#Lakbayan2016
Explore tagged Tumblr posts
Photo

Throwback to last year’s Manilakbayan
Indigenous communities will once again come to Manila to let their struggle for their ancestral lands be heard by the Philippine government. There will be a camp in at UP Diliman on October 13, Thursday and for those who are willing to volunteer and join the program, please contact Patrice (097.5992.1171)
11 notes
·
View notes
Photo
UPM USC publicity for #Lakbayan2016
3 notes
·
View notes
Text
Silang mga Dumagat
ni Andres Francisco Sintingkad ng kanilang kulay ang lantad na katotohanan ng buhay. Ang bawat galit at marka na humuhugis sa kakanyahan ay guhit at markang sumusugsog sa kasaysayan ng karukhaan. Hubad sa pagkukunwari isang katapatan larawan ng kawalang malay. Silang ang pagnanasa ay walang pag-iimbot sa kapwa. Ang tanging pag-aari ay kanyang pangalan apelyido (kung mayroon) ay hiram lamang. Silang ang buhay ay sapat nang mabuhay at ang edad ay karanasan. Karanasan ng kapaitang kakabit ng walang katapusang kataksilan ng mga tuso. Sila at sila nga Ang mga Dumagat sa tabing-dagat buhay ay 'sing-alat ng tubig dagat. Kung ituring ay tabsing sa lipunang may hari, may alipin.
3 notes
·
View notes
Text
Ullalim ni Ama Lumbaya
Nakita ko, nakita ko ang katawan ni Macliing; nilasog ng bala, ng mga bala ng BAR ng mga sundalong bihis-lumot, sa sariling bahay niya sa Bugnay. Nakita ko ang sumambulat na unan ni Dongoc, nakita ko; mabuti't hindi ang ulo niya ang sumabog! Ay! salamat, Bugan, sa liwanag mo na nilandas ni Awiang sa pagtakas; sa kabila ng mga pulandit na dugo ni Macliing na kumulapol sa mukha mo, nang gabing iyong mapait, ay, nakapapait! ng mensahe ng apdo, at pabulusok ang kampay ng mga pakpak ng idaw . Nakita ko, nakita ko ang walang-pakundangang pagbabaklas ng mga sundalo sa mga bisig ng bawat inang-Ngibat na nakayakap sa asawa't anak; sa reyd ng militar sa Butbut para arestuhin ang lahat ng lalaki ng buong tribo--- matanda't bata, at ipiit sa barracks sa Tinglayan. Nakita ko, nakita ko ang bangas na bungo ng binatang-Bugnay na si Gaspar, ang ukang dibdib, hungkag na dibdib ng dalagang-Ngibat na si Ros. Nakikita ko pa rin sila ngayon sa mga mata ng aking isip, sa mga gabi ng bangungot, at mga ara ng punglo't dugo ng karahasang bumibistay sa pamanang lupa ng mga ninuno at sa mga katawang Igorot. Sina Gaspar at Ros, mga batang- Kalinga, timatambangan, nira- rapido ng putok, sa araw ng tipanan nila sa pag-iisang dibdib; tumitilappon sila, sumasadlak, kumikisay ang nalunong mga katawan sa patubig, sa patubig na nagmula sa Bukal ni Kabunian, na natina sa dugo't putik. Naririnig ko, naririnig kong humihiyaw ng paghihimagsik ang utak ni Gaspar habang sumasago, kumakalat sa hangin, sa lupa, sa mga halama't damo, sa tubig; naririnig kong humihibik ng hinakdal ang sumabog na puso ni Ros, wari'y pulang bulaklak na sumambulat ang talulot. Nakikita ko, nakikita ko ang mga lalaki ng Tanglag, mga ka-bodong ng Butbut, pasan ang malalamig, wasak na bangkay nina Gaspar at Ros, ipinupuslit na tila katutubong yaman, patago sa mga mangungulimbat, patalilis sa gilid ng baryo, patalilis na walang kilatis sa pagtakbong parang mga usa, patawid sa Ilog Tanudan; habang sinisimot ng hayok-sa-alak na mga sundalong saplot ay lumot, ang tapuy sa lahat ng tapayan ng bawat bahay ng Tanglag; itinatakas ang mga bangkay ng mga batang-Butbut sa kording militar; pasugba sa kagubatan, sa direksyon ng gubat Binoryan na korona ng Bugnay. Ay, ayayay! pagpalain ni Kabunian ang magiting na tribong Tanglag, nag-iwi at nag-uwi sa mga labi ng mga anak ng tribong Butbut; upang minsan pa'y matupad at huwag masinsay ang alituntunin ng mga nauna tungkol sa kamatayan ng mga anak- bundok; kung saan ka isinilang, Igolot, duon din ang iyong huling hantungan; sa sagradong libingan sa malayang kabundukan--- sa piling ng mga ninuno at naunang yumaong mga mahal. Ay, Kabunian, inilibing namin sila, sina Gaspar at Ros, sa iisang puntod, para magkasama sa pagharap sa iyo. Ikasal mo sila sa iyong kaharian, sa piling ng unang ina't amang sina Lagunawa at Banna. Pagsuplingin sila, o, Bathala namin, na siyam-siyam na unos na walang paghupa sa araw at gabi, ng kulog at kidlat na nakakabingi at nakakabulag; bilang binhing poot ng paghihiganti na magpapaalab ng paghihimagsik laban sa mandarambong ng lupang ansestral. Kabunian, lunurin sa iyong mga ilog ang mga taong-lumot. Kabunian, pabagsakin sa alimpuyo ng iyong hangin ang mga dambuhalang ibong bakal ng mga minahan, trosohan, at militar. Kabunian, basbasan mo ang aming sumpa ng paglipol sa mga kaaway ng Kaigorotan. Pagkalooban mo kami ng talisik ng mata't isip mula sa liwanag ni Wigan. Bigyan mo kami ng baluti ng gabi a masuyong tanglaw ng ilaw ni Bugan sa aming pagsalakay sa kuta ng masasamang-loob. Kabunian, patnubayan mo kami, ang tribong nagbibigkis sa pagkakaisa, sa aming makatarungang paghatol ng kamatayan sa mga mangangamkam ng lupa ng mga ninuno na nasa iyong pagkandili. Fetad! Feeeeeeettttaaaaaaddddd! (hindi kilala ang nagsulat)
2 notes
·
View notes
Photo





Tulong ang hinihingi nila ngunit militarisasyon ang binigay.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang kalagayan ng ating mga kabababayan na nasalanta ng bagyong Yolanda. Pumunta ang ilan sa mga nasalanta ng bagyo sa aming paaralan upang manawagan at maibahagi sa amin ang kanilang kasalukuyang kalagayan. Nakakatanggap naman daw sila ng tulong ngunit dumadating lang ito dalawang beses sa isang buwan at mga militar ang nagdi-distribute nito. Kadalasan ay may listahan ang mga militar ng pangalan ng mga tao sa kanilang barangay. Kapag nagkataong wala ang iyong pangalan sa listahan ay aakusahan kang miyembro ng NPA at pagbabantaan. Nagkaroon man ng relocation site ay madals daw na walang tubig, walang kuryente, at malayo sa lugar ng kanilang kabuhayan. Ang mga bahay daw na pinatayo para sa kanila na sinasabing ‘libre’ ay may bayad. At hanggang ngayon ay patuloy parin ang pang gigipit at pang haharass sakanila ng mga militar.
0 notes
Photo
Rachel isang Moro - Lakbayan2016
0 notes
Text
#Lakbayan2016 #Playlist #NowPlaying (Upang Mabiyayaan) Hindi Lang ang Ifugao
#Lakbayan2016 #Playlist #NowPlaying (Upang Mabiyayaan) Hindi Lang ang Ifugao
My Lakbayan 2016 Playlist Now Playing (Upang Mabiyayaan) Hindi Lang ang Ifugao (“For grace not just for the Ifugao”, translation with apologies) Vim Nadera- Joey Ayala
View On WordPress
0 notes
Video
Cultural performance last October 13 by Cordillera people. #Lakbayan2016 #DefendTheNorth
0 notes
Photo
Tatay Edgar mula sa Cordillera - 101316
0 notes
Text
Assaulted, betrayed by Michael L. Tan, Inquirer, 21 Oct 2016 #Lakbayan2016 #universityofthephilippines #UPDiliman
“Assaulted, betrayed” written by Michael L. Tan, Inquirer, 21 October 2016 “For a week now, UP Diliman has been hosting some 3,000 visiting scholars lecturing and interacting with students in their areas of expertise: history, anthropology, political science, the arts, literature, even engineering and architecture. “But they are a different breed of scholars—not…
View On WordPress
#Lakbayan2016#indigenous communities#Indigenous people#Lakbayan 2016#Michael Tan#national minorities
0 notes
Text
Last night's Salubungan (convergence/ meet up/ link up): Lakbayan2016 #Manilakbayan
Last night’s Salubungan (convergence/ meet up/ link up): Lakbayan2016 #Manilakbayan
Last night’s dazzling convergence on University Avenue: About 3,000 members of indigenous peoples and national minorities from Cagayan Valley, Cordillera, Abra, and Nueva Vizcaya clad in colorful weaves, led by Datu Humurito Guhaynon were warmly received by host UP Diliman led by Chancellor Michael Tan on University Avenue last night. Chancellor Michael Tan’s welcome remarks, excerpts: “Ito…
View On WordPress
#Lakbayan2016#universityofthephilippines#UPDiliman#Lakbayan 2016#Manilakbayan#University of the Philippines#UP Diliman
0 notes
Text
#Lakbayan2016 #Manilakbayan Oct. 12-30 arrives today on campus, to be hosted by #UPDiliman led by Chancellor Mike Tan
#Lakbayan2016 #Manilakbayan Oct. 12-30 arrives today on campus, to be hosted by #UPDiliman led by Chancellor Mike Tan
About 3,500 members of indigenous communities in Mindanao, who travelled on foot and by sea to Manila, will march to Mendiola then to UP Diliman today, in what is dubbed as Manilakbayan 2. The Manilakbayan 2 will pitch tent on campus Oct. 12-30 and will be hosted by UP Diliman led by Chancellor Mike Tan. Members of Manilakbayan 2 demand justice for the murder of anti-mining leader and…
View On WordPress
0 notes