twofacedidentity
twofacedidentity
All My Literature is for You
266 posts
Taking it one step at a time.
Don't wanna be here? Send us removal request.
twofacedidentity · 16 hours ago
Text
The Main Part. The Throwback. The Reflection. The Wrap Up.
The Main Part
Today was a good day. At least for what I think was THE major part of my day. Ngayong araw, halos nasa HIYAS ng Bulacan ako for the Provincial Election for Boy and Girl Officials. Hindi ko ine-expect na it would take so long. 5pm na halos, kaya hindi na ako nakapagklase sa COLM. Okay rin naman kasi medyo pagod na ako.
Una palang, I had the hunch na mananalo kami. Kim has always been a really great kid on projecting himself as a leader. Magaling naman talaga siya and I know that the willingness is there. Pero more than that, what took my attention was Jamelle. ‘Yong SSLG president ng GNVHS.
The issue? She did not perform well. Nagpractice sila ng 2-minute speech pero since marami masyado ang magsasalita, ginawa ng organizers na 30 seconds lang. They weren’t ready and she flunked while Kim did well.
After the voting process, lumabas siya. Kim followed her in an effort to make her come back since maguumpisa na ang bilangan. He was not able to make her come back. Tinawag ko na si Kim since malapit na matapos and somehow, very evident na mananalo na siya. So, he has to be there. Nakita ko si Jamelle, nakaupo lang sa floor. As in. Halatang disappointed siya sa performance niya. We had a short initial conversation. Pero I think the main point was me saying, “Law of Averages. May mga instance talaga na you have the highest of highs. Pero ngayon, you experienced the lowest of lows. What matters is you accept bad days with grace.”
I don’t think she is used to losing, or at least disappointing people who trust her, kasi, it was the next major theme of the conversation. Nag-share siya how her SSLG adviser was somewhat disappointed na hindi siya naging Division Federation executive officer when ang sinundan niya from the previous year ay DF Vice-President. Natalo siya ni Kim no’n. Then, sa EDDIS V representative, tie sila ni Kim pero since VP na si Kim, siya ang ‘matic naging EDDIS V representative.
I told her na wala namang nagsabi na she should be like Kim. Si Kim ay si Kim at siya si Jamella. Na no one expects her to be like him. We had a lengthy conversation sa part na ito with me saying, “Stop putting too much pressure on yourself. It’s important paminsan-minsan pero if it’s too much, ikaw rin ang mahihirapan.”
Bago matapos ‘yong convo kasi nakakaramdam na ako patapos na ang proclamation ng ibang elected officials (lumabas pala ulit ako noong na-proclaim si Kim), nagtanong siya sa akin. Ang sabi niya, “Sir, sinabi mo ba ito dahil totoo? O dahil lang gusto mo akong i-cheer up? Hindi mo ba ako niloloko?”
Ang sabi ko, “Hindi ako magtitiis ng init dito sa labas, at hindi ako lalabas at mag-effort na sabihin lahat ‘yon kung niloloko lang kita. Marami na akong naloko and I don’t think idadagdag kita doon.” Nasabi ko ‘yon with a sad smirk(?) dahil alam ko naman sa sarili ko na those were not intentional pero nakaloko naman yata talaga ako sa buhay ko. Nagustuhan ko 'yong convo namin.
The Throwback
Sa Malolos ginanap ‘yong elections. So, very evident naman ang nangyari. Nasabi ko na ito in the past pero the place gave me so much to remember. Habang dumadaan ako kanina, naiisip ko pa rin siya. Masaya kasi noong mga panahon na iyon. Sabi naman ng therapist ko, when you are feeling something, acknowledge it. Huwag mong itago kasi kapag tinatago or tinutulak mo papaloob, darating ang time na magkakaroon ka ng unconscious rebellion inside you. So, ito nanaman. An acknowledgement of what I want.
Gusto ko ulit dumaan dun. Pero hindi na ‘yong magisa ako. Gusto kong dumaan doon ulit nang kasama ka. Sa katahimikan man, sa pagod, o kahit sa non-stop banters natin doon. Kapag nadadaan ako doon, all I think about is how I think of the moments na I am with you. Noon, habang buma-byahe tayo pauwi, kasama kita, pero iniisip ko rin ‘yong exact moment of how I want to be there. Kahit sa malayong byahe pauwi, namimiss ko na. Minsan, nagmamadali tayo. Minsan, hindi naman. Super hassle pa kapag naulan. Ang lalim pala. Noong pinagsamahan natin. Na kahit saan ako tumingin, na kahit ano man ang ginagawa ko, naiisip kita. Namimiss na kita. Sobra. Di ko na hihilingin na mamiss mo ako kasi ayaw ko nang may kaagaw sa spotlight. Namimiss kita. ‘Yon lang ‘yong alam ko.
The Realization
Habang sinusulat ko ito, naalala ko ‘yong reflection ko noong Sunday. Noong Sunday, I was resolved with my prayer. Dati, ang prayer ko, is for Judy to not leave. Kasi, I see it as the easiest way for all to be wrapped up. Kasi, pag umalis siya, complicated lahat. Magulo.
Pero noong Sunday, ang naging prayer ko kay Lord, “Lord. Make me the best person for Judy. Sinusubukan ko naman po. Pero kung hindi man talaga ako, bigyan mo po ako ng lakas ng loob na harapin siya at magsabi ng totoo dahil hindi niya rin deserve na mag-linger pa sa akin kung ganito man ako. Sobrang daming magmamahal sa kan’ya ng higit sa kaya kong ibigay ngayon. Alam ko pong napapagod na rin siya.”
May dagdag dito. Sinabi ko rin na, “Lord, tulungan mo po akong kalimutan at huwag nang guluhin si Ericka. Alam ko pong gustong-gusto na niyang mag-move forward sa buhay niya kahit wala ako. Nalulungkot ako kasi minsan, naaalala kong ako ang dahilan ng malungkot siya. Gusto ko lang naman siya maging masaya. Pero kung ang plano mo Lord is for us to be together, bigyan mo ako ng lakas ng loob na ipaglaban siya. Na hindi ko iisipin ang sasabihin ng iba kahit gawin ko ‘yong choice na iyon.”
The Wrap Up
Ngayon gabi, sinusulat ko ito habang tumutugtog ‘yong Germany and Rome. Syempre, favorite song ko ito. Nakakainis lang kasi, this morning, Nawala sa Spotify ‘yong album ng The Ridleys na Reflections on Moonlight and Poetry. Na-realize ko ito kaninang umaga noong ipapatugtog ko. Wala na. Pero babalik rin naman raw. Hindi siguro ako pagod ng sobra ngayon kasi ang dami kong time magsulat. Pero dito nalang muna. Need ko rin ng energy for tomorrow kasi, habang nasa HIYAS ako kanina, may students akong nagsabunutan. Panalo talaga ang Mahogany forevs. Haha. Good night!
0 notes
twofacedidentity · 1 day ago
Photo
Tumblr media
63K notes · View notes
twofacedidentity · 6 days ago
Text
Sa unang araw na nagpatherapy ako...
After ilang weeks ng rescheduling ng ulan, sa wakas. I was able to go to my first psychological consult. Matagal ko nang gustong gawin iyon dahil mayroon akong mga tanong na even I can’t answer. It was not cheap, though. I was not really ready for it. At least sa tingin ko. Pero I really liked what happened.
It was not like in the movies. O baka naman, those in the movies are not within the budget that I have for the consult. I have always believed in the effectiveness(?) or value ng such services kasi, as a man of science and analytical-ness, I have faith in the scientific process, or art of unpacking experiences sa isang aral na paraan.
The mood was light. I think what I loved most about it is about having an objective listener. Na kahit anong stories ang ikwento ko, I will not be judged or be vindicated of something. Unlike from people na I really know.
Hindi ko ma-specify here sa social space ang line items due to the nature of some of the topics, pero I really understood most of what she has said. How my family, circle, way of thinking, attributed to what I did recently. I really cannot say conclusively na I was able to say all of it kasi limited lang iyong time na meron kami. Pero with the time that was given, naisip ko naman na it was worth it.
The biggest takeaway na mayroon ako is being able to acknowledge what it is that I really want. For the longest time kasi, I have been always the man to gear towards what is good. What is right. Siguro, it has something to do with my upbringing. All the decisions in the past, na I was able to made rationally, are all based on what I believe was right.
Pero the same cannot be said sa mga impulse decisions ko. Which led to a particular pattern. Then, lo and behold, ito ako ngayon. A shell of my own self and a lonely ghost of a man.
Sabi niya naman, I am still who I am. Dahil I took ownership, and acknowledged na there were mistakes with what I have done. Pero there was something within the words that she said na nag-strike sa akin and made me think more clearly than I did and still doing, recently.
So, ngayong oras na ito, I have to acknowledge the things na I really want. Hindi dahil mangyayari pa ito, pero because acknowledging it will give me the power over it and not be controlled by suppressing it.
So, ito na nga.
Hanggang ngayon, iniisip pa rin kita. Iniisip ko pa rin na kung pinili kita. Na pumili ako ng desisyon na hindi tama para sa ibang tao, pero tama para sa akin. Iniisip ko ‘yong mga bagay na nakakapagpaalala ng memories mo sa akin. Tinitingnan ko pa rin ‘yong account mo paminsan-minsan. Nakakahiya na nga kasi alam kong pinagtatawanan niyo nalang ako. Most of the time if not all. Pero wala. It’s what I want. And Ibubuhos ko lahat ngayon. Again, not for it to happen, pero para magkaroon ako ng control over it at hindi na ako maguluhan sa isip ko.
Namimiss na kita. Namimiss na kitang kausapin. Namimiss ko nang makasama ka. Namimiss ko nang marinig ‘yong mga tawa, at kainisan mo kapag may sinasabi akong absurd. Namimiss kong matulog na kasama ka (calls), at gumising na kasama ka pa rin (same call). Napakaraming bagay na namimiss ko lalo na kapag sa’yo. Nakakainis na kahit gusto kong hindi isipin, naiisip ko.
Sobrang mahal kita. Gusto kong sabihin nang maraming beses. At ito naman talaga ang isa sa mga bagay na nasa isip ko. Pero I was scared. Dahil during the time that decisions were made, inisip ko ang sa tingin kong mabuti para sa ibang tao, pero hindi para sa akin. O sa atin kung meron pa noon noong panahon na pinili ko ito.
Sa sobrang gusto kong maging tama, parang hindi ko naman yata napili ang tamang desisyon para sa akin. Pero hindi ko na ito mababawi. Nangyari na ang lahat ng nangyari. Gusto ko lang aminin sa sarili ko na ito nga ang mga bagay na gusto ko, to have power over it.
Sabi ng therapist ko, even after all the decisions na I made, naniniwala pa rin siya na mabuti akong tao. Na we are just humans. We are half good, half bad. Or words of some sort. Sana, dati palang, naisip ko na ito. Kasi, akala ko, when one chooses the right thing, everything else follows. Ang mali ko lang yata, pinili ko ang tama, pero hindi para sa akin.
Wala kaming next meeting kasi based on our conversation, it was not much clinical. Talk therapy lang Talaga ang need based on the assessment, or at least the things na I was able to share.
Malalaman. If babalik pa ako. At sabi niya, whenever I need to, magsabi lang ako.
So, ayun na nga. Ayun na nga lang.
0 notes
twofacedidentity · 11 days ago
Text
Ang Mahabang Isang Minuto ng July 26, 2025 – Hanggang 27 pa Yata
Kakatapos lang naming uminom. San Mig Light lang naman ‘yong nainom ko. Four bottles, to be exact. Konting tawanan, kwentuhan, pero merong mga revelation na ‘di ko alam kung relationship-building ba or vice-versa. There were tough conversations. Last time na nainom ako, GAD seminar pa naming sa Lipana. ‘Di ko alam kung bakit. Pero there was something I needed that time, at paginom ‘yong naisip ko.
I stumbled upon a live video. The live video was about to end. Ang sabi no’ng host, one minute nalang raw. Parang may limit yata ‘yong live sa platform na hanggang 25 minutes lang or something. Di ko alam. Pero parang hindi. Since one minute nalang naman raw, inintay ko nang matapos.
Sa totoo lang, nag-enjoy ako manood. Nakakatawa kasi ‘yong references niya. To an extent, parang nakikinig lang ako sa familiar person noong pinapanood ko siya. Gusto ko ‘yong kwento niya tungkol sa mga bawal sakan’ya. Parang kung ano pa yata ‘yong hindi okay, ‘yon pa ‘yong ginagawa niya. Ewan ko ba. Pero feeling ko, mas okay ‘yon if babawasan niya siguro kasi sinabi niya rin naman na bawal sakan’ya. Coke, chocolate, at kape. Favorite niya raw na chocolate ‘yong Cadbury. May kaunting similarities kami pero Snickers for life kasi ako.
Nagkwento rin siya tungkol sa iba pang mga bagay. I won’t go into specifics na kasi, parang wala namang makakagets. Habang pinapanood ko siya, nakangiti lang ako. May occasional smirks, lalo na if nagegets ko ‘yong mga reference niya – as in. Sobra akong naka-relate eh. Habang pinapakinggan ko rin siya, sobrang dami kong nai-relate sa mga bagay within my recent memories na I really have fun thinking about.
May tao kasi, I think very evident naman ‘yong closeness namin in the past, pero parang wala na ‘yon. ‘Yong tao na ‘yon, medyo may resemblance lang doon sa pinanood ko. Mas mahaba lang buhok niya. Mas sweet rin to an extent. Basta, halos parehas lang sila pero may stark differences talaga.
Hindi ko na natapos ‘yong live video kasi inaya na akong maglaro ni Jade ng Wild Rift. Dito kasi ako natulog sa bahay kasi sobrang namimiss ko na sila. Sobrang dami ring nagbago simula noong huli akong natulog dito. June 7 last sleep ko dito. Nakakamiss rin.
Ang prayer ko lang, ‘yong prayer ko rin noong isang araw. Na sana, matutunan kong huwag nang isipin at alalahanin siya. Kasi naman, alam kong mas masaya na siya sa life niya ngayon. Thriving siya eh. Mas umayos siya ng grand stages simula noon. Nawala ako eh. Sana lang, kayanin ko na rin. Sobrang nahihirapan na kasi ako. Tulad ngayon. ‘Di ako makatulog. Gusto ko rin na maging masaya. At since masaya na siya doon, masaya na ako para sakan’ya. Sana, sana.
Oo nga pala. Inabot ng one hour and 25+ minutes 'yony live. Dun nalang inabutan ko eh.
0 notes
twofacedidentity · 12 days ago
Text
Lord, turuan mo naman akong huwag na siyang isipin. At alalahanin. Please po.
0 notes
twofacedidentity · 14 days ago
Text
A Lifetime of Apologies
Life offers a lot of experiences. This is one thing that made itself known sa akin in recent history. Sobrang dami kong na-experience in life. Maraming nagbago sa circles ko. As in sa lahat ng bagay. Pero I don’t really blame anyone else, kasi, all of it was my fault.
Throughout the process, napakarami kong nasaktan at nagawan ng hindi magandang bagay. Most of the things I did noong mga panahon na iyon, walang tamang explanation. No rational or logical reason why things were done.
There were a lot of sorries. Sobrang dami. There were those who went through the sorry and offered forgiveness. After all, iyon naman ang intended outcome ng apology. Others give it freely, while others do not. Wala namang mali doon since the gravity of the thing that was done really determines to what extent a sorry can go.
Habang nagiisip ako ng pwedeng quotables sa sinusulat kong ito, nakabasa ako ng quote sa Facebook. Or, sinearch ko talaga ‘yong isang prompt and the page Choose Yourself posted this.  
“Not all apologies are meant to be accepted.”
Matagal ko naman nang iniisip na whatever happens sa buhay, it is what it is. Madalas ko rin itong sinasabi kahit kanino when the topic comes by. Pero mahirap pala. Kapag actual na nangyayari sa iyo. So, what made me say this?
Not all apologies are meant to be accepted ang sabi ng quote above. At sa stream ng multiple sorries ko, there were those na hindi natanggap. Merited naman iyon. Well, I have done so much naman talaga to not merit the apology. So, in hindsight, tanggap ko. Nakakalungkot lang. It was never meant to be that way.
Sa experience na iyon, napakaraming beses ko gustong humingi ng apology. In a verbal manner. Pero, I think, words are not sufficient to really show how apologetic I am. I don’t even think any action will merit that forgiveness. Nakakatakot kasi there are people whom you really want to be reconciled with(?), kahit hindi na tulad nang dati, pero just knowing na you are at least okay. Or, at least ‘yong thought na ‘you are forgiven.’
Pero wala talaga. Kung titingnan, ‘di naman talaga deserve. Siguro, the best way nalang is to show my apologies through actions. Sabi naman, meron raw performative apologies. A changed life. Changed direction. Changed mindset. Doon nalang ako kakapit. Sa ngayon, ang major motivation ko ay para mapatawad ako. Pero alam kong darating ‘yong araw na gagawin ko ito dahil ito ang tamang gawin. Hindi lang para sakan’ya, pero para na rin sa akin.
Performative apology. Sana, magawa ko. Hindi man ngayon, sana, mapatawad niya rin ako. Maaaring gusto niyang makita ‘yong consequences of all the actions I did. Merited rin ‘yon. If the time comes for that, then, so be it. Sana lang, if that time comes, I am the person whom performative apologies lead up to.
Hindi man ngayon, sana bukas. Hindi man bukas, siguro, buong lifetime nalang rin ako hihingi ng patawad.
0 notes
twofacedidentity · 15 days ago
Text
Ang Relevance ng Hipon, I guess?
Allergic ako sa Hipon. Pero gusto ko ito – literally, at figuratively.
Noong isang araw lang, nakakita ako ng meme tungkol sa hipon. The meme showed the irony of humans relating to Crustaceans. Na sa ipis na considered na crustacean for land, nandidiri ang mga tao. Pero sa hipon na considered as the crustacean for the sea, gustong-gusto ng mga tao. Plus, delicacy pa siya. Natawa ako noong Nakita ko ‘yon kasi totoo naman.
Masarap ang hipon. Seryoso. Kaya nga nasabi ko na paborito ko ang hipon in a literal sense. Anumang luto nito, favorite ko siya kasi masarap naman talaga lalo na kapag may patis. Kapag tinatanong ako kung ano ang paborito kung ulam, sinigang na hipon na agad ang sagot ko doon. Wala nang sabi-sabi. Masarap naman talaga. Ang kaso, tuwing sinasabi ko ito, may kasunod. Allergic ako jan. Di rin ako kumakain ng marami. Kaya magsasabi ako ng susunod na paborito kong ulam. Unfortunately, hindi na hipon. Allergic nga eh.
Gusto ko rin ng hipon – sa figurative na sense. There are things na we hold high regard of things that we remember things and people by. At sa hipon, meron akong ganoong experience. ‘Yong hipon, it reminds me of the value of sacrifice(?). Hindi siya directly attributed sa being ng hipon but the things that I associate it with. It was one experience. I am never good at buying stuff at the market. I don’t even go to markets noong time na iyon. Pero I did. I bought hipon, sa malayong palengke pa on a very early market trip. Maraming significant things ang naa-associate ko sa hipon. Kaya nga gusto ko ito, figuratively.
Comic relief moment. Yung nabili kong hipon, maliit para sa purpose nung may kailangan. Ang ending, bumili pa ng hipon na mas malaki. Buttered shrimp. Nagluto ng buttered shrimp. Haha. At least, ngayon, alam ko na ang tamang size sa pagbili ng hipon para sa buttered shrimp. Well, may lugaw moments rin noon. Pero siguro, sa isip ko nalang ‘yon. After all, it’s something I will always have on my mind. Always.  
Allergic ako sa Hipon. Pero gusto ko ito – literally, at figuratively.
0 notes
twofacedidentity · 16 days ago
Text
Tumblr media
13K notes · View notes
twofacedidentity · 16 days ago
Text
Around the Violets
I still think about the time
When it was about to rain
We walked around the violets*
Until our foots astrain
Now all I think is if you're fine
Even if it's not my lane
How your sight gave me butterflies
Then ultimately, pain
0 notes
twofacedidentity · 19 days ago
Text
Tethered Gaze
Far distant, twin eyes
Both twinkle, I see
Captivated, enchanted
Forever will be
0 notes
twofacedidentity · 22 days ago
Text
Tumblr media
458 notes · View notes
twofacedidentity · 26 days ago
Text
“Be careful who you make memories with. Those things can last a lifetime.”
— Ugo Eze
5K notes · View notes
twofacedidentity · 26 days ago
Text
“It’s hard to forget someone who gave you so much to remember.”
— Unknown
2K notes · View notes
twofacedidentity · 1 month ago
Text
“I want to live my life so that my nights are not full of regrets.”
— D. H. Lawrence
2K notes · View notes
twofacedidentity · 1 month ago
Photo
57 times? Or more. Definitely more!
Tumblr media
263 notes · View notes
twofacedidentity · 1 month ago
Text
Ang Pagbabago ng Byahe
Recently, I have been to many places gamit ang motor ko. There are instances kung saan nakakarating ako sa places na I don't think I'd ever thought of going to. Hindi ito dahil may lugar akong gustong puntahan, pero hindi ko alam bakit I want to roam and go to different places.
Noong isang araw, galing akong Malolos. For the past years, I have been through that place so many times. Multiple times? Multitude? Ewan. The exaggeration makes its point naman siguro. May mga araw na umuuwi ako galing doon nang tanghali. Meron ring pa-hapon na. Madalas, gabi na. Regardless, I have always gone through there.
Going back, galing nga akong Malolos noong isang araw. Sa lahat ng recent to and fros ko sa lugar na iyon, that hit different. That was the time na na-realize kong may nagbago na. Iba na ang byahe. Iba na ang destinasyon. Iba na ang pakiramdam.
Dati, kapag pumupunta ako doon, wala naman. I deem it as the pahinga lang. When the time comes para umuwi na, I see it as the culmination of a day that was. Parang I go back to finally, take some rest. I think the same remains naman in actuality. Pero the feelings change pala talaga. Given the situation or the circumstance.
Hindi ko alam kung dapat bang maramdaman ko iyon, pero nakaramdam ako ng lungkot. Hindi kasi ako sanay na ganoon ang pakiramdam kapag bumabalik ako galing sa lugar na iyon. There is usually one way na dinadaanan ko kapag galing ako doon. Mayroon ring isang destinasyon. I know where I was going. I know what I feel as I go there. I know the 'feels' of going there.
Noong isang araw, iba. Wala akong ibang naramdaman na ganoon. Ang naalala ko lang, ang pagisip sa pakiramdam na iyon na hindi ko alam kung mararamdaman ko pa. Wala namang masama sa pagbabago. Pero iba rin pala kapag ang isang bagay na nakasanayan mo, nagiba. Iba ang tingin ko sa bawat building, stoplight, lane markers, at sa intended destination ko. Hindi ko alam na nangyayari rin pala na we take for granted ang mga pagkakataon and circumstances. Na, kahit bumalik ka sa isang lugar, hindi na babalik dahil iba na nga ang nasabing situation.
Tumblr media
Iba na ang byahe. Iba na ang destinasyon. Iba na ang pakiramdam. Hindi ko alam na so much can be driven and be rooted on a isang sitwasyon na kahit sa hindi gaanong katagal na panahon, nakakapagdulot rin ng kalungkutan.
Iba rin pala. If you have given so much. And you have associated something so much. When one gives you so much to remember by. Not just things, places. Pero the overall appeal ng isang lugar o kung ano pa man.
Sa patuloy ko pang pagdaan doon, hindi ko alam kung mararamdaman ko pa iyong naramdaman ko noon. Pero, sana naman, hindi ko man maramdaman iyong bagay na iyon, maramdaman ko sana ulit iyong ligaya na kaakibat ng pagdaan ko doon. At lahat ng alaala na buhat ng byaheng iyon. Ang destinasyon. At ang pakiramdam.
0 notes
twofacedidentity · 2 months ago
Photo
Tumblr media
3K notes · View notes