends to people power revolution , kaya maraming tao ngayon ang hindi payag sa kagustuhang gawin ni duterte dahil sa takot na baka mangyaring muli ang pang aabuso sa kapangyarihan ng isang presidente ng ating bansa.
Hangga't maraming tao na tanging sarili lang ang iniisip hinding hindi matatapos ang poverty sa pilipinas , imagine how many millionaires and billionaires does our country have. Napakarami like Manny V. Pangilinan who owns the meralco and other cellular network company, Henry Sy who owns all of the SM malls , the Cuanco who owns a land in our country na mas malaki pa sa buong NCR ang lupang pag aari nila , At marami pang iba , totoong halos puro business man and woman ang true rulers of our society. Kaya kung mapapansin niyo si duterte halos puro mga business big owners ang tinitira kasi nga isa sila sa mga part ng corruption dito sa plipinas . Hindi pa kasama yung mga corrupt people sa governments . Ultimo nga pati sa mga karaniwang barangay , meron ng tao na corrupt, yung mga may pangalan at kapangyarihan pa kaya.
Like other country. Sa london ang batas nila is Monarchy or batas monarkiya , na hari at reyna lang ang namumuno sa bansa nila , wala silang government kaya tignan mo kung gaano kayaman ang bansa nila. Kasi walang nag ko-cause ng corruption sa bansa nila dahil tanging hari at reyna lang ang merong kapangyarihan , ultimo nga sa london ang pulubi don may allowance, hindi ka mag hihirap sa bansa nila dahil kahit maging pulubi ka don meron kang natatanggap na pera. Kaya walang mahirap na tao sa london kung ikukumpara mo sa pilipinas na kung di ka gagalaw di ka kikita ng pera, pero miski gumalaw ka kung wala talaga walang mangyayari.
Meron din kasing money control na tinatawag dito sa pinas. When it comes to judge by the law . Kapag mahirap kalang tapos ang kalaban mo sa isang kaso is mayaman , anong nangyayari ? Kahit na yung mayaman ang may kasalanan , sa huli ikaw parin ang talunan. Gagawin ni mayaman , kakausapin niya ng patago lahat ng gagamitin mong witness then aalukin niya ng malaking halaga ng pera para magsinungaling , syempre tulad ng example ko Money controls everything dun palang talo na yung mahirap, next kapag hindi nakuha sa bayaran ang mga witness , kakausapin naman ni mayaman ang attorney ni mahirap at dahil mahirap kalang syempre hindi mo afford ang private attorney, kaya public attorney lang ang meron ka , eto naman si public attorney mababa lang ang sahod so kapag kinausap at inalok ng malaking halaga ni mayaman , money controls everything so ipapatalo ni public attorney yung kaso talo ulit ang mahirap , lastly kapag loyal at mahal ng public attorney ang dignity niya bilang isang public servant , then that's the time na dideretso na si mayaman kay trial court judge, syempre money controls everything so kapag inalok ni mayaman si judge ng napakalaking pera hindi rin naman ganung kalaki ang sahod ni judge kaya tatanggapin niya agad, kaya pagdating ng judging day about sa kaso ni mayaman ang gagawin ni judge is automatically cased is dismissed , then settle for sabihin na nating 5,000 or 10,000 fined para sa danyos perwisyo ni mayaman kay mahirap. Walang laban ang mahirap at talunan. Kaya kahit na nakapatay si mayaman at mahirap lang ang kalaban niya , walang magagawa si mahirap kundi tanggapin yung 5,000 or 10,000. Kapalit ng buhay ng taong mahal mo is bibilanging pera lang. Ayan yung tanging nangyayari/kapangitan naidudulot ng pera sa tao dun mo masusukat kung totoo ba sila sayo reality strikes ikanga.
“The trouble with being poor is that it takes up all your time”.
3 notes
·
View notes
Text
Connected ka ba?

Based ito sa librong binabasa ko, and na-inspired ako sa topic ng book that’s why my title is originated by the author (Rei Lemuel Crizaldo).
Gaano na ba ka-intak ngayon yung mga taong magsisimba lang kapag they facing a big problem? yung akala mo bubuyog sa simbahan kung makapag dasal, lahat na siguro ng “SANA” e nasabi na. And after ma wish granted ang mga dinasal nila mag stop na ulit sila mag simba? Parang genie si God kung himasin and after all itatabi nalang sa sulok hanggang sa balikan para sa another problem.
Hindi naman ako palasimba, but im still connected to God. Di naman requirement na kapag nag simba ka iga-grant niya lahat ng wish mo. Through faith all things is impossible based from my own experience, although kapag nag sisimba ako isa din ako sa mga bubuyog na yon. Pero hindi naman ako yung nakakalimot, i do pray kapag matutulog ako and say thank you sa safe na araw ko at sa mga bagay na winish granted niya kahit na na-traffic ng bahagya.
Pero isa din ako sa mga inihalintulad ng binasa kong libro “that cellphones are the first and last thing they look everyday” imbis na bible yung huling hawak ko sa gabi e cellphone pa din, pero di naman nasusukat don ang faith kasi after ko mag phone i have time to communicate to God. Di tulad ng iba na they prefer to communicate by text message than to communicate by God. Why? mas ok pa bang makipag batuhan ng sweet message sa jowa mo kesa may makinig sa mga pasasalamat mo sa araw araw? Simpleng dasal/pasasalamat lang naman ang gagawin mo pero di mo magawa dahil sa wala kang time? ow come on! marami kang oras hindi mo lang talaga maisingit sa oras mo yung prayers yun ang totoo.
Pero paano tayo nakakasiguro na Diyos nga ang kinakausap natin? at sa Diyos galing ang sagot na matatanggap natin? Sa mga ganitong katanungan, Google doesn’t know all the answers. Diyos lang din mismo ang makakapagbigay sa atin ng mapagkakatiwalaang guidelines kung kelan nga ba siya nagsasalita at kung paano. Nag-iwan siya ng pwede nating maging ready reference ang “Bible” pero nasan na nga ba yung mga libreng bible na binibigay sa school ng mga churches na nag e-encourage na basahin ang new testament na nakapaloob doon? Siguro di mo na alam kung nasaan na, pero yung binigay na damit, love letter at balat ng chocolate ng boyfriend/girlfriend mo halos nakatago pa ni ayaw mong maalikabukan. *people nowadays*
Sigurado din naman ako na minsan sa buhay mo ay naipangako mo na din na magdadasal ka na parati, Pero tulad nga ng kasabihan, ang promises ay parang puso ng tao, minsan it is really meant to be broken (parang yung promise ng jowa mo sayo na kinain niya din kaya siya nabusog) Kung papataasin siguro ng kamay ang lahat ng mga tinutulugan ang panalangin ay dalawang kamay ang itataas mo. Of course, hindi ito nangangahulugan na ayaw mo talagang manalangin. Deep inside you know prayer is a good thing. May desire ka pero sadyang kinukulang ka sa baterya kapag church time na. Katulad sa mga online game na kapag natalo ka “Game Over” na. Akala siguro ng ibang tao yung simbahan e lugar ng dreamland kasi active na active yung cell ng antok nila sa katawan para matulog. Pero baka naman galing work and after work e nag simba agad kaya ganon :)
Pero thanks God pa din dahil kahit merong mga taong ganon e hindi siya tinamad na i-grant yung every wish natin na sa dami ng nakausap sakaniya oras oras, minu-minuto at segu-segundo hindi siya nakalimot ibalik lahat ng nais natin.
“Prayer should be the key of the day and the lock of the night - George Herbert”
3 notes
·
View notes
Text
Is virginity a big thing before getting married?

Easy to ask, but harder to discuss. Eto yung mga tipikal na tanong na sobrang hirap pagusapan? Why virginity is most important to others? wala naman ako sa pinapanigan, pero parang kawawa lang yung ibang namuhunan tapos in the end of the day iiwan lang dahil sa kapabayaan? I know to myself na kaylangan i-keep for the sake of your future husband. Pero are you sure, na yung papakasalan mong tao e ganun din tulad sa inaakala mo?
I want to share, yung experience ng friend ko na naencounter niya while having a conversation to the one she love the most. My friend told me, na meron siyang ex lover na type na type niya, and im not ask her why? kasi natural lang naman yon. And then one time yung ex-lover niya na yon nag tanong sakaniya? “Are you still a virgin” and she ask that guy why? hanggang sa nag-alibay yung guy gusto niya lang daw niya malaman and she answer that question “what if im not still a virgin” sabay tawa lang daw yung guy di naman daw big deal. And a couple of months, napansin ng friend ko na parang malamig pa sa north pole yung ex-lover niya. At nag chat siya na bakit naging ganon na yung guy? pero sabi ng guy itigil na muna daw nila, dahil di daw maka get over yung guy ng malaman niyang di na virgin si ate girl.
Ang isang bagay lang na nagtatalo sa isip ko bat humantong sa ganon? Sobrang big deal na ba ng ibang tao para pag usapan ang salitang VIRGINITY! minsan pa sobrang makapandiri yung iba, lalo na kapag nalaman nilang di na virgin yung isang tao. Why? Bakit nila kaylangang maranasan yun, in the first place babae sila *di naman kasi big deal kung virgin pa ang lalaki kasi wala namang nawawala* but they need to be respect like others, di naman sila nakapatay, nagnakaw o nag-adik. Everyone deserve na ma respect at maging masaya, pero paano sila magiging masaya kung isang kagaya mo yung magpapahina ng lakas loob niya?
“Be proud of who you are, and not ashamed of how others see you” Maging ikaw ka lang sa sarili mo, di mo kaylangan ng ibang tao para pagkaguluhan yung buhay mo. Once you have a mistake in your life, accept it. Kasi pagkakamali lang naman yon pwedeng pwede mong maitama yon sa ibang paraan. Mabigat man o Hindi :) And Happy ako dahil nakatagpo yung friend ko ng Right Person for Her, yung di questionable yung virginity ang mahalaga yung pagmamahal sakaniya and yes ikakasal na sila :) This is the incredible way of God to live people happy. May mga taong tanggap ka at merong taong pag-pifiestahan ka! It’s not a big deal but it is life we need to embrace that kind of people. Opinion lang nila yon, iba pa din yung pagmamahal sayo ng mga taong kilala ka.
Truth is like virginity, you lose it once and you never get it back.
3 notes
·
View notes