Labing pitong taong gulang at marami pang kakaining bigas.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
IF YOU LEAVE ME IM COMING WITH YOU. IM COMING WITH YOU
I desperately want taylorswift to explain how the ‘If you leave me Im coming with you” written on the door situation came about.

21K notes
·
View notes
Photo
I NEED TO LEARN THIS DANCE MOVE. I NEED TO LEARN HOW TO MOM-CROON
The way Ed just turns around like “what the hell are you doing Taylor"
But seriously Taylor… what do you call this dance move?
67K notes
·
View notes
Quote
One fine day, it will be your turn. You will leave homes, cities and countries to pursue grander ambitions. You will leave friends, lovers and possibilities for the chance to roam the world and make deeper connections. You will defy your fear of change, hold your head high and do what you once thought was unthinkable: walk away. And it will be scary. At first. But what I hope you’ll find in the end is that in leaving, you don’t just find love, adventure or freedom. More than anything, you find you.
Isa Garcia (https://everydayisa.wordpress.com/2012/06/26/the-staying-philosophy/)
1 note
·
View note
Text
Baliw
Hindi ko alam kung matatawa o mawe-weirduhan o matutuwa ako na may nalaman ako kanina tungkol sa mama ko (kung totoo man yun). Nagkukwentuhan kami kanina ni tatay sa kwarto niya tapos biglang pumasok si wenlav. Lav: Vayie, sabay tayo ligo mamaya. *pabebe voice* Ako: Hala? Sige okay lang. Tapos sabay kaming tumuwa. Natawa rin si tatay. Tatay: Nababaliw na naman kapatid mo. Ako: Baliw yan e. *tawa ulit* Tatay: Bilog ba buwan? Ako: ???? Bakit 'tay? Tatay: Ganun mama mo e. Baliw pag bilog yung buwan. Tumawa na lang ako. Hindi ko alam kung biro yun o ano pero naalala ko rin si papa dahil tawag niya sakin Baliwrie dahil nga baliw daw ako. Kung nagbiro lang kanina si tatay, siguro sakin lang namana ni lav yung kabaliwan niya haha. Pamilyang baliw.
0 notes
Text
Saklolo
Halatang halata pala yung boses ko kapag paiyak na ko kahit over the phone lang... Nung Friday kasi pumunta kong Intra. Binisita ko sila Jonathan, Aguri at Lors. Masaya naman. Nag khub kami sa sm manila, hindi nga lang kasama si lors kasi may shinoot sila para sa Fil. Hindi na rin siya nakasabay pauwi. Mga 5:30 pasakay na kami ng lrt tapos nung nasa edsa station na, dun na kami maghihiwa-hiwalay. Nagyakapan pa kami bago magpaalamanan. Maayos naman akong nakarating hanggang shaw station ng mrt. Nakaupo pa nga ako sa loob ng tren habang may 1989 soundtrip sa earphones ngunit nagsimula ang trahedya nung araw na yun nang maglakad ako papuntang Greenfield. Dun kasi ako sumasakay ng jeep e hindi naman ako aware na wala na palang sakayan dun. Ayoko naman sa parklea dahil masyadong masikip at mainit, feeling ko hihimatayin ako dun. Napagdesisyonan kong mag fx na lang since gabi na rin. Dumaan pa kong megamall at di akalaing sobrang haba pala ng pila dun. Nakalimutan kong Biyernes nga pala. Naghintay at nakasakay. Pag-upo ko sa fx, naka-idlip ako sandali at nagising ako sa boses ni manong driver. "Yung mga hindi pa nagbabayad diyan." Kahit nakapikit, narinig ko ang boses ni manong pero nakalimutan di pa nga pala ko nagbabayad. "Kanino yung tatlong bayad kanina dyan sa likod?" Medyo lumakas na ang boses ni manong. Yung babaeng nasa harap ko, "kami po" habang tinuturo yung dalawang kasama niya. Ako lang hindi naturo malamang ako yung tila kriminal na hinahanap ni manong. :( Nagising ang diwa ko at nagising ako sa katotohanang di pa nga ako nagbabayad. "Manong, magkano po hanggang palengke?" May sinabi siya pero masyado pa kong antok para marinig. Inulit ko ang tanong ko pero tiningnan niya lang ako nang masama. Nag-abot na lang ako ng trenta at sa sobrang hiya ko parang gusto ko na lang sabihing "keep the change" pero syempre di ko nasabi kaya natanggap ko pa rin ang syete pesos kong sukli. Pagkatapos ilagay ang sukli sa wallet at wallet sa bag, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si ate ghai. Nagpasundo na lang ako kay Papa sa may 7/11 at sinundo naman ako. Nakahinga na ko nang malalim pag-uwi ng bahay. Tinanong ako ni ate ghai kung bakit paiyak na yung boses ko. Sabi ko wala lang, inaantok lang at pagod pero sa totoo lang, ang sama ng loob ko kay manong driver na napagkamalan akong 123 at pinahiya pa sa ibang pasahero sa hindi pagsagot sa inulit kong tanong. Oa man o sensitive pero narealize kong yun pala ang unang beses na tumawag ako sa cellphone para "iligtas" ako. Hindi ako tumatawag sa kapamilya o kaibigan pag may problema ako e. Sa chat siguro paminsan-minsan, oo pero mabababaw lang yun. Iniiwasan kong magsabi o magbahagi ng mabibigat na bagay sa social accounts ko. Madalas tatawag ako pag may masaya akong ikukwento, pag may maganda akong balita o pag feeling ko may problema siya at kailangan kong dumamay... pero ang tumawag nang malungkot, may masamang balita at kailangan ng karamay? Hindi ko gawain yun. Ngunit imbes na kuwestyonin ang sarili, maluwag ang aking pakiramdam dahil hindi rin naman pala ganun kasamang humingi ng saklolo. :)
0 notes
Text
Prom
Prom nga pala ni Wenlav mamaya. Nakakatuwa lang kasi halatang excited na excited siya kanina. Nahirapan nga kami sa paghahanap ng dress niya kasi maliit katawan niya (malamang ito rin ang naging problema ko kung nagkaroon kami ng prom). May nahanap na kaming little black elegant dress weeks ago pero nag last minute dress hunting pa kami kahapon pero decided na si Wenlav sa black dress na hiniram kay Ninang (Tita Jo). Masaya ako para sa kanya. :) Hindi lang ako maka-relate kasi nga wala kaming prom pero kung nagkaroon man, baka nag dalawang isip rin naman ako sa pagdalo. Hanggang ngayon sinisi ko pa rin yung dalawang lalaking estudyante na nagsaksakan noon sa loob ng rhs kaya hindi natuloy ang Foundation Day at ang once in a lifetime na prom haha. Hindi ko naman sinasabing "kulang" ang highschool life ko sa kawalan ng prom pero dagdag sana sa masasayang alaala.
0 notes
Text
Magkapareho ang magkasalungat
Bigla ko tuloy napagtanto na baka hindi pala ganun kalungkot ang katagang "panandaliang saya". Kasing saya rin siya ng "panandaliang lungkot". Kasi pag sinabi mong nakaramdam ka ng panandaliang saya, parang ang tagal tagal mo nang nagdurusa at nasasaktan pero heto at nakakita ka ng kaunting liwanag. Samantalang pag sinabi mo namang nakaramdam ka ng panandaliang lungkot, parang pag palagi kang masaya, makakalimutan mo na kung ano talaga ang ibig sabihin ng kasiyahan dahil ang tagal mong hindi nakaranas ng kahit panandaliang lungkot. Sabi nga ng isang naging prof ka sa Hum16, wala kang konsepto ng maganda kung lahat maganda at walang panget. Wala talagang tinatawag na relihiyon, kung noon pa man ay iisa lang ang relihiyon. Nakalimutan ko na kung anong epiko o tula o nobela ang tinalakay namin noon at napunta roon ang usapan pero napangiti talaga ako habang sinasabi yun ng prof ko. Hindi ko alam kung bakit pero siguro nagkaroon ako ng mas malalim na pananaw para sa magkakasalungat na bagay. Nagkaroon ako ng mas matibay na dahilan kung bakit kailangan ko pa makaramdam ng panandaliang saya gayong tila sanay na ko sa lungkot at hirap at kung bakit kailangan ko pang makaranas ng panandaliang lungkot sa tuwing akala ko'y wala ng katapusan ang kasiyahan.
0 notes
Text
Minsan parang ayaw mo na maging masaya sa mga panandalian at maliit na bagay na nasa harapan mo hindi dahil gusto mo ng mas pangmatagalan at malaki kundi ayaw mo na ulit masaktan. Sakit, hindi mo na maiiwasan 'yan, mapa-pisikal man o emosyonal. Pero huwag mong pahirapan ang sarili mo. Huwag kang mag atubiling ngumiti sa security guard na nakasimangot habang chine-check ang bag mo; 'wag kang magdalawang isip na pumitas ng magandang bulaklak kahit na alam mong malalanta din naman; at 'wag ka mahiyang mag post ng selfie kahit sa tingin ng iba ay panget ka. Huwag kang matakot na masaktan dahil hindi mo malalaman ang saya kung walang sakit. Gawin mo ang makakapagpasaya sa'yo habang may pagkakataon. Intindihin mo ang sakit pag naramdaman mo na. Wag mong pangunahan. Wag mong hintayin.
1 note
·
View note
Photo
International Women's Day http://www.rappler.com/move-ph/issues/gender-issues/86032-women-empowerment-leaders-ph?utm_content=buffer570bd&utm_medium=social&utm_source=twitter.com&utm_campaign=buffer&utm_expid=52036214-3.ZdNJcl7wRGKh5FrBYz8eLQ.0
0 notes
Text
Art + Words
I dont wanna ride the berlin-artparasites bandwagon but all their posts are worth sharing. The paintings, photographs, drawing or sketches they choose really match the quotations. I love it.
0 notes
Text
Patay na buhok
03/05/2015 I made an impulsive decision (again) to cut my hair. Napadaan lang talaga ko ng hair salon, pumasok, naisipang magpagupit at nagpagupit nga ako. And now my hair is as short as Taylor's pero walang bangs. Well, hindi ako umiyak katulad ng dati. Kasama ko ate ko kanina at ilang beses niya kong tinanong kung gusto ko ba talaga. Baka umiyak na naman daw ako. Sabi ko, oo sigurado ako. Hindi ako sigurado kung sigurado nga ako kanina pero baka nga sigurado ako dahil hindi ako naiyak ngayon... Nakausap ko pa yung haircutter kanina (Non-verbatim) Siya: Ang haba na ng buhok mo, bakit mo papagupit? Ako: *Medyo hindi ko rin alam kung bakit basta alam kong gusto ko na ipaputol* Ah, kasi po malapit na mag summer. Mainit. Siya: Sayang naman. Ngumiti na lang ako. Maya-maya habang ginugupitan niya na.... "Ay kailangan na pala talaga putulin kasi patay na." MAPAPAHUGOT NA NAMAN DAPAT AKO KANINA EH. SIGE NA PUTOL NA NGA KASI PATAY NA KAHIT AYOKO KAHIT KALAUNAN ALAM KONG IIYAKAN KO 'TO SIGE PUTULIN NA. HUHU Napatungo na lang ako at tinitingnan sa sahig ang mga naputol at patay kong buhok.
0 notes
Text
Iwas gala. Ipon pera.
Pupunta dapat akong Mapúa bukas pero tinamad na ko. Last concert na rin daw nila Noel bukas pero tinamad na rin ako. Hindi rin naman makukumpleto group one bukas. At kailangan ko rin mag-ipon pala. Ang hirap ng walang allowance huhu. Hindi naman boring sa bahay kahit na medyo paulit-ulit ang mga nangyayari. Gising. Kain. Ligo. Nood. Cellphone. Basa. Sulat. Tulog.
0 notes
Text
Matatapos na ang buwan ng Pebrero pero sana magpatuloy ang pagi-improve ng mindset at mood ko. Nakaramdam ako ng gaan ng loob nitong mga nakaraang linggo. Nakakatawa na naghahanap ako ng lunas sa sakit na ibinigay ko sa sarili ko. Kailan ba babalik sa dati ang pag-uutak ko katulad nung mga panahong ang problema ko lang ay kung ano ang susuotin ko sa araw-araw? Babalik pa nga ba? Hindi na ko makapaghintay.
0 notes