whyrj
whyrj
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
whyrj · 6 years ago
Text
Pasko sa Pinas
Ano ba talaga ang Christmas o Pasko?
Tumblr media
Ito ba ay isang holiday lamang?  Sa bawat bansa sa mundo meron silang sariling version ng pasko at bawat isa ay rooted sa kultura at tradisyon ng bansa na iyon. sa buong mundo ang pasko or Christmas ay maraming mga kahulugan at sa bawat bansa iba ang pagcelebrate nito. Ang pinaka accepted at celebrated meaning ng pasko ay ang celebration para sa birth ni Jesus Christ at isang okasyon para makasama ang mga pamilya. Isa itong annual na festival na nagsisimula mostly sa December 25, at nagaabot ng 12 na mga araw upang matapos, ito ay naging popular sa mga iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa mga bansa kagaya ng America, Japan, England, at iba pa ang umpisa ng pasko ay sa December hangang January minsan, ito ay dahil sa mga lugar na iyon meron “snow” na isang malaking bahagi ng Pasko. Pati ang mga bansa na walang snow dahil sa ibang climate, makikita parin ang mga imahe at mga decorations kasama ang snow.
Tumblr media
Sa asia naman ang pasko ay may konting pagkakaiba, dahil iba ang relihiyon ng mga bansang Asia, kagaya ng Thailand, ang Christmas ay isang secular na event lamang, pero kahit ganon, makikita sa Asia ang mga decorations at mga festivities na ginaganap sa bansa, May mga christmas lights, mga statues, at malalaking Christmas tree na nasa mall o shopping center, dahil sa impluwesya ng western na kultura sa Asia, ang mga customs ay adapted at makikita na ang mga unibersal na symbol ng pasko ay matatagpuan sa Asia.Ito ay makikta sa mga decorations, sa musika at kahit saan. Ang “snow “ay isang unibersal na simbolo para sa pagdating at sa feeling ng pasko. Makikita na ang snow ay integrated sa mga kultura dahil sa mga lugar na meron snow may nagawa silang paraan upang magamit ang snow.
Sa Europa at mga Western na bansa ang ginagawa ng mga bata ay mahilig silang gumawa ng snowman at maglaro sa snow, sa bansang Canada nakakagawa sila ng matamis na treat o pagakain gamit ang snow at maple syrup. Ang pagbibigay ng mga regalo ay isa sa mga universal na symbol ng pasko, kahit saan ka pumunta meron silang own version ng pagbibigayan ng mga regalo sa isa’t –isa, nag papakita ito ng pagmamahal at tunay na damdamin ng isang tao para sa iba, maaari rin sa mga bata upang masaya sila, ang mismong purpose nito ay para magpasaya ng ibang tao at makapagbigay rin ng mga blessings sa tao o groupo ng tao na mahalaga sayo. Meron kasabihan na “ its better to give than to receive”  galing sa biblia.  
Tumblr media
Ang mga regalo ay galing sa biblia, dahil nagbigay ng mga regalo ang wise men kay Jesus Kristo, yung mga regalo nila ay ang ginto,Frankincense at myrrh, and Frankincense ay ginagamit sa mga simabahan para sa pagsasamba sa diyos, and myrrh ay ang papango na iginagamit para sa mga patay, sa mga regalo na ito maari natin makita ang mga ugat ng tradisyion at customs ng pasko. 
Si Jesus ay isang symbolo rin ng regalo na ibinigay ng diyos sa mundo, sinasabi sa John 3:16,  “ Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”. 
Ang ibigsabihin ba nito ay ang tunay na rason ng pasko ay ang Relihiyon lamang? Ang pasko nga ay maari galing sa relihiyon sa customs at tradisyion.  Celebrated ito para sa relihiyon noong unang mga Kristiano, pero maari rin gawin kultural na celebration ng mga may ibang relihiyonyo, at maari rin celebrate kahit sino dahil sa pagiging mismong tradisyon sa buong mundo at sa mga pahahon nagkakaroon ng iba’t –bang rason ang mga tao upang macelebrate ang Pasko. Ang mga symbolo ng pasko ay ang mga nilalang na naging assoiciated sa pasko, isa dito ay ang mga kwento tunkol sa isang lalaking matanda na namumuhay sa north pole at nagbibigay ng mga regalo sa mge bata tuwing pasko, si Santa Klaus, galing sa isang “Saint Nicholas” at naging isang urban legend sa America at ibang mga bansa, Ang  Krampus ay isang demonyo na lumlabas sa pasko para kainin ang mga masasamang bata, galing sa Slovenia, Austria, at iba pa.. Si 聖誕老人 (shèngdànlǎorén)  ay ang santa sa Taiwan at China, kamukha ni santa at kasama ang kaniyang dalawng babaeing kapatid . 
Tumblr media
Sa tagal ng panahon nagkaroon ng maraming pagbabago sa pagcelebrate ng pasko, maari ito ay may customs galing sa ibat’-ibang bansa na naghalo at maari ito ay may mga thema ng Christianity, secular, o kahit simple lng ang thema kagaya ng pagmamahal, sa ibang bansa ang pasko ay isang romantic na holiday. 
Maraming mga idea at mga implications ang pasko, Sa totoo maramng mga tao ang naghahanap ng totoong kahulugan ng pasko, makikita sa media kung gaano kalalam ang imprint o ugat ng pasko sa society natin, hindi lang sa ating bansa.  Ngunit ang Christamas ay mas mahalaga kaysa isang event lamang, hindi ito parang kaarawan  lamang, pero mayroon especial na feeling at saya na nararamdam ng mga tao, at nakikita naman na itong pasko ay talagang imprinted na sa kultura natin kahit saang bansa, sa mga kanta, mga pelikula, at mga handaan na ginagawa ng mga tao para lang maaring icelebrate itong Christmas. Maraming mga habits or tradisyons ay connected kahit ang iba talaga ng mga bansa sa isa’t isa. 
Tumblr media
Ang mga kulay na madalas gamitin para sa pasko ay pula, puti, at berde, madalas ang mga damit ay santa hat, mga bistida na pula, at mga damit na may kulay pula, puti, o berde, dahil dito ang mga pagkain din sa pasko ay may mga kulay na pula o puti o berde, halimbawa ang peppermint candy canes. Sa sobrang widespread ng pasko sa buong mundo ang daming mga memories o alaala and mga tao tungkol sa pasko, maari itong masaya o masama, pero magiging bahagi parati ang mga alala na iyon sa buhay nila, kaya ang mga iba’t –ibang mga bansa ay kahit sa isang araw lamang ay may especial na lugar sa mga puso nila para macelebrate ang holiday na ito.
Para sa akin, lumaki ako sa philipinas at sa una, noong bata pa ako wala akong masyadong nakikita na pagbabago o kakaiba sa pagcelebrate ng Christmas.  Naalala ko noong limang taong gulang palamang ako , ang saya ko dahil ang alam ko lang ay pasko na! mayroon ulit akong mga regalo at pagkasama na halos ang pamilya ko, may mga pagkain at magkasama lang kaming  nagcecelebrate sa bahay. Naalala ko yung umaawit ang mga bata sa labas, na namamasko at ang mga kanta nila ay tungkol sa pasko sa radyo. Hindi ko makakalimuatan ang mag laro na nilalro naming tuwing Pasko kasama ang mga pinsan ko, sapagkat ako ay mahilig mag-isa madalas sa bahay at mahiyain, ngunit tuwing pasko iba ang pakiramdam ko at hindi ko na nararamdam na mag -isa dahil uuwi na sina tita at tito, mga pinsan, at iba pang  mga myembro ng pamilya galing sa malalayong lugar, minsan sa probinsya o yung iba sa ibang bansa. Sa tuwing binabalikan ko yung mga alala ko tungkol sa pasko nung bata pa ako, narealize ko na wala pa akong masyandong naapreciate at marami ang nagbago habang tumatagal ang oras.
Tumblr media
 Kakaiba talaga yung pasko sa pilipinas kaysa sa mga ibang bansa, maraming mga tradisyon at kultura na hindi makikita sa ibang bansa, katulad ng pagsimula ng pasko, sa ibang bansa ang simula ay sa December, pero sa pilipinas ang simula ay maaga, sa september palang nagaayos at naghahanda na ang mga Filipino para sa pasko, tinatawag dito ay ber-months kasi malamig na ang panahon at ber ang salita na nasa dulo ng mga months hangang December, may countdown from September hangang December 25 at araw-araw may mga kanta napipatugtog kahit saan kang pumunta tungkol sa pasko. May mga advertisments sa nakikita na nagsasabi malapit na ang pasko, hindi ko masyadong naramdaman na para sa ibang mga tao galing sa ibang bansa kakaiba talaga ito. Naalala ko ang pagpupunta sa simbahan tuwing pasko sa gabi na hangang sa madaling araw, nagsisimba at nagporma para sa simbang gabi, sa  Catholic pala, pagmalapit na ang pasko maguumpisa na ang tawag na simbang gabi na ginaganap tuwing  December 16 hangang sa December 24 ng madaling araw.
Kalimitan dito nagaganap ang pagbonding ng mga kabataan na magkakaibigan at nagliligawan. Pagsapit ng pasko halos lahat ng mga tao ay masaya dahil hindi lang regalo ang binibigay, kungi pati ang ampao/ang pao/ang pow, ito ay mayroon maraming mga pangalan, pero ang ginagamit ay “ampao.” Ang ampao ay pera na nasa loob na pula na sobre galing sa tradisyion ng mga Chinese, sa China ang am pao ay mga pula na sobre na nilalaman ng pera at ibinibigay para magkaroon ng blessings at masayang buhay ang tao na ibinigyan, sa pilipinas, ito ay ibinibigay sa pasko o mga okasyon, sa pulang sobre katulad ng mga Chinese, maaring na impluwesya ang mga Pilipino dahil kalapit lang ng China sa bansa at sa mga taong Chinese na naglipat sa piilipinas noong dating panahon. 
Tumblr media
Ngayon may maraming Chinese na tradisyon na nalipat at malalim na natubo sa Philippines.
 Pinapakita ang respeto sa mga matatanda, kahit hindi kilala ay nagmamano. Ang magmamano ay isang gesture of respect sa pilipinas, ang mga masbata ay kukunin ang kamay ng masmatanda at ilalagay sa noo niya, isang simbolo ng respect sa bansa, lalo na sa mga matatanda sa pamilya. Nagbabati rin ng merry Christmas sa bawat isa, kahit sa mga taong hindi kilala. Isang magandang kasabihan at greeting para sa lahat ng mga tao na nagcelebrate ng Christmas, minsan ay may kasamang “at happy new year “ kasi sa lapit ng pasko at new year sa isa’t isa.  Dito rin nangyayari ang pagkakasundo ng mga nag-aaway dahil sa pasko ay dapat ay mag bigayan at magmahalan sa bawat kapwa, ito rin ang panahon upang magbigay at magtulong sa isa’t isa, may mga programa na nagaayos ng mga Charities at ng organisasyon na nagbibigay ng mga regalo at mga panagnagilangan na mga bagay sa mga taong mas mahirap tuwing pasko, makikita sa mag tv programs at mariring ang mga kwento tungkol doon sa mga nabibigyan ng tulong sa pasko. Pero hindi lahat ay may kayang magbigay dahil maraming mga tao sa Pilipines ay hindi mayaman o walang pera, kaya may mga tao, halos mga niniong at ninang, ang nagtatago sa mga inaanak nila.  
Tumblr media
Ang mga ninong at ninang ay sa Ingles ay  godmother and godfather , sila ang  may responsibilidad na magbigay sa mga inaanak or godchild nila tuwing pasko, at ginawang biro rin  sa pilipinas na tuwing pasko maraming magtatago dahil wlang pera na maiibibigay sa mga inaanak.  May isang kwento ako tungkol sa sarili kong naranasan sa pasko noong bata pa ako, kung saan tumatakbo pa kami ng mga pinsan ko naguunahan makapunta sa bahay ng ninong namin, para mabigayan kami ng “am pao”.  
Ang mga pagkain sa pasko ay ang aking paboritong bahagi sa pasko, Sa pilipinas hindi gumagawa ng mga maple syrup na snow treats, o mga fast food , sa philippinas ang pagkain na ihinahanda ay bonga at marami kaysa sa mga ibang bansa. Ang halos ginagawang handaan sa pagkainan ay mga lutong iba’t –bang putahe ng pagkain, kagaya ng tinolang manok, buong manok na pinirito, fruit salad, graham cakes, suman at kalamay, puto bongbong, bibingka, at litson, queso de bola,  Christmas ham,  at leche flan. Ito ay ang mga halimbawa ng mag pagkain na makikita sa la mesa tuwing pasko.
Tumblr media
Ang queso de bola ay galing sa Spanish na word na ibig sabihin sa Ingles ay ball of cheese, ito ay queso na hugis bola at parte ng noche Buena, noche Buena ay Spanish para sa “good night” at sa gabi ginaganap, sa December 24 halos. Ito ang masasabing feast o pyesta na ginaganap bago magpasko. 
Mayroon din mga tradysion na hindi ko masyadong naiintindihan, kagaya ng paglalagay ng mga bilog na prutas sa bintana ng mga bahay, na sabi daw para dumating ang maraming grasya o gaganda ang buhay. Sa pagaaral ko sa pasko dito sa pilipinas,  marami akong nakita na mga superstitious beliefs na hindi ko alam o namamalayan ginagawa ko, kagaya ng pagpapaniwala sa new year pagtumalon ay tatangkad, o sa pasko na meron santa claus na magbibigay ng mga regalo, hindi namalayan na galing pala sa kultura ng mga ibang bansa noong nacolonize yung Philippines at nagging bahagi na ng mga paniniwala sa bansa. Ang musika at mag pagkakanta hindi mawawala sa pasko, maliban sa mga Christmas songs na pinapatugtog, meron din mga nagkakanta sa labas ng bahay upang mabigyan ng pampasko o pera, ito ay parang exchange gift situation, ang regalo na ibinibigay nila ay ang espiritu ng pasko sa pagkakanta at ang pera na maiibibigay ay regalo din, para sa akin mayroon saya at peace pagnaririnig ko ang mga kumakanta sa labas ng bahay, sa pamagitan nito nagkakaroon ng saya at unity sa communidad.
Tumblr media
 Ibig sabihin ba ang pasko sa pilipinas ay ang pasko lamang na tunay at maaring masaya lang dito, Hindi! sa aking palagay. kasi  sa bawat bansa may sariling uri ng masayang holiday at sariling paraan upang icelebrate ang pasko, lahat ay may mahalagang lesson at meaning. Ang pasko ay hindi lang religious o romantic o family tradisyion, kundi maraming mga paraan na celebrate ito na hindi kailangan sobrang bonga ang magagawa o hahanda. Isang especial na panahon sa puso at buhay ng mga tao kahit saan. kahit hindi naman ako sobrang nagcelebrate ng pasko, hindi ko masasabi na hindi bahagi ng buhay ko ang pasko, hindi ko rin masasabi na hindi para sa akin ang pasko, dahil kahit masgusto kong mag-isa at  ramdam minsan na out of place ako, mahalaga ang pasko sa akin, ngayon nakikita ko kung ano talaga ang halaga nito sa tao at kung bakit ang laki ng pagpapahalaga  ng mga Pilipino ang pasko. 
Tumblr media
Hindi lang mailalagay ang pasko sa isang kahulugan o idea, ngunit ang pasko ay may iba’t-ibang kahulugan para sa bawat isa. Ang pasko talaga ay nagpapalabas ng puso ng mga tao para sa kapwa tao, panahon upang makasama ang mga minamahal sa buhay at para mawala kahit saglit ang mga problema at mga hirap ng buhay. Ngayon na napagaralanl ko yung totoong dahilan at kahulugan ng mag tradisyon ng pasko, lumalawak ang pagkaintindi ko sa pasko at humahanga ako sa kultura ng pilipinas. Kaya ang diwa ng pasko ay ibang iba sa pilipinas at napakahalaga sa bawat puso ng pilipino. Masaya ako na nalaman ko talaga ang ibig sabihin ng mga tradisyon at mga kultura sa Philippines tuwing pasko, sana hindi magbabago  ng sobra o mawawala ang mga ito kahit gaano kabilis ang pagbabago ng mga tao at ng mundo, sana matitira parin sa puso ng bawat Pilipino.
Tumblr media
2 notes · View notes