Don't wanna be here? Send us removal request.
travelblogdbtishshumss · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kasing tamis ng Lanzones
0 notes
travelblogdbtishshumss · 4 years ago
Text
Kasing tamis ng Lanzones
Camiguin Island, Philippines “Island Born of Fire” - Isang paraiso na nakatago sa Hilagang Mindanao. Ang paraiso na ito ay naglalaman ng mga mainit na bukal, diving spots at white sand beaches. Ang isla na ito ay tahanan ng bundok Hibok-Hibok isang ASEAN Heritage Park at ito ay paborito ng mga mountain trekkers. Ang Camiguin ay tahanan din ng isang misteryosong Sunken Cemetery na patuloy na nakakaakit ng mga manlalakbay mula sa buong mundo.
Ang mga aking kamag-anak ko ay nakatira sa Camiguin at matagal na rin akong pabalik-balik sa isla na ito. Masasabi ko na naging tahanan ko na rin ang isla na ito at pwede na akong matawag na isang Camiguingnon. Dahil marami na rin akong napuntahan na mga lugar sa Pilipinas at sa labas ng bansa ay ang isang katangian na nakikita ko sa mga Camiguingnon na wala sa ibang mga lahi at kultura ay mahilig sila kumain ng Lanzones. Sa lahat ng handaan ay mayroong Lanzones sa hapag kainan. Hindi mawawala ang tami ng Lanzones sa isang Camiguingnon.
Sa aking karanasan sa Camiguin, hindi ko malilimutan ang tamis ng ngiti ng mga Camiguingnon na katulad ng isang Lanzones. Ang kultura ng pagiging isang Camiguingnon ay nasa pamumuhay ko na. Ang mga kaibig-ibig na tanawin at masiglang alala ko sa Camiguin ay hindi ko malilimutan. Mabuhay ka Camiguin!
1 note · View note