vineze05
vineze05
Tala Ni Vicencio
12 posts
Bawat salita, parirala, tugma, at tula, hatid ay pag-ibig, sa giliw kong mahal
Don't wanna be here? Send us removal request.
vineze05 · 11 months ago
Text
Ikalabing Isang Pahina (Pag ibig sa Ulan)
Bawat salita sa aking tula, ngalan mo ang hinahayag. Bawat pintig at ritmo ng aking puso walang tigil sa pagbigkas, ng natatanging damdaming hindi magwawakas.
Tumblr media
Ikaw ang musika na palaging naririnig sa aking kaisipan. Walang ibang nais kundi mayakap ka at mahagkan. Sa tuwi tuwina nagbibigay sigla. Sa kahit anong dilim ng aking paligid ilaw kang tanglaw sa aking daan.
Payaba ko ika, pag ibig ko'y pang walang hanggan. Kahit anong mangyari, hindi pagsasawaan. Batid ko, sa una palang na ika'y tanging nakalaan, para aking tabi, makapiling magpasawalang hanggan.
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Tumblr media
10 posts!
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Ikasampung Pahina (Hiling)
Nagsimula sa munting taludtod, nakapaloob ang mga saloobin na hindi ko maarok. Katanungan na hindi kayang itanong. Sa kaibuturan ng damdamin ay pusong durog. Tigib ng dusa, alinlangan na walang makakatugon...
Bulong ng bulong ang kaisipang hindi umaayon, may mali ba? meron bang hindi totoo? Dikta sa sarili maniwala sa sinasabi, talikuran ang mga bulong at sa kanya'y manatili.
Sa huling pararila na may kalakip na hiling, maging totoo ka sana at tapat akong ibigin. Dahil kung ang nakaraan mo ay nais mo pa ding kasiping..... Malaya kang makakaalis sa aking piling....
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Ikasiyam na Pahina (Lihim)
Tumblr media
Hanggang kailan mo ako itatago sa dilim?
Hanggang sa ang puso'y mapagod? Hanggang ako'y lisanin? Sa liwanag dalangin ko'y mahayag sa langit ang iyong dakilang pagsinta, na wala ka nang ibang ninanais.
Wala akong ibang hiling, kundi ang maramdaman na ako ang lahat sa iyoMayroon ka bang lihim? May itinatago ka ba sa akin? Sa totoo lang napapagod na ako manlimos ng iyong pansin.... sana pakiusap ko'y iyong dinggin....
...Sana mahal mo nga ako.... hindi pakunwari
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Ikawalong Pahina (Harana)
Tumblr media
Bawat titik at letra ay sadyang tinatantya. Makagawa lang ng kanta para sa dilag na kayganda. Limiing mabuti bawat parirala, maging ang himig na hatid ng pagsinta.
kahalintulad ng anghel ang iyong wangis. Ningning ng bituin sa langit ay napaparang sa iyong ngiti. Giliw ang pagsintang alay ko ay hindi titigil, kahit hanggang sa mundong ito'y akin nang lisanin.
Irog kay tamis ng iyong halik, mga bisig ko'y nais na kayakap ka lagi. Sa lamig ng gabi hatid mo ay init. Sa aking pag iisa, ligaya kang palagi.
Hindi magwawakas ang himig ng damdamin. Para sa'yo aking sinta hindi mapipigil. Ang pluma ko'y dagat at kwaderno ko'y langit. Saksi si Bathala, sa ating kwento ng pag ibig.
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Tumblr media
Ikapitong Pahina (Talambuhay Ni Vicencio)
Pansumandaling titigil sa pagtula. Hayaan ninyong isalaysay ko ang kwento ng may akda.
Nagsimula ang lahat bago ipanganak ang isang lalaki. Nakakalungkot, dahil wala sa plano ng mga magulang nya ang pagkabuo. Ilang beses tinangka na ilalaglag ang taong to. Pero malakas ang pangapit, talagang nais mabuhay sa mundo.
Dumating ang araw ng paglabas nya, mag aalos dose ng hatinggabi a bente dos ng Oktubre ng taong 1985. Lumabas ang isan sanggol na dalian namang inabandona, sa lola nya lumaki, at nagbinata.
Sa murang edad hindi nakagisnan ang pagmamahal ng magulang, maging lola nya ay tuwirang sinasabi na matuto dapat syang mamuhay mag isa. Bagama't salat sa pagmamahal sinubukan naman ng lola nya ang puwang hanggang dumating ang araw na kinuha na sya ng Maykapal.
Sa murang edad natuto humarap sa buhay ng taong ito, katorse anyos kung iisiping binatilyo pa ang taong to. Madami syang naranasang pagkabigo, pero gaya ng pangaral ni lola, sa sariling paa nya tumayo.
Madami ipinagkamali sa buhay, mga bagay na di lubusang maisip na magagawa nya, dahil kelangang mabuhay. Mga bagay na minsan hanggang ngayo'y sumasagi sa isipan. Kung tutuusin dapat patay na sya. Pero heto pa rin at buhay
Madami din syang nakamtan na tagumpay, pinilit abutin ang marangyang buhay. Naabot nya ito at syang patunay, na wala sa pinag aralan yan bagkus sa lakas ng loob, tibay ng dibdib, at pagsusumikap. Nga lang, nasadlak sya sa pinakamaling desisyon nya sa buhay.... ayoko nang ikwento... namumuo lang ang poot at galit nya sa buhay.
Hanggang sa dumating ang panahon na naisip nya ang isang katotohanan... para saan ang lahat ng ginagawa nya? Sa huli mag isa lang sya, walang karamay sa lungkot at ligaya nakakapagod na.....Nagkaron naman sya ng katuwang pero mga maling tao pala... sa huli sakit sa puso lang ang iniwan nila, sa huli naiwan syang mag isa.
Kaya wag magtaka kung hindi sya marunong humingi ng saklolo. Wag mag magtaka kung mapagtiis sya sa sakit na nararamdaman nya. Wag magtaka kung todo bigay sya magmahal. Wag magtaka kung bakit may katigasan din ang ulo nya..... Kung inyong mamarapatin patawarin at intindihin nyo na lang sya. Dahil lahat ng hirap, at sakit sa buhay ay kinaya nya mag isa.
Ngayon irog ko, tanging dalangin ko lang sa Maykapal, na sana wag mo din akong lisanin kahit gaano kahirap. Maging totoo ka lang at maging tapat. Dahil sa mga nakaraan ko may ibang mga lalaki na kumagat. Sana maging sapat ako sayo, at hindi sa iba maghangad. Dahil kung magkagayon sayo na lang ang puso ko dahil hindi ko na gagamitin pang muli yan.... Pipiliin na lang tumanda mag isa dahil dun naman nagsimula ang lahat....
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Pang Anim na Pahina (Pangungulila)
Ngayong araw giliw, lubos akong nangungulila. Sabik sa yakap, halik mo'y inaalala. Mga kilos mong nagsasabi na "Mahal kita" bawat dulo ng tahanan ika'y nakikita.
Agwat nating dalawa ay hindi biro, nakakabaliw. Sanay naman akong mag isa, ngunit iba ka giliw. Hinahanap hanap kita saan man ako tumingin, sa bawat pasilyo at lugar na pinuntahan natin.
Hanggang kailan mo ako itatago sa dilim? Hanggang sa puso ko'y madurog? Hanggang sa ako'y lisanin? Sa liwanag hangad ko'y mahayag sa ng langit, maging sa kailaliman nitong ating daigdig.
Isang dula dulaan na tigib ng pighati, sa saliw ng kundimang luha ang hatid. Matayog na bituin ang nais kong marating, hagdan ko'y papel, pangarap ko'y nakaguhit sa hangin.
Ngunit....
Tumblr media
Liwanag ay sasapit, dapit hapon ay darating. Mapait na gunita'y mawawaglit sa isang saglit. Huni ng musikang ubod kaytamis, ang syang aaliw sa pusong umiidlip.
Dinggin ang tinig ng tulang sinasambit, pag asa ang muli nitong hatid. Sugat ay hihilumin, papawiin ang sakit. Muling matitikman ang langit sa isang halik.
Bumalik ka na agom.... iligtas mo ko sa aking sarili...
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Panglimang Pahina (Ligaya)
Tumblr media
Panulat ng manunulat na puno ng alaala Aliwin ang sarili, alalahanin ang simula. Dinggin ang dalangin, sariwain ang pangarap. Ginugunita kita agom, ikaw ang aking ligaya.
Sa una palang, alam kong ika'y natatangi. Hindi maihahambing, dikta ng puso at isip. Natuto muling huminga, na may kasamang ngiti. Ang puso ko'y sa'yo, ito'y mananatili.
Haplos ng iyong kamay, dulo't sa aki'y buhay. Walang maikumpara, ang pakiramdam ko ay tunay. Lambot ng iyong labi, init ng iyong katawan, yakap na nagsasabi na tunay mo akong mahal.
Sa umaga, dalangin ko'y huwag nawang matapos, manatili ang pag ibig, mahalin mo ng lubos. Sa gabi'y ikaw ang nais kong kasiping, hanggang sa pagtanda tanging ikaw lang ang iibigin.
Sinasamba kita, mabigat na salita kung iisipin. Pangalawa sa Maykapal, ikaw ang tunay kong pag ibig. Sa tuwi tuwina nangangarap ng gising, nangangarap na habangbuhay ka nang makapiling.
Mahal kita agom, ika'y natatangi. Diwa at puso ko'y wala nang hahanapin. Buhay ko'y sa'yo, tanggapin mo giliw. Buong lakas, buong kaluluwa kitang mamahalin. Hanggang sa pagtanda, magwakas man itong pintig.
Payaba ko ikang maray... ikaa buway ko
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Pang Apat na Pahina (Paglisan)
Indayog sa saliw ng malungkot na plauta. Pagtangis at luha ko'y di mo makikita. Musikang hatid ng mapait na harana, ang s'yang aaliw sa pusong may dusa....
Giliw pag ibig ko sa'yo ay sakdal, walang dungis. Natatanging pagsinta'y laging sambit. Maging sa aking paghimlay ika'y laging nasa isip. Kahit isang saglit, di nais mawaglit.
Nais kong balikan ang nakaraan, sa panahong kapiling ka sa gabi at araw. Hiling sa Maykapal na palagi kang ingatan... maging yaring ating pag iibigan.
Giliw, pwede bang wag ka na umalis? Pwede bang dumito ka na lang sa aking tabi. Ayoko nang mapag isa pakiusap giliw, wag mo akong iwan buong sidhing hiling
Ngunit alinsunod sa pagkakataon, takda ng tadhana ako'y sumang ayon. Bagama't mahirap mapalayo sayo, aking iinumin itong mapait na handog
Mahal, lagi mo sanang tandaan na wagas ang aking pagsinta. Walang makakapagpabago, hindi mawawala. Pagkatao ko ma'y madaming kapintasan, pag ibig ko sayo'y totoo at hindi matutumbasan.
Tumblr media
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Pangatlong Pahina (Unang Pagtatagpo)
Tumblr media
May saya sa sa puso ko na di maipaliwanag. Dahil sa ngayong araw, makikita na kita. Maagang bumangon dahil may ibang lakad pa, ngunit ang isipa'y nakatuon sa oras ng pagkikita.
Hindi na maitago ang pananabik. Nagmamadali, kahit ang aga pa sa tipanan natin. Hindi maikubli ang pagkasabik at saya sa aking pisngi. Bagama't may kaba, lakas loob kong pinilit, kahit matagal alam kong masusulit. Makita lang kita, parang nakita ko na ang langit.
At dumating na nga ang oras, ayan ka na sa aking harapan. Tila anghel ang aking nakikita, ako'y natigilan. Ayan ka na palapit sa akin, habang ako'y natutulala. Ngunit binitbit ko ang aking sarili para di mo mahalata.
"Ang ganda mo mahal", yun ang laman ng aking isip, kaba ko'y naparang noong humawak ka sa akin. Maikling dalangin na naibulong sa hangin, "Sa akin na lang sya, pakiusap lahat ay aking gagawin" at di naglaon ika'y napa-ibig din.
Mahal, ikaw ang aking unang totoong pag ibig, ikaw din ang huling pag ibig na nais ko kapiling... hanggang sa huli pangakong itatago ka sa aking lilim, iingatan kita at ang puso mo giliw
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Pangalawang Pahina (Unang Pag uusap)
Puno ng kaba itong dibdib, hindi alam kung ano ang unang salitang isasambit. Sinimulan sa pangangamusta at aking nabanggit, "may espesyal bang nangyari sayo sa araw 'to"? na may kasamang gulat sa sarili.
Tumblr media
Tumugon ka at sinabi "wala naman" sabay balik ng katanungan sa akin. Puno ng kaba itong dibdib, hindi alam kung anong isasambit, nang biglang nagkusa ang aking isip at namutawi.... "Meron, dahil ngayong araw, nakilala kita."
At nagsimula ang kwento ng pag ibig sa di inaasahang panahon, tadhana ang nag guhit, ng pagkakataon na di lubos maisip. Pag ibig na wagas ang parehong ninanais.
0 notes
vineze05 · 1 year ago
Text
Unang Pahina
Nagsimula ang lahat sa isang larawan. Sa unang tingin ako'y nabighani mo na. Mga matang nangungusap, labing mapula. Ang ganda mo giliw, ako'y nabihag mo na.
Ngunit sa isip ko'y mayroong pangamba. Dahil wala sa plano ko na umibig, ako'y sumuko na. Takot sa dibdib, ayaw nang masaktan. Subalit puso ko'y pawang may idinikta. "Bahala na si batman, sige...isa pa."
Sa hindi inaasahang pagkakataon, ako'y iyong napansin, ika'y tumugon. At doon nagsimula ang kwento ng pag ibig na pagsasaluhan ng dalawa, simula hanggang sa pag iisang dibdib, hanggang sa pagtanda ay mananauli bawat salita, parirala, tugma, at tula ay iaalay sa'yo aking bininbini.
Tumblr media
1 note · View note