#indomitablegalthoughts
Explore tagged Tumblr posts
indomitablegal Β· 4 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Hoodie-ng on a 7Β°C weather. Normally, I would wear three layers: work shirt, hoodie & puffer jacket during winter season. Pero ewan ko ba bakit kung banas na banas ako. Pag matutulog ako, naka-on ang fan. Pero ang banas parin. Iniisip ko tuloy, hot ba ako? HAHAHA
I'd rather be too early, than on time. 11 am pasok ko lagi sa work, pero nakakarating ako ng mga 10:30 am - 10:40 am. Pero siguro magclock-in ako mga 10:58 am. HAHAHA gusto ko lang malapit ako ng work, pero ayaw ko pa talaga mag-work. Since ang aga ko nga, tumatambay pa ako sa Trees. Fave ko yung Iced Caramel Latte nila. 🀎 araw-araw na ako nagka-kape dito akala mo anak ni henry sy eh nu
Life update. Sabi nga ni mama grace, "Okay na to." 😜
29 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 4 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
lash extensions: finally gave in after a year of indecisiveness (libra β™ŽοΈ thingzz) just need to be mindful coz when my eyes get too itchy, i tend to rub them aggressively. πŸ™ƒ
pasta and a dark chocolate drink for me, waffles and an iced matcha latte for sissy. it tastes sooooo good but ✨expensive✨
we saw these lilac flowers called crocuses along our walk to the cafΓ©. ChatGPT said they are one of the first flowers to bloom in early spring. Yayyy for spring!!!
33 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 7 months ago
Text
Tumblr media
Lately, nahihilig ako sa mga gamit na may πŸŽ€. feeling ko naman bagay saken kahit na minsan parang lasing ako maglakad HAHAHAHA SORRY NAA
Good afternoon po sa inyong lahat. 🫢🏻🌸
22 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 6 months ago
Text
What if umamin tayo sa crush natin na crush natin sila bago matapos ang taon?
17 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 5 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
lately ang hilig ko mag-take ng pictures ng mga ganap ko pang photo dump every month. eh minsan gusto ko i-send sa jowa yung mga selfie ko kaso wala nga pala akong jowa so sa lola ko na lang, lagi pa akong nasasabihang maganda. 😝 (sorry, love language ko kasi na gustong mareceive ay words of affirmation)
and I tried a new flavor of iced coffee today. bakit ngayon ko lang natikman ang iced spanish latte?!? 😭 medyo similar siya sa fave ko na iced caramel latte, mas matamis nga lang to. ano kaya next flavor ang ma-try? 😊
then ang dinner ko tonight ay chicken caesar salad wrap with sweet potato fries. πŸ˜‹ pinaglaban ko talaga yung tomato sa caesar salad. tinulungan pa ako ng sissy ko paano mag-wrap ng salad since nag-gagawa sila ng ganun sa work. tapos nung bata ako ayoko ng kamote. pero ngayon,na-realize ko na mas masarap pala siya sa regular fries. πŸ’“
ayun lang. kumusta ang monday niyo? πŸŽ€
9 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 5 months ago
Text
❄️ This year's first heavy snowfall in Vancouver. β˜ƒοΈ
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Muntik na ako ma-late, hindi ko alam kung pinatay ko yung alarm ko or hindi ako nagising. Pero feeling ko pinatay ko kasi, sarap matulog ng ganitong panahon. 😴 Buti ginising ako ng sissy ko. May enough time pa naman para maligo at mag-ayos. Hehe. Naisuot ko rin snowboots ko. Di tayo madudulas at magkakapasa niyan. πŸ˜… And hindi nga pala late ang mga bus. On time tuloy ako sa work kahit bumili pa ng iced coffee and breakfast. Okk. Good morning po sa inyong lahat!! 🌠
11 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 5 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Friday Dayoff!! Saw this in our fyp in tiktok and went to Bak'd. I tried the You're my U(bae) and it was gooooood. πŸ˜‹ Para siyang hot white chocolate na may ube tapos merong ube white chocolate cookie. πŸ˜‹ Since nakapunta ako sa Canada, tuwang tuwa na ako sa ube. Pero nung nasa Pinas naman ako, hindi naman ako masyado nakain nito. Kahit Jollibee, hindi din ako mahilig. Mas masarap kasi fried chicken ng Mcdo. Pero nung nandito na ako, crave na crave ako palagi. πŸ₯Ή Tsaka yung ibang filipino foods, especially Sinigang. Ganun nga siguro, mas naappreciate mo kung kelan wala na or kung malayo ka. πŸ™ƒ
14 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 5 months ago
Text
Bumisita kanina yung boss ko sa store kanina kasi may inayos siya and may binalik narin. Dinala niya rin yung cash tips namin for december kaya masaya kaming lahat. Hahaha. Tapos bigla niyang sinabi, "Ali, I'm sorry. I thought we're gonna have another filipina that will work here." Ako naman sabi ko, okay lang. Parang dalawa kasi sila nagtraining, isang viet at isang pinay. Ang natanggap yung viet. Though feeling ko naman talaga matatanggap nga yun kasi yung pinay hindi masyado nag-excel sa training niya. Ok lang naman sakin na iba iba lahi na ka-work . Kaso yung ikaw lang yung naiiba? Ako lang pinay, tapos lahat sila viet. πŸ˜΅β€πŸ’« Parang nakaka-frustrate minsan. Out of place ako. Sila lagi nag-uusap, nagtatawanan. Minsan napapaisip kasi ako, "Ako ba pinag-uusapan? May nagawa ba ako?" Though gets ko naman na natural na mag-usap sila sa kanilang language. Pero minsan naman sinasali nila ako sa usapan kasi andun ako. Yun nga lang, kelangan nila i-translate sakin. Eh kaso medyo hirap sila mag-english, kaya parang nagui-guilty ako na pina-translate ko pa. Hehe. Kaya minsan di na lang ako nasali sa usapan nila minsan. Para akong si mark villar pag nasa work, tahimik lang haha So pag una sila nag-approach, saka ko sila kakausapin. Nauuna lang ako mag-approach pag may sasabihin akong work related. Kaya hirap din ako makipag-close sa kanila eh. 😐 Hayyy sana next work ko, ma-feel ko na belong ako. 🦧
8 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 5 months ago
Text
Wala sa gitna yung ig naiinis
Tumblr media
7 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 6 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang lamig kaninang umaga tapos sabi sa weather app, sunny daw. Paglabas ko naman, ang foggy. πŸ™ƒ Mukhang ghost town kanina sa vancouver eh. Pero ok na yang ganyang lamig, wag na mag-snow. πŸ˜… Tama na yang puro lamig lang, or puro ulan lang. Basta wag na mag-snow. Juskooo. Nakakatamad tapos laging walang masakyan bus. Tapos sakit pa sa pwet pag nadulas. πŸ˜‚ 2 years ago, nag-snow kinagabihan kaya ang kapal ng snow nung umaga. Eh kailangan ko lumabas nun at may work. Parang inaapakan ko yung mga inapakan na mga una dumaan para hindi masyadong mabasa sapatos ko. Pero bigla ako nadulas at napaupo. Bago ako tumayo, tumingin muna ako sa paligid kung may ibang tao. Buti na lang wala. πŸ˜… Tumayo na ako agad at diretso bus stop. Pagdating ko pa bus stop, walang bus na dumadaan. Naglakad pa ako papuntang train station. Mga 20 mins. din sigurong lakad yun. πŸ₯² Pahirap pa yung mga snow na di pa na-pplow ng sidewalk nila. 😑 Hahahaha ano ba yan, napakwento pa ako. Hahaha ok bye
11 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 6 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Christmas in Oregon, USA. πŸ‡ΊπŸ‡ΈπŸŽ„πŸ©·
Multnomah Falls. Ang ganda niya in person. 😍 Nung sinabi na puntahan daw namin 'to, hesitant ako kasi akala ko maghi-hike pa tapos ang lakas ng ulan at hangin. Pero along the highway lang pala. πŸ˜… Madami pa daw yan, kaso maulan nga at sobrang foggy kaya hindi na namin nakita. Bukas, balik na kami Seattle.
Hehe. Skl. Merry Christmas, everyone!! ✨🌟
17 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 6 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
πŸ“Downtown Vancouver, B.C. πŸŒ†
Habang naglalakad ako pauwi kahapon, pansin ko andaming tao nagpi-picture. Yun pala kasi ang ganda ng sunset at hindi maulan. Tapos may rainbow pa pala sa likod kaya mas maganda. Skl. Sige, scroll ka na ulit. ✌🏻
7 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 7 months ago
Text
Day off well spent!!
Gumising ng medyo tanghali na, kumain ng snack para uminom ng gamot
Day off din ng aking sissy kaya nagpunta kami sa bottle exchange para sa kalakal namin
Naka- CAD$19 din kami. Parang lugi, pero okay narin kesa wala 😁
Balik lang kami sa bahay and then diretso sa Bigway Hotpot
Sakto hindi masyado maraming tao kaya nakakain agad kami
Nagpunta lang sa mall para maglakad since medyo mabigat kain namin
Uwi agad, laundry naman
Uminom ulit gamot, then tutulog na
Ayun tapos na araw ko. Next time nga magpipicture ako, lagi ko nakakalimutan eh. πŸ˜… Wala naman ako masyado ginawa kaya nga day off well spent hahaha
7 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 7 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Finally. 😻 Sa bagong sapatos na lang talaga ako kinikilig. 🩷😭
Sana lang talaga, sipagin ako maglinis nito. πŸ˜‚ Mindset ko pa naman, inaapak ko lang naman 'to sa lupa, so bakit lilinisin? πŸ˜…
12 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 7 months ago
Text
Since di naman naka-sale yung gusto kong bag at sapatos ngayong black friday, nag-jogging na lang ako. 🀣 feeling ko kasi pag nagpunta akong mall, mapapabili lng ako ng di ko kelangan. Atleast, may bagong record pa ako sa strava. πŸƒπŸ»β€β™€οΈβ€βž‘οΈπŸ˜…
Tumblr media Tumblr media
11 notes Β· View notes
indomitablegal Β· 7 months ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Cried while I was in the shower and now watching one of my comfort tv series. πŸ₯²
17 notes Β· View notes